Uploaded by Jossel Abejo

Papel-Pananaliksik-Abejo-Bayan-Laforteza-Mizona-Muyot-Santillan-Santos BSAC1-1

advertisement
AKADEMIKO AT INTEGRIDAD: TUNTUNIN NG MORALIDAD
SA PAGBEBENTA AT PAGBILI NG AKADEMIKONG
SERBISYO MULA SA IBANG TAO
JOSSEL N. ABEJO
KEANO C. BAYAN
BEA CAZHARELLE C. LAFORTEZA
ALIAH BEATRICE M. MIZONA
CHRISTIAN L. MUYOT
ARLAINE MAE J. SANTILLAN
RIC MICHAEL L. SANTOS
Isang Di-Gradwadong Pananaliksik na Ipinasa sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,
Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Central Luzon State University,
Lungsod Agham ng Muñoz, Nueva Ecija, Pilipinas
bilang Katugunan sa Pangangailangan
para sa Kursong
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
Hulyo 2021
PAGPAPATIBAY
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Akademiko at Integridad: Tuntunin ng
Moralidad sa pagbebenta at pagbili ng Akademikong Serbisyo mula sa ibang tao”, ay
inihanda at isinumite nina Abejo, Jossel, N., Bayan, Keano, C., Laforteza, Bea Cazharelle
C., Mizona, Aliah Beatrice, M., Muyot, Christian, L., Santillan, Arlaine Mae, J., at Santos,
Ric Michael, L. ng BSAC 1-1 at Pangkat 3 bilang katugunan sa pangangailangan sa
asignaturang FILDIS 1110 – Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina at sinaliksik at ngayon ay
tinagubilin ngayon na tanggapin at pagtibayin.
Tinanggap at pinagtibay bilang katugunan sa pangangailangan sa asignaturang
FILDIS 1110 – Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina.
Kinuha at ipinasa ang pasalitang pagsusulit noong Hulyo, 2021.
BABY JEAN M. VERA CRUZ-JOSE, Ph.D.
Guro sa FILDIS 1110
_______________________
Petsa
PASASALAMAT
Walang-hanggang pasasalamat ang aming ibinabatid sa mga taong tumulong upang
maisakatuparan ang ginawang pananaliksik.
Unang pasasalamat ay sa Diyos, na walang sawang nagbibigay lakas sa amin upang
magpatuloy at maisagawa ang pananaliksik.
Pangalawang pasasalamat ay para sa mga mananaliksik na nagbigay ng pahintulot
upang maging batayan ng sinagawang pag-aaral ang kanilang mga naunang pananaliksik.
At higit sa lahat, taos-puso kaming nagpapasalamat sa aming guro sa araling
“FILDIS 1110: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina”, Ma’am Baby Jean, sa pagsusuri ng aming
mga papel at pagtuturo ng mga dapat i-tuos upang mapaganda ang kalidad ng aming
ginawang pag-aaral.
Mga Mananaliksik
ABSTRAK
Abejo, Jossel, N., Bayan, Keano, C., Laforteza, Bea Cazharelle C., Mizona, Aliah
Beatrice, M., Muyot, Christian, L., Santillan, Arlaine Mae, J., at Santos, Ric Michael, L.,
Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan, Central Luzon
State University, Lungsod Agham ng Muňoz, Nueva Ecija, Pilipinas, Hulyo 2021,
AKADEMIKO
AT
INTEGRIDAD:
TUNTUNIN
NG
MORALIDAD
SA
PAGBEBENTA AT PAGBILI NG AKADEMIKONG SERBISYO MULA SA
IBANG TAO.
Guro: BABY JEAN M. VERA CRUZ-JOSE, Ph.D.
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung may epekto ang pagbebenta at
pagbili ng akademikong serbisyo ng mga mag-aaral sa kanilang moralidad at integridad.
Ang mga akademikong serbisyo na ito ay ang pagbabayad o pagbili mga asignatura, essay,
proyekto, thesis, at iba pa upang makumpleto ang kanilang mga gawain sa eskuwelahan.
Naglalayon din ang pag-aaral na ito na tukuyin ang tuntunin ng moralidad sa pagbili at
pagbenta ng akademikong serbisyo sa mga mag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay
pumili ng tig-labing-limang tagatugon sa nagbebenta at bumibili ng akademikong serbisyo
mula sa mga kolehiyo ng Nueva Ecija at gumamit ng purposive sampling method sa pagaaral na ito. Nakasaad dito ang mga dahilan ng bawat tagatugon kung bakit sila bumibili o
nagbebenta ng mga akademikong serbisyo. Batay sa resulta ng survey, totoong may epekto
sa moralidad at totoo rin na salik na nakakaapekto sa integridad ang katapatan, tiwala,
responsibilidad, respeto at pagtingin sa sarili bilang estudyante sa pagbili at pagbenta ng
akademikong serbisyo.
PANIMULA
Rasyonale
Ang pagbabago ay nasa kalikasan ng mga tao, kaugnay na ito ng buhay ng tao at
hinding-hindi ito maaaring mawala. Bilang ang lahat ay nasa ilalim ng pandemya sa loob
ng napakahabang panahon, ang mga tao ay sinisimulan nang humanap ng mga paraan at
gumawa
ng
mga
pagbabago
upang
makasabay
sa
takbo
ng
kani-kanilang
nakakapanibagong buhay. Sa pag-usbong ng mga pagbabagong ito, mapapansin ang pagusbong ng makabagong sistema at mga kagawian sa edukasyon. Marami na ring mga
pamamaraan ang pinanghahawakan at kinasasanayan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang
estado ng kanilang pag-aaral sa loob ng pandemyang ito, kabilang sa mga ito ay ang pagbili
at pagbenta ng mga akademikong serbisyo na nakapagbibigay ng oportunidad para sa
kapwa nagbebenta at bumibili ng magkaibang paraan at perpektibo. Gaya ng pagpapagawa
ng asignatura, presentasyon, sanaysay, ulat, poster, tula, talumpati, at iba pa. Kaugnay sa
mga nabanggit, ang paksa na napagkasunduang saliksikin ng mga mananaliksik ng
proyektong ito ay ang moralidad at integridad ng mga estudyanteng nagkakaroon ng
kaugnayan sa akademikong serbisyo.
Noon pa lamang—bago pa man umusbong ang pandemya—ay laganap na ang mga
klase ng pagbili at pagbebenta ng akademikong serbisyo. Ito ay nangyayari sa gitna ng
dalawa o higit pang mga tao na nagkakasundo sa paggawa ng akademikong gawain kapalit
ng kahit na anumang bagay, ngunit ang madalas na pamalit sa akademikong serbisyo na
ibinibigay ng isang tao ay pera. Sa pagsasagawa ng ganitong transaksyon may mga aspeto
sa katauhan ng tao ang naapektuhan, mga aspetong dapat pinahahalagahan at hindi dapat
binabalewala dahil ito ay mahalaga na mabuo at maisabuhay ng isang tao. Ang nabanggit
na aspeto ay ang Moralidad at Integridad. Ang pagbili at pagbebenta ng akademikong
serbisyo ay nangangahulugang imbis na ang isang tao na nagkaroon ng tungkulin mula sa
kanyang guro - bilang isang estudyante - ay matuto at makakalap ng impormasyon o
makahasa ng kakayanan, ang kinalalabasan ay hindi sang-ayon sa layunin ng guro na sila
ay matuto dahil ang gawain ay hindi naman isinagawa ng taong inobliga na gawin ito. Isa
pang anggulo ng pagtingin dito ay ang pagbibigay ng intelektwal na pag-aari ng ibang tao
sa mga guro bilang sariling pag-aari nang hindi niya nalalaman kapalit lamang ng pera.
Ang mga gawain ay ibinibigay ng mga guro upang masubok ang kakayanan ng mga
estudyante sa kani-kanilang mga larangan, ngunit kung ito ay ipagagawa lamang sa ibang
tao kapalit ng pera, masasabi ba na ito ay tama Mapapatunayan ba na ito ay hindi negatibo
sa pagbuo at pagpapanatili ng integridad? Mapapatunayan ba na ito ay hindi taliwas sa
moralidad ng isang tao? Lalo na bilang isang estudyante na natututo pa lamang sa kanikanilang buhay?
Ngunit, bakit nga ba kinakailangang pag-aralan ang pananaliksik na ito? Ano nga
ba ang kahalagahan o maidudulot nito sa mga mambabasa? Alam naman ng lahat ang
tama't mali ngunit ang perspektibo na gustong ilahad ng mga mananaliksik ay kung
maganda o hindi ang epekto ng pagbebenta at pagbili ng akademikong serbisyo sa
integridad at moralidad ng isang estudyante, at kung sila ba ay mulat o alam ba nila ang
kanilang ginagawa, dahil kanilang perspektibo ang gagamitin ng mga mananaliksik upang
maisagawa ang pananaliksik na ito.
Nilalayon din ng pananaliksik na ito na magbigay ng perspektibo ng mga
estudyante hinggil sa aksyon na kanilang ginagawa, at saka ipaliwanag sa mga mambabasa
lalo na sa mga guro ang mga sitwasyon na kanilang hinaharap kaya nila ginagawa ang
ganitong gawain. Sa makatuwid, bukod sa gusto ng mga mananaliksik na patunayan kung
tama o mali ang gawaing pagbebenta o pagbili ng akademikong serbisyo, at kung ito ba ay
may negatibo o positibong epekto sa paghubog ng integridad at moralidad ng isang tao lalo
na ng mga estudyante, nais din ng mga mananaliksik na magbigay perspektibo sa mga
guro, perspektibo ng isang estudyante kung bakit nila nagagawa ang ganitong gawain,
upang makatulong sa pagdedesisyon ng guro kung katanggap-tanggap ba ang aksyon ng
kanyang estudyante pagdating sa ganitong gawain at kung ano ang maari nyang gawing
hakbang upang maiwasan ang ganitong mga gawain, dahil aminin man ng lahat o hindi,
nakadepende sa rason ng isang tao ang kanyang mga ginagawa kung ito ba ay naayon sa
kanyang perspektibo ng moralidad at integridad.
Ang posisyon ng mga mananaliksik ay nakadepende sa mga kadahilanang
mailalahad ng mga estudyante na kaugnay sa akademikong serbisyo, ngunit kung sa
perspektibo lamang kung ang pagbebenta at pagbili nga ba ng akademikong serbisyo ay
tama o mali, maipapakita naman na hindi sang-ayon ang ganitong gawain sa layunin ng
mga guro at ng eskwelahan na matuto ang mga estudyante, dahil hindi naman nila
kakayanan ang nasusubok sa mga gawain na kanilang natatanggap kundi ang taong
binilhan nila ng akademikong serbisyo.
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Sa bahagi ng papel na ito ay makikita ang mga babasahin o lathalain na may
kaugnayan sa pananaliksik na isinagawa. Dito ipinapakita ang mga interpretasyon at
kaalamang naibahagi ng mga eksperto at kapwa mananaliksik na magsasagawa ng pagaaral na may kinalaman sa mga akademikong serbisyo.
Responsibilidad ng mga Estudyante sa Pagbili ng Akademikong Serbisyo
Mula sa isang lathalaing ibinahagi ng Pine Manor College (2020) patungkol sa
Akademikong Etiko at Integridad ay nakasaad na lahat ng miyembro ng isang
akademikong ay mayroong responsibilidad na magbigay ng gawain na sila mismo ang may
gawa. Ang pandaraya at paggamit ng gawa ng iba ay isang malubhang pagkakasala na
nagiging balakid sa espiritu ng katotohanan sa ano mang bahagi ng buhay kolehiyo. Sinabi
rin dito na responsibilidad din ng guro na ilinaw ang mga tiyak na aplikasyon ng polisiya
ng akademikong etiko sa isang klase.
Ayon naman sa isang sulatin ni Lee (2019), kapag nagsimula ang mga estudyante
riyan, hindi pa rin matatapos ang kasinungalingan sa kadahilanang ang kasinungalingan ay
nakakahawa at natututunan ang paggamit ng gawa ng iba upang ipasa bilang sa kanila at
ito ay isang kalakaran na ating nakikitang umuusbong.
Usaping Pandaraya
Ang pagbili ng akademikong serbisyo para sa The Higher Education Standards
Panel ng Australian Government (2021) ay isang uri ng kontratang pandaraya kung saan
ay kapag hinayaang hindi nabibigyang solusyon ay nagsisilbing isang malaking banta sa
integridad at reputasyon ng sektor ng mataas na edukasyon sa lokal ay internasyonal na
antas.
Sa libro naman nina Davis et al. (2009) na pinamagatang “Cheating in Schools:
What we Know and What We Can Do” ay nakasaad na ang pandaraya ay ay
panloloko, panlilinlang gamit ang panlalansi, panghuhuthot, o panlilihis ng ibang tao. Ang
akademikong pandaraya ay ipinagkakait ang abilidad ng isang guro upang suriing mabuti
ang kasarinlang kaalaman at kakayahan ng isang estudyante pati na rin ang kaniyang
progreso sa klaseng kanyang kinukuha. Ang sistematiko at hindi nabibigyang pansin na
akademikong pandaraya ay nalilinlang ang masa na naniniwalang ang mga diploma at
degree ay sumisimbolo sa antas ng naisagawa ng mga estudyante.
Sa mga survey na pag-aaral ay lumalabas na malaki ang populasyon ng mga
estudyante na naniniwalang ang pandaraya ay mali at hindi etikal (Davis, Grover, Becker,
& McGregor, 1992; Schab, 1991). Ngunit, may mga ulat pa rin na nagsasabing may mataas
pa ring incident rates kahit maraming estudyante ang sumasangayon na ang pandaraya ay
mali at hindi etikal. Kahit hindi naaalinsunod ang paglaganap ng pandaraya mula sa isang
pag-aaral patungo sa isa ay sumasangayon ang iba’t-ibang mga mananaliksik na mataas at
tatataas pa ang paglaganap ng pandaraya sa mga eskwelahan.
Kahit ang mga naitalakay na mga literatura at pag-aaral ay mas nakapokus sa
tradisyunal na edukasyon, mayroon pa ring limitadong mga pananaliksik na nagkukumpara
ng pandaraya at pagbili o pagbebenta ng akademikong serbisyo sa tradisyunal at distance
learning na naglalahad na naaalinsunod ang antas ng pandaraya (Grijalva et al., 2006).
Layunin ng Paggamit at Pagbebenta ng Akademikong Serbisyo
Mula sa isang pag-aaral ni Jordan (2001) ay sinuri ang relasyon sa pagitan ng
personal at tiyak-sa-kurso na karunungan at mga panlabas na tunguhin ng pandaraya sa
isang sampol ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang resultang nakuha ay nagpapahiwatig na
ang ginagawa nilang pandaraya ay maiuugnay sa positibong panlabas na tunguhin at
negatibo naman sa tiyak-na-kursong karunungan.
Sa isang katulad na pag-aaral, nagsagawa sina Stephens at Gehlbach (2007) ng
isang pag-aaral upang siyasatin at relasyon ng pansariling layunin at layuning pansilidaralan sa akademikong pandaraya. Ayon naman kay Whitley (1998) sa kaniyang lathalaing
“Factors Associated with Cheating Among College Students: A Review:” na ilan sa mga
magkakaugnay na dahilan ng pandaraya o paggamit ng gawa ng iba ay ang pagkakaroon
ng inaasahanang tagumpay sa larangan, nakapandaya na dati, nag-aaral sa hindi
magandang kalagayan, pagkakaroon ng positibong pananaw sa pandaraya, nakasanayang
pamantayan kung saan ay suportado ang pandaraya, at ang inaasahang malaking
gantimpala sa pagkamit ng mataas na marka. Sinuportahan ito ng isang lathalaing isinulat
ni Gorenko (2020) na nagsasaad na ang dahilan ng mga estudyante kung bakit sila ay
bumibili ng akademikong serbisyo ay dahil sa mataas na antas ng istres, presyur na galing
sa mga magulang, kakulangan sa pagganyak, pag-aaral sa distance learning. Sinabi rin dito
na kahit ano pa man ang dahilan o intensyon ng estudyante ay kahit anong uri ng pandaraya
ay kabilang sa academic fraud at maling kaugalian.
Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang layunin ng papel na ito ay masiyasat ang epekto sa integridad ng isang
estudyante sa pagbili o pagbebenta ng mga akademikong serbisyo. Batay sa mga kaugnay
na mga lathalain ay makikita na mas nakakalamang ang negatibong epekto nito sa mga
estudyante. Binigyang diin ng mga naitalakay na pag-aaral ang iba’t-ibang salik kung bakit
tinatahak ng mga estudyante ang ganitong mga gawain. Ngunit bilang karagdagan dito ay
wala pang sapat na ebidensya na mas mataas ang paglaganap ng paggamit ng akademikong
serbisyo sa distance learning kung ikukumpara sa tradisyunal, at wala ring ebidensya na
mas mahihikayat ang mga estudyante ng online classes na gumamit at magbenta ng
akademikong serbisyo kaysa noong tradisyunal pa lamang.
Teoretikal na Balangkas
Sa bahaging ito, tinalakay ang mga teoryang naging batayan ng pagsusuri maging
ang mga limbag at di limbag na literatura at pag-aaral na may malaking kaugnayan sa
isasagawang pananaliksik.
Batayang Teoretikal
Sa pag-aaral na ito, pagbabatayan ang teorya ni Joseph F. Fletcher na Situational
Ethic Theory o Teoryang Etika na tinalakay niya sa kanyang librong pinamagatang
“Situation Ethics: The New Morality” (1966) at ang teorya ni Immanuel Kant na
Categorical Imperative Theory o Kategoryang Imperatibong Teorya. Isinasaad ng
Situational Ethic Theory na ang pagdedesisyon batay sa moralidad ay ayon sa konteksto o
nakasalalay sa isang hanay ng mga pangyayari at kadahilanan. Ipinapahiwatig na sa mga
kalagayan na walang tiyak na kahulugan, ang karapat dapat gawin ng isang katauhan ay
kung ano ang sa tingin niya ang pinaka tamang gawin sa sandaling iyon. Sinasabing
nakapaloob ito sa etikong pagpapahalaga na kung saan bawat tao ay isinaalang-alang na
kabilang sa isang parte ng ekwasyon upang maging mabuti. Bilang karagdagan, ang
Categorical Imperative Theory ay pagbabatayan din ng pag-aaral na ito na nagsasabing
ang pagiging mabuti o masama ay nakabatay sa kung ano ang kalikasan ng kalakip nitong
intensyon at balak. Kaugnay ng pananaliksik na ito, nasasabing may mas malalim na
kadahilanan ang bawat mag-aaral na pumasok sa mundo ng pagbebenta at pagbili
ng akademikong serbisyo. Sa pag-aaral na ito ay pinagbatayan ang teorya ni Fletcher at
Kant na nagpapaliwanag na sa mga panahong walang malinaw kung ano ang tama o mali,
ang mga mag-aaral ay umaaksyon sa paraang mas makakabuti sa kanila at malalaman ang
epekto nito sa kanilang moralidad batay sa naging pakay at intensyon sa paggawa.
Samakatuwid, nakagagawa ang mga mag-aaral ng pagpapasya na nakalalabag sa kanilang
sariling integridad batay at depende sa nauukol na mga kadahilanan, intensyon, at
sitwasyon. Sa isang maayos na pananaliksik, makikita ang saklaw ng mga kadahilanan ng
mga estudyante na bumibili at nagbebenta ng akademikong serbisyo at ang epekto nito sa
kanilang sariling integridad at moralidad.
Konseptwal na Balangkas
Tinatalakay ng bahaging ito ang konsepto na naging batayan ng pag-aaral na may
malaking kaugnayan sa isinagawang pananaliksik.
Pinagtibay na palatanungan na limitado lamang sa 5-puntos na Likert Scale ang
ginamit nina Sawat, et. al (2018) sa kanilang pananaliksik na isinagawa sa Pakistan upang
pag-aralan ang pagtingin ng mga estudyante sa pagbili ng mga akademikong serbisyo na
pinamagatang Paid Academic Writing Services: A Perceptional Study of Business
Students. Lumabas sa pag-aaral na ang paggamit ng pinagtibay na palatanungan na limitado
lamang sa 5-puntos na Likert Scale ay kinakailangan upang makuha ang mga kapakipakinabang na datos na kailangan para sa nasabing pananaliksik. Angkop ang pinagtibay
na palatanungan na limitado lamang sa 5-puntos na Likert Scale sa kasalukuyang pag-aaral
upang masipat ang tuntunin ng moralidad sa pagbebenta at pagbili ng akademikong
serbisyo mula sa ibang mag-aaral. Sa sitwasyon ngayon na nasa online classes ang moda
ng pag-aaral, dahil walang kontrol ang guro sa mga pwedeng gawin ng kanilang mga
estudyante, at tanging indibidwal na integridad lamang nila ang posibleng asahan,
napapanahong saliksikin ang tuntunin ng moralidad sa pagbili at pagbebenta ng
akademikong serbisyo sapagkat dito rin nakasalalay ang kanya-kanyang lebel ng kalidad
ng mga mag-aaral bilang mga propesyonal pagdating ng araw.
Paradigma ng Pag-aaral
Figura 1. Konseptwal na Balangkas na Nagpapakita ng Inaasahang Daloy ng Pag-aaral
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin kung mayroong epekto ang
akademikong serbisyo sa integridad at moralidad ng mag-aaral na nagbebenta at mag-aaral
na bumibili ng serbisyo. Layunin din ng pananaliksik na ito na matukoy ang tuntunin ng
moralidad sa mga estudyanteng nagbebenta at bumibili ng akademikong serbisyo.
Makakamit ang layunin ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang sosyo-demograpikong katangian ng mga respondente batay sa:
1.1
Kasarian;
1.2
Edad
2. Gaano kadalas bumibili at nagbebenta ng akademikong serbisyo ang mga magaaral?
3. Bakit nagagawa ng isang estudyante ang pagbibigay serbisyo gayundin sa nais
bumili nito?
4. Ang pagbili o pagbebenta ba ng akademikong serbisyo ay may epekto sa paglinang
ng integridad at etikong tugon bilang isang estudyante?
3.1. Katapatan
3.3 Tiwala
3.3 Responsibilidad
3.4 Respeto
3.5 Pagtingin sa Sarili bilang Estudyante (Pride)
5. Ang pagbili o pagbebenta ba ng akademikong serbisyo ay mayroong epekto sa
pagdedesisyon ng isang estudyante sa pagpili sa pagitan ng tama o mali
(moralidad)?
Haypotesis
1. May epekto ang akademikong serbisyo sa integridad at moralidad ng estudyanteng
nagbebenta at bumibili.
2. Walang sapat na ebidensya upang masabi na hindi makatarungan at may katanggaptanggap na dahilan ang pagbili at pagbenta ng akademikong serbisyo.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay kinakailangan ng mga mag- aaral
upang malaman ang epekto ng akademikong serbisyo sa integridad at moralidad ng magaaral na nagbebenta at mag-aaral na bumibili ng serbisyo. Naniniwala ang mga
mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay lubhang mahalaga sa kamalayan ng mga
mambabasa lalo na ang mga estudyante na nasa linya ng pagbebenta at pagbili ng mga
akademikong serbisyo. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang pagnilayan ang sarili
ukol sa kanilang integridad at etikong tugon bilang isang mag-aaral ng isang paaralan o
unibersidad.
Mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay naglalayong makatulong sa mga estudyante kung
paano nila mas lalong makikilala ang kanilang sarili bilang isang mag-aaral na may etikong
dapat dinggin.
Pamantasan, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga guro at mga kawani ng
paaralan upang magsagawa ng mga aktibidad at programa na magpapatibay sa aspetong
integridad at moralidad ng kanilang mag-aaral.
Mga Susunod na Mananaliksik, makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga susunod na
mananaliksik sapagkat maaari na nila itong gamitin na batayan o reperens na maghahatid
ng iba't-ibang ideya at dagdag kaalaman sa malakihang pag-aaral kaugnay sa kaugalian at
sikolohikal na anggulo ng mga mag-aaral.
Depinisyon ng mga Termino
Dito nakasaad ang mga terminong binigyang kahulugan ng mga manananaliksik
upang mapadali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa.
Akademikong panloloko (academic fraud). Sa pag-aaral na ito, ang akademikong
panloloko ay ang pandaraya na nagaganap sa akademikong paraan. Dito nakapaloob ang
plagyarismo at kontratang pandaraya.
Akademikong Serbisyo. Sa pag-aaral na ito, ang akademikong serbisyo ay ang
mga serbisyong ibinibigay o binebenta ng mga estudyante sa mga kapwa nilang estudyante
tulad ng mga asignatura, essay, proyekto, thesis, at iba pa. Kadalasan ay may kapalit na
kabayaran itong mga serbisyong ito.
Kontratang pandaraya (contract cheating). Ang kontratang pandaraya, sa pagaaral na ito, ay ang pagbabayad ng mga estudyante sa iba para makumpleto ang kanilang
gawain sa eskwelahan.
Integridad. Ayon kay fpmagno mula sa website ng Brainly, ang integridad ay ang
pagsunod sa tama kahit na walang nakatingin. Sa pananaliksik na ito, ang integridad ay
isang ugali o kagawian ng tao na nais suriin ng mga mananaliksik.
Moralidad. Ayon kay Luciano Gaboy, ito ang pamantayan ng pag-uugali at
magandang asal. ito ang leksyon o turo sa tama, wasto, o angkop na kaasalan o pag-uugali,
o nauukol sa mabuti at matuwid na kaugalian o asal. Sa pag-aaral na ito, ang moralidad ay
isang konsepto ng tama o mali na nagiging impluwensya ng tao sa kanilang kilos at gawa.
Pandaraya. Sa pag-aaral na ito, ang pandaraya ay ang hindi pagiging matapat sa
kanyang gawain at paggamit ng hindi matapat na paraan para makamit ang isang
kagustuhan.
Plagyarismo. Ayon kay brownmunchkin24 mula sa website ng Brainly, ang
plagyarismo ay ang pangongopya sa isang akda nang hindi binibigyan ng pagkilala ang
orihinal na may-akda. Sa pag-aaral na ito, ang plagyarismo ay isang illegal na gawain na
dapat ay iwasan ng mga estudyante.
PAMAMARAAN AT METODO NG PAG-AARAL
Sa kabanatang ito makikita ang iba’t-ibang bahagi ng metodolohiya ng pag-aaral
ng mga mananaliksik. Dito nailahad ang mga kinakailangang metodo upang makamit ang
layunin ng pagsusuring ito na naglalayong malaman ang epekto sa intergridad ng pagbili
at pagbenta ng mga akademikong serbisyo.
Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na isinagawa ay gumamit ng dinesyong pananalisik na paglalarawan
(descriptive research design). Mula sa libro ni Gay (1992) na pinamagatang Educational
Research: Competencies for Analysis and Application, nakasaad na ang paglalarawang
pananaliksik ay naglalaman ng pangongolekta ng mga datos upang masuri ang mga
haypotesis o magbigay ng sagot na saklaw ng kasalukuyang lagay ng pag-aaral. Ang isang
paglalarawang pag-aaral ay nagtutukoy at nagbibigay ulat tungkol sa mga bagaybagay. Ito rin ay isang siyentipikong pag-aaral na naglalarawan ng mga pangyayari, mga
phenomena o mga sistematikong katotohanan ukol sa isang lugar o populasyon.
Ang pangunahing pokus ng pag-aaral na ito ay ang pagkalap ng impormasyon sa
mga respondante gamit ang online survey questionnaire sa platapormang Google Forms
upang makakuha ng malalim at detalyadong mga kaalaman patungkol sa mga iba’t-ibang
salik ng pagbili o pagbebenta ng mga akademikong serbisyo at kung paano ito
nakakaapekto sa integridad ng isang estudyante.
Lokal ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito na may pamagat na ‘Akademiko at Integridad: Tuntunin ng
Moralidad sa Pagbebenta at Pagbili ng Akademikong Serbisyo mula sa ibang tao‘ ay
isinigawa sa Nueva Ecija. Ang mga mananaliksik na nagsagawa ng papel na ito ay mga
estudyante ng Central Luzon State University. Ang napiling lugar ng mga nasabing
mananaliksik upang gawin ang naturang pag-aaral ay sa kabuuan ng Nueva Ecija.
Pamamaraan sa Pagpili ng Respondente
Ang ginamit na teknik ng mga manananaliksik sa pagpili ng labing-limang
nagbebenta at labing-limang bumibili ng akademikong serbisyo ay purposive sampling
teknik. Ang mga tagatugon na ito ay estudyante mula sa mga kolehiyo sa Nueva Ecija na
magsasagot sa tseklist gamit ang Google Forms.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay tumutuon lamang sa pagkalap ng datos na makapagsasabi
kung ano ang tuntunin ng moralidad sa pagbebenta at pagbili ng akademikong serbisyo ng
mga mag-aaral na kasalukuyang apektado ng online classes na moda sa pag-aaral sa
panahon nitong pandemya. Ang mga estudyanteng nasa kalakaran lamang ng pagbebenta
at pagbili ng akademikong serbisyo sa Nueva Ecija ang saklaw ng pag-aaral na ito, kung
kaya't sila ay pipiliin gamit ang purposive sampling.
Tinatanggap bilang respondente ng pag-aaral na ito ang sinumang estudyante
basta't nag-aaral sa Unibersidad at Paaralan ng Nueva Ecija sapagkat kailangang isaalangalang ang bilang ng mga kakalaping datos maging ang limitadong panahon at resorses ng
mga mananaliksik. Sa mga mag-aaral ng Nueva Ecija, tatanggapin lamang ang tatlumpu
(30) kung sakaling magkaroon ng maling pag kalkula bilang pagtugon sa margin of error
na 5%. Sa ibabaw nito, ang gagamiting impormasyon ay manggagaling lamang sa mga
resulta at datos mula sa respondente at sa mga kaugnay na literatura.
Instrumento ng Pag-aaral
Sistematikong sinaliksik ng mananaliksik ang mga instrumento na kailangan upang
maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral. Naglaan ang mananaliksik ng panahon sa
pagbabasa at pangangalap ng mga kaugnay na literatura ukol sa pag-uugali at sikolohikal
na aspeto ng isang tao. Nakatulong ang mga ito nang malaki upang masuportahan ang
isasagawang pag-aaral. Ang mga pinagkuhanan ng mga ito ay sa internet, mga aklat,
pahayagan, dyornal, hand-outs sa seminar, mga tesis at disertasyon na may kaugnayan sa
isinagawang pananaliksik.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng tseklist para sukatin ang naging epekto ng
pagbenta at pagbili ng akdameking serbisyo sa integridad at moralidad ng mga mag-aaral.
Ang tseklis na nabuo ay dadaan sa Validity Test bago ito ipagamit sa mga respondente. Ito
ay mayroong higit na katanungan upang masuri ng may kahusayan ang ginawa ng
mananaliksik. Ang unang bahagi ay naglalayong makuha ang kanilang sosyodemograpikong katangian. Ang tseklist na ipasasagot sa mga mag-aaral ay naglalaman ng
mga katanungang sumusukat sa naging epekto ng akademikong serbisyo sa kanilang
pagiging matapat, mapagkakatiwalaan, transparent, mapananaligan, mabuting pagpapasya,
marespeto, at pagtingin sa sarili bilang estudyante (Pride).
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng datos para sa pag-aaral na ito sa
pamamagitan ng talatanungan gamit ang google forms. Ang nasabing talatanungan ay
ipakakalat ng mga mananaliksik sa tatlumpung (30) piling mga respondente na nasa
kolehiyo sa Nueva Ecija. Bibigyang katiyakan ng mga mananaliksik ang mga tagatugon na
ang lahat ng impormasyon na kanilang ilalahad sa talatanungan ay mananatiling
confidential sapagkat walang iba maliban sa mga mananaliksik ang bibigyang permiso sa
paggamit ng mga ito.
Ang makokolektang mga datos ay pag-aaralan at bibigyang kahulugan upang
malaman ang epekto ng akademikong serbisyo sa integridad at moralidad ng mag-aaral na
nagbebenta at mag-aaral na bumibili ng serbisyo.
Pag-aanalisa ng Datos
Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik, ngunit gagamit din ng
kwantitatibong paraan upang maabot ang layunin ng mga mananaliksik at makabuo ng
kongklusyon. Ang pag-aanalisa ng datos ay nakadepende sa napiling uri ng tanong sa loob
ng "Survey Questionnaire" o Talatanungan na gagawin at pasasagutan ng mga
mananaliksik. Ang napiling uri ng mga katanungan ay "checklist" o "likert-scale", kaya
kukunin ng mga mananaliksik ang "Weighted Mean" ng bawat tanong sa talatanungan at
saka ilalarawan ang bawat isa nito ng nakabatay sa pamantayan na gagawin ng mga
mananaliksik. Ang naiproseso na mga datos ay ang resulta na gagamitin ng mga
mananaliksik sa pagbuo ng kongklusyon ng pananaliksik.
Konsiderasyon Etikal
Sa pagsasagawa ng proyektong ito, sinisiguro ng mga mananaliksik na nakatalima
sila sa mga etikal na konsiderasyon upang mas mapagtibay ang kanilang pananagutan sa
mga saligan ng pananaliksik na ito. Kabilang sa mga naisaalang-alang nila ay ang mga
sumusunod:
Kawastuhan ng Pag-aaral
Sinisiguro ng mga mananaliksik na ang pananaliksik na ito ay makasasagot sa
katanungang umiiral kaugnay ng paksang napili sa pamamagitan ng paglalatag ng mga
tanong na nakabatay sa nais malaman ukol dito. Dagdag pa dito, tinitiyak na ang mga
metodo ng pag-aaral ay makabuluhan sa pagkalap ng mga kasagutan sa tanong ng
pananaliksik na ito.
Boluntaryong Partisipasyon at Pagsang-ayon
Isa sa mga pinakaimportanteng isinasaalang-alang ng mga mananaliksik ay ang
pagtiyak na ang mga kalahok at partisipants ng pananaliksik na ito, lalo na ang mga
respondente, ay boluntaryong at buong pusong nakikiisa sa pagbuo ng pag-aaral na ito.
Sigurado na walang pamimilit o pananakot na mangyayari upang makahanap ng kalahok
na sa proyektong ito, at lahat ay bibigyan ng pagkakataong tumanggi at maging malaya sa
kanilang desisyon.
Pagiging Kompidensyal ng Impormasyon
Ang lahat ng ilalathala at ilalapag na kasagutan ng mga magiging respondente ng
pag-aaral na ito ay mananaliti lamang sa pagitan ng mananaliksik at respondente. Tiyak at
sigurado na anumang detalye at datos na makukuha ay gagamitin lamang sa mga bagay na
may kaugnayan sa pananaliksik na ito.
Peligro ng Pinsala
Ang mga mananaliksik sa abot ng kanilang makakaya ay poprotekahan ang mga
respondente sa mga posible pinsala na maidulot sa kanila. Kung sakaling ang benepisyo ay
malalagpasan ng pinsala, hindi magaatubili ang mananaliksik na bauhin ang disenyo ng
pag-aaral nang sa gayon ay mabigyan ng prayoridad ang kaligtasan ng mga kalahok.
Pantay na Pagpili ng Respondente
Sinisigurong ang mga respondente ay hindi dadaan sa diskriminasyon, sinumang
karapat-dapat at kwalipikadong maging respondente, anuman ang kaantasan sa buhay, ay
maaaring maging kalahok ng walang alinlangan.
Mula sa mga nabanggit sa itaas tatalima ang mga pamamaraang itatag ng mga
mananaliksik.
RESULTA, INTERPRETASYON AT TALAKAY NG PAG-AARAL
Nakalahad sa bahaging ito ng pag-aaral kung paanong pinili, tinipon, sinuri, at
binigyang paliwanag, paglalahad at interpretasyon ng mga mananaliksik ang mga nakalap
na datos. Isinaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga datos ayon sa tiyak na katanungang
binanggit sa unang bahagi ng pag-aaral. Isinagawa ito sa pamamagitan ng maingat at
sistematikong presentasyon at malinaw at detalyadong interpretasyon ng mga datos na
nakuha batay sa isinagawang Online Survey Questionnaire.
Resulta at Talakay
1. Sosyo-demograpikong Katangian ng mga Mag-aaral
Unang layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang sosyo-demograpikong
katangian ng mga respondente batay sa edad at kasarian. Makikita sa mga
sumusunod na talahanayan ang mga naging resulta ng isinagawang sarbey sa mga
mag-aaral ng kolehiyo sa Nueva Ecija.
Talahanayan 1. Sosyo-demograpikong Katangian ng mga Respondente
Mga Katangian
Frequency
Porsyento
Lalaki
13
43.3%
Babae
17
56.7%
Kabuuan
30
100%
16-17
2
6.7%
18-19
24
80%
20-21
4
13.3%
22 pataas
0
0%
Kabuuan
30
100%
Kasarian
Edad
Uri ng Respondente
Bumibili ng akademikong serbisyo
15
50%
Nagbebenta ng akademikong serbisyo
15
50%
Kabuuan
30
100%
Edad
Ang talahanayan ay naglalaman ng edad ng mga mag-aaral na naging
tagatugon sa pag-aaral na ito. Batay sa resulta, lumabas na ang pinakamataas na
edad ng tagatugon ay nasa 18-19 na nakakuha ng 80% habang ang pinakamababa
ay ang edad 22 pataas na may 0%. Masasabing ang mga tagatugon ay nasa
kasiglahan ng pag-aaral.
Sinasabing ang mga mag-aaral ay nasa edad ng karaniwang mga mag-aaral
sa ika-unang taon sa kolehiyo na nagsasabi na ang edad at aspeto ng mga magaaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang edad
ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit na
anong larangan (Tejedor, 2011).
Kasarian
Ang talahanayan ay naglalaman ng bilang at porsyento ng kalalakihan at
kababaihang nagsilbing respondente sa pag-aaral. Makikita kung ang kasarian ay
may malaking ugnayan o epekto sa pag-aaral na ito. Karamihan sa mga
respondente ay kababaihan na binubuo ng 17 o 56.7% habang ang kalalakihan
naman ay binubuo lamang ng 13 o 43.3%.
Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita ng kaibahan
ng kakayahan ng mga mag-aaral. Ipinapakita sa mga pag-aaral na mas marami ang
mga babaeng nagbibigay at nagbebenta ng serbsiyo dahil sila ay mas may tiyaga
sa mga gawaing pampaaralan (Grasgreen, 2013).
2. Gaano kadalas bumibili at nagbebenta ng akademikong serbisyo ang mga
mag-aaral?
Talahanayan 2. Dalas ng pagbili ng Akademikong Serbisyo ng mga Respondente
adalasan ng pagbili
Frequency
Porsyento
Isang beses sa isang linggo
1
6.7%
Dalawa at pataas na beses sa isang linggo
1
6.7%
Isang beses sa isang buwan
2
13.3%
Dalawa at pataas na beses sa isang buwan
3
20%
Tuwing kailangan lamang
8
53.3%
Kabuuan
15
100%
Talahanayan 3. Dalas ng pagbenta ng Akademikong Serbisyo ng mga
Respondente.
Frequency
Porsyento
Isang beses sa isang linggo
1
6.7%
Dalawa at pataas na beses sa isang linggo
1
6.7%
Isang beses sa isang buwan
1
13.3%
Dalawa at pataas na beses sa isang buwan
2
20%
Tuwing kailangan lamang
8
53.3%
Tuwing may libreng oras
1
6.7%
Kapag may nagmensahe para magpakomisyon
na gumawa
1
6.7%
Kabuuan
15
100%
Dalas ng pagbili at pagbenta ng Akademikong Serbisyo
Ang mga talahanayan ay naglalaman ng bilang kung gaano kadalas bumibili
at nagbebenta ng akademikong serbisyo ang mga respondente. Karamihan sa mga
na respondente ay bumibili ng akademikong serbisyo tuwing kailangan lamang na
binubuo ng 8 o 53.3%. Sa kabilang dako, karamihan din sa mga respondente ay
nagbebenta ng akademikong serbisyo tuwing kailangan lamang na may bilang 8 o
53.3%.
Sinasabing nagpapagawa ng asignatura sa iba ang mga bumibili ng
akademikong serbisyo at gumagawa ng asignatura ng iba ang mga nagbebenta ng
akademikong serbisyo na nagreresulta sa academic dishonesty sa mga oras lamang
na kailangang kailangan ito (Satille &Watson, 2010).
3. Bakit nagagawa ng isang estudyante ang pagbibigay serbisyo gayundin sa nais
bumili nito?
Grapikong paglalarawan 1. Resulta ng mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbili ng
Akademikong Serbisyo.
Ang asignatura ay hindi gaanong mahalaga
Tambak ang gawain
Kawalan ng gana dahil sa kasulukuyang sitwasyon
Kakulangan ng kaalaman kaugnay ng gawain
Pressure na nanggagaling sa sarili
Pressure na nanggagaling sa pamilya
Stress
Kakulangan sa oras ng paggawa
0
1
2
3
4
5
6
Mga salik na nakaaapekto sa pagbili ng mga akademikong serbisyo
7
8
9
10
Mga kadahilanan ng mga bumibili ng akademikong serbisyo
Ang grapikong paglalarawan ay nagpapakita sa iba’t ibang salik at mga kadahilanan
ng mga mag-aaral kaya sila ay bumibili ng akademikong serbisyo mula sa ibang magaaral. Karamihan sa mga respondente ay nagpapagawa ng asignatura sa iba dahil sila
ay may kakulangan sa oras ng paggawa (9), tambak ang gawain (8), at kawalan ng gana
dahil sa kasalukyang sitwasyon (8). Susunod naman sa mga ito ang stress (6),
kakulangan ng kaalaman sa kaugnay na gawain (6), pressure na nanggagaling sa sarili
(5), at ang asignatura ay hindi gaanong mahalaga (4). Pressure na nanggagaling sa
pamilya ang nakakuha ng pinakamababang boto (2).
Sa panahon ng pandemya at paggamit sa online classes ay mas matimbang ang
negatibo nitong hatid kung ikukumpara sa positibong aspeto. Kung ikukumpara sa
tradisyunal na klase, mas marami ang mga takdang-aralin na ibinababa ng mga guro
kaya nalulugmok sa stress at anxiety ang mga mag-aaral. Ang bawat mag-aaral na
nakakaranas ng asingkronikong pamamaraan ay napipilitang mag-aral mag-isa at hindi
natututunan ng buo ang mga aralin. Dahil sa pagkukulang sa pisikal at sosyal na
interaksyon, karamihan sa mga estudyante ay nawawalan ng gana sa kasalukuyang
sitwasyon. (Northenor, 2020)
Grapikong paglalarawan 2. Resulta ng mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbenta ng
Akademikong Serbisyo.
Pansailing paglinang ng kahusayan
Pagbuo ng reputasyon bilang mahusay
Pinansiyal na pagangailangan
Kredibilidad bilang estudyante
Tulong sa mga nangangailangan na estudyante
0
2
4
6
8
10
12
14
16
Mga salik na nakaaapekto sa pagbenta ng mga akademikong serbisyo
Mga kadahilanan ng mga nagbebenta ng akademikong serbisyo
Ang grapikong paglalarawan ay nagpapakita sa iba’t ibang salik at mga kadahilanan
ng mga mag-aaral kaya sila ay nagbebenta ng akademikong serbisyo mula sa ibang
mag-aaral. Tulong sa mga nangangailangan na estudyante (14) ang kadahilanan na may
pinakamaraming boto mula sa mga respondente na nagbebenta ng akademikong
serbisyo. Sumunod dito ay ang pansariling paglinang ng kahusayan (11), pinansiyal na
pangangailangan (11), at krebilidad bilang estudyante (10). Ang pinakamababang
dahilan kung bakit ginagawa nila ang takdang-aralin ng iba ay para sa pagbuo ng
reputasyon bilang mahusay (3).
Ang pagbebenta ng akademikong serbisyo kapalit ng salapi ay isang aspeto ng
contract cheating (Gorenko, 2020). Ang kadahilanan ng karamihang pumapasok sa
negosyong ito ay tulong para sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pag-aaral at
pandagdag sa pinansiyal na panggastos sa pamilya. Ngunit hindi nakikita ng mga
nagbebenta ng serbisyo na nagiging hadlang ito sa akademikong pag-unlad ng mga
nagpapagawa ng takdang-aralin (Newton & Draper, 2006).
4. Ang pagbili o pagbebenta ba ng akademikong serbisyo ay may epekto sa
paglinang ng integridad at etikong tugon bilang isang estudyante?
3.1. Katapatan
Talahanayan 4. Resulta ng Katapatan bilang Salik na Nakaaapekto sa Integridad ng
Isang Estudyante.
Pahayag
Mean
Berbal na
Interpretasyon
1. Naniniwala ako na ang katapatan ay ang batayan
ng pagtitiwala.
4.47
Totoo
2. Palagi akong totoo at tapat sa student core values
ng aming paaralan.
3.53
Totoo
3. Pakikipagtulungan sa iba pang mga mag-aaral sa
mga takdang-aralin nang walang pahintulot mula sa
iyong propesor.
3.60
Totoo
4. Ako ay nangongopya mula sa ibang mag-aaral o
pagbibigay ng sagot sa panahon ng isang pagsusulit.
3.57
Totoo
5. Hindi nagbabanggit ng sources ng mga
materyales o ideya mula sa iba na inilakip sa iyong
takdang-aralin.
2.43
Hindi ganoong totoo
Kabuuang Mean
3.52
Totoo
Pananda: (4.50-5.00), Totoong-totoo; (3.50-4.49), Totoo; (3.00-3.49), Walang
kinikilingan; (1.50-2.99), Hindi ganoong totoo; (1.00-1.49), Hindi totoo
Mula sa mga datos na nakalap sa isinagawang survey, nahinuha mula sa resulta na
totoong-totoo na may epekto ang “katapatan” sa integridad at etikong tugon bilang isang
estudyante. Mataas ang naging pagsang-ayon ng mga respondente na ang katapatan ay
batayan ng katapatan at mababa ang nagsasabing hindi sila nagbabanggit ng sanggunian sa
akdang ‘di sila ang may gawa. Kaya naman masasabi kahit papaano na nakakasunod ang
mga tumugon sa bang etikong konsiderasyon. Kaugnay nito, hindi lingid sa kaalaman ng
nakararami na ang pangunahing prayoridad ng institusyong pang-akademiko ay ang
pagsugpo sa kawalang-katapatan sa larangan ng akademiko, gayunpaman bunga ng distant
learning, kung saan ang mga estudyante ay hindi lubusang nababantayan, ay hindi parin
naiiwasan ang mga mga gawaing nakakaapekto sa pagiging tapat ng mga estudayante
(Patricia McGee). Ang nabanggit na pahayag na ito ay isa sa mga maaaring maging
basehan kung bakit totoo na ang katapatan ay totoong naapektuhan ng pagbebenta at
pagbili ng mga akademikong serbisyo.
3.2 Tiwala
Talahanayan 5. Resulta ng Tiwala bilang Salik na Nakaaapekto sa Integridad ng
Isang Estudyante.
Pahayag
Mean
Berbal na
Interpretasyon
1. Hindi gaanong mataas ang tiwala sa sarili ng mga
bumibili ng akademikong serbisyo, at mataas naman
para sa mga nagbebenta ng akademikong serbisyo.
2.97
Walang kinikilingan
3.90
Totoo
4.03
Totoo
4. Ang kumpiyansa sa sarili ay negatibong
naapektuhan ng pagbili ng akademikong serbisyo.
2.97
Walang kinikilingan
5. Ako ay naka-asa sa akda at proyektong gawa ng
iba bilang palitan ng salapi at serbisyo.
2.4
Hindi ganoong totoo
Kabuuang Mean
3.25
Walang
kinikilingan
2. Ako ay bukas sa mga gawaing makakalikom ng
tiwala kahit ako ay gumagamit/nagbebenta ng
akademikong serbisyo.
3. Maaasahang lubos ang mga proyekto at
aktibidades na gawa ng estudyanteng may mataas na
kredibilidad.
Ang talahanayan na ito ay nagpapakita naman ng mga tugon ukol sa salik na
“Tiwala” ng integridad. Ang kabuuang resulta ay nagsasabi na balanse lamang ang epekto
ng akademikong serbisyo sa integridad ng mga estudyante. Kaugnay ng salik na tiwala,
mataas ang paniniwala ng mga respondente na lubos na maaasahan ang mga akdang gawa
ng estudyanteng may mataas na kredibilidad, at mababa naman ang naging pagsang-ayon
sa pahayag na nagsasabing palagian silang nakaasa sa gabay ng iba.
Ang tiwala ay nakikita bilang kumpiyansa ng isang tao sa mga salita at ideya ng
ibang tao, at pinaniniwalaang ang mga mahihirap at komplikadong paksa ay mas
mabibigyang kabuluhan ng mga taong may mas mataas na kredibilidad. (Elizabeth A.
Luckman et al.).
3.3 Responsibilidad
Talahanayan 6. Resulta ng Responsibilidad bilang Salik na Nakaaapekto sa
Integridad ng Isang Estudyante.
Pahayag
Mean
Berbal na
Interpretasyon
1. Nagawa ko ang aking responsibilidad sa aking
nakatakdang gawain.
4.43
Totoong-totoo
4.13
Totoo
4.30
Totoong-totoo
4.03
Totoo
4.00
Totoo
4.18
Totoo
2. Nagawa ko ang aking responsibilidad sa aking
guro, bilang sya ay umaasa na aking gagawin ang
aking obligasyon.
3. Nagampanan ko ang aking responsibilad na
sumunod sa aking pansariling prinsipyong etikal at
nakaapekto ang pagbenta/pagbili ng akademikong
serbisyo dito.
4. Nagawa ko ang aking responsibilidad sa aking
sarili na lumago bilang taong may likas na
integridad.
5. Nagawa ko ang aking responsibilidad na
panatilihin ang integridad na mahigpit na inaalagaan
ng mga batas o polisiya patungkol sa "plagiarism".
Kabuuang Mean
Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng resulta ng nakalap na datos ukol sa salik
na “responsibilidad”. Mahihinuha na may epekto nga ang pagbili at pagbenta ng
akademikong serbisyo sa integridad ng tao, ito man ay sa perspektibo ng bumibili o
nagbebenta ng akademikong serbisyo. Ang resulta ay para lang din "pagtitiwala" dahil
"Ang pagpapakita ng responsibilidad ay lubos na nakahanay sa pagtitiwala" (Ash, 2015).
Maipapakita din ng datos sa talahanayan na ang pagtapos ng responsibilidad ang may
pinakamataas na katotohanan o pagsang-ayon. Sa kabilang dako naman, pinakamababa na
may epekto ang responsibilidad na pahalagahan at sundin ang batas o polisiya ng
"plagiarism" na higit na pinahahalagahan ng karamihan, lalo na ng mga propesyonal.
3.4 Respeto
Talahanayan 7. Resulta ng Respeto bilang Salik na Nakaaapekto sa Integridad ng
Isang Estudyante.
Pahayag
Mean
Berbal na
Interpretasyon
1. Makatwiran ang paggamit ng mga gawaing
pinaghirapan ng iba kapalit ng salapi.
3.5
Totoo
2. Kagalang-galang ang pagiging mataas kaysa sa iba
sa pamamagitan ng akademikong serbisyo.
2.5
Hiindi ganoong totoo
1.93
Hindi gaanong totoo
2.17
Hindi gaanong totoo
2.93
Walang kinikilingan
2.61
Walang
kinikilingan
3. Pag-aangkin na ang gawain ng iba ay iyong
pagmamay-ari.
4. Pagiging kampante sa lahat ng oras dahil may
inaasahang gagawa ng sariling takdang-aralin o
proyekto.
5. Hinihikayat ang iba pang estudyante na bumili o
magbenta ng akademikong serbisyo.
Kabuuang Mean
Mula sa mga datos na nakalap sa isinagawang survey, nahinuha mula sa resulta na
walang kinikilangan ang mga estudyante sa usapin ng respeto bilang salik na nakaaapekto
sa kanilang integridad. Mataas ang naging pagsang-ayon ng mga respondente na
makatwiran ang paggamit ng mga gawaing pinaghirapan ng iba kapalit ng salapi at mababa
naman ang pagsang-ayon na pag-aangkin nang maituturing na ang gawain ng iba ay kanila
nang pagmamay-ari. Mahihinuha sa datos na nasa sa itaas, kapansin-pansin na sa mga
pahayag na merong bahagyang paglabag sa integridad at etika, mababa itong sinangayunan. Makikita rin na bukod sa respeto ng nagbebenta at bumibili sa isa’t-isa, naroon pa
rin ang respeto nila sa kanilang sarili bilang sa kanilang perspektibo, totoong makatwiran
ang ginagawa nila. Ayon kina Javier et. al (2016) ang respeto ay ang pagkilala sa karapatan,
pag-aari at nararamdaman ng isang indibidwal, ngunit para naman kay Heras, may
negatibong aspeto ang respeto at ito ay ang paglilimita nito sa pagkakaiba-iba, isa pa ay
ang pangangailangan nito na sumunod sa kagustuhan ng iba, na maaaring kumontrol at
kumulong sa isang indibidwal.
3.5 Pagtingin sa Sarili bilang Estudyante (Pride)
Talahanayan 8. Resulta ng Pagtingin sa Sarili bilang Salik na Nakaaapekto sa
Integridad ng Isang Estudyante.
Pahayag
1. Naniniwala ako na hindi nababawasan ang aking
pagkatao (konsensya) kapag nakabibili/ nakagagawa
ako ng isang akademikong serbisyo dahil sapat at
katanggap-tanggap naman ang dahilan na meron ako
upang ito’y gawin.
2. Tuwing nagiging mabuti ang kinalalabasan ng aking
ginagawa/ binibiling akademikong serbisyo, tumataas
ang aking kumpiyansa sa sarili dahil sa positibo nitong
epekto sa aking grado.
3. Ako lamang ang nakakaalam na bumibili/
nagbebenta ako ng akademikong serbisyo sa aming
pamilya at kaibigan.
4. Hindi ko ikakahiya ang aking ginagawa dahil
naniniwala ako na sa ganitong mga panahon,
nagpapaka-praktikal lamang ako.
Mean
Berbal na
Interpretasyon
3.57
Totoo
3.73
Totoo
2.27
Hindi gaanong
totoo
3.8
Totoo
5. Hindi hadlang sa aking gawain na pagbili/ pagbenta
ng akedemikong serbisyo ang ispekulasyon na
malalaman ng isang tagapag-tsek ang tunay na may
akda nito, dahil maingat naman ako at alam ko ang
gagawin sa ganoong sitwasyon.
3.63
Totoo
Kabuuang Mean
3.40
Totoo
Mula sa mga datos na nakalap sa isinagawang survey, nahinuha mula sa resulta na
totoo para sa mga respondente na ang pagtingin sa sarili ay salik na nakaapekto sa kanilang
integridad bilang estudyante. Mataas ang naging pagsang-ayon ng mga respondente na
tuwing mabuti ang kinalalabasan ng akademikong serbisyo na nabili o naibenta, tumataas
ang kanilang kumpiyansa dahil sa positibo nitong epekto sa kanilang grado at mababa
naman ang pagsang-ayon na sila lamang ang tanging nakakaalam na bumibili o nagbebenta
sila ng akademikong serbisyo sa kanilang pamilya at kaibigan. Sa pag-aanalisa lumalabas
na ang pagbili at pagbenta ng akademikong serbisyo ay may positibong epekto sa pagtingin
ng sarili ng isang indibidwal na nagbebenta o bumibili ng isang akademikong serbisyo,
lumabas din na bukas sa ibang tao ang kanilang ginagawa at hindi ito gaanong tinatago sa
kanilang pamilya o kaibigan. Ayon nga kay Lucas Shallua, “One’s self concept determines
how he or she seizes opportunities in life as they are presented to him or her,” kung kaya’t
sa bawat oportunidad na meron ang isang estudyante hanggang pwede at rasonable para sa
kanila ang dahilan, ay kanila na itong kukunin.
5. Ang pagbili o pagbebenta ba ng akademikong serbisyo ay mayroong epekto sa
pagdedesisyon ng isang estudyante sa pagpili sa pagitan ng tama o mali
(moralidad)?
Talahanayan 9. Epekto ng Akademikong Serbisyo sa Moralidad ng Isang
Estudyante.
Pahayag
Mean
Berbal na
Interpretasyon
1. Naniniwala ako na hindi tama ang pagbili at
pagbenta ng mga akademikong serbisyo.
2.93
Walang kinikilingan
3.5
Totoo
3.67
Totoo
3.73
Totoo
5. Ang pagiging matapat at totoong mag-aaral ay
dapat hinihikayat.
4.17
Totoo
Kabuuang Mean
3.60
Totoo
2. Naniniwala ako na tama lang ang pagbili at
pagbenta ng mga akademikong serbisyo lalo na para
sa mga nangangailangan.
3. Ang pagtulong sa aking kaklase kapalit ng
pagtulong niya sa akin ay isang makatarungang gawa.
4. Ang pag-angkin sa gawa ng iba bilang akin ay hindi
tama sa moral na pananaw.
Ang Talahanayan 6 ay naglalaman ng epekto ng akademikong serbisyo sa
moralidad ng mga estudyante ayon sa mga tagatugon ng pag-aaral. Ang kabuuang mean
ng mga pahayag ay 3.60 at may berbal na interpretasyon na Totoo. Ito ay binigyang
kahulugan na ang pagbibili at pagbebenta ng akademikong serbisyo ay totoong
nakaaapekto sa moralidad ng mga estudyante.
Ayon kay Sobel (2019), mayroong dalawang uri ng teorya sa moralidad: Sa unang
uri ng pananaw, maaaring gumawa ang isa ng isang imoral sa isang kahulugan ngunit hindi
sa iba. Sa pangalawang uri ng pananaw, ang pag-uugali na imoral sa iisang kahulugan ay
imoral din sa isa pa.
Sa panig ng mga bumibili at nagbebenta ng mga akademikong serbisyo, ang unang
uring pananaw na nabanggit ay maiuugnay sa kanilang sitwasyon. Sila ay may kamalayan
sa kanilang maling ginagawa ngunit kasabay ng maling gawain na ito ay ang paglaan ng
tulong at benepisyo sa sarili at sa ibang tao. Sa ganitong paraan, ang pagpili ng isang
estudyante sa kung ano ang tama at mali ay naaapektuhan.
Konklusyon
Demograpikong Propayl ng mga Respondente
Matapos maproseso ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos ay nakabuo
ang mga ito ng mga sapat na impormasyon na makapagtatanto ng kinalabasan ng
pananaliksik. Una muna ay ang demograpikong propayl ng mga respondent, hango sa mga
resultang nakalap ng mga mananaliksik, ang karamihan sa mga respondent ay nakapasok
sa edad na labing walo (18) hanggang labing siyam (19), at karamihan sa mga ito ay babae.
Kadahilanan at Dalas ng Pagbili at Pagbebenta ng Akademikong Serbisyo
Pagdako sa mga resulta na nakalap ng mga mananaliksik. Nahinuha ng mga
mananaliksik na ang mga respondente ay bumibili o nagbebenta lamang ng akademikong
serbisyo sa tuwing ito ay kinakailangan lamang. Sa panibagong katanungan napagtanto ng
mga mananaliksik ang mga kadahilanan ng bumibili at nagbebenta ng akademikong
serbisyo kung bakit nila ginagawa ang mga gawaing ito. Bumibili ng akademikong
serbisyo ang mga estudyante dahil sila ay gahol o kulang sa oras upang matapos ang
kanilang gawain, sa kabilang banda, ang mga nagbebenta naman ng akademikong serbisyo
ay nagsasagawa ng gawaing ito – higit sa lahat – ay dahil ninanais nilang makatulong sa
mga estudyante na nangangailangan ng kanilang pagiging eksperto sa isang larangan.
Kinonsidera ng mga mananaliksik ang kalagayan ng bawat estudyante ngayong pandemya,
base sa mga kadahalinan ng mga respondente ay walang sapat na ebidensya upang masabi
na hindi makatarungan at may katanggap-tanggap na dahilan ang pagbili at pagbenta ng
akademikong serbisyo.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Integridad ng Isang Estudyante
Ang resulta ng bawat datos na pinroseso ay nagamit ng mga mananaliksik upang
mapagtanto kung ang pagbili o pagbenta ng akademikong serbisyo sa bawat salik ay may
epekto sa Integridad ng isang estudyante. Ang kongklusyon ng mga mananaliksik base sa
mga resulta ay ang sumusunod. Sa salik na “katapatan”, “responsibilidad” at “Pagtingin
sa sarili bilang estudyante (Pride)” ay totoong nakakaapekto ang pagbebenta at pagbili ng
akademikong serbisyo sa integridad ng isang estudyante. Sa salik naman na “tiwala” at
“respeto”ay walang kinikilingan o balanse lamang ang epekto ng pagbili at pagbenta ng
akademikong serbisyo sa integridad ng isang estudyante. Sa kabuuang pagtingin – sa
pagkuha ng average o mean ng lahat ng salik na nakaaapekto sa integridad – nahinuha ng
mga mananaliksik na “Totoo” na may epekto ang pagbenta at pagbili ng akademikong
serbisyo sa integridad – ang "Pag-uugali ng kalahok (estudyante) sa pamamahala ng
paggawa at pagtupad ng desisyon" (L.W.J.C. Huberts, 2018). Sa kabilang dako, mula sa
mga sagot ng respondente ukol sa ikalimang suliranin, nahinuha ng mga mananaliksik na
may epekto sa moralidad – o sa pagtingin ng tama o mali – ng mga estudyante ang pagbili
o pagbenta ng akademikong serbisyo. Bilang kabuuan at huling konklusyon, tama ang
haypotesis ng mga mananaliksik na may epekto ang pagbebenta at pagbili ng akademikong
serbisyo sa Integridad at Moralidad ng Isang estudyante.
Rekomendasyon
Ito ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan
mula sa isinagawang pag-aaral patungkol sa epekto ng akademikong serbisyo sa integridad
at moralidad ng mga nagbebenta at bumibili na mga estudyante.
1. Tingnan ang naging epekto ng akademikong serbisyo sa akademiko at intelektwal
na progreso ng mga estudyanteng bumibili ng serbisyo ng iba.
2. Magsagawa ng pag-aaral ukol sa persepyon at saloobin ng mga guro at kawani ng
paaralan ukol sa akademikong pagnenegosyo.
3. Gamitin ang nabuong konklusyon ng pag-aaral na ito upang maging batayan sa mas
maayos at organisadong pagbuo ng mga patakaran sa eskwelahan
4. Iminumungkahi ng mananaliksik na patuloy pang magsaliksik ng mga paksang may
kinalaman sa mga akademikong pagnenegosyo ng mga mag-aaral upang mas
maintindihan at lumawak ang kaalaman pagdating sa asal at kilos ng mga magaaral.
5. Para sa iba pang mananaliksik, magsagawa ng pananaliksik ukol sa akademikong
serbisyo sa junior at senior high school o kahit sa ibang lokalidad upang mas
palakasin at pagtibayin ang mga impormasyong nakalap.
TALASANGGUNIAN
Ano ang integridad? ano ang katapatan? (2016, December 30). Retrieved July 7, 2021,
from Brainly.ph website: https://brainly.ph/question/496107
Ano ang kahulugan ng pandaraya? (2020, November 7). Retrieved July 8, 2021, from
Brainly.ph website: https://brainly.ph/question/6467236
Ano ang kahulugan ng Plagyarismo? (2017, October 18). Retrieved July 8, 2021, from
Brainly.ph website: https://brainly.ph/question/1005666
Ash, E. (2015). The magnificent seven aspects of integrity. SmartCompany. Retrieved from
https://www.smartcompany.com.au/people-human-resources/seven-componentsthat-make-up-integrity/
Davis, S. F., Drinan, P. F., & Gallant, T. B. (2009). Cheating in School: What We Know
and What We Can Do (1st ed.). Wiley-Blackwell.
Davis, S. F., Grover, C. A., Becker, A. H., & McGregor, L. N. (1992). Academic
dishonesty: Prevalence, determinants, techniques, and punishments. Teaching of
Psychology, 19, 16–20.
Fletcher, J. (1966). Situational ethics. Philadelphia: Westminster Press.
GabbyDictionary.com. (2021). Retrieved July 7, 2021, from Gabbydictionary.com
website: http://www.gabbydictionary.com/
Gorenko, Y. (2020). Contract Cheating: Reasons Behind It And Ways To Stop It. eLearning
Industry.
Retrieved
from
https://elearningindustry.com/contract-
cheating-reasons-and-ways-to-stop
Grijalva, T. C., Nowell, C., & Kerkvliet, J. (2006). Academic honesty and online courses.
College Student Journal, 40, 180-185.
Huberts, L.W.J.C. (2018). Integrity: What it is and Why it is Important. Issue sup1:
International Colloquium on Ethical Leadership: Past, Present, and Future of Ethics
Research. (DOI: 10.1080/10999922.2018.1477404)
Javier, J. R., Galura, K., Alinganga, F.A. P., Supan, J D.O., Palinkas, L. A., (2019). Voices
of the Filipino Community Describing The Importance of Family in Understanding
Adolescent
Behavioral
Health
Needs.
Retrieved
from
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5726410/
Jordan, A.E. (2001). College student cheating: The role of motivation, perceived norms,
attitudes, and knowledge of instructional policy. Ethics & Behavior, 11, 233–247.
Lancaster, T. (2020). Commercial contract cheating provision through micro-outsourcing
web
sites.
International
Journal
for
Educational
Integrity,
16(1).
https://doi.org/10.1007/s40979-020-00053-7
Lee, C. (2019). What is Contract Cheating? Why Does it Matter? Turnitin.
https://www.turnitin.com/blog/what-is-contract-cheating-why-does-it-matter
Newton, P.M., Draper, M.J. (2006). Are Essay Mills committing fraud? An analysis of
their behaviours vs the 2006 Fraud Act (UK). International Journal for Educational
Integrity (DOI: 10.1007/s40979-017-0014-5).
Northenor, K. (2020). Online school has more negative impacts than positive. Retrieved
from https://theroswellsting.com/5200/opinion/online-school-has-more-negativeimpacts-than-positive/.
Pine
Manor
College.
(2020).
Academic
Ethics
and
Integrity.
PMC.
https://www.pmc.edu/academics/academic-catalog/academic-ethics-and-integrity/
Schab, F. (1991). Schooling without learning: Thirty years of cheating in high school.
Adolescence, 26(104), 839-847.
Shallua
L.
D.,
(2020).
Self-concept.
Retrieved
from
https://www.goodreads.com/quotes/tag/self-concept
Sobel, A. (2019, July 10). “Doing the Wrong Thing for the Right Reasons,” (Guest Post
by
Mitchell-Yellin
for
Normative
Ethics
July).
PEA
Soup.
https://peasoup.princeton.edu/2019/07/mitchell-yellin-contributes-to-normativeethics-month/
Sotille, J. & Watson, G. (2010). Cheating in the Digital Age: Do Students Cheat More in
Online Courses? Online Journal of Distance Learning Administration, Volume
XIII,
Number
I,
Spring.Retrievedfromhttps://www.westga.edu/~distance/ojdla/spring131/watson1
31.html
Stephens, J. M., & Gehlbach, H. (2007). Under pressure and underengaged: Motivational
profiles and academic cheating in high school. In E. M. Anderman & T. B. Murdock
(Eds.), Psychology of academic cheating (pp. 107–139). San Diego, CA: Elsevier.
Tejedor, Andrea. (2011). A qualitative case study for a potential model k-12 professional
development using virtual learning environments.
The Higher Education Standards Panel. (2021). Tackling contract cheating. Department of
Education, Skills and Employment. https://www.dese.gov.au/higher-educationstandards-panel-hesp/tackling-contract-cheating
Whitley, B.E. (1998). Factors Associated with Cheating among College Students: A
Review. Research in Higher Education 39, 235–274.
APENDIKS
Apendiks A. Larawan ng pagpupulong ng mananaliksik
Apendiks B. Larawan ng pagpupulong ng mananaliksik kasama ang kanilang guro
Apendiks C. Online Survey Questionnaire gamit ang Google Forms
Download