Uploaded by Francine Dominique Collantes

Piling Larang - Modyul 9

advertisement
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Pangalan: Francine Dominique M. Collantes
Guro sa Asignatura: Gng. Margie L. Baldo
Baitang/Strand/Block: 12 – ABM 1
Petsa: Enero 11, 2022
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang tamang sagot mula sa pagpipilian.
1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang
nakalimbag.
Sagot: D. Pagsusulat
2. Anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang propesyonal,
pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan.
Sagot: A. Malikhain
3. Ang isang sulatin ay dapat na makatotohanan, nakabatay sa realidad at sumasalamin ng
malinaw na larawan at pangyayari.
Sagot: C. Kapani-paniwala
4. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o
sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
Sagot: D. Argumentatib
5. Anyo ng pagsulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
Sagot: C. Naratib
PAGSASANAY #1: Piliin Mo Ako!
Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang letra ng may pinakawastong sagot.
A. Pamagat
B. Kongklusyon
C. Malikhaing sulatin
D. Organisadong sulatin
E. Kognitibo
F. Kapani-Paniwalang sulatin
SAGOT
MGA PAHAYAG
C. Malikhaing sulatin
1. Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan.
Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag
ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng
mga ito.
B. Kongklusyon
A. Pamagat
F. Kapani-Paniwalang sulatin
D. Organisadong sulatin
2. Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.
3. Naglalaman ito ng titulo ng papel, pangalan ng sumulat, petsa ng
pagkasulat o pagpasa at iba pang impormasyon na maaaring
tukuyin ng guro.
4. Makatotohanan, nakabatay sa realidad at sumasalamin ng malinaw
na larawan at pangyayari. Tumitiyak ito at tumutukoy sa mga
tanong na tulad ng sino, ano, kailan, saan, bakit at paano.
5. Naipakikita ang apat na mahalagang bahagi ng isang sulatin na
binubuo ng pamagat, introduksiyon o panimula, katawan, at
kongklusiyon at nakaayos sa sistematikong pamamaraan.
PAGSASANAY #2:
Panuto: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng sulatin na makikita sa loob ng kahon. Lagyan ng bilang 1-4 ang
patlang upang maayos ang wastong pagkakasunod-sunod nito. Pagkatapos malagyan ng tamang bilang, isulat muli sa
paraang patalata upang maipabatid ang tamang diwa nito.
*Gawing gabay ang mahahalagang bahagi ng isang sulatin.
2 – Ang Diabetes o diabetes mellitus ay isang sakit na dulot ng kawalan ng kakayahan ng katawang
gamitin ang asukal (tinatawag na glucose) mula sa pagkain, sa ilalim ng normal na kondisyon. Nagiging
rsulta ito ng mataas na lebel ng asukal sa daloy ng dugo. Ang blood sugar na lumalagpas sa normal value
na 3.3 – 6.6 mmol/.1 ay maaaring makasama sa mga himamay ng katawan at sa kalaunan ay magiging
sanhi ng malawakang pagkasira ng tissue.
4 – Sino ang maaaring magkaroon ng diabetes? Una, ang mga taong may kamag-anak na diabetic, ikalawa,
ang nanay na nanganak ng malaking sanggol, ikatlo, ang taong may kasaysayan ng sakit sa lapay at
ikaapat, ang mga labis na katabaan (obese).
1 – Ang Sakit na Diabetes
3 – Ang mga uri ng diabetes ay dalawa. Una, umaasa sa insulin na karaniwang matatagpuan sa bata o
adolescent, ang timbang ay karaniwang normal o mababa sa normal at kumakatawan sa 15 porsyento ng
mga diabetic. Ikalawang uri, ‘di umaasa sa insulin, karaniwang natatagpuan sa 40 taong gulang, ang
katawan ay nagpoprodyus ng normal na antas ng insulin ngunit ‘di ito nagagamit nang mabuti at
kumakatawan sa 85 porsyento ng mga diabetic.
Talata:
Ang Sakit na Diabetes
Ang Diabetes o diabetes mellitus ay isang sakit na dulot ng kawalan ng kakayahan ng
katawang gamitin ang asukal (tinatawag na glucose) mula sa pagkain, sa ilalim ng normal na kondisyon.
Nagiging rsulta ito ng mataas na lebel ng asukal sa daloy ng dugo. Ang blood sugar na lumalagpas sa
normal value na 3.3 – 6.6 mmol/.1 ay maaaring makasama sa mga himamay ng katawan at sa kalaunan ay
magiging sanhi ng malawakang pagkasira ng tissue.
Ang mga uri ng diabetes ay dalawa. Una, umaasa sa insulin na karaniwang matatagpuan sa
bata o adolescent, ang timbang ay karaniwang normal o mababa sa normal at kumakatawan sa 15
porsyento ng mga diabetic. Ikalawang uri, ‘di umaasa sa insulin, karaniwang natatagpuan sa 40 taong
gulang, ang katawan ay nagpoprodyus ng normal na antas ng insulin ngunit ‘di ito nagagamit nang mabuti
at kumakatawan sa 85 porsyento ng mga diabetic.
Sino ang maaaring magkaroon ng diabetes? Una, ang mga taong may kamag-anak na diabetic,
ikalawa, ang nanay na nanganak ng malaking sanggol, ikatlo, ang taong may kasaysayan ng sakit sa lapay
at ikaapat, ang mga labis na katabaan (obese).
PAGSASANAY #3:
Panuto: Mula sa mga paksa na nasa loob ng kahon ay pumili ng isa at bumuo ng isang organisado, malikhain at
kapani-paniwalang panimulang talata na hindi bababa sa 5 pangungusap.
“Lockdown”
Ang lockdown ay ang isang sitwasyon o pangyayaring hindi sinasadya na kung saan ang mga
tao ay hindi pinapayagang pumasok, umalis, o lumipat ng malaya sa isang gusali o lugar dahil sa isang
mapanganib na sakit. At ito ay nararanasan natin ngayon dahil sa biglaang pagtaas ng mga nagkakasakit
dahil sa COVID-19. Kasabay ng lockdown ay ang pagsasagawa ng City Health Department ng contact
tracing at mass testing upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19.
Ang nasabing gawain ay makatutulong upang mabawasan ng pagkalap ng virus. Ang bawat
indibidwal ay dapat maging responsable para sa pagsunod sa mga kautusan ng pampublikong
pangkalusugan na idinisenyo upang mapanatiling ligtas ang komunidad sa harap ng pandemya. Maiiwasan
ang lockdown kung sumusunod ang mga tao sa ibinigay na mga protocol na pangkalusugan ng ahensiya.
Panuto: Sumulat ng isang malikhaing sulatin na may pamagat na “Kalagayan ng mga Pilipino sa Panahon ng
Pandemya” Pumili sa anyo ng pagsulat ayon sa layunin (paglalahad, pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan).
Gamitin ang rubriks/ pamantayan sa ibaba upang maging gabay sa paggawa ng sulatin.
Kalagayan ng mga Pilipino sa Panahon ng Pandemya
Ang kalagayan ng mga pilipino sa panahon ng pandemya ay mahirap dahil hindi pa rin maalisalis ang sakit. Labis na naghihirap ang mga Pilipino nang dahil sa pandemya. Naging pahirapan ang buhay
sa ngayon na panahon, pati paglabas sa bahay ay pahirapan na din.
Iniisip natin na kapag lumabas tayo ng ating tahanan ay maaari tayong maging carrier ng sakit
at mahawaan natin ang ating mga mahal sa buhay lalo na ang mga matatanda at mga bata, kaya matindi at
triple ang pag-iingat sa labas.
Nang magsimula ang pandemya, lahat ng bagay na ginagawa ng ordinaryong Pilipino ay
naapektuhan. Mapa-trabaho at edukasyon, lahat ay naantala at pansamantalang nahinto dahil sa COVID19. Maraming establisyemento ang nagsara at ang ilang Pilipino ay nawalan ng pagkakikitaan. Halos
nawalan ng pag-asa ang mga tao sa unang buwan ng lockdown sa Pilipinas, halos mabaliw sa kaka-isip
kung paano makakakuha ng perang pang-gastos sa pang-araw-araw. Marami ang nasawi nang dahil sa
mismong sakit at sa mga komplikasyon na kaakibat nito.
Nakakalungkot man isipin na pati ang edukasyon ng maraming kabataang Pilipino ay
naapektuhan din nang dahil sa pandemya. Nang nagsimula ang panibagong taon para sa pag-aaral ay ilang
mag-aaral ay nagdisisyon na huminto muna sa pag-aaral dahil sa walang pangbili ng elektronika na
magagamit sa online class. Ilan sa mga ito ay napilitan na humanap ng pagkakakitaan upang makabili
lamang nitong gadget. May ilan din na bumaba nang husto ang kanilang grado dahil sa panibagong istilo
ng pagtuturo. May iilang asignatura na kinakailangan ng pisikal na ituro upang maintindihan ng isang magaaral. Hindi pa maayos ang panibagong sistema sa pag-aaral.
Ang aking nabanggit ay magpapakita ng mga karanasan ng mga tao sa panahon ng pandemya.
Lahat tayo ay konektado, lahat tayo ay apektado. Bawat isa ay pare-parehong nakararanas ng matinding
pait dahil sa iisang rason lamang.
Panuto: Pumili ng isang sulatin (maaaring sa anyong paglalahad, pagsasalaysay, pangangatwiran o paglalarawan) sa
mga aklat o internet. Basahin ito at punan ang talahanayan ng hinihinging impormasyon. Lagyan ng puntos ang
binasang sulatin base sa inyong pag-aaral. Sundin ang pormat sa ibaba.
PAMAGAT NG SULATING BINASA
NILALAMAN O PARAAN NG PAGSULAT
(Puna o Komento)
Ang Sakit na Diabetes
Ang sulatin na ito ay paglalarawan o
deskriptib.
Isa Akong OFW Dito sa Dubai
Ang sulatin na ito ay pagsasalaysay o
naratib.
PUNTOS
Download