Uploaded by Gia Morales

CS-PH-PH103.-RODRIGUEZ A-B-2019-2

advertisement
Ph 103
Pilosopiya ng Relihiyon
Agustin Martin G. Rodriguez, PhD
Ph 103 B
Dapat Nakakuha ng Ph 101
3 units
Kargawaran ng Pilosopiya, School of Humanities, Pamantasang Ateneo de Manila
9:00-10:00 NU, L-M-B, CTC 105
arodriguez@ateneo.edu
(0917) 8317977
Oras ng Pakikisangguni: L-M-B 11:00-12:00 NH sa Kagawaran ng Pilosopiya
PAKSA NG KURSO
Kritikal na pagsusuri sa karanasang relihiyoso, mga argumento sa pag-ral ng diyos, at
isang penomenolohiya at metapisika ng pag-asa ang kursong ito.
Upang ito’y maisatupad, pagmumunimunihan ang katahimikan ng Diyos. Mahalagang
isagawa ang ganitong pagmumunimuni dahil nananaig ang praktikal na ateismo sa
ating panahon. Mulat man o hindi, nahihirapan ang taong tanggapin ang katotohanan
na merong Diyos at nararapat na buuin ang buhay sa presensiya ng Banal. Masasabi
natin na nakaugat ang kasalukuang pagtanggi sa katotohanan ng banal sa karanasan ng
katahimikan ng Banal. Kung nais ng taong maunawaan ang posibilidad ng pagiging
relihiyoso sa kasalakuyang karanasan ng katahimikan ng banal, kailangang unawain
ang posibilidad ng pananalig sa panahon ng pananaig ng tao sa sanlibutan.
Samakatuwid, isang pagmumunimuni sa posibilidad ng pananalig sa kasalukuyang
pagsasakasaysayan ang kurso. Maisasatupad ang pagmumunimuning ito sa
pamamagitan ng pag-uunawa sa posibleng ugat ng katahimikan ng banal. Susuriin dito
ang karanasan ng Banal bilang ganap na kaiba at bilang persona. Sa paggabay ng mga
pilosopo mula sa iba’t ibang tradisyon, susubukang bigkasin sa kurso ang
mahahalagang tanong na magiging batayan ng isang mulat na pagtanggap o pagtanggi
sa Banal.
Pakay ng Kurso
Sa wakas ng kurso, dapat makakayahan ng studyanteng:

Mapaliwanag ang mga posibleng kahulugan ng relihiyon at panananalig galing
sa mga pilosopong tatalakayin sa klase;

Mapaliwanag ang posibleng ugat ng ateismo batay sa kasulatan ng mga
pilosopong tatalakayin sa klase;

Matalakay sa pabigkas na pagsusulit ang pilosopikong tradisyon ng pagtalakay
sa banal bilang sumasaibayo sa katwiran at pag-uunawa;

Magbuo ng pilosopikong panindigan sa pagkamakatwiran ng ateismo at
panananalig sa banal bilang mahalaga at ultimong posisyon ng tao.
Balangkas ng Kurso
I.
Pambungad (Linggo 1)
Sa bahaging ito, pagmumunimunihan ang kahulugan ng ateismo sa ating
kapanahunan. Susuriin kung ano-anong uri ng pagiging ateista kasama na ang
pagiging taong may pananalig subalit maituturing atenista. Itatanong sa bahaging
ito ang halaga ng tapat na pananalig o pagtanggi sa banal.
II.
Ang Katahimikan ng Banal (Linggo 2-3)
Sa bahaging ito susuriin ang pagtanggi sa Diyos ng kontemporaryong ateismo.
Susuriin dito ang pagdiriwang ng mga eksistensiyalista sa pagdating ng tao sa
kanyang kaganapan—isang kaganapang nakaugat sa pagtuklas sa absurdong tao.
Pagmumunimunihan dito ang tawag ng mga ateista sa pagiging malaya at sa pagako ng tao sa kanyang sariling pagpapatupad ng sarili. Tatalakayin ang eksistensiyal
na ateismo bilang isang pagdiriwang sa pagdating ng tao sa kanyang tunay na
kapangyarihan.
A.
B.
C.
D.
Eksistensiya Bago Esensiya
Ang Taong Absurdo at Ang Pagdiriwang sa Kalayaan
Ang Pananalig Bilang Pagtanggi sa Kalayaan
Hindi Kailangan ng Isang Diyos
Mga Babasahin:
III.
Albert Camus, “Mythof Sysyphus,”
Jean Paul Sartre, “Existentialism”at
Franz Kafka, “Three Parables,” sa Walter Kaufman,
Existentialism from Dostoevsky to Sartre
Ang Ganap na Kaiba (Linggo 4-5) (Unang Pagsusulit Linggo 4)
Sa bahaging ito ng kurso, pagmumunimunihan ang pinakabatayang karanasan ng
tao sa Banal. Titignan dito ang antropolohiko/pilosopikong pagmumunimuni sa
mga sinaunang karanasan ng tao sa ganap na Ka-iba. Tatalakayin ang banal bilang
Mysterium Tremendum Fascinosum at bilang sentro ng pag-iral. Tatalakayin rin ang
karanasan ng banal na panahon at kalawakan, heiropaniya at ang nakalululang
presensiya ng Banal.
A.
B.
C.
D.
E.
F.
G.
H.
I.
Ang Karanasan ng Banal na Panahon at Kalawakan
Ang Paghahagilap sa Sentro ng Pag-iral
Ang mga Sentro ng Sekular at Relihiyosong Tao
Ang Sentro Bilang Kaganapan ng Meron
Ang Banal at Ganap na Kaiba
Ang Ganap na Kaiba at Ang Ganap Nitong Kapangyarihan
Ang Banal Bilang Di-maiuwing Hiwaga
Ang Banal Bilang Kanais-nais
Ang Buhay na Diyos at Ang Diyos ng mga Propeta
Roque J. Ferriols, Unang Kabanata, Pilosopiya ng
Relihiyon
At piniling babasahin sa
Eliade, The Sacred and the Profane
Rudolf Otto, The Idea of the Holy
Dagdag na Babasahin:Loreena Mckennit, “The Dark Night of the Soul”
St. John of the Cross, “Spiritual Canticle”
Bibliya, “Song of Songs”
Mga Babasahin:
IV.
Ang Banal at Ang Katwiran (Linggo 6-7) (Ikalawang Pagsusulit Linggo 7)
Sa bahaging ito, tatalakayin ang pagsisikap ng mga pilosopong patunayan ang pagiral ng Diyos batay sa katwiran lamang. Sa pagmumunimuning ito, ipapakita kung
papaano nagkukulang ang purong katwiran sa pakikitagpo sa bahal at kung ano ang
tunay na halaga nito sa karanasang banal ng tao.
A. Ang Patunay ni Anselmo
B. Ang Pagkukulang ng Katwiran
C. Ang Puso Bilang Landas
Babasahin:
V.
Anselm, “Proslogion”
Ang Ganap na Kaiba at Ang Posibilidad ng Pakikitagpo sa Kaiba Bilang Kaiba (Linggo 8) (Ikatlong Pagsusulit Linggo 9)
Sa bahaging ito pagmumunimunihan ang pilosopiya ni Emmanuel Levinas ukol sa
banal bilang ganap na Ka-iba. Dito pagmumunimunihan ang pagnanais ng tao na
iuwi ang kaiba sa katulad at ang pakikitagpo sa Banal bilang tagapagyanig ng
kapayapaan kung saan ang iisang tugon ay walang-hanggang pananagutan.
A.
B.
C.
D.
E.
VI.
Ang Kapayapaan ng Totalite
Ang Pagsingit ng Walang-Hanggang sa May-Hangganang Totalite
Ang Ka-iba Bilang Tagapagyanig ng Kapayapaan
Ang Ka-iba Bilang Ganap na Ka-iba
Ang Pakikitagpo sa Ka-iba sa Walang-Hanggang Pananagutan
Mga Babasahin
Emmanuel Levinas, “On the Trail of the
Dagdag na Babasahin
Emmanuel Levinas, “Phenomenon and
Enigma”
_____________, “God and Philosophy”
Other”
Ang Komunyon bilang Batayan ng Katiyakan at Pag-asa (Linggo 9-11)
Sa bahaging ito, pagmumunimunihan ang batayan at karanasan ng pananalig at
pag-asa. Dito makikita ang posibleng batayan ng katiyakan na Meron nga ang Diyos,
i.e. ang kilos ng pagkamatay sa sarili at pagtatalaban ng presensiya ng persona sa
persona. Sa pamamagitan ng pagmumunimuni ni Marcel, makikita ang
pilosopikong kahulugan ng pakikitagpo ng persona sa Banal na persona at sa mga
may hangganang persona.
A.
B.
C.
D.
Ang Kadiliman ng May-hangganang Pag-iral
Pag-asa Bilang Pasensiya at Ang Pagsuko ng Ego Bilang Sentro
Pag-asa Bilang Pagbubukas sa Walang-Hanggan
Pagbubukas at Katiyakan
Babasahin
Gabriel Marcel, “A Sketch for a
Metaphysics and Phenomenology of Hope”
VI. Mga Huling Pagmumunimuni (Linggo 11) (Huling Papel Linggo 12)
Batayan ng Grado
Bubuuin ang grado ng dalawang bahagi:
Marka sa Klase = 2/3
Na binubuo ng mga sumusunod:
Tatlong Mahabang Pagsusulit na may dalawang bahagi
Balangkas ng Babasahin
(5 % ang bawat isa) 20%
Pagmumunimuni sa Babasahin
(15% ang bawat isa) 60%
Isang pangwakas na pagmumunimuni
20%
Ang pangwakas na pagmumunimuni ay isang papel na isusulat
batay sa tatlong paraan na ito:
 Isang pagmumunimuni sa nobela
o Batay sa listahan na ibabahagi ng guro
o 4-6 na pahinang pagsusuri sa ano mang
aspeto ng nobela mula sa pilosopikong
balangkas na ginamit sa klase
 Isang pagmumunimuni sa rituwal
o Ano mang rituwal ng isang naitatag na
relihiyon na kaya ng estudyanteng saksihan
at saliksikin
o 4-6 na pahinang pagsusuri sa ano mang
aspeto ng rituwal mula sa pilosopikong
balangkas na ginamit sa klase
 Isang pananaliksik sa pilosopikong paksa
o
5-8 pahinang papel batay sa ano mang
paksang pilosopiko na tinalakay ng ano
mang pilosopong ginamit sa klase
Marka sa Huling Pabigkas na Pagsusulit = 70%
Ang Kahulugan ng Grado
4 =A =
May mahusay na pag-uunawa at paglahad sa paksa.
May pagtagos sa pinakabuod ng inilalahad ng paksa at may
sariling pagsilip sa katotohanan nito.
3.5 = B+ =
May mahusay na pag-uunawa at paglalahad sa paksa.
May pagtagos sa pinakabuod ng inilalahad ng paksa.
3 =B =
May mahusay na pag-uunawa at paglalahad sa paksa.
May nakikita na dapat pang sisirin.
2.5 = C+ =
May pag-uunawa sa paksa at nailahad ng maayos.
2
May pag-uunawa sa paksa at nasagot ang tanong.
=C =
1
= D =
May nasabi subalit wala pa talagang
pagmumunimuni.
0
=F =
Walang pagmumunimuni. Hindi naunawaan ang
paksa o hindi natarok ang tanong.
Huling Marka
A
B+
B
C+
C
D
F
Batayan
3.80 to 4.00
3.50 to 3.79
3.00 to 3.49
2.50 to 2.99
2.00 to 2.49
1.00 to 1.99
0.00 to 0.99
MGA PATAKARAN SA KLASE
 Pinahihintulutan ang 9 (MWF) na liban sa klase. Ang pagpasok 10 minuto
pagkatapos ng takdang oras ng pagpasok ay bibilangin bilang pagliban.
 Dahil nakastruktura ang klase sa pagdidiskurso na magbubunga ng karunungan,
pinahahalagahan ang pagbabahagi ng pagmumunimuni ng mga mag-aaral.
 Ang ano mang tanong ay maaaring itanong sa klase. Walang tangang tanong
basta’t pinayayaman nito ang talakayan.
 Ang mahuhuli sa pagbigkas na pagsusulit ay bibigyan ng grado batay sa
nalalabing panahon. Ang hindi dumating ay makatatanggap ng F.
 Kung may papel na pinasulat sa labas ng klase, kailangan itong ibigay sa loob ng
kolase. F ang grado ng mahuhuli.
 Pahihintulutan ang make-up exam para sa mga hindi nakakuha ng pagsusulit
subalit ang mga pagsusulit na ito’y mas mahirap kaysa sa pagsusulit na ibinigay
sa takdang klase. Kailangan itong maisagawa isang linggo matapos ang
nakatakdang panahon ng pagsusulit.
 Bawal ang pagggamit ng cellphone sa ano mang paraan sa loob ng klase maliban
na lang kung may pahintulot ng guro.
Mga Libro Para sa Huling Papel:
Dillard, Annie. Holy the Firm. Harper Perennial.
Green, Graham. The End of the Affair. Penguin Classics.
_________. The Power and the Glory. Penguin Classics.
Pineda, Macaro. Ang Ginto sa Makiling at Ibang mga Kuwento ni Macario Pineda, QC:
Ateneo de Manila University Press, 2001
Mga Basabahin
Ferriols, Roque J. Pilosopiya ng Relihiyon. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press, 2014.
Sartre, J.P. “Existentialism.” sa Existentialism and Human Emotions. New York: Carol
Publishing Group, 1990.
Kafka, F. “Three Parables,” sa Kaufman, W. Existentialism from Dostoevsky to Sartre. New
York: New American Library, 1975.
Eliade, M. “Sacred Space and Making the World Sacred,” The Sacred and the Profane: The
Nature of Religion. New York: Harcourt Brace Jovanovich, Publishers, 1959.
Otto, R. “Chapters 2 to 6.” The Idea of the Holy. London: Oxford University Press, 1958.
Levinas, E. “The Trace of the Other.” Lingis, A. (Trans). in Deconstruction in Context,
Taylor, M. (Ed). Chicago: University of Chicago Press, 1986.
Emmanuel Levinas, “God and Philosophy,” The Levinas Reader. Oxford: Blackwell, 1989.
Gabriel Marcel, “Balangkas ng Isang Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-asa,” sa Ferriols,
Roque J. Pilosopiya ng Relihiyon. Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2014.
Dagdag na Babasahin
Derrida, J. “Desistance.” sa Psyche: Inventions of the Other Vol. I. Hamacher, W. (Ed.).
(Stanford: Stanford University Press, 2007)
__________. “Envoi.” sa Psyche: Inventions of the Other Vol.II. Hamacher, W. (Ed.).
(Stanford: Stanford University Press, 2007)
__________. “How to Avoid Speaking: Denials” sa Psyche: Inventions of the Other Vol. II.
Hamacher, W. (Ed.). (Stanford: Stanford University Press, 2007)
Jerolmack, C. and Porpora, D. “Religion, Rationality, and Experience: A Response to the
New Rational Choice Theory of Religion.” Sociological Theory, Vol. 22, No. 1,
Theories of Terrorism: A Symposium (Mar., 2004), pp. 140-160
Download