Saint Michael’s Academy of Oas, Inc. Roxas Street, Iraya Norte, 4505 Oas, Albay Passion for Truth & Compassion for Humanity OP-SIENA SCHOOL SYSTEM Pangalan ng Estudyante Gng. Teresita P. Austria (Guro) 1 Saint Michael’s Academy of Oas, Inc. Roxas Street, Iraya Norte, 4505 Oas, Albay Passion for Truth & Compassion for Humanity OP-SIENA SCHOOL SYSTEM MODYUL BILANG 1 PANGALAN: _____________________________________ SEKSYON: STRAND: _____________________________________ YUNIT I: Batayang Kaalaman Sa Wika BATAYANG-AKLAT: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (pahina 2-14) SANGGUNIAN: TALABAN (Komunikasyon, Pagbasa, at Pananaliksik sa Filipino)(p.1-16) Pinagyamang Pluma (pahina 8-24) PAKSA: Mga Konseptong Pangwika (pahina 1-18) INTRODUKSYON Komunikasyon ang daan upang makipag-ugnayan nang may maayos na pag-unawa sa kausap. Pasalita o pasulat man ang komunikasyon, kailangang ito ay maging mabisa. Saan mang lugar mapunta ang isang indibidwal, pakikipagkomunikasyon ang pinakamabisa niyang instrumento upang magtagumpay ang layunin niya sa pang-araw araw na buhay. “Ang komunikasyon ay di lamang kabuuang pahayag ng kaalaman at damdamin, bagkus ito ay isa ring batayang prosesong panlipunan.”Hartley “Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paglalahad o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan: isang pakikipag-ugnayan, pakikibagay niya sa kaniyang kapwa at kapaligiran.”- Webster at iba pang dalubhasa. 2 Pamantayang Pangnilalaman(Content Standard) Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard) Pamantayan sa Paghubog/Pagpapahalaga (Formation Standard) Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultura Pamantayan sa Paghubog (Formation Standard) Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang maipamalas ang kakayahang komunikatibo berbal o di-berbal gamit ang tuntunin ng wika sa pagpapahayag ng kaisipan Ganap na Gawain (Performance Task) Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko sa napiling komunidad. MALUGOD NA PAGBATI para sa ating masaya, mapagpala, at kapana-panabik na pagsasama natin sa loob ng isang taon! Sana’y matanggap nating lahat ang hamon ng buhay ngayong panahon ng pandemya. Ang Diyos ang tanging sandigan nating lahat! PANIMULANG PAGSUBOK SA NALALAMAN… Ito ang una ninyong modyul, subalit nais ko munang tuklasin kung gaano kalawak ang inyong kaalaman at pag-unawa sa mga impormasyong may kinalaman sa komunikasyon. Handa ka na bang malaman mo rin? Simulan mo sa pamamagitan sa pagsagot dito sa panimulang gawain. Pagkatapos, isaalang-alang ang kamalian at alamin ang tamang sagot habang pinag-aaralan ang modyul. Panuto A: Basahin nang maigi ang mga pahayag o katanungan sa bawat bilang. Mula sa mga pagpipilian sa ibaba, piliin at isulat ang tamang titik ng sagot na iyong pinili bago ang bilang. a. b. c. d. Balbal Pagsasalita at pagsulat Pagsulat Tagalog e. wika f. 5000-6000 g. mensahe h. dayalekto 3 ______ 1. Ito ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe. _____ 2. Ito ang elemento na siyang bumubuo sa proseso ng pakikipagtalastasan. _____ 3. Ang elemento na ipinapadala at tinatanggap sa proseso ng komunikasyon. _____ 4. Ito ang tawag sa wikang pangkaraniwang sinasalita at nauunawaan ng lahat. _____ 5. Tinatayang bilang ng wika na umiiral at ginagamit ng tao sa mundo. Panuto B: Basahin ang mga pahayag at tukuyin kung TAMA o MALI ang mga ito. _____ 1. Noong simula ay walang wikang pambansa ang Pilipinas na siyang nakakapagbuklod sa diwa ng mga tao sa bansa. _____ 2. Ang salita ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng wika. _____ 3. Ang lahat ng wika ay may iba’t ibang ponolohikal na katangian. _____ 4. Pare-pareho ang mga sistema at pamantayang pambalarila ng lahat ng wika. _____ 5. Ang wika ay buhay at nagbabago. Panuto C: Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin ang tamang sagot. Isulat ito sa nakalaang patlang. 1. Ang bagong alpabetong Filipino na ginagamit sa pangkasalukuyan ay binubuo ng ilang letra? 2. Siya ang nanguna sa hakbangin na ang bansa ay nararapat na magkaroon ng isang wikang pambansa. 3. Ito ang mga itinadhanang wikang opisyal ng bansa sang-ayon sa Konstitusyon ng 1987. 4. Ito ang mga kasanayang itinuturing na LEARNED SKILLS. 5. Upang mapanatiling buhay ang isang wika, kinakailangang ito ay patuloy na ARALIN 1: Mga Batayang Kaalaman sa Wika ABOT-TANAW (Competencies): 1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika 2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon, radio, talumpati, at mga panayam. 3. Naiuugnay ang mga konseptoong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. 4. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (Facebook, google, at iba pa) sap ag-unawa sa mga konseptong pangwika. MAHAHALAGANG TANONG (Essential Questions) Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito magiging instrumento ng mabisa pakikipagtalastasan, kapayapaan, at mabuting pakikipagkapwa? 4 Mga Kakailanganin sa Pag-unawa(Enduring Understanding) Ang wika ang buhay ng tao. Itoý pangunahing kasangkapan o instrumento ng komunikasyong panglipunan upang maipahayag ang iyong kaisipan at saloobin. Wika ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan. Nasa wika ang tanging paraang upang maisaling ang kaalaman, karanasan, at alaala ng isang lahi o lipi at lipunan sa iba. Tunguhin (Action Goals) Maiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon tulad ng isang talumpati o panayam. BALIK-TANAW.. A. Sa loob ng radial circle, isulat kung ano ang wika para sa’yo. Tingnan ang unang bilang na halimbawa. midyum ng komunikasyon WIKA 5 B. Isulat ang salitang NYEK! sa patlang sa unahan ng bilang kung mali ang sinasabi ng pangungusap at OK kung tama. 1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura. 2. Tagalig ang unang pambansang wika ng Pilipinas. 3. May sistemang balangkas ang wika. 4. Dinamiko ang wika. 5. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika. LUSONG KAALAMAN.. Puso o Isip? Anong Pipiliin Mo? Panuto: Kantahing pansarili ang tatlong bersyon ng awiting “Mahal Ko o Mahal Ako”ni Edwin Marollano na pinasikat ni KZ Tandingan. Bigyan ito ng sariling interpretasyon. Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko? O, siya bang kumakatok sa puso ko Oh, anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko? Nalilitong litong litong lito… Sinong pipiliin ko… Mahal ko o mahal ako? Jino aru ang betchay kes? Jikaw ba na kyongarap kes? O ombs na kumokyotok sa arumbels? Oh! Anong eme ang mas award? Jisip ba o arumbels? Nauutik na ang kuning, utik… Jinu bang pipiliin kes? Bet ko o yung bet akes 6 Who I shall my heart choose? My dream, my love, my evry dream? Or the one who’s giving me everything? Oh, should I listen to my heart? Or I heed what’s on my mind? I don’t know what to do, to do… Who would I rather choose? KATANUNGAN: 1. Sa tatlong bersyon ng awitin, alin ang pinaka-nagustuhan mo? Bakit? 2. Suriin ang tatlong bersyon ng awitin, anong wika ang napansin mong ginamit sa mga bersyong ito? 3. Sa aling wika mo lubos na naunawaan at naramdaman ang mensaheng ipinapaabot ng awitin? Bakit? Ipaliwanag. Panuto: Isulat ang inyong mga kasagutan sa bawat katanungan sa simbolong nakalaan. 1. 2. 2. 3. 7 GAOD-KAISIPAN.. Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang natutuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Sa lubos ninyong ikauunawa tungkol sa paksa, galugarin pa natin ang mga ideyang magkikintal ng mahahalagang kaisipan ukol sa KAHULUGAN, KAHALAGAHAN, at KALIKASAN NG WIKA na saligan o ayon sa mga lingguwista, mga Pilipinong dalubwika at manunulat. Buksan at basahin ang mga ito sa inyong batayang-aklat sa mga pahina 4-6. KARAGDAGANG KAALAMAN.. KAHULUGAN NG WIKA Masasabi na ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita ng mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng tao ang kaniyang naiisip, maibahagi ang kaniyang mga karanasan, at maipadama ang kaniyang nararamdaman. Gayundin, bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin ang kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa. Ang wika ang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan (Constantino, 1996). Ang wika ang buhay ng tao. Ito ang pangunahin mong kasangkapan upang maipahayag ang iyong kaisipan at saloobin. KAHALAGAHAN NG WIKA Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay Malaya at may soberanya. Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman. Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan tungo sa pagkakauunawan at pagkakaisa. KALIKASAN/ KATANGIAN NG WIKA Ang wika ay tunog. Tunog ang batayang sangkap ng wika, ang anumang tunog na may kahulugan ay maituturing na wika. Ang wika ay arbitraryo. Ang salitang arbitraryo ay ang pagbuo ng mga simbolo at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya, at kaisipan buhat sa mga taong sosyal na relasyon, ugnayan, o interaksyon sa isa’t isa. Halimbawa: SALITANG IBON TAGALOG-ibon ILOKANO-bilit CEBUANO-langgam BIKOLANO-gamgam 8 Ang wika ay masistema. Ang batayang sangkap ng wika ay tunog. Samakatuwid, binubuo ang wika ng mga tunog ngunit walang kahulugan ang tunog kung ito’y nag-iisa. Ang wika ay may tiyak na ayos na sinusunod upang makabuo ng kahulugan at maunawaan. Halimbawa: Filipino: Batang malusog; malusog na bata English: healthy child (hindi child healthy) Ang wika ay sinasalita o komunikasyon. Ang wika ay parang isang kasangkapan, na kung hindi nagagamit ay nawawalan ng saysay. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Ang wika ay nabubuo kalakip ng isang kultura. May mga salitang banyaga na walang eksaktong kahulugan a filipino dahil hindi ito parte ng kultura ng bansa. Halimbawa (Iba’t ibang baryasyon sa lutong kanin) ILOKANO TAGALOG INGLES (descriptive) Nabasa Basa Cooked rice (watery) Nakset Sunog Cooked rice (burnt) Kirog Sangag Cooked rice (fried) Bagas Bigas rice Pagay Palay Palay rice Ang wika ay nagbabago o dinamiko. Dahil dinamiko ang wika, nagbabago ito dahil sa impluwensya ng panahon at kasaysayan. Patuloy na nagbabago dala ng panahon at ugnayan ng mga tao sa isa’t isa. Halimbawa: ang salitang selfie ay isang halimbawa ng bagong salita sa diksyonaryo sa parte ng nagbabagong kultura. Ang wika ay may kapangyarihang lumikha. Malikhain ang wika dahil nagagamit ito sa iba’t ibang pahayag, diskurso, o panitikan pasalita man o pasulat gaya ng tula, maikling kwento, sanaysay, dula, nobela, balita, talumpati, batas, at marami pang iba. Halibawa: Paggamit ng wika sa patalastas sa tulong din ng tagline upang makahikayat o magkumbinse na tangkilikin ang produkto o serbisyo. Ang wika at kaisipan ay hindi napaghihiwalay. Ang wika ang anyo at paraan ng kapangyarihan. Ito ang sentro ng karanasan bilang tao. Ang wika ay napag-aaralan at may sistema, at hindi katulad ng mga tunog ng hayop na umuusbong lamang sa panahon ng pangangailangan. Wika ang humuhulma sa kaisipan ng tao. 9 ILAN PANG KAALAMAN HINGGIL SA WIKA.. I. 1. 2. 3. 4. 5. 5000 mahigit na wikang sinasalita sa buong mundo Di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas Heterogenous- kapag maraming wika ang umiiral sa lugar at may varayti ang mga wikang ito Homogenous- iisang wika ang ginagamit Diyalekto- ang nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika Bernakular- ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook, tinatawag din itong wikang panrehiyon Bilinggwalismo- ay tumutukoy sa dalawang wika, L2 Unang wika- ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao, tinatawag din itong katutubong wika, Mother Tongue, Arterial na wika, at kinakatawan din ng L1 Pangalawang wika- iba pang wikang natutuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang ikalawang wika (L2) Wikang Pambansa- pambansang kakikilanlan ang wikang Filipino Wikang Panturo- Filipino ang opisyal na wikang gamit sa klase o sa pormal na edukasyon; itinadhana ng batas na gamitin ang opisyal na wika bilang opisyal na talastasan ng pamahalaan Dalawang opisyal na wika ng Pilipinas ang Ingles (lingua franca ng daigdig) at Filipino (lingua franca ng bansa) PAGSASANAY Panuto A: Tukuyin ang ilang mahahalagang konseptong pangwika. Isulat sa patlang ang inyong sagot. Ito ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito’y may katangiang dinamiko, kabuhol ng kultura, at masistema. Ito ang wikang nagsisilbing pambansang sagisag ng pagkakaisa at identidad. Ito ang bilang ng wika at diyalekto na umiiral sa ating bansa. Konseptong pangwika na nagagamit ang dalawang wika nang may kahusayan. Panuto B. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. 1. Wikang panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon. 2. Tinatanggap ang pahayag na ito sa kasalukuyan “Punta tayo sa canteen para maglunch.” 3. Ang mga batas pangwika ay salamin ng pagmamalasakit sa wika ng pamahalaang nagpapatupad nito. 4. Ang wika ay dinamiko at laging nakatakdang humarap sa mga pagbabago. 5. Ang murang isip ay dapat pinayayaman ng mga kaalaman na ipinakilala sa wikang pamilyar ng bata. Panuto C. Isalin ang mga sumusunod na salita sa wikang Ingles. 1. Wika ________________ 2. Tuklasin ________________ 3. Pagsasanay ________________ 4. Pananaliksik ________________ 5. kultura ________________ II. A. Sa hindi lalampas sa sampung pangungusap, ipaliwanag ang mga nakatalang katangian ng wika. Patibayin ang paliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa gamit ang mga sitwasyong pangkomunikasyon sa mga napapanood na programa sa telebisyon. Maaaring pumili ng programa mula sa mga nakatala sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa ibaba. 10 1. Makapangyarihan ang wika. (TV Patrol, 24 Oras, Imbestigador, TeleRadyo Balita) 2. Malikhain ang wika. (Maalaala Mo Kaya, Magpakailanman, Pepito Manaloto, Iba Yan) B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Anu ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika para sa iyo bilang mag-aaral? Mga kahalagahan ng wika sa sarili bilang mag-aaral 1. 2. 3. 2. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan ng wika sa lipunan? Mga kahalagahan ng wika sa lipunan 1. 2. 3. PAGNILAYAN: Nakatutulong ba s a wikang Filipino ang mga salitang umuusbong sa kasalukuyan? Bilang Michaelan, paano mo payayabungin at gagamitin ang iyong natutunan sa wika sa tunay na buhay upang maging ganap na ‘effective communicator’ o ‘community builder? “ Congratulations! Dito muna nagtatapos ang ating talakayan sa Modyul 1. Marami pang paksang inyong matutunan sa susunod na modyul. Ang gawain LAYAG-DIWA at LAMBAT-LIKHA ay ibibigay sa worksheets. Pagpalain nawa kayo ng Diyos! 11