Uploaded by kent allen

PILING-LARANG-W5W61

advertisement
Member 1
Member 5
Ang pagsulat ng liham ay isang paraan
ng pakikipagtalastasan o
komunikasyon sa isang tiyak na pinaguukulan sa pamamagitan ng mga
salitang nakalimbag o nakatitik.
Ang liham ay isang mabisang
paraan ng komunikasyon dahil
dito nakapaloob ang iyong
mensahe sa padadalhan mo nito.
Member 4
LIHAM PANGNEGOSYO
Member 5
Karaniwang isinusulat ang mga liham
pangnegosyo para sa mga tao sa
labas ng organisayon o kompanya.
May iba’t ibang sitwasyon na
sinasaklaw ang liham pangnegosyo:
May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw
ang liham pangnegosyo:
1. Paghahanap ng trabaho;
2. Paghingi ng impormasyon;
3. Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw;
4. Promosyon ng mga ibinebenta at/o serbisyo;
5. Pagkalap ng pondo;
6. Pagrerehistro ng mga reklamo;
7. Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga
patakaran o sitwasyon;
8. koleksiyon ng mga bayad;
May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw
ang liham pangnegosyo:
9. pagbibigay ng instruksiyon;
10. pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o
pagkalugod;
11. pag-uulat tungkol sa mga aktibidad;
12. pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe;
13. pag-aanunsiyo;
14. talaan o record ng mga kasunduan;
15. follow-up tungkol sa mga usapan sa telepono; at
16. pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal
Member 1
ELEKTRONIKONG
LIHAM O E-MAIL
Sa pamamagitan ng elektronikong liham,
nakapagpapadala ng mga liham, memo, at
iba pang dokumento mula sa isang
kompyuter papunta sa isa pa gamit ang
serye ng mga network ng kompyuter.
Member 4
Member 5
Milyon-milyon ang gumagamit ng e-mail ngayon
dahil sa bilis ng pagpapadala at kombinyente
ito lalo na ang pagpapalitan ng maikling
mensahe ng mga tao na may takdang usapan o
paksa o nakikipag-ugnayan sa isa’t isa tungkol
sa pang-araw-araw na gawain.
LIHAM PANGNEGOSYO
Thank You
Ang liham pangnegosyo ay isang pormal
na sulatin na kadalasang ipinapadala ng
isang entidad, tao, grupo o kompanya.
Higit na pormal ito sa kaysa sa isang
personal na sulatin.
Member 4
Member 5
Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo,
nararapat na sundin ang karaniwang
pormat na margin na isang pulgada (inch)
sa bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang
isinusulat sa 8 ½ “x 11” na bondpaper.
Anim na bahagi ng isang Liham na Pangnegosyo
1. ULONG-SULAT
--Matatagpuan dito ang pangalan,
lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa
ahensiyang pagmumulan ng liham,
kalimitan itong nagtataglay ng logo ng
nasabi.
Member 4
HALIMBAWA:
Member 4
2. PAMUHATAN
Member 5
Ang pamuhatan ay mula sa salitang ugat
na “buhat”, ibig sabihin, pinagmumulan o
pinanggagalingan. Nagtataglay ito ng
adres ng nagpapadala ng liham na
kadalasang nasa dalawa hanggang tatlong
linya lamang.
PAMUHATAN
Sahuling linya ng bahaging ito inilalagay ang
petsa. Maaari ding magdagdag ng isa pang
linya matapos ang adres o bago ang petsa,
para sa bilang ng telepono, numero ng fax,
adres ng e-mail, o iba pang kahalintulad ng
mga ito.
Member 4
Member 5
Hindi na kailangan ilagay ang pamuhutan
kung ang ginagamit na papel ay ang
tinatawag na stationery na may nakalimbag
nang pamuhatan at/o pangalan ng
kompanya. Ngunit laging nilalagyan ng petsa
ang liham pangnegosyo.
•Halimbawa,
3. PATUNGUHAN
Member 5
Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng
liham sa salitang “tungo” o ang pupuntahan,
patutunguhan, o padadalhan ng liham.
Samakatwid, ito ang adres ng pinapadalhan ng
liham. Kompletuhin ang adres na ito at isama
ang mga titulo at pangalan ng padadalhan ng
liham.
Laging itong nasa kaliwang bahagi. Mahalaga ang
patunguhan upang matukoy ang pinadadalhan ng
liham kung sakaling magkaroon ng isra ang sobre o
kung sakaling hindi mabasa ang adres. Mag-iwan
ng isang linyang espasyo sa pagitan ng pamuhatan
at patunguhan. Maglagay rin ng isang linyang
espasyo bago ang pagbati.
Member 4
•Halimbawa,
4. BATING PAMBUNGAD
Member 5
Laging pormal ang bating pambungad sa
isang liham pangnegosyo. Karaniwang
nagsisimula sa mga salitang “Mahal na”
na sinusundan naman ng apelyido ng taong
sinusulatan. Karaniwan ding may titulo ng
taong pinadadalhan ng liham
Ang titulo ay maaring simpleng G. (Ginoo), Gng.
(Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong titulo
sa propesyon o katungkulang hawak ng taong
pinadadalhan, halimbawa, Prop. (para sa
Propesor) o Dr. (para sa Doktor). Ang bating
pambungad sa liham pangnegosyo ay laging
nagtatapos sa tutuldok (:), hindi sa kuwit (,).
Member 4
•Halimbawa,
5. KATAWAN
Member 5
Nasusulat bilang teksto o talata ang
katawan ng liham pangnegosyo. Tandaan na
hindi ito isinusulat-kamay, palagi itong
typewritten o computerized. Depende sa
estilo ng liham na iyong gagamitin,
maaaring may indensiyon ang mga unang
linya ng mga talata.
Ano pa man ang pormat, maglaan ng
isang linyang espasyo sa pagitan ng
bawat talata, sapagitan ng pagbati at
ng katawan, at sa pagitan ng katawan
at ng pangwakas.
Member 4
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katawan ng
liham pangnegosyo:
1. Sa unang talata ng katawan ng liham, nararapat na malinaw
na ipahayag ang punong diwa at buod ng nais sabihin.
2. Maging magalang
3. Iwasan ang paggamit ng nananakot na pananalita
4. Iwasan ang pagbibigay ng mga negatibong mungkahi.
5. Iwasan ang paggamit ng walang kaugnayan at di- mahalagang
pananalita.
6. Iwasan ang paggamit ng panghalip sa unang panauhan lalo na
sa unang pangungusap o talata ng katawan ng liham.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katawan ng
liham pangnegosyo:
7. Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang mga
pangyayari at/o magbigay ng mga katibayan hinggil sa
pangyayari o usapin.
8. Sa huling pangungusap ng liham, sinasabi ang aksiyong
dapat gawin sa mapitagang pamamaraan.
•Halimbawa,
6. PAMITAGANG PANGWAKAS
Member 5
Isa itong maikling pagbati na nagpapahayag ng
paggalang at pamamaalam. Ito ay nagtatapos
ng kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid
(margin) ng liham, depende sa pormat na iyong
pinili. Madalas na ginagamit ang block style na
pormat dahil hindi na nito kinakailangan ang
anumang indensiyon sa buong liham.
•Halimbawa,
7. LAGDA
Maglaan ng dalawang linyang espasyo
bago ilagay ang pangalan ng taong
lalagda. Kadalasang kasama rito ang
panggitnang inisyal ng pangalan,
bagaman hindi naman laging
kinakailangan.
Member 4
•Halimbawa,
DALAWANG
PANGUNAHING
PORMAT NG LIHAM
Thank You
ANYONG BLOCK/ GANAP NA BLAK (Block Form)
Member 5
Lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa
katawan.
ANYONG MAY INDENSIYON (INDENTED FORM)
Nakapasok ang unang salita sa bawat talata at
ang patunguhan ay nasa kaliwang bahagi. Nasa
kanan naman ang pamuhatan at pamitagang
pangwakas.
HALIMBAWA
PIGURA 1. ANYONG BLOCK
PIGURA 2. MAY ULONG SULAT
PADRON NG LIHAM
PANGNEGOSYO
PIGURA 3. ANYONG
INDENTED
Thank You
MGA KATANGIANG
DAPAT TAGLAYIN NG
MABISANG LIHAM
PANGNEGOSYO
1. Malinaw ngunit magalang. Kailangang
malinaw ang layunin at maingat ang
pananalita sa liham pangnegosyo. Gumamit
ng pormal na pananalita at iwasan ang
maging personal ang pakikipag-usap sa
liham.
Member 4
Member 5
2. Maikli ngunit buong-buo. Hindi dapat
maging mahaba ang liham pangnegosyo
dahil may mahalagang tungkulin at
transaksiyong nakapaloob dito na
kinakailangan ng agarang aksiyon. Maging
tiyak sa gamit ng mga salita.
3. Tiyak. Kailangang tiyak at tama ang
detalye ng isusulat sa isang liham pangnegosyo.
Beripikahin ang kawastuhan ng mga detalyeng
babanggitin. Huwag nang isama ang hindi
mahahalagang detalye o mga bagay na walang
kaugnayan sa kasalukuyang inihahain sa liham.
Member 4
4. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa.
Member 5
Palaging isaalang-alang ang etika. Etika ang
pamantayan ng lipunan sa kung ano ang tama
o mali. Iwasang may mapahamak na tao o
may pangalang masira. Maging maingat sa
mga pahayag.
5. Wasto ang gramatika. Nararapat na tama ang
gamit ng mga salita, sapagkat ang maling gamit na
salita ay maaring magdulot ng ibang kahulugan, at
kalaunan ay hindi pagkakaunawaan sa nilalaman at
mensahe ng liham. Tiyakin ding tama ang pagkabuo
at pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap para
sa tamang pag-unawa ng mambabasa.
Member 4
6. Maganda sa paningin. Sa unang tingin pa
Member 5
lamang ng mambabasa, nararapat na
maganda na ang liham. Nararapat din na
malinis ito, walang bura o alterasyon sa
anumang bahagi, at wala rin dapat itong
anumang dumi. Maayos dapat ang pormat
nito, blocked man o indented.
MEMORANDUM
O MEMO
Thank You
Member 5
Ang memo ay karaniwang isinusulat para sa
mga taong nasa loob ng isang organisayon
o kompanya. Gayunman, may mga memo
rin na ipinapadala sa labas ng kompanya o
organisasyon sa pamamagitan ng e-mail o
kaya ay telefax.
Narito ang mga gamit ng memo:
1. Paghingi ng impormasyon;
2. Pagkompirma sa kumbersasyon;
3. Pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong;
4. Pagbati sa kasamahan sa trabaho;
5. Pagbubuod ng mga pulong;
6. Pagpapadala ng mga dokumento; at
7. Pag-uulat sa pang araw-araw na gawain.
Bagaman halos katulad din ng sa liham
pangnegosyo ang mga paksang tinatalakay
sa memo, maraming panloob na ulat ang
isinusulat sa anyong memo tulad ng ulat sa
paglalakbay(trip report), at maiikling
proposal.
Member 4
PAGSULAT NG
MEMORANDUM
Thank You
Ang memorandum o memo ay karaniwang
ipinapadala ng isang boss o may mas nakatataas
na tungkulin sa mga nakabababang kasamahan
sa trabaho. Ang mga layunin ng isang
Member 5
memorandum ay upang paalalahanan ang mga
empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan, o
bagong usapin o tuntunin sa trabaho.
Layunin din nitong magbigay ng mga anunsiyo o
magbaba ng mga patakaran na kinakailangang
mabatid ng lahat. Kung minsan, ang memo ay
nagbibigay ng babala sa isang partikular na
sektor o departamento, o kaya ay sa isang
indibidwal na empleyado kung may nagawa
silang pagkukulang o kamalian sa trabaho.
Member 4
Karaniwang binubuo ng Ulo at ng Katawan
ang isang memo. Sa ulo matatagpuan ang
Member 5
eksaktong petsa kung kalian sinulat at
ipinaskil ang memo at ang paksa nito o
tungkol saan ito. Sa katawan naman
matatagpuan ang panimula at ang buood.
Sa pagtukoy sa padadalhan o
tagatanggap ng memo, dapat
laging ilagay ang kaniyang buong
pangalan, hindi dapat gumagamit
ng mga palayaw lamang.
Member 4
Member 5
Laging ikonsidera ang awdiyens o ang mga
magbabasa ng memo. Mahalagang iakma ang
tono, haba, at antas ng pormalidad nito sa
mga magbabasa upang maengganyo ang mga
tao na basahin ito. Upang magawa ito,
Kailangang malinaw sa nagpapadala kung para
kanino ang ibinababang memo.
Sa pagsusuri ng awdiyens ng isang memo,
nararapat na pag-isipang mabuti ang
sumusunod na mga pahayag:
--Pag-isipan kung ano ang mga priyoridad
at ang mga pinapahalagahan ng mga
taong magbabasa.
Member 4
Member 5
--Paghandaan ang mga posibleng katanungan ng
mga mambababasa. Suriing mabuti ang nilalaman
ng memo at ihanda ang mga halimbawa, ebidensiya,
o anumang impormasyong makatutulong para
mahikayat sila.
--Maging sensitibo sa anumang impormasyon at
sentimyento na hindi angkop para sa mambabasa.
Tandaan na pormal ang memorandum, kaya
ang gamit ng wika dito ay magalang at
gumagamit ng pangatlong panauhan at hindi
ng unang panauhan.Iwasan ang paggamit ng
mga panghalip na “ako” o “ikaw” at sa
halip ay gumamit ng mas pormal at magalang
na panghalip na “kayo” “sila”, o “tayo”.
Member 4
--Maaaring gamitin ng tagapagpadala ng
memo ang panghalip na “akin” lalo na kung
tinutukoy nito ang kaniyang opisina, o may nais
ipagawang aksiyon mula sa pinapadalhan. Sa
kabuuan, impersonal ang tono ng isang memo
Member 5
kaya hindi ito dapat lagyan ng mga personal
na damdamin o palagay.
KATAWAN NG
MEMORANDUM
Thank You
1. PAGSULAT NG PANIMULA
Member 5
Ipakilala ang suliranin o isyu sa panimulang
bahagi. Bigyan ang kinauukulan ng
pahapyaw o pasilip sa konteksto sa likod ng
aksiyong nais ipagawa sa kanila. Ito ang
thesis statement ng memo, na siyang
nagtataglay ng paksa at naglalahad kung
bakit ito mahalaga.
Ilagay lamang ang impormasyong
kailangan. Hindi ito dapat maging
mahaba. Maging mapanghikayat
tungkol sa ipinaliliwanag na prblema
upang maniwala at makumbinsi ang
mambabasa.
Member 4
Member 5
Karaniwang ang haba ng
panimula ay nasa ¼ ng
kabuuang haba ng
memorandum.
2. PAGSULAT NG BUOD
Ang ibinubuod sa isang memorandum ay
ang pangunahing aksiyong nais ipagawa ng
nagpapadala sa mambabasa. Nagtataglay
ito ng ilang ebidensiya bilang pansuporta
sa mga rekomendasyong ibinibigay ng
nagpapadala.
Member 4
Member 5
Sa isang napakaikling memo,
hindi na kinakailangan ang
buod ; isinasama na ito sa
pagtalakay na nasa gitnang
bahagi nito.
HALIMBAWA
PIGURA 4. MGA HALIMBAWA NG MEMORANDUM
MARAMING
SALAMAT!!!
Download