Aralin Panlipunan Baitang 5 Inihanda ni: Gng. Ma. Felisa F. Pariñas Quarter 2 Week 5 ARALIN 3: (Kristiyanisasyon) 1.Kristiyanisasyon ang tawag sa pagmimisyon ng mga prayle upang ipalaganap ang Krisyanismo. 2.Maynila ang unang lugar sa Pilipinas kung saan pinalaganap ang Kristiyanismo. (CEBU) 3. Simbahan ang malaking ginampanang tungkulin sa pagpapatupad ng kolonyalismo sa Pilipinas. 4. Agustino ang unang pangkat ng mga misyonerong paring dumating sa Pilipinas. 5. Rajah ang tawag sa mga paring namumuno sa mga parokya. (KURA PAROKO) ALAB! ALAB! PASOK! Quarter 2 Week 5 ARALIN 4 Pagbubuwis at Sistemang Bandala GABAY SA PAGKATUTO Ikaw ay inaasahang: - Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya. - Patakarang pangekonomiya (Pagbubuwis, Sistemang Bandala) APinabalik Aral!!! • Ang buwis ba ay tinawag ding tributo? 1, 2 YEAH!!! • Naging maayos ba ang paniningil ng buwis noong panahon ng mga Espanyol? 1, 2 AWW!!! • Maging ang mga bata ba ay pinagbabayad ng SEDULA? 1, 2 AWW!!! • Hanggang ngayon ba ay nagbabayad parin tayo ng buwis sa pamahalaan? 1, 2 YEAH!!! • Maari bang gamitin ang mga produkto bilang buwis sa halip na walong reales ? 1, 2 YEAH!!! TUKLASIN! Ang mga patakarang pang ekonomiya na ipinatupad ng Espanya sa panahon ng pananakop ay ang mga: IRTUTBO Ang TRIBUTO ay sistema ng pagbubuwis na binabayaran ng ating mga ninuno bilang pagkilala sa kapangyarihan ng Espanya. Ito ay binabayaran ng salapi (REALES) o katumbas na halaga ng produkto tulad ng palay, bulak, manok, ginto at iba pang produkto. Edad ng pinagbabayad ng buwis: Sanggol na lalaki hanggang 18 taong gulang ay hindi nagbabayad ng tributo. Lalaking 19 hanggang 60 taong gulang ay nagbabayad ng tributo. Noong 1570, ito ay nasa halagang 8 reales, hanggang umabot ito ng 15 reales sa pagtatapos ng pananakop ng Espanya. UDCEAL Noong 1884, pinalitan ang sistemang tributo ng cedula personal (sedula). Ito ay kapirasong papel ba nagsisilbing pagkakakilanlan bilang mamamayan sa isang lalawigan. Ang mamamayang 18 pataas ay kinakailangang magbayad ng cedula. ● Kung wala siya nito, maaari siyang pagbintangan na tulisan. ● Sinumang mahuli na walang dalang cedula personal ay pagmumultahin. ● Kung walang pangmulta ay ikukulong. NABADAL Ito ay nagsimula ipatupad sa panahon ni Gobernardor-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera. Ang sistemang bandala naman ay ang sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka sa mas mababang halaga. ● Madalas ay hindi nababayaran ng pamahalaan ang mga ani ng mga katutubo. ● Promissory Note lamang ang binibigay ng pamahalaan. ● Ipinatigil ang pagpapatupad nito noong 1782. HINDI MABUTI MABUTI • • • Naipamalas ang angkin talento ng ng mga katutubong Pilipino sa paggawa ng iba’t-ibang produkto. Napatunayan na ang ating bansa ay paki-pakinabang na likas na yaman. Napatunay ang pagiging masunurin at masipag ng mga katutubong Pilipino. • Pagmamalabis ng mga Espanyol sa pagsingil ng buwis sa mga katutubo. • Maraming magsasaka ang tinamad magtanim. • Maraming katutubo ang lalong naghirap. TAKDANG ARALIN: AP Q2 WEEK 5 ARALIN 4 (Q2-Aralin 4 TAYAHIN pahina 18) *Pagkatapos masagutan ang Takdang Aralin, maari nyo ito ipasa sa Google Classroom ang Link kung saan ito ipapasa ay nasa inyong GC sa Aralin Panlipunan. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! HANGGANG SA MULI!