Sa modyul na ito mailalarawan mo ang komposisyon, kaugalian, paniniwala at pinagmulan ng pamilya gayundin ang mga tungkulin at karapatan ng bawat kasapi nito. Ito rin ay makatutulong sa paglinang at paghubog sa kamalayan ng bawat bata upang magkaroon ng sariling pang-unawa at pagpapahalaga sa pamilyang kanyangkinagisnan. Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Nakabubuo ng kwento tungkol sa pang-araw-araw na Gawain ng buong pamilya Matutukoy ang tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya. komposisyon o miyembro ng pamilya kaugalian at paniniwala sa tahanan, pinagmulan 1 I. Isulat sa patlang ang kung tama ang kung mali. isinasaad ng pangungusap at ______1. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may kani- kaniyang tungkulin. ______2. Si Ate ay maaari ring magkumpuni ng mga sirang gamit sa bahay. ______3. Magkatulong na gumagawa ng gawaing bahay sina Nanay at Tatay. ______4. Si Tatay ang haligi ng tahanan. ______5. Sina Lolo at Lola ang tanging naghahanap- buhay para sa pamilya. 2 Panuto: Gumuhit ng puso ____ sa tapat ng larawan kung ang kaugalian ay patuloy na ginagawa ng inyong pamilya at araw ____ naman kung hindi na ginagawa. _____1. 2. 3. _______4 ______5. 3 Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng komunidad. Ang bawat pamilya ay may iba’t ibang pinagmulan, komposisiyon, kaugalian at paniniwala. Dito unang nahuhubog ang kaiisipan at ugali ng isang bata. Ano’t anuman ang pinagmulan ng isang pamilya, iisa ang mithiin, ang mahubog ang bata na maging kapakipakinabang sa komunidad. Mapananatili ang matatag na pamilya kung ginagampanan ng bawat miyembro ang kanilang tungkulin, may pagtutulungan, paggalang sa pananaw ng bawat isa, pagmamahalan at higit sa lahat may pananampalataya sa Panginoon. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may kaniya- kaniyang tungkulin. Mahalaga ang bawat kasapi ng pamilya. Tatay – nagsisilbing haligi ng tahanan. Katuwang niya si Nanay sa paghahanapbuhay at mga gawaing bahay. . Nanay – Siya ang kaagapay ng ama sa pamilya at kasamang nag-aasikaso sa mga pangangailangan sa tahanan. Siya ang ilaw ng tahanan. Kuya – Nakatatandang kapatid na lalaki. Tumutulong sa mga magulang sa mga gawain bahay. Pumapatnubay sa mga nakababatang kapatid. Ate – Nakatatandang kapatid na babae. Kabahagi sa mga gawaing bahay at gumagabay sa nakababatang kapatid. Bunso – Pinakabatang kasapi ng pamilya at nangangailangan ng higit na kalinga. Lola at Lolo – Pinakamatandang kasapi ng pamilya at kasama rin sa pag-aalaga ng pamilya. Tagapayo at taga-gabay sa pamilya. Tuklasin A. Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Pamilya Ko, Pamilya Mo Akda ni: Monette Ylarde Lopez Ako si Juan at ito ang aking pamilya. Sina Tatay at Nanay ang nangunguna sa gawaing bahay. Sina Ate at Kuya ay masaya ring nakikisabay. Ako naman ay inuutusan at kusa ko itong ginagampanan. Tapos agad ang mga gawain at sabay- sabay kaming kumakain. May oras ng pag-aaral, paglalaro at kuwentuhan. Ang buong maghapon ay payapa, maayos at may kabuluhan. 5 Ganyan kami araw-araw sa aming munting tahanan. Samantala, sa may bintana tanaw ko ang isang pamilya. Ang batang katulad ko ay malungkot ang kanyang mukha. Nitong umaga, lahat ay hindi nagkakasundo. Sa panunuod ng telebisyon at paglalaro ng cellphone laging nag-aagawan. Mga gawain sa tahanan ay di tapos kaya naman ang kanyang Nanay ay laging pagod. Nang sabay-sabay kumain, pinag-usapan nila ang suliranin. Kinabukasan, susubukin na nilang hatiin lahat ng gawain. 6 Bawat pamilya ay di magkatulad. Ang lahat ay may pagkakaiba sa kaugalian at paniniwala batay sa ating pamilyang kinagisnan. Ngayon ko naisip na mas maganda ang pamilyang pinagbubuklod ng may pagmamahalan, pagtutulungan at paggalang sa bawat isa. 7 A. Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ikahon kung ang larawan ay nagsasaad na ang mga miyembro ng pamilya ay gumaganap ng kanilang tungkulin at bilugan kung hindi. 1. 4. 2. 5. 3. 8 Suriin Panuto: Basahin at unawain. Ang mga larawan ay nagpapakita ng kaugalian at paniniwala ngisang pamilya na atingkinagisnan. Ang pamilya ay ang pinakamaliit ating na yunit komunidad. Ito ng ay binubuo ng tatay, nanay at mga anak. Minsan kasama sa tahanan ang mga lolo at lola na tinatawag na extended family. Sa loob magagandang natututunan ng tahanan kaugalian ng mga at nahuhubog paniniwala. bata ang ang Dito mga unang pagbibigayan, pagtutulungan at pagbibigay galang gaya ng pagmamano at pagsabi ng po at opo sa nakatatanda. Itinuturorinsatahanan ang pagmamahalan athigitsa lahat ang pananampalataya sa Diyos. Ang bawat karapatan ng kasapi ng pamilya ay may kaangkop na tungkulin na dapat gampanan upang maging maayos at masaya ang buong mag-anak. Itinuturo ang pagbibigay respeto sa katungkulan ng bawat isa. Ang pagkukusang–loob na 9 gawin ang bawat tungkulin ay nakatutulong sa pag-unlad ng pagkatao ng bata na siyang lumilinang sa kanyang mga kakayahan o talento. Malaki ang bahagi ng pamilya sa paghubog ng ating pagkatao sapagkat ang mga kaugalian na nakasanayan natin sa tahanan ay ang mga kaugaliang mabibitbit pagtanda. 10 natin hanggang sa ating Ang ating pamilya ang pinakamailiit na yunit ng ating lipunan. Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Minsan kasama ang lolo at lola, tiyo, tiya at mga pinsan sa tahanan. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging dapat gampanan. Tandaan na ang bawat pamilya ay may natatanging kaugalian at paniniwala. Magkakaiba tayo sa ating kinagisnan o kinalakihan mula sa pananalita at mga gawi. Ang bawat pamilya ay mayroong magagandang katangian at kaugalian kanilang ipinagmamalaki. Ang mga ito ay dapat unawain, igalang at pahalagahan dahil ang mga ito ay makatutulong sa paghubog ng ating pagkatao. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging dapat gampanan upang maging maayos ang kanilang pamumuhay. Mahalaga ang pagganap sa tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya. 11 KaragdagangGawain Panuto: Isulat sa “Aklat ng Buhay” ang mga magagandang katangiang dapat mayroon ang isang pamilya upang mapanatili itong masaya at matatag. Kaugalian at Paniniwala ng Aking Pamilya 12 Sanggunian Lesson Exemplar Kuwarter 2, Week2 Teachers Guide1 pp. 5668 Retrieved from Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag –aaral(tagalog) mula sa kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas- Bureu of Learning Resources (DepEd-BLR) – pahina 74-79 K to 12 Grade 1 Learner’s Material In Araling Panlipunan (Q1-Q4), page 68., https://preview.tinyurl.com/y5ze3shj on 08.20.20 Depednegor.net , Esp_learners_module.pdf, page 10., https://preview.tinyurl.com/yd5yt g8o on 08.20.20 Alamy Lt d., Family with children getting out of the shopping center, https://tinyurl.com/yxrkb7y6 on 08.20.20 Clipartstation.com,Larawan ng pamilyang namamasyal., https://preview.tinyurl.com/yyfuyrvv on 08.20.20 Father Clipart., https://preview.tinyurl.com/y4k5g7kw I.pinimg.com., https://preview.tinyurl.com/y29a6l6z on 08.20.20 Clipartstation.com, School boy Clipart., https://preview.tinyurl.com/y4yczmjs on 08.20.20 Pngio.com, Big sister clipart black and white., https://preview.tinyurl.com/y4t n5xet on 08.20.20 Baby Playing Clip Art At Vector Clip Art Free - Baby Clipart, https://tinyurl.com/y3zaaa5g on 08.20.20 K to 12 Grade 1 Learner’s Material In Araling Panlipunan (Q1-Q4), Aralin 1: Pagkilala sa mga kasapi ng Pamilya, page 55., https://preview.tinyurl.com/y5ze3shj on 08.20.20 Dlrciligan.weebly.com, Ang_aming_mga_gawain.pdf, page 11., https://preview.tinyurl.com/y3cgzt 4m on 08.20.20 Dreamsite.com, Lazy boy on couch., https://preview.tinyurl.com/y474rf96 on 08.20.20 13