------------------------------ TITLE: The LOVE DEAL (COMPLETED) LENGTH: 583 DATE: Aug 31, 2014 VOTE COUNT: 42 READ COUNT: 5301 COMMENT COUNT: 10 LANGUAGE: Filipino AUTHOR: pinkangel2127 COMPLETED: 1 RATING: 3 MODIFY DATE: 2015-02-22 22:09:57 ------------------------------ #################################### About the story #################################### *Picture used for the cover was taken from a friend's actual wedding. All credits go to the original owner of the picture. This story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form without the permission of the author, except where permitted by the law. PLAGIARISM IS A CRIME. © 2014 by pinkangel2127 All Rights Reserved #################################### The LOVE DEAL #################################### "Why are you doing this to me Law? I'm your wife!" 'di napigilang sabihin ni Abigail kay Lawrence. May hangganan rin ang kanyang pasensiya at pagtitiis sa pagtrato sa kanya ng kanyang asawa. "In name and paper only, Abigail!" sigaw ni Lawrence. "You will never be my wife, not in the real essence of that word!" Napabuntong-hininga na lamang si Abigail. Walang mangyayari kung sasabayan niya ang init ng ulo ni Lawrence. "Law, ano pa ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? Alam ko na ayaw mong ako ang mapangasawa mo. Alam ko 'yon. Pero ginawa ko naman ang lahat para maging mabuting asawa sa 'yo. Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang kailangan kong gawin?" "Gusto mo ba talaga malaman? Do you really want to know what you can do so I'd forgive you?" "Yes!" Lumapit si Lawrence sa counter table bago humarap muli kay Abigail. "Then give me what I want, Abigail. I want an annulment." Nagulat si Abigail sa sinabi ni Lawrence. Iyon ang isang bagay na hinding hindi niya maibibigay sa asawa. "Alam mong hindi ko puwedeng ibigay sa 'yo 'yan. Nangako ako sa lola mo na aalagaan at mamahalin ka, na tulungan kang magbago. Lawrence, nangako ako kay granny na babaguhin ko ang pananaw mo sa pag-ibig." "And you actually think na ikaw ang makakapagpabago sa akin? That is one hell of an ambition, Abigail. You tried but you already failed. Hindi mo na kailangan pang tumupad sa pangako mo sa kanya." "Law! Paano mo nasasabi ang mga bagay na 'yan? Hindi ko puwedeng basta-basta na lang itapon ang pangako ko kay granny." Humakbang papalapit si Abigail sa asawa ngunit napatigil siya sa paglapit nang makita niya ang galit sa mga mata nito. "Law, isang chance lang ang hinihingi ko sa 'yo. Isang taon tayong mag-asawa pero isang taon din tayong hindi magkasama bilang mag-asawa. Isang chance, Law, para maipakita ko sa 'yo na karapat-dapat din akong maging asawa mo, para maiparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko. Bigyan mo naman ng pagkakataon ang possibility na matututunan mo rin akong mahalin." Tumalikod si Lawrence at tinungga ang alak sa mesa. Hawak-hawak ang baso, muli niyang hinarap si Abigail. "Tell you what, let's make a deal." Napakunot-noo si Abigail. "A deal?" "Yes Abigail, a deal. If you're so sure na matututunan kitang mahalin, I'll give you your chance that you're asking." "Ano'ng kailangan kong gawin, Law?" "I"ll give you three months -three months to make me fall in love with you. Do anything you want. Seduce me if you can." Napangisi naman si Lawrence na para bang ang isipin na aakitin siya ni Abigail ay napaka imposibleng mangyari. "I don't care. It's your call as long as it'll be within three months." Napaisip si Abigail. Three months? Sapat na ba ang tatlong buwan upang magawa niyang paibigin si Lawrence? Matagal na siyang nagtatrabaho bilang private nurse ng lola ni Lawrence bago pa sila ikinasal at ni minsan ay hindi naman siya nito dati pinapansin. At ngayon, sa loob ng tatlong buwan ay kailangan niyang mapaibig si Lawrence? "Kung nagtagumpay ako?" "Obviously we will remain happily married," sarkastikong sagot ni Lawrence. "At kung nabigo ako?" "If you fail, then we will settle things with our lawyer's presence. You will give me my freedom." Tinitigan niya si Abigail na parang nanunudyo pa. "Natatakot ka? Hindi mo kaya?" "Deal! Payag ako," biglang sagot ni Abigail. Kung lalaruin niya nang tama ang mga baraha, mapapasakanya na ng buong-buo ang asawa balang araw. Muling uminom ng alak si Lawrence at matapos ay inilapag nito ang baso sa mesa. Aalis na sana si Abigail nang bigla itong huminto sa paglalakad dahil sa tinawag siya ng asawa. "Oh, and Abigail? I don't easily fall in love." Tumango lamang si Abigail, isang senyales na tinanggap niya ang hamon ni Lawrence, bago siya tuluyang umalis at iwan ang asawang nagsisimula na namang lunurin ang sarili sa alak. *** A/N: Hello! Ui, salamat naman at may naligaw dito sa story ko. Sana magustuhan niyo. :) Comment lang kayo diyan, hindi ako naniningil ng bayad. Hehehe. Pero seryoso, maraming salamat sa oras niyo para basahin ito :) #################################### Chapter One #################################### "Ma'am, heto na po ang gamot niyo." Inabot ni Abigail Salvador ang gamot sa kanyang matandang kliyente at matapos na inumin nito ang gamot, inabot naman niya ang isang basong tubig. "Dahan-dahan lang po ma'am. Ang sabi ni Dr. Lopez 1.5 liter of water lang po ang puwede niyong inumin per day. Nakaka 500 ml na po tayo ng liquid ngayong araw," paalala ni Abigail sa kanyang kliyente. "Abie," mahinang sabi ng matandang babaeng inaalagaan ni Abigail. "You have been looking after me since the day you passed your board exams. And I have known you since you were little. Hanggang ngayon ba naman ay Ma'am pa rin ang tawag mo sa akin, hija? Call me granny like everyone else." Ngumiti si Abigail. "Nakakahiya naman po kasi. Hindi niyo naman po kasi ako kamag-anak." Bahagyang tumalikod si Abigail at ipinatong ang baso sa mesa saka sinulat sa papel ang quantity ng liquid na nainom ng kanyang kliyente nagyong araw. Gaya nga ng nasambit ng kanyang inaalagaan, nagtatrabaho bilang private nurse si Abigail kay Mrs. Letticia Madrigal simula pa noong nakapasa siya ng board exams niya sa Nursing noong nakaraang taon. Si Mrs. Madrigal at ang kanyang lola ay matalik na magkaibigan. Maagang naulila si Abigail at ang kanyang lola na ang nag-alaga sa kanya simula pagkabata. Dumating ang panahon na 'di nakayanan ng kanyang lola ang pagpapa-aral sa kanya. Kaya naman, inalok ni Mrs. Madrigal ang pagpapa-aral at pangmatrikula ni Abigail. Nakakahiya man ay hindi na ni Abigail magawang tanggihan ang alok ni Mrs. Madrigal dahil sa gusto rin niyang makapag-aral. Bente-tres anyos na ngayon si Abigail. Matapos niyang maipasa ang Nursing Licensure Exam ay nagpasya siyang maging private nurse muna ng setenta anyos na si Mrs. Madrigal bilang pagtanaw na rin ng utang na loob. "But I insist hija. Call me granny," giit ng matanda. Napangiti muli si Abigail. "Sige po. Pero 'pag tayong dalawa lang po. Nakakahiya naman po kasi kapag narinig ni Sir Edward at ng apo niyo." "That's nonsense! Edward wouldn't mind. Besides if it wasn't for your grandma, hindi kami ang magkakatuluyan ni Edward. Have I told you how your lola acted as our bridge when Edward was courting me...?" Umiling si Abigail habang nakangiti. "Hindi pa po." Ang totoo, ilang beses na niyang narinig ang kuwento, subalit napansin ni Abigail na ang pagbabalik-tanaw ng matanda sa love story nila ng kanyang asawa ay nagpapasaya dito. Kaya hinayaan na lamang niya itong magkuwento. Hindi naman gaanong malalala ang sakit ng kanyang inaalagaan. Matagal na itong may asthma at diabetes. Ngunit ito lamang nakaraang taon, na-diagnosed si Mrs. Madrigal ng isang uri ng kidney disease. Kaya naman ay kailangang may magmo-monitor ng sugar at ng intake ng liquid ni Mrs. Madrigal. May katigasan din ang ulo ng matanda at 'di gaaanong sumusunod sa bilin ng doktor. Kaya naman ay nagpasya ang anak nito na si Richard na kumuha na lamang ng private nurse na magbabantay dito. Sinamahan ni Abigail ang inaalagaan niya sa may hardin sa likuran ng mansyon. Inalalay niya ito na maupo sa may stone bench. Saka naman dumating ang karelebo niyang nurse. "Abby, ako na ang bahala kay ma'am," sabi ni Kathy. "May i-eendorse ka ba?" Inabot ni Abigail ang chart at saka binasa ang mga importanteng detalye. Matapos niyang magpaalam sa kanyang kliyente, pumunta na si Abigail sa may kusina. "O, Abby, halika na at mag-breakfast ka na muna bago ka umuwi," yaya sa kanya ni Violy, isa sa mga kasambahay ng mga Madrigal. "Salamat ate Violy." Umupo sa tapat ng counter table si Abigail at sinabayan si Violy sa pagkain. "Ang bait talaga ng mga Madrigal, noh? Nakakahiya na nga eh, sinuswelduhan na nga kami, libre pa ang pagkain at meryenda." "Ang sabihin mo ang dalawang matandang Madrigal ang mababait. Isama mo na rin ang anak nila na si Sir Richard." Ibinaba ni Violy ang kanyang boses at bumulong. "Pero yung si Madam, hay naku, ewan ko na lang." Naiintindihan naman ni Abigail si Violy. Sadyang mataray at istrikto ang asawa ni sir Richard. "Eh, si sir Lawrence mukhang mabait naman," sabi ni Abigail. Si Lawrence Madrigal naman ang kaisa-isang anak ni sir Richard. "Akala mo lang 'yon. Super sungit kaya no'n." Humarap si Violy kay Abigail at binigyan ito ng isang makahulugang ngiti. "Pero guwapo naman. Okay lang kahit sungitan niya ako ng buong araw. Mas gumagwapo siya 'pag nagsusungit. Ang sarap pa niyang titigan buong araw!" Napahagikgik si Abigail sabay hampas ng mahina sa braso ni Violy. "Ikaw talaga ate Violy. Puro ka kalokohan." "Eh, totoo naman kasi noh, ang gwapo talaga ni sir-" Natigil si Violy sa pagkuwento nang bumungad sa may pinto ang pinag-uusapan nilang si Lawrence. "Ay sir! Ano po ang gusto niyo? Andoon na po sina madam at sir sa may dining room. May ibang gusto po ba kayong kainin?" "Just prepare some coffee. Black. No sugar," maiksing sagot nito. "Sige po sir. Ihahatid ko na lang po sa may dining room," sabi ni Violy. Umiling si Lawrence. "No. I'll take it here." Umupo ito at ipinatong ang mga siko sa may lamesa na nasa tapat lamang ng counter table kung nasaan si Abigail. Kinuha na rin nito ang newspaper sa may lamesa at nagsimulang magbasa. Bigla namang natulala si Abigail. Madalas na niyang nakikita sa mansyon ang bente-nuebe anyos na si Lawrence, ngunit kadalasan ay natutulala pa rin siya kapag nakikita niya ito. Paano naman kasi, matagal na niya itong hinahangaan. Ang guwapo naman kasi ni Lawrence. At 'yong tipong kahit malayo ay alam mong mabango ito. Maganda din ang pangangatawan nito at halatang madalas ito mag-work out. Inilapag ni Violy ang cup at saucer sa tapat ni Lawrence at saka naman dahang-dahan ininom ni Lawrence ang kape. Ang suwerte naman ng cup na 'yan. Sana ako na lang yung cup. Promise Lawrence, 'di ka mapapaso sa akin, sabi ni Abigail sa sarili. "Hoy Abby! Ano ba 'yan. Kumain ka nga nang mabuti. Puro kanin na lang 'yang kinakain mo," saway ni Violy sa kanya. "Nasa harapan ko na kasi yung ulam ko ate Violy," walang kamalay-malay na turan niya habang titig na titig pa rin kay Lawrence. Bigla naman siyang sinikuhan ni Violy sa tagiliran. Saka lang napagtanto ni Abigail na may kalakasan pala niyang nasabi iyon nang makita niyang bahagyang umangat ang isang dulo ng labi ni Lawrence habang tutok na tutok pa rin ito sa newspaper. "Patay," kagat-labing sabi ni Abigail. Pabulong pa niyang tinaanong si Violy, "Narinig niya?" Tumango si Violy habang nakangisi sa kanya. Biglang namula nang husto ang mga pisngi ni Abigail sabay hiling na sana bumuka ang sahig at lunukin na lang siya nito ng buo. "Ate Violy, aalis na ako," papaalam niya sabay hila sa bag at nagmamadaling umalis ng kusina. Nakakahiya naman 'yon! Papaano kapag nagkasalubong sila ni sir Lawrence? Wala na siyang mukhang maihaharap. Pero siguro naman ay sanay na si Lawrence na makarinig ng mga ganoong kumento. At malamang ay maraming babae ang nagkakagusto at naghahabol sa kanya. Siguro naman ay bale wala na lamang sa kanya ang mga nasabi ni Abigail kanina. Bale wala rin sa kanya ang isang Abigail Salvador. *** A/N: Oh hello po! Salamat at ipinagpatuloy niyo ang pagbasa ng story. Natutuwa ako :) Comment lang po kayo and if nagustuhan niyo ang nabasa niyo, vote po ninyo. Salamat :) Pinkangel♥♡♥ #################################### Chapter Two #################################### He stepped inside his office and sat on his black swivel chair. He then pushed the intercom and asked for his executive assistant to come inside his office. As senior vice president for operations of the Madrigal Hotels, Lawrence had a lot of things on his head to start his day. But first things first, he needed to make sure one thing was in order. "Lisa, what's my itinerary for today?" he asked as he flipped open some folders and began scanning the pages. Isa-isang binanggit ng kanyang assistant ang mga scheduled meetings and appointments niya. "...And I received a call that the ring is ready?" Lisa asked with one eyebrow raised. Ngumiti si Lawrence. Matagal na niyang kasama sa trabaho si Lisa kaya naman ay kumportable na si Lawrence mag-confide ng mga plano niya kay Lisa. "Yes. I will be proposing to Vanessa tomorrow night." Lumapit si Lisa kay Lawrence at kinuha ang mga folders matapos mapirmahan ang mga ito. "And how come ako ang huling nakaalam? Secretaries should be the one to know the news first before it hits the floor," pabirong sabi ni Lisa. "You want me to clear your schedule for tomorrow afternoon? Baka kailangan mo ng enough time to prepare. Is it going to be over dinner? Do you want me to give the restaurant a call to make the arrangements?" Natawa nang malakas si Lawrence. "Mukhang ikaw ata ang mas excited kaysa sa akin." "Kasi naman it's about time na mag-propose ka na sa kanya. You've been together for over three years already. And you've been working so hard for your dad's company. You deserve to settle down and be happy." "I know," sang-ayon ni Lawrence. "And it took me over a year before I fell in love with her." "Yes Lawrence. I know your love story. Madalas mo nga i-kuwento sa akin 'yan. Vanessa had a huge crush on you and she asked your cousin James to set her a date with you. At sa kakakulit niya sa 'yo, eventually you fell in love with her, asked her to be your girlfriend and the rest is history." "You're well versed with my life than my father is." "Of course, Law. I'm your secretary," sagot ni Lisa sabay kibit-balikat. "So about the arrangements for dinner... You want me to make some calls?" Umiling si Lawrence at tumayo sa kinauupuan. "No need, Lisa. I already made the arrangements." Lumakad siya papunta sa may glass window at napatingin sa mga katabing skyscrapers. "Everything is all set. I'm going to be the happiest man by tomorrow night." Gaya nga nang sinabi ni Lisa, tatlong taon ng magkarelasyon si Lawrence at Vanessa. Noong una, ayaw niyang patulan ang blind date na na-set ng kanyang pinsan na si James. He had no time for dates and distractions at that time. Ngunit mapilit si James, kaya pumayag na rin siya. Noong una niyang nakilala si Vanessa, nakukulitan siya rito. Vanessa was lovely. She was a newbie actress on her road to fame that time. Pero ang kulit niya after their first date -always sending him text messages, unannounced visits to his office... Hanggang sa nakita niya ang sweet side nito. At sa 'di kalaunan, niligawan na rin niya si Vanessa. Ngayon, isa ng highly paid and sought after actress si Vanessa. And despite of her busy schedule, she still managed to remain the affectionate and sweet woman that he knew her to be. Nakokonsenya nga lang si Lawrence ngayon. For the past six months, he became busy with his work since the company decided to expand. Kaya minsanan na lang sila magkita ni Vanessa, dagdag pa rito ang tight schedule ng nobya. Kaya medyo nagtatampo si Vanessa dahil nawawalan na raw si Lawrence ng oras para sa kanya. But he was going to change that. With his surprise for her tomorrow night, and knowing Vanessa to be a romantic at heart, surely mawawala ang tampo nito. "And Law," Lisa said, pulling Lawrence back to reality. "Granny called as well. She wants you to be reminded not to miss your dinner date with her tonight." Napangiti si Lawrence sa binanggit ni Lisa. Everybody in the office, in this building, called his grandma granny, and everyone loved her. Mabait ang kanyang lola at down to earth. Despite having a fair share of her own stocks in the company, she treated everyone as part of her family. "Yes, I almost forgot about that." Nakangiting umiling si Lawrence. "She said she'll be preparing adobo. Is my schedule okay for tonight?" "I had it cleared. Magtatampo si granny sa 'yo if you missed your date with her." "Right. Thanks for that. And can you send someone to pick a gift for granny? I wanted to do it myself. Kaso ang dami ko pang kailangang tapusin," sabi ni Law. Lisa rolled her eyes. "What would you do without me," pabiro niyang tugon. "Your gift is already there sa may table. Andoon na rin yung gift naming lahat from this department. Please extend our congratulations to Granny." Lumapit si Lawrence sa may mesa sa tabi ng mini bar at sinilip ang dalawang paper bag na may lamang nakabalot na regalo. "Lisa, you're a life saver!" Natawa na lang si Lisa at lumabas ng opisina. Wedding anniversary ngayon ni granny at ni grandpa Edward niya. Pero dahil nasa abroad ang kanyang ama na si Richard kasama ang kanyang lolo, sasabayan ni Lawrence si granny sa pagce-celebrate. Simple at intimate na selebrasyon lang ang gusto ni granny. At taon-taon, si granny ang naghahanda ng dinner nila para sa wedding anniversary nito. Kahit na matatanda na ang mga ito, sweet na sweet pa rin ang kanyang grandparents. They loved each other so dearly that Lawrence dreamed of having a wife like granny. Sweet, maalaga, mabait... Unlike his own mother who knew nothing but to socialize and be a socialite. He loved his mother, but he didn't want to end up with someone like her for a wife. Maybe that was one of the reasons why he rarely fell in love. Because he had to be sure that the woman he fell for could reciprocate his feelings and remain loyal and faithful to him. Unlike his mother with her vices and previous lovers. He knew that the right woman for him was Vanessa. Lahat ng katangian ng kanyang granny ay nakita niya kay Vanessa. Napangiti si Lawrence habang iniisip ang nobya. Tomorrow, he will have a fiancée. *** "Granny, sigurado ho ba kayo na adobo ang gusto niyong lutuin?" tanong ni Abigail. "Hindi po ba dapat ay something na espesyal yung lulutuin niyo para sa anniversary niyo?" Kasalukuyang nasa kusina si Abigail at si granny. Nagpatulong kasi si granny kay Abigail para maghanda ng dinner para sa wedding anniversary nito. "My adobo is special, Abby. This was what made Edward fall in love with me," sagot naman ni granny sabay ngiti. "And this happens to be my apo's favorite dish as well." Biglang napatingin si Abigail sa gawi ni granny. Isang importanteng impormasyon na naman para sa kanyang diary ang kanyang nadiskubre tungkol kay Lawrence. "Talaga po? Ito po ang paborito niyang pagkain?" Tumango si granny. "Yes. And his favorite color is blue and he hates bellpepper." Tatlong importanteng impormasyon. Mukhang mahaba-haba ang maisusulat niya mamaya sa kanyang diary. "Ano po ang maitutulong ko?" alok ni Abigail. "Just watch and learn, Abby. I'll show you exactly how Lawrence likes his adobo. Baka next time ay ikaw na ang magluluto ng adobo para sa kanya." "Po?" "Baka kasi next time hirap na akong humawak ng spatula o knife man lang and I'll be needing your help again," sagot ni granny. "I'm not getting any younger, you know." "Ahh. Akala ko tuloy..." Inakala ni Abigail na may alam si granny sa totoong nararamdaman niya para kay Lawrence. Crush na crush kasi niya ang apo ni granny simula noong unang pagtungtong niya sa mansyon. At kahit imposible ay iniisip niya na balang araw ay magkakagusto rin sa kanya si Lawrence at siya ang mapapangasawa nito. Okay lang 'yon, libre naman mangarap, ang madalas sabihin ni Abie sa sarili. Basta huwag lang malalaman ng iba at baka tawagin siyang ambisyosa. Matapos ayusin ni Violy ang dining table, saka namang narinig ni Abigail ang boses ni Lawrence. Bigla tuloy siyang nataranta at napatingin sa may glass cabinet ng mga china wares at tinignan ang kaniyang repleksyon sa salamin. Maayos pa naman ang kanyang tight bun na style ng buhok. Sa pagkaaligaga niya ay hindi na niya napansin na inoobserbahan na pala siya ni granny. Kinundisyon muna ni Abigail ang kanyang sarili bago humarap sa kinaroroonan ni Lawrence. Isang linggo na rin ang nakaraan mula no'ng naganap ang nakakahiyang eksena niya sa may kusina, kaya naman ay confident siya na nakalimutan na iyon ni Lawrence. "Granny!" masayang bati ni Lawrence nang bumungad ito sa may pintuan. Hindi alam ni Abigail kung matutuwa o malulungkot sa nakita niya. Sa tabi kasi ni Lawrence ay ang kanyang sikat na artistang girlfriend na si Vanessa dela Cruz. Napakaganda pala nito sa personal. Na-star struck tuloy siya. Ang tangkad ni Vanessa, mala-modelo ang height at pangangatawan. Naka beige V-neck chiffon dress ito at tan colored pumps. Ang ganda naman ng sapatos niya, anong brand kaya yan? tanong ni Abigail sa sarili. Napatingin naman siya sa suot niyang immaculate white na scrub suit at ang kanyang white rubber shoes. Malayong-malayo sa eleganteng kasuotin ni Vanessa. Pero ang pumukaw sa kanyang pansin ay ang napakagandang style ng buhok ni Vanessa. Long wavy shiny locks. Yung tipong parang inayusan muna siya ng husto ng kanyang hair stylist sa loob ng isang oras gamit ang curling iron bago ito pumunta rito. Bigla tuloy napahawak si Abigail sa bun niyang buhok. Airbrush ba yung make-up niya? Ang ganda naman ng red lipstick niya. Na self-conscious tuloy siya dahil nakalimutan niyang magpulbos at baka nagsilabasan na naman ang mga mantika sa mukha niya. Umiling-iling na lamang si Abie para makawala sa pagka-star struck kay Vanessa. "Granny," narinig niyang sabi ni Lawrence. "I brought Vanessa with me." Lumapit si Vanessa kay granny at bumeso rito. "Granny! Happy Anniversary. I have a gift for you." "Oh, thank you dear. Come, come Lawrence, Vanessa. Let's have our dinner," yaya ni granny. Nang nakaupo na silang lahat, saka naman lumapit si Abigail kay granny at nagpaalam. "Granny, nasa kusina lang po ako. 'Pag may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po ako." Akmang hahakbang na papalayo si Abigail nang hinawakan ni granny ang kanyang kamay. "Abby, sabayan mo na kami rito. Violy prepared four seats." Umiling naman si Abigail. "Granny, hindi na ho. Nakakahiya naman po kasi." "But I insist! Besides, Aurora will not be joining us tonight. Sayang naman ang naka-prepare na four plates if you will not join us," paliwanag naman ni granny. Bigla naman napalingon sa kanila si Lawrence. "Why? Where did my mother go this time?" may pagka-iritadong tanong nito. "She went to spent time with her amigas," simpleng sagot naman ni granny. "Typical of her," tugon ni Lawrence. Tumingin ito kay Abigail at sinabing, "Sige na, nurse, sabayan mo na kami sa pagkain." Nurse. Hanggang ngayon ay nurse pa rin ang tawag niya kay Abigail sa minsanang paghaharap nila na mabibilang lamang ni Abigail sa kanyang mga sampung daliri. Tumango na lang siya at naupo sa bakanteng silya. Sinimulan nang ilabas ng mga kasambahay ang first course. Napatingin naman si Abie sa mga kubyertos na nasa harapan niya. Talaga naman si ate Violy, o. Kailangan ba talagang pang-fine dining ang set up? Adobo nga lang ang uulamin. Ano'ng unang gagamitin niya rito? Ano nga ba yung itinuro sa kanila noong high school para 'di malito sa ganitong set up? Farthest from the plate and work your way inward. Nang nailapag na ni Abigail ang napkin sa kanyang kandungan, bigla namang nagsalita si granny. "You know what Violy, just bring in the adobo now," utos ni granny. "And magdala ka na rin ng kanin. I think I'm too hungry to wait for the entrée," pabiro pa nitong pahabol. Buti na lang po, diyos ko! sabi ni Abie sa sarili sabay buntong-hininga. "Your name is Abby, right?" Lumingon si Abie sa pinanggalingan ng boses sa direksyon ni Vanessa. Tumango siya. "Opo ma'am. Abigail po ang pangalan ko pero Abby na lang po for short." "I love the way you made your chignon," ang sabi pa ni Vanessa. "It's so neatly done -you can't even find a single hair out of place!" Napahawak si Abby sa kanyang hair bun. Nang-iinsulto ba itong si Vanessa o pinupuri siya? "Nakasanayan ko na kasi since college student pa ako na ganito ang ayos ng buhok tuwing may duty," paliwanag ni Abie. Akmang sasagot sana si Vanessa nang biglang nagsalita si Lawrence na nasa tabi nito. "Here hon, try this adobo. Granny makes the best." Saka naman nito nilagyan ng ulam ang plato ni Vanessa. "You need some rice, hon?" "No need Law. My manager said I need to go on a diet for the next project." Nakakainggit naman itong si Vanessa. Ang sweet sa kanya ni sir Lawrence, naisip ni Abby. Hindi na naman namalayan ni Abby na puro kanin na naman ang naisusubo niya sa bibig niya habang titig na titig kay Lawrence. Bigla namang nagsalubong ang mga titig nina Lawrence at Abigail. Bahagyang umangat ang isang dulo ng labi ng binata. "O, puro kanin na naman yung kinakain mo. Try granny's adobo," pabiro nitong sabi. Si Violy na nasa tabi ni Abigail na nagre-refill ng mga baso ng tubig ay napangisi at sabay bulong, "Good mood si sir. Ang suwerte mong babae ka." Yumuko na lamang siya at itinuon ang atensyon sa kanyang pagkain. Ramdam niyang namula na naman ang kanyang mga pisngi. Paano ba naman, nahuli na naman kasi siya ng binata na tinititigan ito. Puro na lang mga nakakahiyang encounters ang mayroon sila ni Lawrence. Ano na lang ang isusulat niya sa diary mamaya? *** A/N: hi! Pinkangel here. Salamat po sa oras niyo. Sana po mabigyan niyo ito ng boto. ♥♡♥ #################################### Chapter Three #################################### "Hello, lola? Opo, si Abby ito. La, dideretso po ako ngayon kina Cass... Opo doon po muna ako matutulog sa unit niya... May naiwan naman po akong mga damit doon sa kanila, eh... Sige po, tatawagan ko na lang po kayo mamaya 'pag nakarating na po ako sa unit niya... Opo... Sige po,la, bye." Pinindot ni Abigail ang end call button saka ipinasok ang kanyang cellphone sa bag. Katatapos lang ng kanyang night shift duty sa bahay ng mga Madrigal at ngayon ang off niya. Kapag nagkataon na off siya tuwing sabado, sa condo ng kanyang best friend na si Cassandra Aquino siya tumutuloy. Off din ni Cass tuwing Sabado at Linggo. Ang isa pa nilang best friend na si Francine Montojo ay off din kapag sabado. Kaya sa pagkakataong lahat sila ay walang pasok, nakagawian na nilang mag-over night sa unit ni Cass. Matagal na rin silang magkakaibigan simula noong high school pa. Sumakay na sa loob ng elevator si Abigail at pinindot ang third floor na button. Nang makarating na sa third floor, dire-diretso na niyang tinungo ang 3F na nasa dulo ng pasilyo. Inilipat niya sa kabilang kamay ang mga bitbit niyang supot ng pagkain at dinukot ang susi sa kanyang bag. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. Tig-iisa kasi silang tatlong magkakaibigan ng duplicate key. Hindi naman kalakihan ang unit ni Cass ngunit kumpleto ito sa gamit, lalo na ang kusina na bukod sa usual na kasangkapan, may kasama pa itong oven dahil mahilig mag-bake si Cass. Inilapag ni Abie sa mesa ang mga supot at saka binuksan ang mga ilaw. Mag aalas-otso na kasi ng umaga at maya-maya ay uuwi na si Cass galing sa kanyang trabaho sa call center. Tuwing alas-nuwebe naman ang dating ni Francine sa unit. Nagpapakulo na ng tubig si Abigail nang marinig niya ang boses ni Cass. "Abby, ikaw na ba 'yan?" Sumilip siya sa sala mula sa may kusina. Halos magkakatabi lang kasi ang kusina, ang dining area at ang sala. "Oo Cass. Gutom ka na ba? I-mi-microwave ko na ang pagkain." "Mamaya na lang muna," sagot ni Cass na papalapit sa kanya. "Antayin na lang natin si Francine para sabay-sabay na tayo mag-breakfast." "Okay," tugon naman niAbigail. Napaupo naman si Cass sa may sofa at pinikit ang mga mata. Mukhang pagod ata ang kaibigan niya. Hindi naman kasi biro siguro yung nasa telepono ka at sumasagot ng mga tawag sunod-sunod ng otso oras. Nursing graduate din si Cass tulad niya at magkaklase pa nga sila noong college. Pero hindi talaga nursing ang gusto nitong kunin dati. Ang gusto talaga ni Cass ay Mass Communications, kaso ang daddy nito ang nagpumilit na nursing ang kunin nito para raw preparatory for medicine. Kaya after graduation at nang nakapasa ng board, saka naman nagrebelde si Cass at bumukod sa mga magulang. "Gusto mo ng kape bes?" alok ni Abigail. "Gatas pa siguro, bes," sagot ni Cass habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Baka 'di ako makatulog niyan mamaya." "Gusto mo ba ipagtimpla kita?" "Salamat na lang bes. Pero mamaya na lang siguro," tugon ni Cass. "Iidlip muna ako, ha. Gisingin mo na lang ako 'pag andito na si Francine." At saka naman bumagsak ang katawan ni Cass sa may sofa at biglang humilik. Natawa na lang ng mahina si Abigail. Kahit kailan talaga, itong si Cass kahit saan nakakatulog. Walang pinipiling lugar at oras minsan. Kahit no'ng college, natutulog ito tuwing Retorika class. "Hindi naman kasi natin major subject yun, eh," pagdadahilan pa nito dati. Nagsimula nang gumawa ng kapeng maiinom si Abigail. Black, no sugar. Gusto niya kasing subukan ang tipo ng kape na iniinom ni Lawrence. Baka magustuhan din kasi niya ito at maging isa sa mga "something in common" nilang dalawa. Iinumin na sana niya ang kape nang dumating naman si Francine. Muli siyang sumilip sa may kusina at nakita niyang naghuhubad na ng sapatos si Francine at inilapag ito sa may shoe rack sa may gilid ng pinto. "O Abby, asan na si madam Cass?" tanong ni Francine habang papalapit sa kanya. May bitbit din itong plastic at inilapag ang mga iyon sa counter table. "Andoon sa may sofa -tulog," sagot niya sabay nguso sa may direksyon ni Cass. "Ano 'yang mga dala mo?" Isa-isang inilabas ni Francine ang mga laman sa supot at ipinasok ang iba sa may pantry shelves sa kusina. "Mga junk food at pansit canton, bes. Mamamatay ako sa gutom sa mga healthy crap food na nasa ref ni Cass." Napahagikgik si Abigail sa nasabi ni Francine. Health conscious kuno raw kasi si Cass at masyadong obsessed sa calorie intake nito. "Hayaan mo na si Cass sa trip niya. Pero may dala ka bang softdrinks diyan?" Inilabas ni Francine ang 1.5 liter ng softdrink at ngumisi kay Abigail. "Ako pa? Mawawala ba naman ang paborito ko?" Binuksan ni Francine ang ref at napatingin sa laman nito. "Tignan mo itong babaeng ito. Health buff daw pero puro mogu mogu ang laman ng ref," sambit niya sabay iling ng ulo at tsk. Bigla naman nilang narinig ang paghikab ni Cass. "Kayong dalawa, ha. Pagtulog o wala pala ako, ako pala pinag-uusapan niyo." "Feeling mo lang 'yon Cassandra," sagot ni Francine. "Hindi naman ganoon ka interesting ang buhay mo para pag-usapan namin." "Ha-ha," sarkastikong tawa ni Cass sabay ikot ng mga mata. "Kain na tayo?" Tumango si Abigail. "Sige. I-mi-microwave ko lang ang pagkain." Kinuha niya ang mug ng kape na nasa counter table at saka naman napansin iyon ni Francine. "Ano 'yang iniinom mo?" tanong ni Francine. "Black coffee," sagot naman niya. Lumapit sa kanila si Cass na medyo inaantok pa rin. "Kailan ka pa natutong uminom ng black coffee?" Ngumiti si Abigail at sumagot, "Simula nang na-inlove ako sa isang black coffee lover." Nang ininom na niya ang kape, bigla naman niya itong ibinuga. "Blech! Ang pait naman!" "Gaga. Black coffee nga kasi, eh. Malamang mapait 'yan," mataray na sabi ni Francine. "Itong si Francine naman, o," pagmamaktol ni Abigail. "Kahit kailan ang taray-taray mo." Pumaywang si Francine sabay sagot, "Ganoon talaga Abby. 'Di ba nga ako ang mataray Ice Queen, ikaw si matalinong push-over at si Cass naman si malanding psycho." Nag-snort naman si Cass sa "malanding psycho" comment ni Francine. Hindi naman talaga mataray si Francine noong una. Noong high school ay friendly naman ito sa lahat. Ewan na nga lang ni Abigail kung bakit biglang naging mataray ito pagdating ng college at naging man-hater na rin. Tama naman si Francine sa push-over part. Isa nga siyang push-over. Kaya madalas ay inaapi at binu-bully siya noong elementary at kahit noong high school. Si Cass naman ang laging nagtatanggol sa kanya at si Francine naman ang taga-comfort tuwing umiiyak siya. Nang tumuntong naman sila sa kolehiyo, tuwing may group project at research ay madalas sa kanya itinatapon ang mga responsibilidad at halos lahat ng trabaho. Hindi kasi siya marunong tumanggi. "Kayong dalawa riyan. Mamaya na ang kuwentuhan at mag-breakfast na tayo," sabat naman ni Cass. "Naayos ko na ang mesa." Inilapag na rin ni Abigail ang mga pagkain sa mesa. Si Francine naman ay nagtimpla ng dalawang tasa ng kape. "May cream at sugar na ito, ha. 'Wag ka na kasing maging ambisyosa. Pa-black coffe, black coffee pa kasi, eh," pagtataray pa rin ni Francine. Si Cass naman ay ang usual pineapple juice nito ang kaniyang hinanda. "Francine, ewan ko ba sa 'yo," sabi ni Cass nang nakaupo na silang tatlo sa may hapag-kainan. "Ang taray-taray mo talaga ever. And to think na HRM grad ka pa naman." "Ano naman kuneksyon ng HRM sa personality ko, ha?" taas-kilay na tanong ni Francine. "Hellooo. Pumasok ka sa isang hospitality industry, noh. Ano yun, tatarayan mo lahat ng mga customers niyo sa hotel? Nasa front desk ka pa man din," sagot ni Cass. "Alam mo Cass," sabi ni Francine matapos muna lunukin ang nginunguyang beef tapa na kanyang breakfast, "iba ako sa work at sa real life. Sa work, lumabas na si super-friendly alter ego ko. Work is work." "Oo na po ma'am," sagot ni Cass saka naman kumagat sa kanyang turkey bagel sandwich. Ngumiti na lamang si Abigail sa palitan ng sagot nina Francine at Cass at itinuon ang pansin sa kanyang Longsilog meal. Sanay na rin kasi siya sa dalawa na laging ganoon kung mag-usap. "Teka lang!" biglang sabi ni Cass. "Nata-tae ako! Wait lang, ha." "HOY Cassandra! Kadiri ka!" saway ni Francine. "Kung mag salita ka parang 'di ka anak mayaman at sosyal." "Hold that thought Francine. I-jejebs ko lang ito at mag-uusap tayo, ha," sagot ni Cass sabay takbo sa may CR. Natawa naman si Abigail. "Wala talaga sa ayos itong si Cass!" Nang bumalik na muli si Cass ay humarap ito kay Francine. "Bestfriend Francine, ang sinabi mo kanina ay isang matinding stereotyping. At ang mga magulang ko ang mayaman, hindi ako. Furthermore, porke't mayaman ay kailangan sosyal at refined na agad? Bakit, 'di rin ba tumatae ang mga mayayaman? If we are America, I would sue," may pagka-exagerated na sabi ni Cass. "Bestfriend Cassandra," sagot naman ni Francine. "Unfortunately, nasa Pinas ka. And what you said is a very severe case of prejudice against America." "Kapag kayong dalawa ay 'di titigil, kakainin ko 'yang mga pagkain niyo," banta ni Abigail sabay flip ng pahina ng librong nasa tabi ng plato niya. "Ano yang binabasa mo Abby?" curious na tanong ni Francine. "Ano lang -mga informations tungkol sa mga kidney diseases, mga signs at symptoms nito at nursing management," paliwanag niya. "Ito kasi ang sakit ng inaalagaan ko. Para lang ma-refresh yung napag-aralan ko dati." Humalinghing naman si Cass. "Bestfriend Abby naman, o. Pati ba naman after college 'di mo pa rin tinatantanan ang Nursing Care Management na 'yan. Pakiramdam ko tuloy hinahabol ako ng NCM na tinatakasan ko." "Paano naman kasi, puro 2.75 grades mo sa NCM kaya kulang na lang multohin ka nito kasi hindi ka nakikinig tuwing NCM class," sagot niya kay Cass. Totoo naman kasi iyon. Kung puwede lang umabsent si Cass sa mga major subjects nila dati sa kolehiyo ay ginawa na nito iyon. "Excuse me noh! May 1.0 grade kaya ako," depensa ni Cass. "Sige Cass, ano'ng subject 'yon?" hamon ni Francine na nakangisi. Humalukipkip si Cass at proud na sinabing, "Physical Education!" Saka naman nagtawanan nang malakas sina Abigail at Francine. "Ano naman nakakatawa doon? Eh, kayo ba makaka-graduate kayo kapag 'di niyo pinasa ang PE?" may pagka-iritadong tanong ni Cass. "Hindi naman ako ganoon ka-dumb, noh." "Joke lang 'yon Cass," sabi ni Abigail. "Mahal ka pa rin namin best friend Cass kahit ano'ng mangyari," nakangiting tugon ni Francine. Ganito talaga silang tatlo kapag magkasama. Puro bangayan. Puro biro. Puro barahan. Pero mahal na mahal nila ang isa't isa. Si Cass, anak mayaman pero simple at walang kyeme. Maganda ito at maputi. Madaldal din at may pagka-obsess sa salamin. Kaya puno ng salamin ang condo unit nito. Wala sa hitsura at dating nito pero mahilig din magbasa si Cass. Si Francine naman ay galing sa isang simpleng pamilya. Hindi siya maputi, hindi rin maitim -in between lang. Maganda rin ito at gaya ni Cass ay mahilig itong mag-ayos ng sarili. May pagkamataray nga lang at nang-aaway ng mga potential suitors nito. Si Abigail naman ay yung morena sa kanila at alam niyang wala na siyang pag-asang pumuti pa. Madalas nga maubos ang pera niya sa kakabili ng whitening lotion at papaya soap, wala pa ring effect. Saka na lang siguro siya magpa-gluta o magpa-derma kapag mayaman na siya. Kaya naman, sa tingin ni Abigail ay wala talaga siyang pag-asang mapansin ni Lawrence bilang isang babae. Mukhang mahilig iyon sa mga mapuputi tulad ng kanyang nobyang si Vanessa. Habambuhay na lang siyang magiging si Nurse Abby sa mga mata ng binata. Nang matapos na silang kumain ng agahan, iniligpit na ni Francine ang mga pinagkainan nila. Matapos ay pumanhik na si Cass sa kuwarto at matutulog daw muna ito. "Ikaw Abie, 'di ka pa ba matutulog?" tanong ni Francine. Isang iling ang sagot ni Abigail. "Maya-maya na muna, bes. May isusulat lang muna ako." "Yung sa diary mo ba?" Tumango si Abigail. "Bestfriend Abby, ano kaya kung lagyan mo ng title yung diary mo? Kunwari parang ganito: "Diary ni Abby" o kaya naman "Diary ng isang dakilang nars na patay na patay sa anak ng kanyang amo". Tapos i-publish mo sa Wattpad. Malay mo baka mag-click 'yan at gawing movie pa," biro ni Francine. "Tantanan mo 'ko best friend Francine," sabi ni Abigail habang naglakad papuntang sala at umupo sa sofa. "Hayaan mo na lang ako mangarap at managinip. Hanggang doon lang naman 'yon, eh." Pumaywang si Francine na nakatayo na ngayon sa harapan niya. "Siguraduhin mo, ha. Alam kong nakakagawa ng mga kagagahan ang mga babaeng masyadong in love. Ayokong masaktan ka sa bandang huli," makahulugang sabi ni Francine. Pakiramdam tuloy ni Abigail ay base sa experience yung mga nasabi ng kanyang kaibigan. "Opo ate. Pangako po. Cross my heart and hope to die!" biro niya. Nang nakuntento na si Francine sa sagot niya, saka naman ito umakyat sa second floor. Naiwan si Abigail sa may sala at biglang napaisip. Kaya ba niyang gumawa ng kagagahan pagdating sa pag-ibig? Huminga siya nang malalim at ibinuklat ang kanyang diary. #################################### Chapter Four #################################### A/N: currently under editing, kaya po baka may ma encounter po kayong changes with the spellings of name and such. But nothing had been changed with the story. Enjoy! :) *** Lawrence couldn't seem to ease his nervousness. Why would he feel nervous anyway? Shouldn't he be excited? Tonight was the night he had planned for a month now -the special night when he would pop that question that would make him and Vanessa bound with each other for all eternity. Kasalukuyang nasa restaurant siya na pagmamay-ari rin ng kanilang pamilya. Sinadya niyang ipinasara ito para sa espesyal na okasyon ngayong gabi. Kanina ay tinawagan niya si Vanessa at sinabihang susunduin na niya ito para mag-dinner, ngunit tumanggi si Vanessa na magpasundo. Si Vanessa na lang daw ang pupunta sa restaurant. Kaya heto siya ngayon at kabadong-kabado. Ilang beses din siyang nag-practice sa harapan ng salamin kung papaano siya magpo-propose. Ilang beses din niyang binigkas ang kanyang magiging linya. "Relax, cousin," pabirong sabi ng kanyang pinsan na si James Madrigal. "Magpo-propose ka pa lang, hindi yung ikakasal na. Daig mo pa ang may wedding jitters." "Yeah well, what if she says no?" may pag-aalinlangang tanong ni Lawrence. "Oh c'mon Law. Why would you even think of things like that?" Tinapik ni James ang balikat ni Lawrence. "Think positive, man. Besides, sinong babae ba ang tatanggi sa isang Lawrence Madrigal?" Binuksan ni Lawrence ang maliit na box na may lamang singsing at tinitigan ito. "I guess I just want everything to be perfect. For her. For us." "Look around you. This is already beyond perfection." Tumingin si Lawrence sa kanyang paligid. Naka dimly lit na ang restaurant, ngunit makikita sa malawak na glasss window ang mga ilaw na nanggagaling sa buildings at lamp posts mula sa ibaba na tila malilit na bituing kumikislap dahil sa napakataas nang kinatitirikan ng restaurant na pinili niya. Naka sindi na rin ang mga kandila sa buong restaurant, giving the place an entirely romantic ambiance. Nasa gitna naman ang kanilang table, at nakapatong na roon ang bouquet ng puting rosas na siyang paboritong bulaklak ni Vanessa. Ang buong lugar naman ay napapalibutan ng puting rosas. Sa may gilid ay may raised platform kung saan andoon ang isang pianist at violinist. Ang mga waiters and servers naman ay naka stand-by sa gilid, nag-aantay ng ano mang utos mula sa kanya. Lahat sila excited para sa kanya, kahit pa pinipilit nila itong hindi ipahalata. Kahit si chef, mas excited pa. He even promised to prepare a very special meal for a very special occasion. Ang gusto sana ni Lawrence ay sa tabing-dagat siya magpo-propose. Tulad no'ng nag-propose si granpa Edward kay granny dati. Pero dahil sa hindi puwedeng mag-out of town si Vanessa, pinili na lamang niya itong lugar. Napatingin sa may gawing pintuan si Lawrence, as if willing it to make Vanessa appear. He wanted to see her now; be with her now. He knew deep in his heart that she was the one; that she was the other part of him that would make him whole. Ah crap! He was talking like a love sick fool, tulad na laging panunukso sa kanya ng kanyang womanizer na pinsang si James. Pero siguro ganito talaga kapag na in love ka nang matindi. He didn't easily fall in love, but when he does, it's deep. Narinig niyang tumunog ang elevator at alam niyang si Vanessa na iyon. Hindi nga siya nagkamali nang makita niyang bumungad sa may pintuan ang kanyang nobya. Lumawak ang ngiti niya habang nilapitan si Vanessa para salubungin. "Law, what's this? Is there any special occasion?" tanong ni Vanessa na mukhang naguguluhan sa pangyayari. "Everytime I'm with you is a special occasion hon," sagot ni Lawrence habang inalalayan si Vanessa papuntang mesa. Binigyan siya ni Vanessa ng maliit na ngiti at umupo. Napakunot-noo naman si Lawrence habang inalalayan si Vanessa sa upuan nito. Hindi ganoon ang inaasahan ni Lawrence na magiging reaksyon ni Vanessa. Umupo na rin siya sa tapat ng nobya at iniabot ang boquet ng white roses. "Here hon, this is for you." "Thanks," ang sagot lamang ni Vanessa. Hinawakan niya ang kamay nng nobya na nakapatong sa mesa. "Is everything okay, hon?" Bahagyang tumango si Vanessa. "I'm okay. Pagod lang sa taping kanina." "Hey, you've been working so hard," nag-aalalang sabi ni Lawrence. "You know you don't have to. I can take care of you." Umiling si Vanessa. "But I want to. Masaya ako sa trabaho ko Law. Masaya ako sa narating ko ngayon at sa mararating ko pa." Ngumiti na lamang si Lawrence. "Okay hon. Let's have dinner now, okay? I want you to just enjoy this evening." Inilabas na ng mga waiter nila ang pagkain. Tulad ng dati, kakaunti lamang ang kinain ni Vanessa, ngunit ngayon ay parang matamlay ito kung kumilos. Lawrence lifted his glass of red wine and whirled it a little. He took a sip while eyeing his girlfriend. Something was off. Vanessa acted strange the minute she stepped in the restaurant. Ni hindi nga niya napansin ang mga roses at ang buong ambiance ng lugar. And when their entrée was served, her fork was merely playing with the food. Pagod lang siguro si Vanessa, pagdadahilan niya sa sarili. Tumayo si Lawrence at pumwesto sa tabi ni Vanessa. He extended his hand towards her and said, "Dance with me, Vanessa." Bumuntong-hininga muna si Vanessa bago inilagay ang kamay nito sa palad ni Lawrence at tumayo. Lawrence led Vanessa on a space near the platform where the musician started to play a song. He wrapped his arms around her waist. Si Vanessa naman ay inilagay ang kanyang kamay sa balikat ni Lawrence. "Are you sure you're really okay?" muling tanong ni Lawrence. Isang maliit na tango lang ang sagot ni Vanessa. The music ended. It was his cue. He released his hold on Vanessa and extracted the tiny black velvet box in his pocket. Nakita iyon ni Vanessa at biglang nanlaki ang mga mata nito. Lawrence bent on one knee in front of Vanessa. "Hon, I know you weren't expecting this but I felt that it is about time that I do this. We have been together for long and I knew from the very beginning when I fell in love with you that you are the one destined for me. You have brought colors to my dull life and I can never imagine going back to a colorless life with out you to brighten everything around us." Binuksan niya ang velvet box at inangat ito kay Vanessa. "I'd be honored if you'll accept me to be your husband. Will you marry me?" Biglang nagtakip ng bibig si Vanessa at tinitigan lamang si Lawrence na nakaluhod pa rin. Nang hindi pa rin sumagot si Vanessa ng ilang segundo... "Hon?" "Law... I'm sorry..." Parang tumigil ang lahat. Tama ba ang narinig niya? "Vanessa, don't do this to me," pagmamakaawa niya sa nobya. "I -I can't Law. I'm so sorry. I never meant to hurt you this way. No'ng naging busy ka for the last six months, I was lonely that time. We barely get to see each other... Law, I've met someone else and we've been seeing each other ever since. And... and I love him, Law." "No. That's a lie. Please tell me you're joking. Please!" "I'm sorry..." naiiyak na sagot ni Vanessa. Akmang tatalikod na sana ito nang may nagflash na ilaw. Napalingon si Lawrence at nakita niyang may mga 'di kilalang lalaki na may mga hawak na camera na siya namang pinipigilan ng mga waiter na papasukin. "Don't let them get in!" narinig niyang sigaw ni James. Nataranta naman si Vanessa. Tinignan niya si Lawrence bago ito napatakbo sa may exit. Wala nang nagawa si Lawrence kundi ang mapaupo sa sahig at sabay hagis sa box na may lamang engagement ring. #################################### Chapter Five #################################### Humarap si Abigail sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Kung ilugay na lang kaya niya ang kanyang buhok? Lagpas balikat ang itim niyang buhok at hindi naman iyon buhaghag. Sinubukan niyang suklayin ang buhok sa pamamagitan ng kanyang mga daliri para mabigyan ito ng body at volume. Kung ganito kaya ang ayos ng buhok niya, mapapansin kaya siya ni Lawrence? "Hindi siguro," sagot niya sa sarili. Hindi naman kasi siya ganoon kaganda sa paningin niya. Hindi naman siya pangit, pero hindi rin naman sobrang ganda. Presentable naman sa opinyon niya. Napabuntong-hininga si Abigail at itinali na lamang ang kayang buhok sa usual niyang bun style. Nilagyan niya ng kaunting pulbo ang mukha at gumamit na rin ng lipgloss. Tinignan niya ang kabuoan ng kanyang sarili. Naka white na uniform, naka bun style na buhok, simpleng stud na hikaw, black strap watch na may second hand... Clean and pristine Nurse Abby, iyon ang nakikita niya sa salamin. Umiling na lamang si Abigail at dinampot ang kanyang shoulder bag. Kailangan na niyang pumunta sa bahay ng mga Madrigal para sa night shift na duty niya. Nang makarating na si Abigail sa mansyon ng mga Madrigal, sa likod siya dumaan sa may kusina. Tamang-tama naman na nandoon si Violy. "Hoy Abigail, kahapon pa kita inaantay dito," sabi ni Violy. "Bakit po ate Violy?" tanong ni Abigail. Tumingin-tingin si Violy sa paligid. At nang nakuntento na walang ibang tao na nasa malapit, pabulong niyang tinanong si Abigail, "Narinig mo na ba kung ano ang nangyari kay sir Lawrence?" "Kay sir Lawrence? Anong nangyari ate Violy? Naaksidente ba siya? Okay lang ba siya? Saan ospital?" sunud-sunod na tanong ni Abigail at halata ang sobrang pag-alala kung ano na ang nangyari kay Lawrence. "'Wag kang OA, Abby. Wala naman akong sinabing naaksidente si sir Lawrence." "Eh, ano nga ang nangyari ate Violy?" "Hiwalay na si sir Lawrence at ang nobya niya." "ANO?!" "'Wag kang sumigaw. 'Di ako bingi. At baka marinig tayo ni madam na nagtsitsismisan," saway nito kay Abigail. May idinukot si Violy na nakatuping newspaper sa kanyang bulsa at inabot ito kay Abigail. "Heto, basahin mo. Kahapon pa 'yan. Pinapatapon nga ito ni sir Richard kaso tinago ko lang ang parteng ito ng newspaper. Basahin mo dali." Binasa ni Abigail ang laman ng newspaper. Kahit hindi pa ituro ni Violy kung alin doon ang dapat niyang basahin, nakita na niya agad ang tinutukoy ni Violy. Sa gitna ng newspaper ay may picture ni Lawrence na nakaluhod sa tapat ni Vanessa. "Ate Violy? Totoo ba ito?" Tumango si Violy. "Oo Abby. Nag-propose noong isang gabi si sir Lawrence sa nobya niya. Kaso tinanggihan siya at hiniwalayan pa. May ibang lalake na pala 'yang si Vanessa." Namilog ang mga mata ni Abigail. "Kawawa naman pala si sir Lawrence. Eh, asaan na siya ngayon?" Umiling si Violy. "Ewan. 'Di pa nga umuuwi 'yon dito. At balita ko, eh, wala rin daw doon sa unit niya." Bigla naman ngumiti si Violy. "Alam mo na ibig sabihin nito Abby, ha. Libreng libre na si sir Lawrence. May the best girl win na lang, ha." Ngumiti nang tipid si Abigail. "Ate Violy naman, eh. Nasaktan na nga yung tao, gagawin mo pang biro ang mga pangyayari." "Hay naku Abby. Basta ako, i-we-welcome ko ng open arms si sir Lawrence. Dapat kasi sa 'kin siya nag-propose. Eh, 'di sana hindi siya nasasaktan ngayon. Isipin mo lang Abby ha, parang ako si Maya at siya naman si sir chief ko! Kinikilig tuloy ako." "Ewan ko sa 'yo ate. Pupuntahan ko na si granny at mag-e-endorse pa sa akin si Kathy. Maiwan na kita diyan, ha." Pinuntahan na ni Abigail si granny, at agad niyang nahalata ang lungkot sa mga mata ng matanda. Marahil ay alam na nito ang nangyari sa apo. "I'm so sad for my Lawrence, Abby," saad nito. "I never expected for something like that to happen to him. First, my son Richard with his miserable marriage. And now Lawrence." "Baka hindi po si Vanessa ang para sa kanya. Malay niyo po, blessing in disguise din yung nangyari," paliwanag niya habang inalalayan niyang umupo si granny sa sofa. "Kaysa naman po pagkatapos ng kasal sila, saka pa nalaman ng apo niyo na may ibang lalaki pala ang asawa niya." "Hmm..." ang tanging tugon ni granny. Nalaman ni Abigail mula kay granny na simula pa kahapon ay hindi pa nagpapakita si Lawrence. Ayon sa isa pa niyang apo na si James, inuwi na lamang nito si Lawrence sa condo dahil sa sobrang kalasingan ng pinsan niyang iyon. Awang-awa naman si Abigail kay Lawrence. Sino'ng mag-aakala na matapos nitong paghandaan ang pag-propose, tatanggihan lang pala ang proposal nito sa bandang huli. At nalaman pa nito na may iba na palang minamahal ang nobya. Hindi lang nasaktan si Lawrence, napahiya rin ito. Iyon ang konklusyon ni Abigail. Isang linggo rin ang nagdaan at hindi pa rin nagpapakita si Lawrence. Kahit sa opisina raw ay hindi ito pumapasok. Isang umaga, nasa kusina si Abigail kasama si Violy nang nasilayan niyang muli si Lawrence. Papalapit ito sa kanila at mukhang haggard. Gusot ang puting polo na suot nito at mukhang ilang araw na itong hindi nag-aahit. "Violy! Where's the laundry woman?" pasigaw nitong tanong. "Po?" tulalang tanong ni Violy. Mukhang gulat na gulat ito nang makita niya si Lawrence. Sinikuhan ni Abigail si Violy sabay bulong, "Labandera niyo raw asaan." "Ah... eh... bakit po sana sir?" tanong ni Violy. "Tanga ka ba o sadyang tanga lang talaga? Ba't ko nga ba hahanapin ang labandera? Of course kasi may ipapalaba ako!" sigaw nito sabay buntong-hininga nang malakas. Inilapag ni Lawrence ang plastic na may lamang damit sa may mesa. "Ipalaba mo ito," utos nito at galit na umalis ng kusina. "Abby, nakakatakot pala si sir Lawrence 'pag galit, noh? Okay na sa akin ang masungit na sir Lawrence, 'wag lang ang galit na sir Lawrence," sabi pa ni Violy, bakas pa rin sa mukha nito ang pagkagulat. "Pagpasensyahan mo na lang si sir Lawrence, ate Violy. Intindihin na lang muna natin siya. May pinagdadaanan kasi yung tao. Ika nga sa psychology, defense mechanism lang iyon ni sir Lawrence. Sa atin nabalin ang sama ng loob ni sir Lawrence. Ang tawag doon Displacement," paliwanag ni Abigail. "Ako Abby ha, 'wag moko madaan-daan sa mga defense defense na 'yan, ha. Hindi ikaw ang nabulyawan ni sir. Hay naku. Defense-defense. Diyan ka na muna at ipapalaba ko na nga ito. Baka sigawan na naman ako nun. Defense-defense. Hmp!" Lumabas na ng kusina si Violy dala-dala ang mga damit ni Lawrence. Naiwan namang nag-iisip si Abigail. Wala naman kasi siyang magagawa kundi i-analyze ang mga pangyayari at kung bakit ganoon ang reaksyon ni Lawrence. Hindi naman magagalit ang isang tao kung walang matinding dahilan. Iyon nga lang, mali ang pag-handle ni Lawrence sa kanyang pinagdadaanan. Napabuntong-hininga si Abigail. Kahit ilang beses pa niyang i-analyze ang lahat 'di pa rin iyon makakatulong. Dahil ayaw tumanggap ni Lawrence ng tulong mula mismo sa pamilya nito. Sa ngayon, ang alam ni Abigail, si Lawrence lang ang makakatulong sa sarili nito. Kinagabihan, nang pumasok muli si Abigail sa kanyang trabaho, muli niyang nakita si Lawrence. Nasa kusina siya noong gabing iyon. Kapag tulog na kasi si granny, sa may kusina o sa may kabilang kuwarto siya nagtatambay. May isang kuwarto kasi na nakalaan para sa mga private nurses. Ala-una na ng madaling araw. Nagkakape siya para hindi makatulog nang may narinig siyang may kung ano ang nabasag. Lumabas si Abigail sa kusina at hinanap kung saan galing ang tunog na iyon. Nang napadaan siya sa may den, nakita niyang naka handusay sa may sofa si Lawrence. Sa 'di kalayuan, may mga bubog ng nabasag na bote ang nakakalat sa sahig. Nilapitan niya ang natutulog na si Lawrence. "Nakatulog ata sa sobrang kalasingan," bulong niya sa sarili. Lumabas si Abigail ng den at umakyat sa may bakanteng kuwarto. Kumuha siya ng kumot at saka bumaba muli sa may kusina para kumuha naman ng maliit na dustpan. Bumalik siya sa den at kinumutan ang natutulog na si Lawrence. Isa-isa namang dinampot ni Abigail ang mga malalaking bubog at inilagay ito sa may dustpan. Hindi na siya nag-abalang gisingin ang mga katulong para gawin iyon. Kaya naman niya kasi, at nakakahiya kung gigisingin pa niya ang mga katulong. Inilagay na niya muna sa tabi ang dustpan. "Ikaw naman kasi, eh, ba't ka ba naglalasing?" tanong niya sa natutulog na si Lawrence. Tumayo si Abigail at lumapit sa may sofa. "Alam kong nasa grieving process ka pa at marami ka pang pagdaraanan bago ka makarating sa acceptance. Pero Lawrence, hindi mo naman dapat solohin ang problema mo. Andito naman ako, si granny, si sir Richard... Kung gusto mo isali pa natin si ate Violy." Tinitigan niya ang mukha ni Lawrence. "Handa naman akong making, eh. Iyong-iyo na ang shoulders ko -umiyak ka lang dito. Mag-ventilate ka lang ng feelings; okay lang talaga. Pero 'wag mo naman pabayaan ang sarili mo. Ayan tuloy, nababawasan na ang kagwapuhan mo." Natawa naman siya sa kanyang sarili dahil sa pagmo-monologue. "Ano ba 'yan Abby. Pati ikaw naloloka na. Kausapin ba naman ang taong tulog." Tumingin muli si Abigail sa mukha ni Lawrence. Lumuhod siya sa harapan ng binata at pinagmasdan ito. "Marami naman ang nagmamahal sa 'yo. Nasa tabi-tabi lang. Buksan mo lang mga mata mo, makikita mo na sila. Ewan ko ba sa 'yo kung ano ang ginawa mo sa akin. Dati crush lang kita; ngayon mahal na kita." Inilapit niya ang kanyang mukha kay Lawrence. "Hinding-hindi kita sasaktan Lawrence, pangako." Nang marinig niyang umungol si Lawrence, napaatras siyang bigla at naupo sa sahig. Baka biglang magising pa si Lawrence at ano pa ang isipin kapag nakita niyang nandoon siya sa harapan nito. Tumayo si Abigail at dinampot ang dustpan saka lumabas ng den. Nasa may pintuan na siya nang lumingon siya sa gawi ni Lawrence. Mahimbing pa rin itong natutulog. Tuluyan nang lumabas ng den si Abigail sabay hiling na sana makapag move-on na si Lawrence. *** A/N: hey guys! pinkangel2127 here again :) salamat sa pag basa. if nagustuhan niyo po, give it a vote :) #################################### Chapter Six #################################### Nang mag-umaga, matapos magpaalam ni Abigail kay granny, dumeretso na siya sa kusina para hanapin si Violy. Wala roon si Violy. Aalis na sana siya ng biglang bumungad sa may pintuan si Lawrence at dire-diretsong pumasok at umupo sa may upuan sa tapat ng maliit na mesa. Ipinatong nito ang mga siko sa mesa at tinapat ang mukha sa kanyang mga kamay. Mukha itong may hang-over. Ayan kasi naglasing kagabi, sabi ni Abie sa loob-loob niya. "Violy! I need my coffee!" utos nito na pasigaw. Lumingon si Abigail at tumingin-tingin sa paligid. Wala naman si Violy sa kusina. Napakamot sa ulo si Abigail. Sige, siya na lang ang magtitimpla ng kape. Black, no sugar. Alam niyang ganoon ang gusto ni Lawrence sa kape nito. Matapos itimpla ni Abigail ang kape, inilapag na niya ito sa mesa. Tinanggal naman ni Lawrence ang mga kamay sa pagkakatakip sa mukha nito at ininom ang kape. "Damn this headache. It feels like my head is being drilled by a bore," bulong ni Lawrence sa sarili. "Gusto niyo po ng paracetamol, sir?" alok ni Abigail. Bigla namang napalingon si Lawrence sa may direksyon niya. "You're not Violy." "Hindi po sir." "Ikaw ba ang nagtimpla ng kape?" Tumango si Abigail. "Opo, sir." "Kasama na pala sa job description mo ang pagtimpla ng kape?" sarkastikong tanong ni Lawrence. "Gusto ko lang po makatulong, sir." "Well, I don't need your help," galit na sabi ni Lawrence. Inilapag nito ang tasa ng kape, saka tumayo at umalis sa kusina. "You're welcome, sa pagtimpla ng kape mo," sabi ni Abigail nang nakaalis na si Lawrence sa kusina. Dinampot niya ang kanyang bag sa may mesa at lumabas na rin ng kusina. Lumabas na ng gate si Abigail at nagsimula nang maglakad papalabas ng subdivision. Sa may 'di kalayuan, napansin niya ang dalawang sasakyan na nakatapat sa isa't isa, ang mga driver ng sasakyan ay nasa labas at mukhang nag-aaway. Hindi na niya sana papansinin iyon ngunit nasilayan niyang si Lawrence pala ang isa sa mga nakikipagtalo. Biglang nataranta si Abigail nang makita niyang mukhang magsusuntukan ang dalawa. Dali-dali siyang tumakbo at pumagitna sa dalawang nagtatalo. "Saglit po kuya!" malakas na sabi ni Abigail habang nakataas ang dalawang kamay upang awatin ang lalaking kasagutan ni Lawrence. "Kaano-ano mo ba 'yang tarandatong 'yan?" sigaw ng lalaking mas malaki pa ang katawan kaysa sa kanya. "Boss ko po kuya," sagot naman ni Abigail habang hila-hila ang braso ni Lawrence papalayo sa nakaaway. "Pagpasensyahan niyo na po. Medyo may hang-over pa kaya wala sa sarili." "Sabihan mo 'yang amo mo, ha. Kung magpapakamatay siya 'wag niya akong idamay!" sigaw nito bago pumasok sa kotse at umalis. Biglang binawi naman ni Lawrence ang braso nito sa pagkakahawak ni Abigail at padabog na pumasok sa sasakyan. Kumatok si Abigail sa may driver's seat window at saka namang ibinaba ni Lawrence ang bintaba. "Okay lang po kayo sir?" nagmamalasakit na tanong ni Abigail. "Pwede ba, 'wag ka ngang pakialamera," bulyaw nito. "Okay na nga kayo, sir," sagot ni Abigail sa sarili niyang tanong. "Sige po sir, mauna na po ako." Hindi pa siya nakakalayo nang narinig niyang bumusina ang sasakyan ni Lawrence. Muli niyang nilapitan ito. "May kailangan po pa ba kayo sir?" "Get in the car. Ihahatid na kita," ma-awtoridad na utos nito. At syempre, hindi na magawang tumanggi ni Abigail. Tipid sa pamasahe din iyon. Nang pinaandar na ni Lawrence ang sasakyan, hindi niya napigilan na magtanong rito. "Sir, abled na po ba kayong magdrive?" "Ano'ng akala mo sa akin, disabled? Of course I can drive," sagot ni Lawrence. "Si sir talaga, patawa," medyong natatawang sabi niya. "Ang ibig ko pong sabihin ay kung okay na ba kayo? Baka medyo lasing pa po kayo para magdrive." "No. I'm good. Saan kita ihahatid?" Ibinigay ni Abigail ang kanyang address. Muli silang binalutan ng katahimikan. Hindi na naman nakatiis si Abigail at nagsalitang muli. "Sir, seatbelt niyo po." Hindi umumik si Lawrence. Ilang minuto pa ang nagdaan at muling nagsalitang si Abigail. "Iliko niyo lang po sa susunod na kanto." Narinig niyang bumuntong-hininga si Lawrence. "You know, hindi ka dapat pumapagitna sa dalawang lalaking nagaaway. Baka ikaw pa ang makasalo ng suntok." "Ay, 'yon po ba? 'Di na po kasi ako nakapag-isip nang maayos kanina, sir." "Sa susunod, huwag kang makialam." "Sige po." Nang nakita na ni Abigail ang bahay nila, nagpababa na siya sa may tabi. "Salamat po sir sa paghatid. Ingat po kayo." Nang nakaalis na ang sasakyan ni Lawrence, hinawakan niya ang kanyang magkabilang pisngi at tinitigan ang papalayong sasakyan. "Mahaba-haba na naman ang entry ko sa diary mamaya." At hindi niya mapawa ang mga ngiti sa kanyang labi. *** Nasilip ni Lawrence sa kanyang side mirror ang nurse na kanyang inihatid. Hindi pa ito pumapasok sa loob ng bahay nila at tila inaantay pa na makalayo nang husto ang sasakyan. Napabuntong-hininga na lamang si Lawrence. Matagal na niyang nakikita ang babaeng iyon na minsan ay dumadalaw sa bahay nila noong bata pa ito. Matalik na kaibigan ng kanyang granny ang lola ng babaeng iyon. Ano nga ba ang pangalan niya? Andie? Amy? Hindi niya alam. He was never good in memorizing names. Hindi naman manhid si Lawrence para hindi niya mahalata na may gusto sa kanya ang babaeng iyon. The way she looked at him longingly whenever he passes by the hall... The way she tried to catch a glimpse of him from the corner of her eye... He witnessed it all. Kaya naman madalas ay hindi niya pinapansin ang babaeng iyon. He didn't date anyone he or his family employs. Maganda naman yung babae. Frankly speaking, he was quite shock when he saw her again last year; she was all grown up and... pretty. Sa unang tingin ay hindi mo mapapansin ang kagandahan nito, pero kapag tinitigan mo nang matagal, saka mo mapapansin yung gandang taglay nito. But he never gave that girl a thought. He remained loyal and faithful to Vanessa all those years. But what did he get in return? Vanessa's unfaithfulness right smack at his face! Dammit! It had already been a week and he still hadn't moved on. He parked his car on his allotted parking space and strode towards the elevator. Nang makarating na ang elevator sa floor niya, dumiretso na siya sa kanyang pad. Binuksan niya ang mga ilaw at sumalpak sa sofa. Idinukot niya sa bulsa ang kanyang cellphone at tinawagan ang opisina. Sa unang ring palang ay sumagot na agad ang kanyang tinatawagan. "Lisa, is there anything I need to address immediately?" "Other than a few documents you need to sign, nothing," sagot ni Lisa sa kabilang linya. "Papasok ka ba ngayon?' "I doubt it. Just send someone to deliver the documents. I'll sign it from here." "And where exactly is 'here' Law?" "My pad," tugon niya sabay pindot ng end call button. Humiga siya sa sofa at kusang pumikit ang kanyang mga mata. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Mag-aalas dose na ng tanghali nang narinig niyang bumukas ang pinto at may naglalakad papalapit sa kanya. Nang minulat niya ang kanyang mga mata, laking gulat niya na ang mukha ni James ang tumambad sa tapat mismo ng mukha niya. "Ah fuck! What are you doing here James?" gulat na tanong ni Lawrence. "Just checking if you're still breathing," tugon ng kanyang pinsan. Umayos ito ng tayo at saka inabot ang hawak-hawak nitong folder kay Lawrence. "Heto, pirmahan mo at kailangan na 'yan ngayong araw." Umupo si Lawrence at kumuha ng ballpen sa may drawer ng mesang nasa tabi ng sofa. Kinuha niya kay James ang folder at binuklat ito para basahin bago pirmahan. "Bakit ka nga pala andito? I thought Lisa will be the one to bring the papers." "I volunteered to go here instead. Gusto kong makita kung buhay ka pa. Baka kasi ako na ang magiging sole heir ng kumpanya," biro nito. "Yeah, yeah. You can have it. I don't give a shit." Inikot lamang ni James ang mga mata nito. "Kailan ka papasok sa opisina? Namimiss ka na ng sekretarya mo. I might ask the HR department to transfer her in my office kung hindi ka pa papasok." "She's off limits, James," sagot ni Lawrence habang pinipirmahan ang mga papel. "Don't go seducing her. It won't work." Tinitigan ni Lawrence si James. "Kababata natin si Lisa so don't you dare do anything stupid for once." Itinaas ni James ang mga kamay. "Okay, okay. I was just kidding." Nang makita ni James na tapos na niyang pirmahan ang mga papeles, may ibang papel naman siyang inabot kay Lawrence. "Read this." Binasa ni Lawrence ang laman ng pahayagan at biglang nagdilim ang paningin niya. He crumpled the newspaper and threw it on the floor. "Are you here to taunt me, cousin? Kailangan mo pa ba talagang ipamukha sa akin ang pagtataksil ni Vanessa?" Laman ng pahayagan ang tungkol sa bagong love interest ng dating nobya. May kalakip itong larawan ni Vanessa at ng bagong lalaki nito, at mukhang masaya pa ang dalawa. "No, Law," mahinahong sagot ni James. "I just want you to know na habang nagpapakalunod ka diyan sa alak, Vanessa is out there, openly flirting with her new boyfriend. Sino ang nagmumukhang kawawa, you think it's her?" "Dammit! I know I'm pathetic, okay? What else do you want me to do?" "I want you to be a man, Law. Harapin mo 'yang problema mo. You've been sulking around, wallowing in your self-pity. Do you think it'll bring you any good? Move on, man." "Madali lang 'yan sabihin para sa 'yo dahil hindi ikaw ang hiniwalayan! Hindi ikaw ang nasaktan. Hindi ikaw ang pinagmukhang tanga at pinagtatawanan. Hindi ikaw ang iniwan para sa iba!" Nagkuyom ng mga kamay si Lawrence. "Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko. Hindi mo 'ko maiintindihan." "You're wrong, Law. I know exactly how you feel," giit ni James. Tumingala si Lawrence at tinignan sa mga mata ang pinsan niya. "You've been a womanizing bastard all your life, James. Ikaw ang nang iiwan at hindi iniiwan." "Oo, womanizer ako. Pero alam ko pa rin ang pakiramdam ng nasaktan at iniwan. Atleast Vanessa rejected your proposal. I was jilted by my supposed bride on the altar, remember? Or have you forgotten that little incident, cousin?" Huminga nang malamin si Lawrence. Oo nga pala. James was jilted by his bride a few years back. How could he forget? James was in the same depressive state that he was in right now. And he was the one who had hauled his cousin's ass back to reality. And he guessed James was doing the same for him. "Malas ata tayo sa babae," sambit ni Lawrence. James shrugged his shoulders. "Life's full of shit sometimes." Umupo ito sa may katabing sofa. "But you don't dwell on those shit. You need to move on and get on with your life. Alam kong hindi madali 'yon. Pero 'yan ba ang gusto mo? Ang magmukmok at magpakalasing habang nagpapakasaya si Vanessa sa bago niyang lalake? Show her you're affected. Na kawalan niya nang iniwan ka niya para sa iba." "May pagkukulang ba ako? Kaya niya ako iniwan?" "Look Law. Both of you, with your professions, pareho kayong busy sa trabaho. Kaya nasambit ni Vanessa na nawawalan ka ng oras para sa kanya, which prompted her to look for someone else. I'm not saying what she did was right. Sa tingin ko pareho kayong may pagkukulang. Dapat no'ng una palang, alam niyo na ang magiging sitwasyon niyo dahil sa mga trabaho niyo." Ngumiti ng tipid si Lawrence. "I never knew you had that wisdom in you, James. So are you free tonight?" "Bakit, i-de-date mo 'ko? nakangising tanong ni James. "Not on your life. Kailangan ko ng kasamang uminom," sagot niya na ginantihan naman ng buntong-hininga ni James. #################################### Chapter Seven #################################### "Aug. 31, 2014... It has been a week since I last saw Lawrence. Yes, it may sound pathetic and outrageous for me to say this, but I miss him. Granny earlier showed me an album of Lawrence's pictures when he was a baby, when he was in the third grade, when he graduated elementary... There were only a couple of his pictures during his high school and college years (typical for a male like him!) but there were a handful of pictures he had with granny. Today, I commited a crime and may God forgive me for what I did. I stole one of his pictures during his 27th birthday. I can't help it! I guess I really do like him a lot..." Kinagat ni Abigail ang dulo ng ballpen habang nag-iisip kung ano pa ang isusulat sa kanyang diary. Alas-tres na ng umaga at kasalukuyan siyang nasa loob ng kwarto na nakareserba para sa kanilang mga nurses, nagmumuni-muni kung ano pa ang puwede niyang isulat. Inilabas niya ang letratong kinuha niya sa album at tinitigan ito. Gusto niya sanang halikan ito, kaso nakakahiyang gawin iyon kahit na mag-isa lang siya. Napangiti naman si Abigail habang nakatitig pa rin sa larawan. "Kapag ikaw at ako nagka-anak, gusto ko lahat ng katangian sa 'yo makuha: Kagwapuhan mo, pagiging matalino mo, yung tangkad mo... "Wag lang kasungitan mo." Napahagikgik naman siya na akala mo ay isang teenager na nakita ang crush na dumaan sa harapan. "Ikaw kasi, eh," sabi niya habang nakatingin pa rin sa larawan. "Binihag mo na nga ang puso ko, pati ba naman isipan ko binihag mo na rin. Ayan tuloy, nagsasalita akong mag-isa." Mabilis niyang hinalikan ang larawan at saka itinago ito sa mga pahina ng kanyang diary. Para siyang gaga, sa isip-isip niya. Halikan ba naman ang larawan? Itutuloy na sana ni Abigail ang pagsusulat sa diary nang makarinig siya ng kalabog sa 'di kalayuan. Tumayo siya at sumilip sa may pintuan. Sa may itaas na baitang ng hagdan, nakita niyang nakahandusay si Lawrence na mukhang nakainom na naman. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at inilalayan si Lawrence na tumayo. "Sir, kumapit po kayo sa balikat ko," sabi ni Abigail habang ipinatong ang isang braso ni Lawrence sa balikat niya. Dahan-dahan siyang tumayo habang nakaakay sa kanya si Lawrence. "Ang bigat niyo naman sir," bulong pa niya. Inalalayan niya si Lawrence sa kuwarto nito. At nang makarating na sila sa kuwarto ng binata, tinulungan niya itong humiga. Aalis na sana si Abigail upang tawagin ang kasambahay ngunit napatigil siya nang maalala niya na alas-tres na pala ng umaga at baka mahimbing pa ang tulog ng mga iyon. Humarap muli sa Abigail sa nakahiga at natutulog na Lawrence. "Ikaw sir, ha. Inaabuso mo na talaga ang kabaitan ko. Pero dahil mahal kita, sige na nga." Lumapit siya kay Lawrence at tinanggal niya ang sapatos nito. Umayos nang pagkakatayo si Abigail at muling tinitigan si Lawrence. Napakagat naman siya sa labi habang iniisip kung huhubarin ba niya ang suot nitong pantalon o hindi na. Pero kung tatanggalin niya ang suot nitong pantalon, baka ano pa ang makita niya. Pero dapat sanay na siya makakita ng mga ganoon, hindi ba? Ilang pasyente na rin naman ang tinulungan niyang paliguan no'ng nagvo-volunteer pa siya sa ospital. Kaso nga lang, puro comatose ang mga pasyenteng pinapaliguan niya dati. "Yung polo na lang," mungkahi niya sa sarili. "Mahirap na sir, baka makita ko pa ang external reproductive organ niyo. Baka aksidente ko pang mahawakan." Sabay hagikgik sa kanyang sariling biro. Umupo si Abigail sa tabi ng kama at tinanggal niya ang suot na puting polo ni Lawrence habang himbing pa rin ang pagkakatulog nito. Namangha naman si Abigail sa matipunong pangangatawan ni Lawrence. "Mukhang ang tigas ng pectorals niyo sir. Puwedeng pahawak? Pero 'wag na lang. Baka kasuhan niyo pa ako ng sexual abuse." Nang nakuntento na si Abigail na maayos nang makakatulog si Lawrence, tatayo na sana siya nang hinawakan ni Lawrence ang kamay niya. "Don't leave me. Please..." pakiusap nito habang pikit pa rin ang mga mata. Napaupo muli si Abigail at pinagmasdan ang mukha ni Lawrence. Mukhang nananaginip si Lawrence, at alam niya kung ano laman ng panaginip na iyon. Kahit sa panaginip, nagmamakaawa pa rin ang lalaki na huwag iwan ng nobya. Kumirot naman ang puso ni Abigail. Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi na nag-abalang tanggalin pa ang kamay niya sa pagkakahawak ni Lawrence. Nagulat siya nang bahagyang hinila ni Lawrence ang kamay niya at ipinatong ito sa dibdib nito, sa may bandang puso. Ilang minuto rin na naka ganoon ang posisyon niya. Nang makaradam siya nang pangangawit sa kanyang braso, dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya ngunit muling nagulat si Abigail nang hinilang muli ni Lawrence ang kanyang kamay, sanhi kung bakit ang kalahati ng katawan niya ay nakapatong na sa dibdib ng binate. Ang mukha niya ay ilang pulgada na lang ang layo sa mukha ng lalaki. Gamit ang isang libreng kamay niya, itinulak niya ang sarili papalayo sa katawan ni Lawrence nang maramdaman naman niyang gumalaw si Lawrence sa ilalim niya at nagulat na lamang siya sa mga pangyayari nang biglang pumaibabaw si Lawrence sa kanya, at siya naman ngayon ang nakahiga sa kama. Nakadilat na ang mga mata ni Lawrence at nakatitig ang mga mapupungay nitong mata sa kanya. "Sir, teka lang po." Itinulak ni Abigail sa dibdib si Lawrence upang makawala siya sa pagkakakulong sa mga bisig ng binata. Laking gulat na lang ni Abigail nang ibinaba ni Lawrence ang mukha nito at dumampi ang mga labi nito sa mga labi ni niya. Namilog ang mga mata niya, ang labi niya ay mahigpit na nakasara habang ang mga maiinit na labi naman ni Lawrence ay naging mas mapusok na tila bang nag-uudyok na ibuka niya ang kanyang bibig. Inangat nang bahagya ni Lawrence ang kanyang mga labi mula sa pagkakahalik kay Abigail. "Open your mouth for me, baby..." At muling hinalikan niya si Abigail sa labi. Animo'y naglalaban naman ang utak at puso ni Abigail. Ang utos ng kanyang utak ay itigil na ang kanyang kahibangan at lumayo na kay Lawrence. Ngunit ang puso naman niya ay inuudyok siyang hayaan ang sarili na maranasan ang mga halik ni Lawrence, ang mga haplos ni Lawrence sa kanyang braso, maramdaman ang init ng katawan ng binata... Unti-unti namang bumibigay ang katawan ni Abigail na isuko ang sarili kay Lawrence, dala na rin ng malalim at mapupusok na halik sa kanya ng binata. Dahan-dahan namang ibinuka ni Abigail ang mga labi niya at marahang ipinikit ang mga mata at hinayan ang sarili na malunod sa kakaibang pakiramdam na dulot ng pagkakahalik sa kanya ni Lawrence. Ipinasok naman ni Lawrence ang kanyang dila at sinalubong iyon ni Abigail, habang hindi namamalayan ng dalaga na inaangat na pala ni Lawrence ang kanyang pang-itaas na suot. Inilayo ni Lawrence ang kanyang mukha kay Abigail at tuluyan nang itinanggal nito ang saplot niya. Ilang segundo pa at tuluyan nang nakahubad si Abigail at sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya napansin na wala na rin ang suot na pantalon ni Lawrence. "You're beautiful," sambit ni Lawrence habang hinaplos nito ang mukha ni Abigail. Muling napapikit ng mga mata si Abigail habang gumapang ang mga labi ni Lawrence sa kanyang leeg. Ito ba ang sinsasabi sa kanya ni Francine? Na nakakagawa ng kagagahan ang isang taong sobra kung magmahal? Tama nga ba itong ginagawa niya? Gaano nga ba niya kamahal si Lawrence? Nang maglakbay ang mga kamay ni Lawrence sa kanyang katawan, itinapon ni Abigail and lahat ng kanyang mga alinlangan. Kahit ngayong gabi lang, kahit isang beses sa buhay niya ay magiging kanya si Lawrence. Ngayong gabi, hahayaan niyang magpakagaga ang sarili. Bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Nakaramdam na siya ng kirot sa kanyang pagkababae, hudyat na sinimulan na ni Lawrence ang pagpasok nito. Hindi ininda ni Abigail ang sakit. Alam niyang mararamdaman niya talaga iyon sa umpisa. Nagsimula na ring gumalaw sa ibabaw niya si Lawrence at sa 'di kalaunan, ang sakit ay napalitan na rin ng sarap. Ipinulupot ni Abigail ang kanyang braso sa leeg ni Lawrence at hinayaan niyang malasing ang kanyang diwa sa mga galaw ng binata. Napaungol si Abigail at alam niyang malapit na siya sa kanyang climax. Nang narating na ni Abigail ang pinakadulo, sumunod naman si Lawrence. Bumagsak ang katawan ni Lawrence kay Abigail at isiniksik ang mukha nito sa buhok niya. "I love you, Vanessa..." bulong ni Lawrence. Tumagos ang sakit sa puso ni Abigail at unti-unting pumatak ang kanyang luha. Ito na siguro ang kapalaran ng mga sobra kung umibig at nakakagawa ng kagagahan. *** A/N: hello guys! Pag pasensyahan niyo na si Abie. Minsan kasi hindi na nakakapag-isip ng matino ang mga tulad niya na nabulag ng matinding pagmamahal. Naks! Haha. Affected lang? Btw, natutuwa ako at ipinagpatuloy niyo po ang pagbasa nito. If nagustuhan niyo, bigyan niyo po ito ng boto. Maraming salamat! :) #################################### Chapter Eight #################################### Naalimpungatan si Abigail nang may naramdaman siyang gumalaw sa tabi niya. Nang minulat niya ang kanyang mga mata, bahagya siyang naguguluhan kung bakit tila iba ata ang hitsura ng kuwarto niya. Tumingin-tingin siya sa paligid at nang dumapo ang kanyang paningin sa katabing natutulog, saka niya naalala ang mga pangyayari. "Ano ba itong nagawa mo Abby," tanong niya sa sarili. Lagi ba talagang nasa huli ang pagsisisi? Akala niya ay wala siyang pagsisisihan sa mga nangyari, ngunit nang sinambit ni Lawrence ang pangalan ng dating nobya, parang binuhusan siya ng isang balde ng yelo at biglang natauhan sa kanyang kagagahan. Pakiramdam niya'y isa siyang panakip butas, isang rebound. Napagtanto niyang ang sakit pala ang ibinigay ang sarili kasama pati ang puso sa taong lubos mong minamahal, at malalaman lang pala sa bandang hula na iba pala ang laman ng puso ng taong mahal mo. Ano ba kasi ang mayroon sa puso? Isa lang naman itong organ na nagpu-pump ng dugo upang dumaloy sa buo niyang katawan. Kung tutuusin ang cortex at limbic system naman ng utak niya ang kumokontrol sa mga emosyon niya. At utak din niya ang nagsasabi kung alin ang tama at mali. Pero bakit dito sa may puso niya nararamdaman ang sakit? Bakit parang ang puso niya ang nagsalita kagabi at naghikayat sa kanya na isuko ang sarili sa mga bisig ni Lawrence? Kagabi, parang ang linaw ng sinisigaw ng puso niya. Ngayon, para itong naging manhid sa sobrang sakit. Ano nga ba ang sabi niya sa sarili kagabi? Bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Pero bakit parang ganito ang pakiramdam niya ngayon? Bakit nagsisisi siya nang naramdaman niyang ganito pala kasakit ang malamang sa isip ni Lawrence, si Vanessa pala ang kasama nito? Pesteng puso naman 'to, oh! Bakit ba kasi nakinig siya rito kagabi? Napabuntong-hininga na lamang si Abigail at nagdesisyon na kalimutan na lamang ang lahat, pati na ang pag-ibig niya para kay Lawrence na wala namang patutunguhan. Isang ilusyon lang naman ang lahat. Paano magkakagusto ang isang mayamang lalaking tulad ni Lawrence sa isang babaeng wala pa namang napatunayan sa buhay at nag-uumpisa pa lang sa kanyang napiling karera? Baka isipin pa nito na isa siyang gold digger. Alam ni Abigail na kailangan na niyang umalis bago magising si Lawrence at makita siya nito na katabi sa kama at walang saplot. Sobrang kahihiyan iyon kapag nagkataon. Napansin rin niya sa kanyang suot na relo na alas-sais na pala ng umaga. Akmang tatayo na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang lolo Edward ni Lawrence. "Law. Did you noticed if Abby left last-" napatigil ang lolo ni Lawrence sa pagsalita nang makita nito si Abigail na nakahiga sa kama ni Lawrence na tanging kumot lamang ang nakatakip sa katawan. Namilog ang mga mata ni Abigail sa tindi ng pagkakagulat habang naramdaman niyang gumalaw si Lawrence sa tabi niya. "Gramps, it's too early for you to barge in here like this," inaantok na sagot ni Lawrence. "What is the meaning of this, Lawrence? Abby?" madiin na tanong ng lolo ni Lawrence. Nang marinig ni Lawrence ang pangalan ni Abby, tuluyan itong nagising at halata sa mukha ng binata ang laking pagkagulat na makita si Abigail sa tabi nito. Napakagat-labi na lamang si Abigail at yumuko upang iwasan ang mga nang aakusang titig ni Lawrence. "Lawrence, put some clothes on. We need to talk outside," utos ng lolo ni Lawrence. Tumalikod ito at lalabas na sana ng kuwarto nang napansin nitong hindi pa rin kumikilos si Lawrence. "Now Lawrence!" Binigyan ni Lawrence ng isang matalim na titig si Abigail bago ito tumayo at nagbihis. "Stay here. We'll talk when I get back," sabi ni Lawrence bago ito tuluyang umalis ng kwarto. Naiwan namang nakatulala si Abigail. Hindi lang si Lawrence ang nakakita sa kanya, kundi pati ang lolo nito. At alam ni Abigail na si granny ang susunod na makakaalam ng mga pangyayari. Hindi lang ito isang malaking kahihiyan, isa rin itong malaking pananamantala sa kabaitang ipinakita sa kanya ni granny at ng asawa nito. Umupo si Abigail sa kama at sinapo niya ang noo sa kanyang palad. Kagabi, go lang siya ng go. Ngayon, kung ano-anong rationalization na ang naiisip niya. Ang gulo talaga minsan ng utak! Hindi na niya aantayin na bumalik si Lawrence. Wala na siyang mukhang maihaharap sa buong pamilya nito. Dali-daling nagbihis si Abigail kahit pa nangingig ang mga kamay niya habang sinusuot ang kanyang scrubs. Napalingon siya sa may bedsheet at nakita ang mantsa ng dugo. Bitbit ang nakarolyong bedsheeet na kinuha niya sa kama ni Lawrence, dumiretso siya sa kabilang kuwarto, kinuha ang kanyang bag at umalis na nang tuluyan sa mansyon. *** "How could you do that to her Law! She was really a nice girl. She was already like an apo for me!" naiiyak na sabi ni granny. Huminga nang malalim si Lawrence at napasandal sa backrest ng inuupuan niya. Paano niya masasagot si granny kung siya mismo'y hindi alam kung ano ba talaga ang nangyari? Kasalukuyang nasa study room sila, ang kanyang lolo, lola at ang nanay niya ang gumigisa sa kanya sa kasalanang hindi naman niya alam na nagawa pala niya. Buti na lang at nasa ibang bansa pa ang kanyang ama. Kahit pigain ni Lawrence ang kanyang utak, wala pa rin siyang maalala. Ang huli niyang natatandaan ay ang paghatid sa kanya ni James sa bahay. Hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari. At mas lalong hindi niya alam kung papaanong napunta ang babaeng iyon sa kuwarto at kama niya. "Answer your granny, Law!" utos ng kanyang lolo. "I have no idea, okay?" sagot naman niya. "I don't have the slightest idea how she got there." Pumaywang naman ang ina niya at tumingin kay granny. "Obviosly mama, that wretched girl is a gold digger! Malamang she planned it all. And I wouldn't be surprised to hear that one of these days she will file a rape case against my son. 'Yan ang mahirap sa mga dukha; tinulungan mo na nga, ang gusto'y lubus-lubusin pa." "Abby is not like that," depensa ni granny sa babaeng iyon. "She's a sweet and innocent girl." His mother gave a hallow laugh. "Oh c'mon, mama. We are living in the 20th century. Sa panahon ngayon, walang ng inosenteng virgin na lagpas bente anyos." Narinig ni Lawrence ang pagsinghap ni granny dahil sa turan ng kanyang ina. His mother really had colourful words. "Aurora, please, just stay quiet," Lawrence heard his granpa Edward said calmly. "You're just making this hard for everyone." "Fine!" sagot naman ng ina niya. "I know my opinion never matters here. Parang hindi nga ako parte ng pamilyang ito, eh." Umayos nang pagkakaupo si Lawrence at tinapunan ng warning look ang kanyang ina. "Ma, not now, okay. Enough with your theatrics." Umirap naman ang kanyang ina at nag-walkout. "Law did you realized what you just did?" mahinanong tanong ng kanyang lola. "You just compromised that poor girl." Lawrence couldn't help it but snort. "Compromised? Granny we don't use that word anymore. I may not like how Ma put it but she is right: Wala ng mga inosente ngayon. Everybody does meaningless sex outside marriage nowadays. I'm not even sure if I did it with that girl last night but I don't really see where the problem lies here." "But there is a problem!" giit ng kanyang lola. "I maybe an old woman to you who has archaic views about marriage, pero Law, si Abby ay apo ng matalik kong kaibigan. Ano na lang ang sasabihin ni Margaret? Na pinalaki kitang walang galang sa kababaihan?" Lawrence stabbed his hand on his hair and sighed. "What do you want me to do then?" His grandparents exchanged glances and he didn't like what he saw. "We want you to marry her," his grandfather stated with gravity. Lawrence leaned back on the chair, his jaw clenched and his hand curled in to a tight fist. I could really kill that bitch! *** Dumiretso si Abigail sa condo ni Cass. Sa ngayon, hindi niya kayang harapin ang kanyang lola. Malamang, maya-maya ay malalaman ng kanyang lola kung ano ang nangyari. Malamang ay aakusahan ng pamilya ni Lawrence ang kanyang lola na hindi siya pinalaki nang maayos. Malamang ay mapuputol ang pagkakaibigan ng kanyang lola sa mga nakatatandang mag-asawang Madrigal. Umupo si Abigail sa sofa at biglang natulala. Paano niya aayusin ang problemang ito? Idinukot niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanilang coordinator. Maayos siyang nagpaalam na magre-resign na siya sa pagiging private nurse at dadaan siya bukas sa opisina para ibigay ang resignation letter. Matapos ang kanilang pag-uusap ng coordinator, pinindot na niya ang end call button. Bumagsak na nang tuluyan ang katawan ni Abigail sa may sofa habang nakatitig pa rin sa kawalan. Sabado na ngayon ng umaga at maya-maya ay darating na sina Cass at Francine. Alam ni Abigail na hindi niya kayang ilihim ang kanyang problema at saloobin sa mga kaibigan niya. Isang tingin palang sa mukha niya, alam na agad ng dalawa kung may dinaramdam o problema siya. Ganoon ka-keen ang senses ng dalawa niyang kaibigan. Ilang minuto na ang nakalipas nang narinig niyang bumukas ang pinto at sa mga yabag pa lang ay alam niyang si Cass ito. "O Abby, inaantok ka na ba? Saglit lang. Ako na ang magpe-prepare ng breakfast. Stay put ka lang diyan, ha," sabi ni Cass na nakatayo sa harapan niya. Nang hindi siya umimik, bigla namang kinuha ni Cass ang cellphone nito sa loob ng bag at narinig na lang ni Abigail na may kausap ang kaibigan sa kabilang linya. "Hello, Francine? Asan ka na? Bilisan mo at may emergency dito sa bahay! Si Abby, na-comatose ata! Eh, hindi gumagalaw! Bilisan mo!" Hindi na pinansin ni Abigail si Cass at ipinikit na lang ang kanyang mata. Ilang minuto ang dumaan at narinig naman niya ang boses ni Francine. "Abby," si Francine na yumuko sa harapan niya. "Mag-usap tayo. Sige na, umupo ka na." Sumunod na lamang si Abigail at umupo, ang mga mata niya'y nakatitig sa sahig. "May nangyari ba?" simula ni Francine. Huminga nang malamin si Abigail at dahan-dahang inangat ang mga mata. "Francine, naaalala mo pa ba 'yong sinabi mo sa akin na nakakagawa ng kagagahan ang mga taong masyadong in love?" Kumunot ang noo ni Francine at tumango. "Nakagawa ako ng kagagahan. Kagabi." Batid sa mukha ni Francine ang pagkadismaya habang si Cass naman ay tila naguguluhan sa mga pangyayari. "Anong kagagahan 'yang pinagsasabi ninyo?" tanong ni Cass. Napayuko si Abigail at ikinuwento ang mga pangyayari. Wala siyang detalyeng itinago, pati na ang pagsambit ni Lawrence sa pangalan ng dating nobya at ang pagsisisi niya sa nagawa. Umupo naman sa tabi niya si Cass at niyakap ang kaibigan. "I'm so sorry bes." "Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo, Abby?" naiinis na tanong ni Francine. "Hindi ba sinabi ko na sa 'yo? Hindi ako magtataka kung si Cass ang gumawa no'n, pero ikaw? Ikaw na wala pang boyfriend hanggang ngayon na akala ko ay tatanda kang dalaga, nakagawa ng ganoon? Ikaw na ang alam lang no'ng college ay mag-aral at magbasa? Ikaw na pinaka matalino sa aming tatlo? Asan napunta 'yang utak mo!" "At talagang sinali mo pa ang pangalan ko sa pangangaral mo ha," sarkastikong sabi ni Cass. "Pero 'di naman dapat magpaapekto si Abby. Hindi ba? Marami naman diyan na nakikipagsex kahit wala silang relasyon. I bet wala lang din 'yon kay Lawrence. "Hindi mo kasi naiintindihan, Cass," giit ni Francine. "Siguro kung walang feelings 'yang si Abby para sa bastardong 'yon, hindi magpapaapekto 'yang kaibigan natin. Pero hindi ganoon, eh. In love 'yang kaibigan natin doon sa hinayupak na 'yon. At alam ko kung gaano kasakit 'yon dahil dumaan din ako sa ganyang sitwasyon." Napabuntong-hininga si Francine. "Ayokong pagdaanan ni Abby ang mga napagdaanan ko." Napatingin si Abigail sa kaibigang si Francine. Alam niya na na-broken hearted ito dati, ngunit wala silang ideya ni Cass kung ano talaga ang nangyari. "Pero nangyari na ang nangyari," tugon ni Cass. "Ang kailangan na lang nating gawin ay tulungang makapag move on si Abby." "Kaya ko naman siguro mag-move on, kahit na -alam mo 'yon? -masakit," sagot ni Abigail sa dalawa. "Pero yung malaman ng pamilya niya ang ginawa ko, 'yon ang inaalala ko. Lola ni Lawrence ang tumulong sa akin na makatapos sa pag-aaral tapos ito ang iginanti ko sa kabaitan niya. Sa loob pa ng pamamahay nila. At si lola... ano na rin ang iisipin nila kay lola?" Umupo na rin si Francine sa tabi niya. "Pasensya na Abby, ha, kung napagtaasan kita ng boses. Ayoko lang kasi na matulad ka sa akin." Binigyan niya si Francine ng isang maliit na ngiti. "Okay lang. Sanay na ako sa 'yo." "Pero Abby," biglang sabat ni Cass. "First time mo 'yon kagabi. Gumamit ba ng proteksyon si Lawrence?" Napasandal ang likod ni Abigail sa inuupuang sofa. Ang laki niyang tanga! Nurse pa man din siya. Nakalimutan niya ang maliit na detalyeng iyon. Irregular ang menstrual cycle niya, kaya hindi siya sigurado kung safe siya. Ano na ang gagawin niya kung nabuntis siya? #################################### Chapter Nine #################################### Lawrence witnessed the shocked look on that bitch's face when she emerged from the doorway of her house and saw she had visitors waiting for her in their poor excuse for a living room. Batid ni Lawrence na hindi inaasahan ng babaeng iyon na makita siya at ang kanyang lolo at lola sa loob ng pamamahay nito. Ano nga ba ang pangalan ng babaeng iyon? Was it Abby? Yes, that's right. That bitch's name was Abby or Abigail. Ang babaeng nagnakaw ng kanyang kinabukasan at buhay. Matapos ang usapan nina Lawrence at ng kanyang pamilya kaninang umaga, umalis siya ng bahay na puno ng galit at nagpasyang magpalipas na lamang ng sama ng loob sa kanyang condo. Tutal doon naman talaga siya nakatira. Si granny lang naman yung mapilit na matulog siya paminsan-minsan sa bahay. So there he was, seething with rage inside his place, wanting to throw anything he could touch and smash it to pieces. Tamang-tama naman at dumating si James na malamang ay tinawagan ng kanyang lola upang tignan ang kalagayan niya. Napaupo sa sofa si Lawrence at idinetalye ang mga pangyayari kay James. "It's my life! Nobody can dictate what I should do or who I will marry," giit niya. "I know that Law," sagot ni James na nakatayo sa harapan ng pinsan. "Even I will react the way you did if it happened to me. But are you sure you really have no idea what happened between you and that girl?" "Wala," simpleng sagot ni Lawrence. "So you just woke up and found her on your bed, naked?" "That's about it." James gave a low whistle. "That's tough, man. You screwed a girl and you can't even remember it!" Tinapunan ng matatalim na titig ni Lawrence si James. "Hindi nakakatawa, James." "Who says I'm trying to be funny?" kibit-balikat na tanong ni James. "Pero pinsan, listen. If ayaw mo sundin sina lolo, then what's the problem? Don't do it." "She was a virgin," Lawrence said it as if it answered everything. James just raised a questioning brow. "Forget it. Hindi mo maiintindihan. God, I hate her! Why would she do that? Was she after my money? I can give it to her! Para matigil lang ang kahibangan na ito." Umupo si James sa kabilang couch. "Then do it. But I think you could use her for another means." Nakuha ni James ang atensyon niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Puwede mo siyang gamitin para makapag-move on ka na kay Vanessa." Napasandal si Lawrence sa inuupuan niya. "Ba't ko naman gagawin 'yon?" "Law, puwede kang magmukmok habambuhay. But it will not change the fact that Vanessa left you for another guy. You need to move on," sagot naman ni James na halatang medyo naiinis na sa kanyang pinsan. Napaisip si Lawrence. Would marrying that girl make him forget his past love? Probably not. And he hated that girl for causing him this shit load of problem. But James was right. He could use her. He would marry that bitch to spite Vanessa and to make her realize how much she had loss when she left Lawrence for some other man. Lawrence pulled himself back in the present when he saw Abigail approaching. Nakayuko ito, malamang ay umiiwas ng tingin dahil sa konsenyang bumabagabag sa isipan nito. Lawrence smirked. Let your conscience kill you. Umupo si Abigail sa tabi ng kanyang lola. "La, magpapaliwanag ako." Nakita ni Lawrence ang pag-iling ng kanyang granny. "No need to, Abby dear. Lawrence is here with us because he wants to ask you something." Then to him, she said, "Go on, Law. Ask her." Huminga nang malalim si Lawrence at tumayo. Lumapit siya kay Abigail. Dahan-dahang inangat naman ng babae ang kanyang mukha hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. Lawrence extended his hand and he saw Abigail hesitantly placed her hand on his. He gave her hand a slight squeeze and pulled it, indicating for her to stand. Tumayo naman ang babae habang nakatitig pa rin sa kanya. What Lawrence was about to say could forever change the course of their lives. "Marry me." *** Hindi iyon ang inaasahan ni Abigail na mangyayari -ang magpropose sa kanya si Lawrence. Hindi iyon ang tipo ng proposal na pinapangarap niya. Dati-rati'y iniisip niya na balang araw ay magpo-propose sa kanya ang isang lalaking nakatakda para sa kanya on bended knee, may dalang rosas at engagement ring. Tulad ng mga nababasa niya sa mga novels o kaya naman tulad ng mga napapanood niya sa movies. Pero iba ang nangyari sa kanya. Lawrence proposed. Pero walang ka amor-amor ang boses ni Lawrence nang sinambit niya ang mga katagang "Marry me". Tila isa itong utos na dapat niyang sundin. Napatingin si Abigail sa mukha ng kanyang lola at kay granny. Mukha silang excited, na ang akala ay napaka romantic ng proposal na ginawa ni Lawrence. Batid sa mga mukha nila ang kaligayahan na para bang matagal na nila itong pinapangarap na makasal silang dalawa Lawrence. Shot gun wedding? Nakakatawa. Pero kaya ba niyang nakawin ang mga saya at ngiti sa mukha ng mga taong nagmamahal sa kanya? Kay lola? Kay granny? Maaatim ba niya na makasama ng habambuhay ang lalaking mahal niya ngunit 'di naman siya mahal? Nakita niyang kumunot ang noo ni Lawrence. "Your answer?" Ang mga matatalim na titig sa kanya ni Lawrence ay tila nagsasabi na hindi siya puwedeng umayaw si sa proposal nito. Ano ang isasagot niya? Oo mahal niya si Lawrence. Pero hindi sapat iyon para pakasalan niya ang binata. Pero may nangyari na sa kanila. Moderno man ang mundo ngayon at iba na ang pananaw ng karamihan sa marriage first before sex, nakagawa pa rin ng pagkakamali si Abigail sa mata ng Diyos. Pero ang tanging alam lang niya ngayon ay mahal niya si Lawrence. Kahit noon pa. At naniniwala siyang balang araw ay matututunan din siyang mahalin ng binata. Kaya ibinigay ni Abigail ang sagot na makakapagpabago sa buhay nilang dalawa. "Oo." #################################### Chapter Ten #################################### Makalipas ang isang taon Nakatitig lamang sa dalampasigan si Abie, ang mahinang alon ng tubig-dagat ay nagsisilbing musika sa kanyang pandinig. Palubog na ang araw, ang liwanag nito ay nagbibigay ng kulay kahel sa dagat na nagmistulang isang magandang obra na maihahantulad ni Abie sa mga paintings na naka display sa bahay ni Lawrence sa may 'di kalayuan mula asaan siya ngayon. Nakaupo si Abie sa may buhangin habang pinagmamasdan ang malamig na tubig na dumadampi sa kanyang mga paa, habang ang malamig na simoy ng hangin ay humahalik sa kanyang pisngi. Inilapit ni Abie ang kanyang tuhod sa katawan at hinagkan ito, habang nakapatong naman ang kanyang baba sa kanyang mga tuhod. Hindi maiiwasan na magmuni-muni si Abie sa mga nangyari sa kanyang buhay. At hindi niya naiwasang magbalik-tanaw, isang taon na ang nakakaraan. Isang taon na naninirahan si Abie sa isa sa mga bahay na pagmamay-ari ng pamilya ni Lawrence dito sa Panggasinan. Ang pagkakaalam ni Abie, ang bahay na ito na malapit sa may dalampasigan ay nakapangalan kay Lawrence. Isang taong mahigit na rin nang una siyang dumating dito. Naaalala pa niya nung pagkatapos ng kanilang civil wedding ni Lawrence, kinabukasan ay hinatid siya rito ni Lawrence. Manghang-mangha si Abie sa napakagandang modernong pagkakaayos sa bahay. Bigla pa nga niyang nasabi sa sarili na sana habambuhay siyang pwedeng manirahan dito. "Hanggang kailan tayo dito Law?" tanong niya sa kanyang asawa. "Until I said so," maikling sagot sa kanya ni Lawrece. Nung una ay akala ni Abie na dito sila maghohoneymoon. Mali ang kanyang inakala. Matapos ipakilala ni Lawrence ang caretaker ng bahay kay Abie, saka naman ito nagpaalam na babalik sa Maynila at marami pa raw itong trabahong aasikasuhin. "Iiwan moko dito?" tanong ni Abie habang nakatayo sa gilid ng sasakyan at hawak-hawak ang pinto sa may driver seat ng sasakyan ni Lawrence. "May mga aayusin pa ako sa opisina. Babalik ako kapag natapos ko na ang mga iyon," sagot naman nito habang sinisimulang i-start ang sasakyan. "Pero -pero kakakasal lang natin kahapon..." Napatining sa kanya si Lawrence at binigyan siya ng matalim na titig. "Does it look to you that it means anything to me?" Hindi naka imik si Abie. "Now, step aside. I need to go. Tatawagan na lang kita pag nakarating na ako sa condo." Humakbang patalikod si Abie. Saka naman hinila pasarado ni Lawrence ang pinto ng sasakyan niya at tuluyang pinaandar ang sasakyan. Naiwang nakatulala si Abie at hindi makapaniwala sa pag-iwan sa kanya ni Lawrence. Hindi iyon ang inaasahan niya. Lahat mali. Ang walang emosyong proposal sa kanya ni Lawrence... Ang kasal na walang kahulugan ang mga salita at pangakong binitawan... Ang honeymoon na hindi naman pala... Lahat ng ito ay mali. Para bang pinaparusahan siya sa mga nagawa niyang kasalanan. Na tila isang malaking karma ang mga ito. Lahat ng pinangarap niya, lahat ng gusto sana niyang mangyari para sa sarili kapag ikakasal na siya, lahat kabaligtaran ang nangyari. Siguro dahil masyado siyang romantic at heart. Siguro dahil masyado siyang idealistic. At siguro na rin, ayon nga kay Francine, masyado siyang naïve. Ano pa ba maaasahan niya? Na magiging masaya sila ni Lawrence kung unrequited love naman ang meron? Na tatanggapin siya nito kung sa umpisa pa lang ay halatang ayaw naman ni Lawrence na maikasal sa kanya? Kaya heto siya ngayon, mag-isang ipinagdiriwang ang unang araw nang pagiging Mrs. Lawrence Madrigal. Tumawag naman sa kanya si Lawrence kinagabihan. Ang usapan nila ay tumagal lamang ng dalawang minuto. Kinabukasan, sinubukang tawagan at i-text ni Abie si Lawrence. Walang sagot. Walang reply. Nang inulan ni Abie ng messages ang inbox ni Lawrence, halatang nainis dito ang asawa at nagreply, "...Stop flooding my inbox. I'm busy with work. If you will not stop, I will never set foot there to visit you." Visit you. Ba't kailangan niyang bisitahin lamang si Abie? Hindi ba asawa na niya si Abie? Pero natakot siya na baka totohanin ni Lawrence ang banta. Kaya itinigil na niya ang pangungulit sa asawa. Sa ngayon, kailangan niyang intindihin ang asawa. Kung ilalagay din naman niya ang sarili sa lugar ni Lawrence, at kung siya naman ang pinilit na pakasalan ang taong 'di naman niya mahal, malamang ganoon din ang mararamdaman ni Abie. Kaya naiintindihan niya ang nararamdana ni Lawrence. Maliban sa presence ng asawa, hindi naman nagkulang si Lawrence sa pag-aalaga sa kanya at sa kanyang lola. Makalipas ang ilang araw ay dumating ang lola ni Abie sa bahay kasama si Violy. May bahay siyang tinitirhan. May pera sa kanyang bank account. Kung tutuusin ay parang prinsesa ang kanyang buhay dito. Ngunit may kulang pa rin: si Lawrence. Noong mga unang linggo ang pinaka mahirap para kay Abie. Halos gabi-gabi, panay ang iyak niya. Halos lunurin na niya ang sarili sa kakaiyak. Sa pagtulog naman niya, saka naman dumadalaw si Lawrence sa panaginip niya. Si Lawrence na hinalikan si granny sa pisngi. Si Lawrence na nakaalalay sa dati nitong nobya. Si Lawrence na nakaupo at umiinon ng kape. Si Lawrence na nakatitig sa kanya habang sinasabihan siyang "You're beautiful..." habang ang mga mata nito ay umuusbong ng pagmamahal -pagmamahal na hindi naman pala para kay Abie. Ang panaginip ay nagmistulang bangungot. At sa kanyang paggising, puno ng sakit at paghihinagpis ang nararamdaman ng kanyang puso. Madalas na nga niyang iniisip kung bakit ba pinakasalan pa siya ni Lawrence kung ayaw naman nito. Kung tutuusin, kung ayaw naman talaga ni Lawrence wala nang magagawa ang mga magulang o grandparents nito sa desisyon niya. Mukha namang moderna ang pag-iisip ni Lawrence at hindi naniniwala sa mga arranged marriages. Pero ano ang motibo at pinakasalan pa rin siya ni Lawrence? "Abie, hoy! Balak mo bang magpalunod? Kasi sa totoo lang ha, hindi ako marunong lumangoy para sagipin ka," boses ni Violy na humatak kay Abie pabalik sa panahon ngayon. "Tara na at hinahanap ka na ng lola mo." "Oo, sige." Tumayo si Abie sa pagkakaupo at pinagpag ang mga buhangin sa kanyang suot na shorts. "Sabi ko naman kasi sa'yo Abie e. Kung gusto mo makita ang asawa mo, sugurin mo na doon sa opisina niya," wika ni Violy. "Dadalawin naman niya ako sa makalawa," sagot ni Abie. Dumadalaw si Lawrence every two or three months, depende sa schedule niya. Sa ngayon ang alam ni Abie, busy si Lawrence sa expansion ng kanilang mga hotel branches. "Ay, nagpapaka martyr ka 'te?" sarkastikong tanong ni Violy. "Ate Violy naman e," sagot ni Abie habang naglalakad pabalik ng bahay. Hindi na lamang pinansin ni Abie si Violy. Kung dati-rati'y patay na patay si Violy kay Lawrence, ngayon naman ay nanggagalaiti ito sa inis dahil sa ginawa kay Abie. Ang totoo, natutuwa si Abie na malaman na ang loyalty ngayon ni Violy ay nasa kanya. Matapos ang hapunan, umupo sa sala si Abie at tinawagan ang kaibigang si Francine. "Abie, pasensya na ha, kung 'di ako nakadalaw diyan tulad nang ipinangako ko," wika ni Francine. "Hayaan mo, next week e sasabay ako kay Cass na dumalaw diyan." "Ano ka ba. Okay lang 'yun noh. Alam ko naman na busy ka rin sa trabaho mo." "E ikaw, kamusta ka na diyan? Dumalaw na ba 'yang walang kwenta mong asawa?" "Sa makalawa ang punta niya rito," sagot ni Abie. "Naku Abie ha. Hiwalayan mo na 'yang demonyong 'yan. Sinasabi ko sa sa'yo, 'wag kang magpapaka martyr diyan." Napabuntong-hininga si Abie. "Bes, kailangan lang ni Lawrence ng kaunti pang panahon para makapag-adjust sa buhay namin ngayon." "Ano kamo? Adjust? Konting panahon? Aba naman Abie, sobra sobra na ata ang one year para makapag-adjust 'yang invisible mong asawa!" "Francine-" "Abie sa totoo lang, kung 'di lang ako busy sa trabaho ko at kung hindi lang talaga anak ni satanas itong boss ko e matagal na kitang sinugod diyan at baka ang paghampas ko sa'yo e makakatulong na matauhan ka. Kahit itanong mo pa kay Cass, iisa lang ang opinyon naming dalawa." "Ano naman 'yun?" "Yang asawa mo, he doesn't deserve you. At Abie, word of advice lang: hindi na uso ang martyr na asawa. Ba't mo hahayaan masaktan ang sarili mo? Masochist lang ang drama?" "Francine... alam mo na naman na mahal ko si Lawrence." "Oo andun na tayo. Pero magtira ka naman ng kaunting pagmamahal para sa sarili mo. Ano ba ginawa niya sa'yo at na-inlove ka nang sobra sa taong 'yun?" Ano nga ba? Tama nga naman si Francine, wala namang ginawa si Lawrence para mahalin niya ng ganito. Crush lang naman nung umpisa hanggang sa lumalim dahil sa madalas niya itong makita at dahil na rin sa mga magagandang kwento ni granny tungkol kay Lawrence nung mga panahong hindi pa sila kasal. Ibig ba nitong sabihin, in-love siya sa isang ideya o ilusyon? "Hello, Abie? Andiyan ka pa ba?" tanong ni Francine. "Oo, andito pa ako." "Kaya Abie ha, makinig ka. Kausapin mo na 'yang asawa mo. At utang na loob, tanggalin mo 'yang 'martyr' sa bokabyularyo mo. Magdemand ka nga ng karapatan mo bilang asawa niya at hindi 'yung parang ikinakahiya ka niya at tinapon diyan sa liblib na lugar." Matapos ang mahabang sermon sa kanya ni Francine, umakyat na si Abie sa kanyang kwarto. Tama naman ang sinabi ni Francine. Kahit ang ibang tao sa paligid niya -ang lola niya na mukhang naghihinala na sa totoong sitwasyon niya, si Violy, si Cass --ganoon din ang sinasabi sa kanya. Siya lang naman kasi itong matigas ang ulo at umaasa na mamahalin din siya ni Lawrence. Tama na ang isang taong pagtitiis at paghihintay. Sa makalawa, pagdating ni Lawrence, kakausapin niya ang asawa. At sana, mabigyan siya ng lakas ng loob para masabi ang lahat ng kanyang saloobin. #################################### Chapter Eleven #################################### "O, ayan Abby. Newspaper. Sige, saktan mo sarili mo ha," pagtataray ni Violy habang inaabot kay Abigail ang newspaper. "Huwag mo lang ipaalam sa lola mo ang mga pinaggagawa mo, ha, at baka atakihin sa puso 'yun." Nakaupo sa may sala si Abigail. Naging routine na nga ata niya na tuwing umaga ay aabutan siya ni Violy ng newspaper at sesermonan sa pagiging masokista. Ngingiti lang si Abigail at magpapasalamat sa malasakit sa kanya ni Violy at papaalalahanan ito na alam niya ang ginagawa niya. Susungitan naman siya ni Violy at magsusumbong kina Francine at Cass. At ganoon na nga, si Violy ang naging ispiya nina Francine at Cass. Tuwing umaga, babasahin niya ang pahina ng Entertainment Section ng newspaper. Noong una, ginagawa niya ito dahil gusto niyang malaman kung nagkabalikan si Lawrence at Vanessa. Alam naman ni Abigail na kung may balita sa Maynila, hindi naman ito iki-kuwento sa kanya nina Cass at Francine dahil na rin ayaw nilang masaktan ang kaibigan. Kaya heto, para siyang tanga na nagbabasa ng newspaper o 'di kaya ay aabangan sa mga balita sa TV ang pagbabalikan ni Lawrence at ng dati nitong nobya na asrtista. Hindi naman sa inaasahan niyang pagtataksilan siya ni Lawrence. Hindi lang talaga niya maiwasan ang maging paranoid. At isang umaga nga tatlong buwan ang nakakaraan, nagbunga ang kanyang pagiging ala-detective. Ngunit hindi sa newspaper niya nakita kundi sa Facebook at Instagram -sa Facebook at Instagram ng iba't ibang babae. Marahil ay nagsumbong si Violy kina Francine at Cass sa pinaggagawa niyang ka-wirdohan sa pagbabasa ng newspaper at naawa na lang din kaya sinuportahan na lamang siya ng kanyang dalawang bestfriends. Puro mga links sa FB at IG ang ipinadala sa kanya: Isang sexy at magandang socialite ang ka-date ni Lawrence sa isang bar; isang sikat na model na kasama ni Lawrence sa loob ng sasakyan; at yung baguhang female singer na kasama naman niya sa isang posh na restaurant. Lahat prominent persons, lahat sikat. Si Francine nag-volunteer na sugurin si Lawrence habang si Cass naman ay nagprisentang awayin ang mga babae ni Lawrence sa FB at IG. Kahit masakit, hindi niya alam kung bakit sige pa rin siya sa kaka-check ng mga links na pinapadala sa kanya. Hindi naman niya magawang i-text ang asawa at sabihing "alam ko ang mga pinaggagawa mo." Ang sakit; at sa sobrang sakit, naturuan na ata niya ang kanyang puso na maging manhid sa mga pinaggagawa ng asawa. Pero hindi na, tama na. Hindi na niya hahayaang masaktan pang muli. "Ano, may nakita ka bang bago?" tanong ni Violy. Umiling si Abigail. "Wala naman." "Ano na ang balak mo ngayon?" "Ang gawin ang nararapat," sagot ni Abigail. "Ang kausapin si Lawrence at sabihing nasasaktan ako sa mga ginagawa niya." Tumingin siya kay Violy bago nagpatuloy sa pagsalita. "Ang sabihin na asawa niya ako at karapatan ko bilang asawa na makasama siya; na hindi niya ako dapat itinatago dito; na alam ko ang mga kalokohang ginagawa niya at hindi ko gusto ang mga iyon." "Talaga? Sasabihin mo lahat ng 'yan?" Isang determinadong tango ang ibinigay ni Abigail. "Oo. Lahat ng mga 'yun" "Eh, 'di sige, umpisahan mo na ngayon at ayun, oh, nasa may gate na ang sasakyan ng asawa mo," sabi ni Violy sabay nguso sa direksyon sa likod ni Abigail. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan at sumilip sa may bintana. Tama nga si Violy -nakaparada na ngayon ang sasakyan ni Lawrence sa tapat ng bahay. Nakita niyang lumabas ito ng sasakyan at may bitbit na maleta. Maleta? Ibig sabihin ba nito, magtatagal si Lawrence dito? Nagkatitigan sila ni Violy. Hindi alam ni Abigail ang gagawin. Sasalubingin ba niya ang asawa? Ipaghahanda na ba niya ito ng makakain? Ano ba ang gagawin niya? At bakit naman ang aga dumating ng asawa niya? Ang pagkakaalam niya, bukas pa ito darating. Hindi niya tuloy naihanda ang sarili para harapin ang asawa. Hindi tuloy siya nakagawa ng madamdaming speech para sa sasabihin niya sa asawa kapag nagkita sila. "Maghahanda ako ng makakain ni sir Lawrence," sabi ni Violy. "Alam mo na ang gagawin mo ha. 'Wag kang umalis at magtago. Diyan ka lang." At tuluyan nang umalis si Violy papuntang kusina. Tamang-tama naman ang pagpasok ni Lawrence sa loob ng bahay. Inilapag nito ang dalang maleta habang nakatitig kay Abigail. Kailan nga ba niya huling nakita ang asawa? Four months ago pa. Pero bakit mas lalo pa ata itong gumuwapo sa paningin niya? Mas lalong gumanda ang makisig nitong pangangatawan. At kahit nakakunot ang noo ng asawa at mukhang hindi masaya sa pagkikita nila, 'di mapigilan ni Abigail ang matuwa na masilayan muli ang asawa. Lumapit sa kanya si Lawrence at biglang lumakas ang pintig ng kanyang puso. Bakit ganoon? Tuwing makikita niya ang asawa, ganoon pa rin ang nararamdaman niya. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Natutulala pa rin siya. Kakaiba talaga ang epekto ng presensya ni Lawrence para sa kanya. "We need to talk," sabi ni Lawrence sa malamig na tono. Tumango lamang si Abigail. Nagsimulang maglakad si Lawrence papuntang veranda at sinundan niya ito. Nakatalikod sa kanya si Lawrence nang nagsimula itong magsalita. "It's granny's birthday three days from now." "Ganoon ba? Tatawagan ko na lang siya para batiin." Humarap sa kanya si Lawrence at hindi mabasa ni Abigail ang ekspresyon sa mukha ng asawa. Para itong galit na naiinis na hindi matukoy ni Abigail kung sa kanya ba naiinis o dahil sa malapit na ang kaarawan ni granny. "She wants to celebrate it here," sunod na sabi nito. "Pero ang totoo, alam ko na nag-aalala siya sa sitwasyon natin. Ang alam niya pinili mong manirahan dito malayo sa gulo sa Maynila. Ang alam niya natutunan na nating mahalin ang isa't isa." Nanatiling tahimik si Abigail. Iyon nga ang pagkakaalam ni granny, kahit na rin ng sariling lola niya. Pero itong mga nakalipas na araw, medyo naghihinala na ang lola ni Abigail. "I don't want her to know just yet that we don't love each other," dagdag pa ni Lawrence. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "My grandparents will be staying with us for about a week or so. And I need you to pretend that you're in love with me and that you're not just a gold digger whose after my money," malamig na sagot ni Lawrence. "Ano? Law, hindi kita pinakasalan dahil sa pera-" "Save it. I don't want to hear any of your excuses." Tinitigan siya ni Lawrence na para bang gusto siya nitong kainin ng buhay. Hanggang ngayon, bakas pa rin sa mukha nito ang galit para sa kanya. "Hindi naman sa 'yo mahirap magpanggap 'di ba? Ilang taon mo ring ginawa 'yon, ang umarte na isa kang inosente at mabait na tao. Ang totoo, ako ang mahihirapan dahil hindi ko masikmura ang makasama ka. What more to pretend that I am devastatedly in love with you?" Naramdaman ni Abigail ang kirot sa kanyang puso. Masakit na marinig mula kay Lawrence na kasuklam-suklam siya sa paningin nito. Isang taon na ang nakalipas at hindi pa rin nagbabago ang pagtingin at nararamdaman ni Lawrence para sa kanya. Mas lalo pa ata tumindi ang galit ng asawa para sa kanya. "Can you do it?" tanong ng kanyang asawa. Isang maliit na tango lamang ang isinagot ni Abigail. Wala na siyang iba pang masabi. Kahit ano pa ata ang sasabihin niya, hindi naman maniniwala si Lawrence. "Good. You will be well compensated. Babayaran kita. Darating sila bukas." Nagsimula nang maglakad si Lawrence papasok ng bahay nang bigla itong huminto. "I will be sleeping in our room tonight. Don't bother to prepare the guest room." At tuluyan na itong pumasok ng bahay. Naiwan namang nakatulala si Abigail. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Kani-kanina lang ay desedido siyang harapin at kausapin ang asawa tungkol sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Pero nang nakaharap na niya ito, biglang nawala ang kanyang tapang. Napalitan ito ng kaba at pag-aalinlangan. Dahil sa maliit na parte ng puso ni Abigail, umaasa pa rin siya na matututunan siya mahalin ni Lawrence. At baka dumating na nga ang pagkakataong iyon, na mabigyan siya ng pagkakataong maipakita kay Lawrence na hindi naman siya mahirap mahalin. Na kaya niyang gampanan ang pagiging maybahay ni Lawrence. Na hindi siya dapat nito ikahiya at itago. Isang linggo ang ibinigay sa kanya. Kakayanin kaya niyang baguhin ang nararamdaman ni Lawrence para sa kanya? Kahit ano ay gagawin niya. At kung wala pa rin nangyari matapos ang isang linggo saka niya haharapin ang asawa para kausapin, ito ang pangako ni Abigail sa kanyang sarili. #################################### Chapter Twelve #################################### Kinakabahan si Abigail. Kasalukuyang nakahiga siya sa kama at nagpapanggap na natutulog. Alas-diyes na rin ng gabi nang pumasok siya sa kuwarto upang matulog. Pagkahiga niya, saka naman pumasok ang asawa sa kuwarto. Dire-diretso naman itong pumasok sa CR para maligo. Hindi mapigilan ni Abigail ang kabahan. Ito ang unang beses na magkatabi silang matutulog ng asawa matapos ang kanilang kasal. Noong mga nakaraang buwan na dumadalaw ito, sa may bakanteng guest room ito natutulog. Paano na kung may mangyari sa kanilang dalawa ngayong gabi? Handa ba siya sa mangyayari? Isang beses pa lang may nangyari sa kanila, at iyon pa ang dahilan kung bakit natali ang buhay nila sa isa't isa. Noong una ay inakala niyang buntis siya, ngunit makaraan ng ilang araw ay dumating din ang kanyang buwanang-dalaw. Sinabi niya ito kay Lawrence, subalit pinakasalan pa rin siya nito. At ngayon, makalipas ang isang taon, mapapansin kaya ng asawa niya ang kanyang pagiging inexperienced ngayon pa na nasa tamang ulirat ang asawa at hindi lango sa alak? At bakit ba ang posibilidad na pagtatalik ang iniisip niya? Kalma lang Abby, utos niya sa sarili. Ngayong gabi, magkatabi silang matutulog. Ang totoo, may halong kaba at excitement ang nararamdaman niya. Kaba dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Excitement dahil sabik na sabik din siyang makasama ang asawa. Dahil sa unang pagkakataon magagampanan na niya ang role ng isang totoong asawa. Narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo at mahigpt na ipinikit ni Abigail ang kanyang mga mata. Sunod naman niyang narinig ang mga yabag ni Lawrence, at maya-maya pa ay naramdaman na niya ang paghiga nito sa tabi niya. Gustong-gusto niyang lumingon sa asawa at imulat ang mga mata. Paano ba ito natutulog? Ano ba ang suot nito kapag natutulog? Mga ganoong simplemg bagay ay hindi pa rin niya alam tungkol sa asawa. Naaamoy niya ang sabon at aftershave na ginamit ni Lawrence, at hindi niya maiwasang kiligin dahil sa bango ng asawa. Ilang minuto ring hindi gumalaw si Abigail sa kanyang side position na pagkakahiga, nag-aabang at nag-aantay na gumawa ng first move si Lawrence. Naramdaman niyang gumalaw si Lawrence sa tabi niya at mariing niyang ipinikit ang mga mata, habang pigil naman ang paghinga. Ito na 'yon. Ito na ang hinihintay niya. Ito na talaga. Ilang segundo pa, at... at wala pa ring nangyari. Minulat niya ang kanyang mata at nakiramdam muna bago siya gumalaw at humarap sa asawa. Akala niya may mangyayari na. Mali na naman siya. Nanlumo siyang bigla. Grabe kasi siya kung mag-expect minsan. Kaya kadalasan madali siyang ma-disappoint. Nakatalikod sa kanya si Lawrence at wala itong suot na pang-itaas. Ganoon pala kapag natutulog si Law, sabi niya sa isip. Pinigilan niya ang sarili na haplosin ang likod ng asawa kahit na gustong-gusto niyang pisilin ang nag-bu-bulge na biceps ni Lawrence. Kahit nakatalikod ay halatang matipuno ang pangangatawan nito. At ngayon lang niya napansin na kahit nakatalikod ang asawa, ang guwapo pa rin nitong tignan. Mukhang malalim na ang pagkakatulog ni Lawrence nang napansin niya ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito habang natutulog. Itinukod ni Abie ang siko sa kama upang suportahan ang sarili na maiangat ang katawan niya at tinitigan ang mukha ng katabi. Kapag ganitong natutulog ang asawa at walang bakas ng galit sa mukha nito, nagmumukha itong maamo at mabait. Napangiti naman siya habang pinagmamasdan si Lawrence. "Kailan ba magbabago ang pananaw mo tungkol sa akin?" bulong ni Abigail sa natutulog na si Lawrence. Hinaplos niya ng marahan ang mukha ng asawa. "Mahal kita at balang araw maiintiindihan mo rin ako." Gusto sana niyang halikan ito sa pisngi ngunit natakot siya na baka magising ito, kaya umayos na lang siya ng pagkakahiga sa kama. Makalipas ang isang oras, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Mag-aalas singko na ng umaga nang nakatulog siya, na siya namang naging dahilan kung bakit tinanghali siya ng gising. Dali-dali siyang bumangon nang makita niya sa wall clock na mag-aalas dose na pala. Matapos niyang maghilamos, lumabas na siya ng kuwarto para hanapin ang asawa. Nakakain na kaya ito? Unang araw ng pananatili ni Lawrence sa bahay, late pa siya nagising. Paano niya aasikasuhin ang asawa para tuluyan niyang makuha ang loob nito? Nang napadaan si Abigail sa tapat ng dinning area, nakita niyang nandoon na pala at kumakain si Lawrence. Nang dumapo ang paningin ni Lawrence sa kanya, bigla itong ngumiti. "Oh, love. Buti naman at gumising ka na." Bahagyang nagulat at naguguluhan si Abigail. Ano raw? Tinawag siyang love? Lumingon siya sa likod para makasigurado kung siya ang kinakausap ng asawa. Wala namang ibang tao sa likod niya. Ibinaling niya muli ang tingin sa asawa at laking gulat niya nang tumayo ito sa inuupuan at nilapitan siya habang nakangiti pa rin. Hinalikan siya nito sa noo, habang siya nama'y nakatayo at nakatulala pa rin sa mga pangyayari. Nananaginip ba siya o naka drugs si Lawrence at high? Hindi kaya may multiple personality si Lawrence? Tinawag siyang love, hinalikan siya, at nakangiti pa rin sa kanya. Kung panaginip ang lahat, hiling niya na sana'y huwag na siyang magising pa. "Let's have our lunch, love," malambing na yaya ni Lawrence habang inalalayan si Abigail papuntang mesa. Saka lamang niya napansin na may iba pa pala silang kasama sa dinning area: Ang grandparents at nanay ni Lawrence, at ang kanyang lola Margaret. Malinaw na ang lahat para kay Abigail. Isa lang pala itong pagpapanggap. Isang palabas. Ngunit bakit parang nadismaya siya sa nalaman? Alam naman niya simula kahapon na magpapanggap sila ni Lawrence. Umupo na lamang siya sa tabi ni Lawrence at pinilit niya ang sarili na ngumiti. "Oh, Abby," sabi ni granny. "You're becoming lovelier than before. I guess hiyang sa 'yo ang buhay rito, right?" Sinabihan kasi siya ni Cass na kahit daw may asawa na siya, huwag pa rin daw niya pababayaan ang sarili. Kaya naman sinunod niya ang payo ng kaibigan at natuto siyang mag-ayos kahit papaano. Bigla namang hinagod ni Lawrence ang kamay niya at sinabing, "Yes, you're right granny. My wife is a beauty indeed." Inilapit nito ang kamay niya sa labi nito at hinalikan ito habang titig na titig sa mukha niya na tila siya ang pinaka magandang nakikita sa mga mata ng asawa. Biglang namula si Abigail. Hindi siya sanay sa ganitong pagtrato sa kanya ni Lawrence. Sanay siya na iniiwasan nito, o tinatapon ng matalim na titig, o 'di kaya ang sabihan siyang "I will never love someone like you." Hindi siya sanay sa malambing na tono ng boses ni Lawrence o ang titigan siya na tila ba totoong mahal nga siya nito. Napakagat siya ng labi at iniwasan ang mga titig ni Lawrence. Kapag ganoon pala kung tumingin si Lawrence, nakakakilig pala. Nakaka-inlove lalo. Kung puwede lang sana, totoo na lang ang lahat ng ito at hindi isang pagpapanggap. Ngayon lang nalaman ni Abigail na ang galing pala um-acting ni Lawrence, pang MMFF. Tulad ngayon, si Lawrence ang naglalagay ng kanin sa plato niya at inaasikaso siya nito nang husto, tulad ng nakikita niyang ginagawa nito sa dating nobya noong minsang kasama si Abigail sa dinner ng pamilya ni Lawrence. "You know love, you should eat more," biglang sabi ni Lawrence sa kanya. "You're beginning to loss weight. You don't have to worry about me looking at other women. You know you're the only one for me, right?" Medyo OA na ata si Lawrence sa huling banat niya, sa loob-loob ni Abigail. Pero naging effective ang huling acting ni Lawrence nang marinig niya si granny na nagsalita. "You see Margaret? Sabi ko naman sa 'yo there's nothing to worry about," ang sabi ni granny sa lola ni Abigail. "Siguro nga..." sagot ng kanyang lola na mukhang hindi kumbinsido sa palabas nila ni Lawrence. Napa-ismid naman ang nanay ni Lawrence, halatang hindi pa rin nito tanggap si Abigail sa pamilya. Matapos silang kumain, pumanhik na muna ang kanilang mga bisita at magpapahinga raw muna sila. Ang lola naman niya ay nagpaalam na magpapahangin muna sa may veranda. "Let's go upstairs. Mag-usap tayo," malamig na utos sa kanya ni Lawrence bago ito umakyat papuntang kwarto nila. Napabuntong-hininga na lamang si Abigail. Daig pa ni Lawrence ang isang taong may Bipolar. Hindi lang mood nagbabago, pati buong pagkatao bigla na namang nagbago. "Huy Abby, ano 'yon? Ba't parang sinapian ng engkanto 'yon? Kanina ang sweet sa 'yo tapos biglang nag-transform," bulong sa kanya ni Violy na bigla na lamang sumulpot galing kusina. "Ewan ko nga do'n," sagot ni Abigail at nagkibit-balikat sabay dagdag, "mood swings siguro?" "Parang Coco Martin lang 'yang asawa mo, ah. Artista lang ang peg, eh. Bigyan mo rin kaya ng jacket para kumpleto na. Hindi mo alam kung uma-acting ba o namaligno lang. Kung namaligno 'yan, pabayaan mo na at 'wag mo ng ipaalbularyo, ha." "Loka-loka ka talaga minsan ate Violy," natatawang tugon ni Abigail. "Sige na, susundan ko na si Lawrence at titignan ko kung ano ang kailangan niya." Umakyat na si Abigail sa ikalawang palapag ng bahay at papasok pa lamang sa loob ng kuwarto nang bumungad sa kanya ang galit na asawa na hinihintay pala siya sa loob ng silid. "What was that out there? Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo sa gagawin?" Napabuntong-hininga na lamang si Abigail at tuluyan nang pumasok sa kuwarto. Minsan naisip niya na bakit mahirap turuan ang puso na mamili kung sino ang dapat mahalin nito. #################################### Chapter Thirteen #################################### "Ano ba naman Abigail! Akala ko ba, malinaw na ang gagawin mo? Isang salita lang mula riyan sa pinsan ni satanas mong asawa ay bigla kang natameme? Akala ko ba'y kakausapin mo na siya? Ano'ng gusto mo, ako pa at si Cass ang kumausap diyan? Kasi maniwala ko, kapag ako ang humarap diyan, sa Orthopedic Hospital ang bagsak niyan," sunod-sunod na bulyaw sa kanya ni Francine sa telepono. Sa sobrang lakas ng boses ni Francine, inilayo na niya ang telepono nang ilang dipang layo mula sa kanyang tainga bago pa siya mabingi. Nang wala na siyang narinig mula kay Francine na malamang ay kumalma na nang bahagya, saka nagsalita si Abigail. "Francine, kahit papaano, naiitindihan ko yung reason kung bakit naging ganoon si Law. Alam mo naman ang history niya 'di ba? Kung ano ang nangyari sa kanya dati? Tapos hindi pa siya nakarecover, bigla akong pumasok sa eksena. Kung tutuusin, ako ang kontrabida dito." "Anak ng-!" singhal ni Francine mula sa kabilang linya. "Abby naman, napapamura tuloy ako nang dahil sa 'yo, eh. Bes, alam mo, samahan na kaya kita sa isang psychologist o kaya sa isang neurologist para mapa-check natin yang laman ng utak mo para malaman natin kung bakit ganyan ka kung mag-isp." Narinig ni Abigail ang malakas na pagbuntong-hininga ni Francine. "Oh sige, paki-explain nga sa akin at ano yang pumasok sa kokote mo at ide-delay mo ang plano mong kausapin ang asawa mo?" Idinetalye ni Abigail ang napag-usapan nila ni Lawrence na pagpapanggap. Ikinuwento rin niya ang pagharap nila ng asawa kaninang tanghali sa kuwarto. At malinaw pa rin sa isipan niya ang mga nangyari... "What was that out there? Akala ko ba'y nagkaintindihan na tayo sa gagawin?" galit na tanong sa kanya ni Lawrence na nakapamaywang at nakatayo sa gitna ng kanilang kuwarto, halatang kanina pa siya inaantay nito at nainip sa inis. "Ha?" inosenteng tanong niya kay Lawrence. Ano na naman ba ang nagawa niya? "I thought we already made it clear na magpapanggap tayo. But all you did out there earlier was to look at me na para bang nagulat ka at naguguluhan." Ah. Dahil pala roon kaya nagagalit sa kanya ang asawa. "Eh, talaga namang nagulat ako. Hindi ako sanay na gano'n ka ka-sweet sa akin." "Puwes sanayin mo sarili mo! Act as if you're convincing enough. How much money do you want para makipag cooperate ka nang maayos sa akin?" nakakainsultong tanong nito sa kanya. Pinilit ni Abigail na pakalmahin ang sarili. Hindi niya puwedeng patulan ang mga sinabi ni Lawrence kahit masakit pa ang mga ito. Sa tamang panahon, maiintidihan din siya ni Lawrence. Tulad nang ginagawa niyang pag-iintindi rito. "Hindi ko kailangan ng pera. Aayusin ko na lang sa susunod." "Good," maikli nitong sabi saka dumiresto sa may pinto. "I'm going out." At umalis na nang tuluyan si Lawrence sa kuwarto... "O, tapos anong nangyari?" tanong ni Francine sa kanya sa telepono matapos maikwento ni Abigail sa kaibigan ang pangyayari. "Ayun nga, iniwan na niya ako tapos umalis ng bahay," tugon niya habang napaupo siya sa kama. "Francine, ito na yung chance ko." "Anong chance ka diyan? Ano na naman yang binabalak mo ha? The last time na may binalak ka, ang ending ay nagkaroon ka ng asawang gago." "Francine! Dahan-dahan naman sa pananalita. Nasasaktan din ako kapag ganyan ka kung magsalita tungkol sa asawa ko." "Sige na, sorry na. Eh, ano nga ba ang binabalak mong gawin Abby?" "Naisip ko, kahit isang taon na kaming kasal, hindi naman kami parating magkasama. Kaya hindi ko pa napapakita sa kanya yung totoong ako. Baka kasi ito na yung chance ko para maipakita sa kanya na puwede rin naman akong maging mabuting maybahay. Alam mo 'yon? Chance ko na ito para ma-inlove sa akin si Law." "Saglit Abby, ha. Stay on the line ka lang," paalam sa kanya ni Francine at maya-maya pa ay narinig na lamang ni Abigail ang sunod-sunod na mura ni Franince bago siya nito binalikan sa telepono. "Okay, Abby. Pakikinggan kita, pero hindi ko sinasabing agree ako sa mga gusto mong gawin. Pero makikinig ako." Napangiti si Abigail sa tugon ng kaibigan. Na-i-imagine na nga niya ano hitsura ni Francine habang kinakausap niya: Nakataas ang isang kilay, nakapamaywang at naka tikom ang bibig kahit na gusto na nito sumabog at magmura. "Naisip ko na habang maganda ang pakikitungo sa akin ni Lawrence, opportunity ko na ito na maipakita sa kanya yung pagmamahal ko. Para mahulog siya sa akin at ma-inlove tapos matatanggap na niya ako sa buhay niya." "So in short, gusto mong akitin ang asawa mo?" "Masayadong strong ang word na seducing; hindi ko kaya ang ganoong level. Paaamuhin, yun yung sinasabi ko. Palambutin ang puso ni Lawrence para sa akin. Para ma-realize niya na puwede siyang maging masaya sa piling ko." "Right. So akala mo nasa telenovela ka, gano'n? Feeling mo pang pocketbook yung story ng buhay mo? Ayan na sinasabi ko sa 'yo, eh. Dapat no'ng high school pa lang tayo, pinigilan na kita sa pagbabasa ng mga romance novels na 'yan. Kasi pati lovelife mo ay gusto mo kaparehas na ng mga bidang nagpapaka-martyr diyan sa mga novels na 'yan." "Francine..." "Oo na. Sige na. Gawin mo 'yan, pero pakiusap ko lang sa 'yo, ha. Last na 'yan. Kapag hindi effective sa asawa mo 'yang plano mo, alam mo na ano gagawin mo." "Opo, ate," nakangiting sagot ni Abigail. "So, kailangan ko ng suggestions niyo sa mga gagawin." "Ano bang malay ko sa pagpapaamo ng lalake? Kung puwede nga lang ipunin ang mga lalakeng 'yan sa iisang lugar at pasabugin para mawala na sila ay gagawin ko, eh. Puwera na lang kina tatay at bunso. Si Cass tanungin mo. Basta dapat alam ko kung ano ang mga balak ninyong dahil knowing Cass ay medyo OA ang isu-suggest niya sa 'yo." Alas-singko na ng hapon nang tinawagan naman ni Abigail si Cass sa telepono. Alam kasi niya na ganoong oras nagigising ang kaibigan tuwing may trabaho ito sa call center na pinapasukan. Ikinuwento niya rin dito ang lahat nang nasabi niya kay Francine kanina. At kahit na magkahalintulad sina Francine at Cass sa opinyon nila ukol kay Lawrence, medyo sumasang-ayon naman si Cass sa kanya pagdating sa plano niya. Tulad kasi niya, si Cass ay hopeless romantic din. Yun nga lang, gaya ng nasabi ni Francine, may pagka overboard at OA si Cass 'pag dating sa usapang pag-ibig. "Oh my gosh Abby! Ayoko sa asawa mo -it's a fact. Pero if you really want to win his heart, what can I do, ba? Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya," tugon ni Cass sa kanya matapos niyang hingiin ang tulong nito. "Ayun nga. Hindi ko alam anong gagawin, eh." Aminado si Abigail na wala siyang alam sa pagiging asawa. Ano nga ba ang gagawin niya? Wala rin siyang mapagtatanungan dahil puro single naman ang mga kaibigan niya. "Well, you really don't have to do anytihng much," sagot ni Cass. "I mean, all you have to do is be yourself. You're sweet and kind and pasensyosa, so show him that. These minor things ang dapat niyang makita. And if he fell for you dahil doon, if na-inlove siya sa 'yo for who you really are, then masasabi ko na totoong mahal ka na niya talaga. At kapag nangyari iyon, tatanggapin ko na siya para sa 'yo." May punto naman si Cass. Bakit pa niya babaguhin ang sarili? Bakit pa siya mag-iisip ng kung ano-ano, kung puwede naman niya ipakita yung totoong Abigail kay Lawrence? Ang tingin sa kanya ni Lawrence ay isa siyang oportunista, isang gold-digger. Sa loob ng isang taon, hindi siya nabigyan nang pagkakataon na maipakita na hindi siya ganoon, na mali ang akala ni Lawrence -dahil si Lawrence na mismo ang nagsarado ng isipan nito na makilala ng husto si Abigail. "Wow Cass. Medyo hindi OA ang suggestion mo ngayon, ah," biro niya sa kaibigan. "Ano ka ba. Alam ko naman kung kalian ako magbe-behave, eh. Besides, pagagalitan ako ni Francine if may iminungkahi akong kalaswaan sa 'yo, noh." Naputol na rin ang pag-uusap nila dahil kailangan pa raw ni Cass na maghanda para sa trabaho nito. Nang nagpaalam na siya kay Cass, lumabas ng kuwarto si Abigail at dumiresto sa kusina upang tignan kung ano ang ipanghahapunan mamayang gabi. Nakita niya si Violy na naghihiwa ng mga gulay. "Ate Violy, ano'ng lulutuin natin?" "Ako na ang bahala rito, ma'am Abby. Pumunta ka muna sa sala at kanina ka pa hinahanap ni sir Lawrence." "At kailan mo pa akong tinawag na ma'am Abby? May nakain ka bang masama ate Violy?" natatawang biro ni Abigail kay Violy. Totoo naman iyon, first time siyang tinawag na ma'am ni Violy, at ang totoo ay hindi siya sanay sa ganoong tawag sa kanya. "Utos ni madame Aurora, mama ni sir Lawrence at mother-in-law mo." "Ah. Huwag mo nang pansinin yun. At huwag mo na akong tatawaging ma'am. Nakakaasiwa, eh." "Sige na, puntahan mo na asawa mo sa sala." Pumunta na lamang si Abigail sa may sala. Kita niya sa may doorway ang likod ng asawa habang nakaupo ito sa sofa. Nakaharap naman si Lawrence sa kanyang grandparents at may pinag-uusapan. Ito na ang pagkakataon niya. Huminga nang malalim si Abigail. Inayos niya nang kaunti ang suot na racerback-T at shorts. Wala siyang bestida na puwedeng maisuot tulad nang sinusuot ng eleganteng mama ni Lawrence. Wala na siyang magagawa; puwede na itong suot niya basta presentable naman. Gusto ni Lawrence ng isang magandang acting? Puwes, ihanda na ni Lawrence ang kanyang sarili. At para kay Abigail, ito ang araw na itinalaga niyang magsisimulang mahuhulog para sa kanya si Lawrence. *** A/N: Thank you po sa pagbabasa!!! :) #################################### Chapter Fourteen #################################### Lawrence was surprised to feel slim arms suddenly wrapped around his shoulders from behind. He was equally surprised to feel soft lips touched his cheek, and the warmth breath that greeted his ear. "Hinahanap mo raw ako, love?" his wife said. Wife? Ha. Now that was funny; he didn't have a wife. What he had was a second rate, deceitful, gold digger, conniving woman posing as his wife. And he hated her from the bottom of his jaded soul. Ngunit bakit may kakaiba siyang nararamdaman nang nadama niya ang yakap ni Abigail at nang dumampi ang labi nito sa kanyang pisngi? Hindi niya ito maipaliwanag, ngunit isa lang ang malinaw sa kanya: naiinis siya sa pakiramdam na iyon. Dahil ang nais lang niyang maramdaman para kay Abigail ay panibugho at pagkasuklam. "Yes, love. I find myself suddenly missing you," pagsisinungaling niya. He forced himself to smile, as if he really meant what he had said about him missing her. Narining niyang humagikgik si Abigail, na tila kinikilig ito sa sinabi niya. "Aww. Ang sweet naman ng asawa ko kung maglambing." Naramdaman niyang muli ang mga labi nito sa kanyang pisngi bago ito umupo sa may armrest sa tabi niya. Abigail's thigh was so close to his arm. Nakausot kasi ito ng shorts ngunit hindi naman ganoon kaiksi. It was decent enough to be worn with guests around. Pero sadyang na-didistract si Lawrence dahil ang shorts na suot ng asawa ay umaangat pataas sa bawat galaw nito, revealing slim and smooth thighs begging to be touched. By him. He clenched and unclenched his fist. What was she trying to do? Of course sinabi niyang galingan niya ang pagpapanggap, ngunit bakit pakiramdam niya ay may binabalak ang babaeng ito? Was she trying to seduce him? Because if she was, two could play this game. Lawrence did the most natural thing to do. Inilapat niya ang kanyang kamay sa binti ni Abigail at nakita niyang namula ang pisngi nito. She looked quite lovely with her face flushed like that. Sarap kagatin -parang mansanas, he thought. "It's not all the time I get to be with my beautiful wife," sagot naman niya. Napakagat naman si Abigal sa kanyang labi. Napansin ni Lawrence na habit nito ang kagatin ang labi kapag kinakabahan o 'di kaya'y kapag pinapagalitan niya ito. Ayaw man aminin ni Lawrence sa kanyang sarili, but he found the gesture oddly cute. "O, ba't natahimik ka, love?" pa-inosenteng tanong niya, sabay mahinang pisil sa hita ng asawa. Bigla namang nataranta si Abigail at kaagad na napatayo sa kinauupuan, halatang hindi sanay sa mga intimate gesture mula sa kanya. "Ah --eh, wala naman. Ano kasi... May gusto ka bang kainin ngayong hapunan? Ipaghahanda ko para sa 'yo." Bigla niyang hinapit si Abigail sa may baywang nito at hinala palapit sa kanya, na siya namang naging dahilan upang mawala ang balanse ni Abigail at napabagsak sa may kandungan niya. Ngumisi siya sa asawa bago binaling ang tingin sa kanyang grandparents. "Isn't my wife the sweetest?" "Oh, look at the two Edward!" masayang tugon ni granny. "They look so perfect together. I told you I was right to match them for each other." So that was their plan all along? Pati ang kanyang pamilya ay matagal na palang nahulog sa kamandag ng babaeng ito. Ibinaling niya muli ang tingin kay Abigail at binigyan ito ng isang makahulugang tingin. "That's why it wasn't so hard to fall for her." Namulang muli ang pisngi ni Abigail, at pasimpleng pinilit kumawala sa braso niya na nakapulupot pa rin sa baywang nito. Ngunit hindi binitawan ni Lawrence ang pagkakahawak niya sa baywang nito. He enjoyed seeing her distressed and confused face. He gave her a smirk. At mas lalo pang nataranta si Abigail. "Uhm, Law. Kailangan ko tignan kung ano ang lulutuin para mamaya," pagdadahilan nito sabay pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Lawrence sa baywang nito. "Then give me a kiss first," he said, staring back at her intently as she squirmed on his lap. Ginawaran siya ni Abigail ng chaste kiss sa pisngi. "You call that a kiss, love?" "Law, nakakahiya kina granny..." "They won't mind." Binaling niya ang kanyang tingin sa kanyang lola na halatang natutuwa sa kanilang dalawa. "Do you mind, granny?" "No, I don't. Not at all." Tinitigan niyang muli si Abigail na naka kagat-labi na naman. Napatitig siya sa mga labi nito. Mukha itong malambot at mamula-mula na dahil sa kakakagat nito sa kanyang labi. Somehow, he found himself wanting to kiss her. "See. Granny doesn't mind." Lumingon si Abigail sa kinaroroonan ng kanilang bisita bago tinitigan si Lawrence. Halatang ninenerbyos ito sa gagawin. Napakunot-noo si Lawrence. Nakakatakot ba siyang titigan o halikan? The feel of her sitting on his lap, and her body this close to him made him feel certain things he never felt before. And it made him want to have Abigail to kiss him. Pero siguro, hindi ganoon kalalim ang atraksyon ni Abigail para sa kanya. Kaya hesitant ito na gawin ang isang bagay na normal lang sa mag-asawa. O kaya naman ay sadyang takot ito sa kanya. Kung sabagay, hindi naman asawa ang turing ni Lawrence kay Abigail. And he would not give a damn whether she would kiss him or not. Akmang tatanggalin na niya ang kanyang yapos kay Abigail nang dahan-dahan naman nitong inilapit ang kanyang mukha kay Lawrence. At sa paglapat ng labi ni Abigail sa kanya, walang pag-aalinlangan ang pagtugon nito sa inosenteng halik ng asawa para sa kanya. Isang chaste and innocent kiss. 'Yun lang 'yun, ngunit bakit tila may kakaibang kuryente ang dumadaloy sa kanyang mga ugat? Isang kakaibang pakiramdam na hindi naman bago sa kanya ngunit sa unang pagkakataon ay kay Abigail niya ito naramdaman. Bago pa mahuli ang lahat, siya na mismo ang tumapos sa halik at inilayo ang mukha niya kay Abigail. "Sige na. You can go," sabi niya. Tumango lamang sa kanya si Abigail at tumayo saka umalis ng sala. Bakit ganoon ang naramdaman niya? Noong mga panahong dinadalaw niya si Abigail, hindi naman niya naramdaman ang mga ganoong bagay. Dahil na rin siya mismo ang dumidistansya sa asawa. Dahil isinara na niya ang puso at isipan para lumigaya. Dahil kahit kailan, hindi niya hahayaang magbago ang pananaw niya sa babaeng iyon. Aminado siyang sinadya niyang itapon ang babaeng iyon dito, malayo sa kanya. Dinahilan niya sa kanyang lola na ginusto naman ni Abigail na tumira sa isang tahimik na lugar. Hindi naman siya nagkulang sa pagtustos sa pangangailangan ni Abigail. Tutal, iyon naman ang dahilan kung bakit nagawa iyon ni Abigail sa kanya --ang pikutin siya para mapakasalan ito. At siya naman ay isang malaking tanga para magpapikot. Kahit pa ba lasing siya noong gabing iyon, hindi man lang niya namalayan na ibang babae pala ang kasama niya at hindi ang dating nobya? Sa isang taong lulubog-lilitaw siya sa buhay ni Abigail, bukod sa pagiging abala niya sa trabaho, naging abala rin siya sa kaliwa't kanang date niya sa iba't ibang babae. Noong una, pinakasalan niya si Abigail sa kagustuhang ipamukha kay Vanessa na nakapag move-on na siya at bale wala na sa kanya ang dati nilang relasyon. Siguro dahil gusto niya ring magselos at magsisi si Vanessa sa pagtataksil at paghihiwalay sa kanya. Pero bale wala lang pala iyon sa dating nobya. She even congratulated him! At sa inis niya, itinapon naman niya si Abigail sa malayong lugar at nagsimulang mambabae. Gusto niyang gantihan ng sakit si Abigail dahil sa nagawa nito. Gusto niyang ipakita na hindi porke't kasal siya rito, hawak na niya ang buhay ni Lawrence. And besides, he had been faithful all his life with his ex-girlfriend. Pero ano ang nangyari? Ginago naman siya. And now, it was his turn to be unfaithful. Pinagsabihan naman siya ng pinsan niyang si James na mali ang ginagawa niya. A womanizer like him dared to say those things to him?! Lawrence told his cousin to shut the fuck up and let him be. James pointed out that he may have been changing his girlfriend every other week, but he was not a married man. At ang ginagawa raw ni Lawrence ay out of bounds na sa tinatawag niyang 'rules of a womanizer'. Ang emotional abuse na ginagawad daw niya kay Abigail ay katumbas na rin ng physical abuse. Ah fucking great. His philanderer of a cousin, who broke several women's hearts, was preaching him about being faithful. Sadyang may mga kabaliwan talaga sa mundong ito. At upang makaiwas sa mapanghusgang mata at panenermon ng kanyang pinsan ay pumayag siya sa suggestion ng kanyang lola na magbakasyon sila sa Panggasinan. Huli niyang punta rito ay mga nasa apat na buwan nang nakaraan. At tumagal lamang siya rito ng dalawang araw. Siguro kung hindi dahil sa kakakulit sa kanya ng kanyang lola na dito sa Pangasinan gawin ang kanyang kaarawan, ang apat na buwan niyang pag iiwas kay Abigail ay magiging anim, o 'di kaya ay walo. And now that he was here, he wanted to give himself a break from his busy life inside the four corners of his office. Ngunit ba't mas lalo ata siyang na ste-stressed out at hindi mapakali sa nararamdaman niya para sa asawa? Ah damn. Maybe coming here was the dumbest decision he had ever made. *** A/N: hello ulit! Ikaw pa na nagbabasa nito, yes ikaw po, maraming salamat sa oras mo. Hindi man kita kilala pero someday sana makikilala rin kita :) Salamat sa pagbasa nito :) #################################### Author's note: #################################### I never expected someone would actually read this story, considering it's my first time to write a story, let alone have it written in Filipino. Hindi kasi ako well versed sa pagsulat gamit ang Tagalog words, pero I will give it my best shot. Maraming salamat sa inyo. Sa mga bumoto, sa nag comment, sa mga nagbababasa nito, sa inyong lahat. You maybe a silent reader but we have something in common: we both love to read. For that, I am deeply honored you have spared your precious time reading my story... :) Muchisimas Gracias! ♥Pinkangel♥ #################################### Chapter Fifteen #################################### Ipinagpatuloy nila Abie at Lawrence ang kanilang pagpapanggap. Ito na rin ang huling araw ng kanilang kasunduan. Ipinagdiriwang ngayong gabi ang kaarawan ng lola ni Lawrence. At bukas, matapos ang selebrasyon, babalik na rin sila sa Maynila. Sa isang linggong pagpapanggap nila, nanlulumo at nadidismaya si Abigail dahil mukhang hindi ata umubra ang kanyang plano. Isang linggo na niyang pinapakita ang totoong sarili. Isang linggo rin niyang pinagsilbihan at inasikaso ang asawa. At kahit pa akala ni Lawrence ay pagpapanggap lang ang lahat ng kanyang ginawa, para kay Abie bukal iyon lahat sa kanyang kalooban. Sa harapan ng kanilang mga bisita, silang dalawa ay animo'y larawan ng isang perpektong mag-asawa: malambing sa isa't isa at umuusbong ang pagmamahal para sa isa't isa sa kanilang mga titig. Ngunit sa loob ng apat na sulok na kanilang kwarto, silang dalawa ay parang mga estranghero sa isa't isa. Si Abie ang kadalasang gumagawa ng unang hakbang upang maging natural ang kanilang pagsasama; si Lawrence naman ang umiiwas. Napabuntong-hininga si Abigail. Matatapos na ang lahat bukas. At masakit para sa kanya na nabigo siya sa kanyang plano. Hindi niya nakuha ang loob ni Lawrence; hindi niya nakuha ang puso nito. Nalulungkot siya tuwing sumasagi sa kanyang isipan na bukas na ang huling araw ng kanilang areglo. Ano na ang gagawin niya? Hindi sapat ang natitirang isang gabi para sumang-ayon sa kanya ang kapalaran. Ang buong bahay ay puno ng mga bisita na nagmula pa sa Maynila. Dumalo silang lahat para sa kaarawan ng lola ni Lawrence. Karamihan sa kanila ay sinamantala na ring magbakasyon at nag-overnight na rin sa bahay. Kasama na rito ang mga pinsan ni Lawrence na sina James at Beatrice. Nakilala na ni Abie ang dalawa dahil sila ang nagsilbing mga witnesses sa kasal nila ni Lawrence. Ang ikinalulungkot lang ni Abie noong mga panahong iyon ay hindi siya pinayagan ni Lawrence na imbitahin sina Francine at Cass. Ininmbitahan naman ni Abie ngayon ang dalawa niyang kaibigan na dumalo sa party para samahan siya, ngunit lugmok daw si Francine sa trabaho dahil nag-leave ang kanyang boss habang si Cass naman ay pinatawag ng kaniyang mga magulang na umuwi ng Laguna at magpalipas daw doon ng dalawang linggo. Nalulungkot man si Abie at hindi niya makakasama ang dalawang kaibigan, kailangan niyang tatagan ang kanyang loob. Alas-sais na ng gabi, at tanaw ni Abie mula sa veranda ang mga bisita na nasa hardin. Puno ng ilaw ang hardin at napapalibutan ito ng mga dekorasyon. Masayang nag-uusap at nagtatawanan ang mga bisita: mga sosyal at mayayamang pamilyang nabibilang sa alta sociedad. At kahit hindi naman formal ang party, litaw pa rin sa kanila ang pagiging elegante. Nahihiya si Abie na makihalobilo. Hindi naman niya kilala ang mga iyon. Si Lawrence naman ay naging busy sa pakikipag-usap sa mga negosyanteng kaibigan ng ama nito kaya naman hindi nagawa nitong ipakilala si Abie sa mga bisita. Kahapon lang din dumating ang ama ni Lawrence. Napabuntong-hininga si Abie. Sana matapos na ang mahabang gabing ito. "Why are you alone out here?" isang baritonong boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Lumingon si Abie at tumambad sa kanya ang pinsan ni Lawrence na si James. Magkahalintulad sina James at lawrence sa pisikal na aspeto: parehas silang matangkad, matipono ang pangangatawan at gwapo. Ngunit hanggang doon lang ang pagkakatulad nila. Kung si Lawrence ay mukhang seryoso sa buhay, si James naman ay tipong happy-go-lucky na lalaki. Kapag ngumingiti ito, parang may halong pangako na 'di mo mawari kung anong magandang pangako ang ibibigay nito para sa 'yo. Ang pagkakaalam niya, isa itong womanizer at madalas magpalit ng girlfriend na para bang nagpapalit lang ito ng polong isusuot. "Wala naman. Hindi kasi ako sanay sa mga party, eh," pagdadahilan ni Abie. "Law is a jerk. Hindi ka niya dapat iniwan dito nang mag-isa," tugon naman ni James. Lumapit ito sa kanya at may inabot na wine glass. "Nakita kasi kita na nag-iisa kaya naisip ko na samahan ka na lang muna." Kinuha ni Abie ang wine glass na inabot sa kanya. "Salamat. Pero hindi ako umiinom." "Don't worry. It's just champagne. Hindi ka malalasing dito," tugon ni James sa kanya. Binigyan niya ng tipid na ngiti si James bago tumalikod muli at tinitigan ang mga tao sa may hardin. "Okay lang ako kahit hindi mo 'ko samahan. Baka mainip ka lang sa company ko." "No, I won't. Besides, it's about time na makilala ko nang lubos ang magandang asawa ng pinsan ko. Kaya siguro itinago ka niya dito para hindi ka maagaw ng iba." Humagikgik si Abie habang humakbang si James at tumayo sa tabi niya. "Ang galing mo talaga mambola. Muntik na akong maniwala sa 'yo, eh." "I'm just telling nothing but the truth." Ginawaran ni Abie ng isang malawak na ngiti si James. "Oo na. Sige na, naniniwala na ako." Magaang kakwentuhan si James. Bukod sa pagiging bolero nito, marami rin itong mga nakakatuwang kwento. Mahilig rin itong magbiro. Tulad ngayon, kinukwento niya ang mga kalokohan nilang dalawa ni Lawrence noong mga college days nila. Hindi nga rin namalayan ni Abie na nakakatatlong glass ng champagne na pala ang nainom niya sa loob ng isang oras dahil aliw na aliw siya sa mga kwento at pambobola ni James. "Seriously Abie, ano ba nakita mo doon sa pinsan ko? Ang boring kaya ng personality ni Law," biro ni James. Napahagikgik si Abie. Dati, kung tatanungin siya nang ganyan ng mga kaibigan niya ay sumeseryoso ang mukha niya. Ngayon, parang natatawa pa siya sa tanong ni James. May epekto ata ang champagne sa utak niya. "Hindi ko alam. Basta, gwapung-gwapo ako sa kanya. Alam mo bang matagal ko na siyang crush? Simula pa noong fourteen ako no'ng bumisita ako sa bahay nila. Nakakahiya nga ang first encounter namin, eh -natapilok ako sa harapan niya." Nagsimula naman silang magpalitan ng mga kwento ng kanilang kabataan. Dinedetalye ni James ang kapilyohan niya sa eskwelahan noong bata pa siya na may kasama pang aksyon at sound effects. Tumawa ng malakas si Abie sa kinukwento ni James. Humakbang siya papalapit kay James para sana hampasin ng pabiro ang braso nito ng nawalan siya ng balanse at muntikang madapa patagilid. Mabuti na lang at nasalo siya ni James sa mga bisig nito, ang isang braso nito ay nasa baywang ni Abie habang ang isa naman ay sinusuportan ang likod niya. Tinulungan siya ni James sa umayos nang pagkakatayo habang natatawang sabi ni Abie, "Akala ko ba hindi ako malalasing sa champagne?" Binigyan siya ni James ng isang makahulugang ngiti. "Ang sabi ko hindi ka malalasing kung isang baso lang iinumin mo." "Ganoon ba 'yun? Parang iba ang pagkaalala ko sa sinabi mo kanina," biro ni Abie. Hindi namalayan ni Abie na nakahawak pa rin si James sa may baywang niya at masyadong malapit ang katawan nila sa isa't isa. At sa ganoong eksena sila naabutan ni Lawrence. "Are you trying to steal my wife, too, James? I thought hindi ka pumapatol sa mga married women?" Bigla namang itinanggal ni James ang kamay nito sa baywang ni Abie, at napaatras si Abie sa pagkakagulat nang marinig niya ang galit na boses ni Lawrence. "She almost stumbled. I was just helping her," sagot ni James na nakangiti at mukhang hindi apektado sa matatalim na titig mula kay Lawrence. "What are you doing here with my wife?" tanong ni Lawrence sa pinsan niya. "I was just entertaining her. Nakita kong mag-isa lang siya rito kaya naman sinamahan ko," sagot ni James. "I'm doing it for you since busy kang makipagdaldalan sa ibang mga bisita." Isang maliit na tango ang ibinigay ni Lawrence kay James at saka naman tumingin kay Abie. "Mag-ingat ka sa pinsan ko. Pastime niya ang mang-akit ng babae at ikama ito." At matapos niyang sambitin iyon, tumalikod na ito at iniwan si Abie at James. Nang tuluyan nang nakaalis si Lawrence, tumawa ng malakas si James. "Tignan mo 'tong pinsan ko. Siraan ba naman ako sa asawa niya. 'Wag kang maniwala dun." Umiling si Abie at ngumiti kay James. "Alam ko naman hindi mo gagawin sa akin 'yun. Mukhang bad mood na naman si Law." "Nagseselos 'yun." "Selos? Imposible ata 'yun." "At bakit naman imposible?" "Kasi... Wala. Hindi naman kasi siya seloso, eh." Maya-maya ay nagpaalam si Abie kay James na hahanapin niya si Lawrence. Gusto kasi ni Abie na magpaalam dito kung pupwede na ba siyang pumasok ng bahay para magpahinga kahit hindi pa tapos ang party. Tinungo niya ang hardin ngunit wala siya roon. Naglibot-libot pa siya, ngunit hindi pa rin niya nahanap si Lawrence. Nang hindi pa rin niya nakita ang asawa, nagdesisyon siyang pumasok na lang ng bahay. Sa may likuran ng bahay siya papasok kaya naman inikot pa niya ang gilid ng bahay upang makarating sa likod. Papalapit na sana si Abie sa may pinto nang may napansin siyang dalawang anino sa may 'di kalayuan. Hindi na sana niya papansinin ito, ngunit narinig niyang nagsalita ang isa sa mga pigurang nakatayo sa madilim na parte ng paligid. "Oh Law..." sambit ng isang boses ng babae. Napatigil si Abie sa paglakad. Dahan-dahan siyang umikot at tinignan nang maigi ang dalawang taong nakatayo sa may 'di kalayunan. Nanlaki ang mga mata ni Abie sabay hingal sa nakita. Si Lawrence at isang babaeng hindi niya kilala ay naghahalikan. Sa harapan niya. Biglang umusbong ang galit at sakit sa kanyang puso. Nakayanan niya no'ng sa mga pictures lang niya nakita na may kasamang ibang babae si Lawrence. Pero itong harap-harapan nitong gawin ang kawalanghiyaan at kahayupan, at sa kanilang pamamahay pa, sukdulan na ito. Naningkit ang mga mata ni Abie. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Nagdilim ang kanyang isipan. Tama na! Tama na ang masaktan pa siya. Hindi na niya ito matatanggap. Ginawa niya ang lahat pero ganito pa rin ang nangyari. Kung hindi man ni Lawrence kayang irespeto si Abie bilang asawa, sana man lang irespeto niya ang kanyang grandparents, mga magulang at ang lola ni Abie na kanilang bisita sa bahay -ang bahay na itinuring ni Abie na kanyang tahanan. Sobrang sakit na ang ibinigay ni Lawrence sa kanya. Sa loob pa mismo ng kanilang pamamahay naisipan nitong manloko at mang-gago! Hindi alam ni Abie kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para sugurin silang dalawa na nasa dilim at hilain ang buhok ng malanding babaeng pumapatol sa asawa ng may asawa. #################################### Chapter Sixteen #################################### "What the hell was that Abigail!" sigaw sa kanya ni Lawrence matapos siya nitong kaladkarin papasok ng bahay papuntang living room. "Ikaw! Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Tama bang dito ka pa sa pamamahay ko makipagharutan at halikan sa makating babaeng 'yon?" singhal ni Abigail. Tumawa naman ng walang laman si Lawrence. "As far as I remember Abigail, this remains my house. Not yours, but mine. Masyado na atang mataas ang lipad ng ambisyon mo para pangarapin na bahay mo itong kinatatayuan mo." Lumapit ito sa asawa, at batid ni Abigail na ang ekspresyon sa mukha nito ay tila gusto siyang sakalin. "This is my house, and I can do whatever damn thing I want to! Nakakahiya ang asal mo kanina!" "Nakakahiya? Ako pa ang dapat mahiya? Ako ba ang nakita mong may kahalikan at kalandian? Ikaw ang dapat mahiya sa akin!" "And why would I be? I have nothing to be ashamed of!" "Anong wala? Alam ko ang mga pinaggagawa mo 'pag nasa Maynila ka! Alam ko ang kaliwa't kanang pambababae mo! Pero may narinig ka ba mula sa akin? Wala! Tiniis ko 'yon. Tiniis ko ang lahat, Law. Tiniis ko ang pag-iisa at pangungulila. Tiniis ko ang sakit dito-" dinudot pa ni Abigail ang hintuturo niya sa kanyang dibdib, "-dito sa puso ko. Dahil umaasa ako na isang araw, darating ang panahon na matutunan mo rin akong mahalin." "At isinusumbat mo sa akin ang mga iyon? Ang pagiging faithful and patient wife mo? Hiniling ko ba sa 'yo na maging martyr ka? Hiniling ko ba sa 'yo ang pang-unawa mo? Have I ever made a promise that I will learn to love you someday? Wala 'di ba?" "Wala nga pero ginawa ko 'yon dahil mahal kita!" "But I never asked you to love me! Because I can never love you back. I can never love someone who forced herself on me para lang pakasalan ko siya." Parang isang malakas at masakit na sampal sa mukha niya ang sinabi ni Lawrence. Oo, pinakasalan siya nito. Pero sinabi naman niya rito dati pa na hind naman siya buntis at hindi na siya nito kailangang pakasalan. "Eh, bakit mo pa rin ako pinakasalan kung ayaw mo naman pala? Noong una pa lang ay sinabi ko na sa 'yo na 'wag mo na akong pakasalan kung ayaw mo." Hindi naka imik si Lawrence. Nanatiling nakatitig lamang ito kay Abigail, ang mga mata ay nanlilisik sa galit, ang mga kamay nito sa gilid ay nakakuyom. "Why are you doing this to me Law? I'm your wife!" 'di napigilang sabihin ni Abigail kay Lawrence. May hangganan rin ang kanyang pasensiya at pagtitiis sa pagtrato sa kanya ng kanyang asawa. "In name and paper only, Abigail!" sigaw ni Lawrence. "You will never be my wife, not in the real essence of that word!" Napabuntong-hininga na lamang si Abigail. Walang mangyayari kung sasabayan niya ang init ng ulo ni Lawrence. "Law, ano pa ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? Alam ko na ayaw mong ako ang mapangasawa mo. Alam ko 'yon. Pero ginawa ko naman ang lahat para maging mabuting asawa sa 'yo. Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang kailangan kong gawin?" "Gusto mo ba talaga malaman? Do you really want to know what you can do so I'd forgive you?" "Yes!" Lumapit si Lawrence sa counter table bago humarap muli kay Abigail. "Then give me what I want, Abigail. I want an annulment." Nagulat si Abigail sa sinabi ni Lawrence. Iyon ang isang bagay na hinding hindi niya maibibigay sa asawa. "Alam mong hindi ko puwedeng ibigay sa 'yo 'yan. Nangako ako sa lola mo na aalagaan at mamahalin ka, na tulungan kang magbago. Lawrence, nangako ako kay granny na babaguhin ko ang pananaw mo sa pag-ibig." "And you actually think na ikaw ang makakapagpabago sa akin? That is one hell of an ambition, Abigail. You tried but you already failed. Hindi mo na kailangan pang tumupad sa pangako mo sa kanya." "Law! Paano mo nasasabi ang mga bagay na 'yan? Hindi ko puwedeng basta-basta na lang itapon ang pangako ko kay granny." Humakbang papalapit si Abigail sa asawa ngunit napatigil siya sa paglapit nang makita niya ang galit sa mga mata nito. "Law, isang chance lang ang hinihingi ko sa 'yo. Isang taon tayong mag-asawa pero isang taon din tayong hindi magkasama bilang mag-asawa. Isang chance, Law, para maipakita ko sa 'yo na karapat-dapat din akong maging asawa mo, para maiparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko. Bigyan mo naman ng pagkakataon ang possibility na matututunan mo rin akong mahalin." Tumalikod si Lawrence at tinungga ang alak sa mesa. Hawak-hawak ang baso, muli niyang hinarap si Abigail. "Tell you what, let's make a deal." Napakunot-noo si Abigail. "A deal?" "Yes Abigail, a deal. If you're so sure na matututunan kitang mahalin, I'll give you your chance that you're asking." "Ano'ng kailangan kong gawin, Law?" "I"ll give you three months -three months to make me fall in love with you. Do anything you want. Seduce me if you can." Napangisi naman si Lawrence na para bang ang isipin na aakitin siya ni Abigail ay napaka imposibleng mangyari. "I don't care. It's your call as long as it'll be within three months." Napaisip si Abigail. Three months? Sapat na ba ang tatlong buwan upang magawa niyang paibigin si Lawrence? Matagal na siyang nagtatrabaho bilang private nurse ng lola ni Lawrence bago pa sila ikinasal at ni minsan ay hindi naman siya nito dati pinapansin. At ngayon, sa loob ng tatlong buwan ay kailangan niyang mapaibig si Lawrence? "Kung nagtagumpay ako?" "Obviously we will remain happily married," sarkastikong sagot ni Lawrence. "At kung nabigo ako?" "If you fail, then we will settle things with our lawyer's presence. You will give me my freedom." Tinitigan niya si Abigail na parang nanunudyo pa. "Natatakot ka? Hindi mo kaya?" "Deal! Payag ako," biglang sagot ni Abigail. Kung lalaruin niya nang tama ang mga baraha, mapapasakanya na ng buong-buo ang asawa balang araw. Muling uminom ng alak si Lawrence at matapos ay inilapag nito ang baso sa mesa. Aalis na sana si Abigail nang bigla itong huminto sa paglalakad dahil sa tinawag siya ng asawa. "Oh, and Abigail? I don't easily fall in love." Tumango lamang si Abigail, isang senyales na tinanggap niya ang hamon ni Lawrence, bago siya tuluyang umalis at iwan ang asawang nagsisimula na namang lunurin ang sarili sa alak. After they had made the deal, Abigail stormed her way to their room, leaving Lawrence alone who was now helping himself from the drinks on their mini bar. Umupo siya sa tapat ng mini bar at nagsimulang uminon. Ano ba ang pumasok sa isip niya at nag-suggest ng deal? Ah fuck! Now he just prolonged his agony of being with her. Granted, Abigail had the right to be angry at him. Sa mga ginawa ba naman niyang pambababae at pag-iwas sa asawa, kahit sinong santa ay magagalit rin. Pero 'yon naman ang punto ng pinaggagawa niya hindi ba? Ang gantihan ng sakit si Abigail. At first it was a sort of vengeance. Later on, he just wanted to give her reasons para si Abigail na mismo ang humiwalay sa kanya. But that woman was one stuborn wife! Nung nakita niya si James at Abigail na masayang nagtatawanan at nagku-kuwentuhan, nakaramdam siya nang pagkainis. Kaya hindi niya napigilan ang sarili na lapitan silang dalawa. Ang inis niya ay napalitan ng selos nang makita niya ang mga kamay ni James sa baywang ni Abigail at ang mga matatamis na ngiti ng asawa na iginawad nito kay James na dapat ay para lamang sa kanya. And their bodies seemed to be intimately close... Dammit! He felt jealousy was eating him up. He was jealous! Oo, nagseselos siya. And he didn't like that feeling. Ayaw niyang tanggapin sa sarili na nagseselos siya. Bakit nga ba siya nagseselos? He never liked Abigail -he was merely tolerating her presence and her nearness all through out this time. But when he had witnessed James' and Abigail's closeness... Hindi niya napigilan ang magselos. At sa sobrang inis niya sa sarili, nang makita niya ang obvious na atraksyon sa kanya ng isa sa kanilang bisita at ang imbitasyon sa mga mata nito, sumunod siya rito sa madilim na bahagi ng lugar at nakipaghalikan dito. Gusto niyang mabura ang selos sa sistema niya. Gusto niyang makalimutan ang eksenang nakita niya bago pa niya hindi mapigilan ang sarili at gawaran ng suntok si James. Gusto niyang itaboy si Abigail sa kanyang isip. Ngunit kahit lumalim pa ang paghahalikan nila ng babae, wala siyang excitement na naramdaman, 'di tulad no'ng nakaraang araw nang hinalikan siya ni Abigal sa labi. Pero sa babaeng kasama niya kanina, wala siyang naramdaman. It was all empty and hollow. He wasn't even aroused even though he was touching her breasts. He knew he it was not love that triggered the jealousy. Maybe physically, attracted na siya kay Abigail. She was pretty, in her own simple way. And she did have certain female attributes that he found incredibly... sexy. Her slender waist that he could easily wrapped his arms around, her slim thighs and legs that he imagined interlacing with his, her small but very soft lips that looked so tempting whenever she bit her lower lip, her breasts that were just the right size for a man's touch... But it was her eyes that he liked the most. Ang mga mata nito ay napaka-expressive na kahit hindi ito magsalita, alam ni Lawrence ang nararamdaman ng asawa through her eyes. He wondered what expressions her eyes would make if he would make love to her and bring her to climax. Shit! Now he was developing perverted thoughts about her. Pero ang physical attraction ay hindi sapat na dahilan para sa kanya na manatiling kasal kay Abigail. Nangangarap din si Lawrence na bumuo ng pamilya na base sa pagmamahal. Ayaw niyang matulad sa mga magulang niya na may miserableng marriage. Lawrence knew his mother never loved his father even though his father loved his mother so much. Dahil sa pera ng kanyang ama kaya nanatiling kasal ito sa asawa. And although she was not a bad mother, she was never a good mother to Lawrence either. Hindi kasi ito tulad ng ibang mga nanay na natural na may pagmamahal sa anak. Alam iyon ni Lawrence dahil lumaki siyang uhaw sa pagmamahal na ng isang ina, pagmamahal na siyang pinunan ni granny. At sumpa niya sa sarili na hinding-hindi niya tutularan ang ama, na hindi niya hahayaang maging magkatulad sila ng sitwasyon. At kapag mananatili pa siyang kasal kay Abigail, hindi malayong sa sitwasyong tulad ng kanyang ama ang kanyang kahahantungan Lawrence poured himself another drink. He needed to get out of this marriage so he could find the love that he needed. At ang deal na napagkasunduan nilang dalawa ang magiging solusyon. Lahat ng nararamdaman niya para kay Abigail ay physical attraction lamang. And he would make sure and give his damnest best that everything would remain physical in nature. *** Three months. At least mas mahaba ang three months kaysa sa one week. Pero mas maiksi ito kaysa sa one year. Natural. Kahit sinong henyo kayang i-analyze at i-rationalize 'yan. Pero bakit nga ba siya pumayag? Umupo si Abigail sa kama. Seduce me if you can. Kaya ba niyang gawin iyon? Wala siyang ideya papano gawin iyon. Ni hindi nga niya alam ang rules ng seduction. Mayroon bang rules para doon? Isang set ng instructions para susundin niya na lang ang mga gagawin step by step? Mabuti pa ang simpleng handwashing may step by step at technique. Ang pages-seduce kaya, mayroon din ba? Sa pagkakaupo, hinayaan niyang bumagsak ang kanyang katawan sa kama at tinitigan ang kisame na tila makikita niya ang mga sagot doon. Isang deal na naman ang pinasukan niya. Hindi niya inaasahan iyon. Ang akala ni Abigail ay matatapos na ang lahat bukas, subalit isang pagkakatapon na naman ang ibinigay sa kanya. Hudyat ba ito na hindi muna siya dapat sumuko? Bakit ba sa tuwing determinado na siyang kumprontahin si Lawrence, saka naman dumarating ang mga opportunities tulad nito. Tila bang may mensaheng kalakip ang mga chances na dumating -tila nagpapahiwatig ang tadhana na hindi muna siya dapat bumitiw at sumuko. "Nakakainis naman," sabi niya sa sarili. Sino nga bang hindi maiinis? Kahit sinong matinong babae, kung sandamukal na emotional torture at pain ang ibibigay sa kanya ng asawa, hihiwalayan na niya ito. Pero hindi matino si Abigail. Baliw siya -baliw siya sa pagmamahal para kay Lawrence. At hindi ito maganda. Hindi ba dapat mas mahal niya ang sarili niya? Bakit hinahayaan niyang masaktan ang sarili? Make me fall in love with you. Naalala niya ang naipangako niya kay granny isang taon na ang nakakaraan... Isang araw bago ang kasal niya kay Lawrence, nag-usap si granny at si Abigail. Nasa may hardin sila noong mga panahong iyon. "Abby, dear, give Lawrence a chance," sabi sa kanya ni granny. "He grew up witnessing how much his father showered his love to his wife but the same amount of affection was never returned. He didn't want to end up like his father kaya naman he became guarded pagdating sa puso niya. He never had any deep relationship with his past girlfriends until dumating si Vanessa sa buhay niya. Takot siyang magmahal nang lubos dahil baka hindi ito kayang suklian sa kanya." Napabuntong-hininga ang lola ni Lawrence. "I know most would say that when you love someone, you should not expect any thing in return. Unconditional love kumbaga." Namula ang pisngi ni Abigail dahil ganoon ang opinyon niya. Kung magmamahal ka, dapat bukal ito at walang halong kapalit. Kaya naman noong mga panahong iyon, handa siyang ibigay ang puso kay Lawrence kahit pa hindi nito masusuklian ang pagmamahal niya. Nagpatuloy si granny sa pagsalita. "But you have to understand, some are just afraid to love for that very reason alone. And he thought he had found it with his ex. Do you get what I'm saying Abby?" Tumango si Abigail. Alam niya na lubos na nasaktan si Lawrence sa ginawa sa kanya ni Vanessa. "But when I saw you, Abby, nakita ko sa mga mata mo kung gaano mo kamahal si Lawrence. And I think that is what Lawrence needs." Hinawakan ni granny ang kamay ni Abigail. "Promise me that you will give the love that my grandson needs. Promise me na tutulungan mo siyang baguhin ang pananaw niya sa pag-ibig. Show him that there is nothing to be afraid to love again and be loved. Promise me." "I promise..." Isang pangako ang kanyang binitawan na hindi pa rin niya nagagawa. Napabuntong-hininga siya at umupong muli sa kama. Ano ang gagawin niya? Papaano niya matutupad ang pangako niya? Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa bedside table at pinindot ang numero ni Cass. Sa ikalawang ring, sumagot si Cass. "Hello Cass. Kailangang ko sana ng tulong mo." "Sure. Anong klaseng tulong ang kailangan mo?" "Papaano ba mang-seduce ng isang lalaki?" #################################### Chapter Seventeen #################################### Tatlong araw na ang nakakaraan mula nang nabuo ang deal nina Abie at Lawrence. Sa kadahilanan na hindi kayang iwan ni Lawrence ang trabaho, isinama na lang niya si Abie pabalik sa Maynila. Sa condo ni Law sila tumuloy, at gaya nang napagkasunduan, magiging open at cooperative si Lawrence sa mga gagawin ni Abigail. At iyon naman ang malaking problema ni Abie: kung ano ang dapat niyang gawin. Nasa labas siya at nakipagkita kina Cass at Francine sa isang coffee shop. Wala na siyang ibang choice kundi tawagin ang kanyang back-up at hingan ito ng mga advice. At tulad dati, magkaiba ang opinyon ng dalawa niyang kaibigan. Hindi naging madali ang unang tatlong araw ni Abie sa bagong tirahan. Noong unang araw, late na nagising si Abie at hindi na niya naabutan ang asawa na umalis. Kinagabihan, gabi na nang nakauwi si Lawrence. Sa sobrang late, nakatulag sa sofa si Abie sa kakaantay; ang hinanda niyang dinner ay lumamig na sa mesa. Pagkagising niya nang mag-aala una ng umaga, nakauwi na pala si Lawrence at mahimbing na natutulog sa kama. Ni hindi man lang siya ginising nito no'ng nakarating na ng bahay. Hindi pa nga nakakapaghapunan si Abie noong gabing iyon dahil inantay niya si Lawrence para sabay na silang kumain. Ikalawang araw, determinado pa rin si Abie. Maaga itong gumising, inihanda ang isusuot ni Lawrence at inilapag ito sa may gilid ng kama. Bumaba ito sa may kusina at naghanda ng agahan. Nang narinig niya ang mga yabag ni Lawrence na pababa ng hagdan, lumingon si Abie sa may gawing kinaroroonan ni Lawrence habang nakangiti upang batiin ito ng 'Good morning'. Ngunit ang ngiti niya ay unti-unting nawala nang makita niyang hindi ang inihanda niyang polo ang suot ni Lawrence. Baka naman 'di niya type ang pinili ko, paliwanag niya sa sarili. Nang niyaya niya si Lawrence na magbreakfast muna bago pumasok sa trabaho, ang sagot lamang nito ay, "I don't eat breakfast. I'll buy coffee on my way to work." Pakiramdam ni Abie no'ng umagang iyon ay hopeless na ang sitwasyon niya. Napadami tuloy siya nang kain ng hotdog at sunny-side up egg dahil na depressed siya. As usual, gabi na at hindi pa rin umuuwi si Law, ang hapunan ay lumamig na naman sa mesa. Nag-iwan na lang ng maliit na sulat si Abie na may nakasulat na 'Dinner is on the table', idinikit ito sa fridge, at pumanhik na lamang siya sa kwarto at natulog. Sa ikatlong araw, inihanda niyang muli ang isusuot ni Lawrence, bumaba sa kusina at nadismaya siya nang makita niyang hindi nagalaw ang pagkain sa mesa. Bumaba si Lawrence at hindi na naman niya isinuot ang napili ni Abie, at hindi na naman ito nagbreakfast. "Ang kulit mo naman kasi, eh," saway sa kanya ni Francine. "Sinabi na nga sa 'yo ng asawa mo na hindi siya nagbrebreakfast, eh, sige ka pa rin kung um-effort." "Eh, importante ang breakfast. Pinaka importanteng meal of the day iyon," pagdadahilan niya. "And baka naman pangit talaga ang mga napipili mong polo para kay Lawrence," punto naman ni Cass. "I mean, no offense bestfriend ha, pero baduy kasi ng taste mo sa pananamit." Tinitigan ni Abie ang kanyang mug ng café mocha at hindi niya namamalayan na kanina pa niya hinahalo ang kape gamit ang stirrer. Nariring na lamang niya ang click sound ng cellphone ni Cass at ang sermon ni Francine kay Cass. "Tama na muna ang pagseselfie Cassandra. Pare-pareho lang naman ang angle nang kuha mo, eh." "Eh, maganda ang ilaw sa may gawi rito." At isang click sound na naman ang narinig ni Abie. Napabuntong-hininga si Abie at nanatiling nakatitig sa kape habang panay pa rin ang pag-stir dito. "Hoy Abigail, ano ba ang gusto mong gawin, ha?" boses ni Francince. "Kahit gaano mo katagal titigan ang kape mo, wala kang sagot na makukuha diyan." Itinaas ni Abie ang kanyang mga mata at tumingin sa kanyang mga kaibigan. "Kaya nga tinawagan ko kayo 'di ba? Para sa inyo ako kukuha ng sagot." "Ano bang gusto mong malaman?" tanong ni Francine. "Paano ko i-seseduce si Lawrence?" "Aba! Anong malay ko sa pang-aaakit? Hindi ako ang malandi rito sa ating tatlo." Tumingin si Francine kay Cass. "O, Cass, since ikaw ang malandi rito, paano raw ba aakitin ni Abie ang asawa niya?" Tinaasan ni Cass ng kilay si Francine. "Hindi ako malandi --love expert ako. Hindi ko na kasalanan kung maraming nagkakagusto sa akin." "Okaaay. Sabi mo, eh," ang sagot naman ni Francine na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ni Cass. Ibinaling naman ni Cass ang tingin kay Abie. "Bess. Keep it up lang sa ginagawa mo. Sabi nga nila, 'the way to a man's heart is through his stomach'. Sadyang patay-gutom talaga ang karamihan sa mga kalalakihan and eventually kakain at kakain din 'yang si Lawrence mo. I-prepare mo ang favorite food niya tapos dalhin mo sa office niya tapos make sure marami ang makakakita. Tapos sasabihan nila si Lawrence nang 'ang sweet ng asawa mo! Ang swerte swerte mo talaga'. Marerealize ni Lawrence na 'oo nga, ang sweet pala ng asawa ko!' and boom! Nakuha mo na nag one-eight ng puso niya." Natahimik sina Abie at Francine sa mungkahi ni Cass. Si Francine ang unang bumasag sa katahimikan. "Wow girl. Ang galing ng imagination mo. May kasama pang dialogue. One-eight lang naman pala ang makukuha." Umikot ang mga mata ni Cass. "Hello! Effective kaya 'yon. Nasubukan ko na 'yon kaya proven and tested 'yon. Besides, karamihan ng guys ay napaka-dense ng utak. Kailangan may magsabi pa sa kanila nang mga ganoong bagay bago nila ma-realize ang mga bagay-bagay. At ang one-eight ng puso ay importante kesa naman sa zero portion ng heart." "Mukhang hindi naman bobo ang asawa ni Abie kaya hindi effective yan," kontra ni Francine. "Bakit hindi mo sabihin ng deretso ang gusto mo sa asawa mo? Gusto mo kumain siya ng breakfast, tell him so. Ayaw mong ginagabi siya ng uwi, then sabihin mo. Nagtataka ka kung bakit hindi niya isinusuot ang mga napili mo, ask him. If nag-aalala ka, if ayaw mo ang mga ginagawa niya, sabihin mo sa kanya. Tell him ano ang nararamdaman mo. Hindi naman mind reader ang asawa mo, eh. Paano niya malalaman ano ang gusto mo mangyari if hindi mo sasabihin? Paano niya malalaman na ayaw mo sa mga ginagawa niya kung hindi mo sasabihin? Remember, may kasunduan na kayo at required na siyang makipag cooperate this time unlike before." Tumango si Abie. Tikom-bibig kasi siya madalas dahil takot siyang magalit si Lawrence o di kaya ay takot siyang malaman ang isasagot nito. "As for the seduction part," pasimula ni Cass, "you have to do your part Abie. I mean, kailangan you have to keep your husband's interest sa 'yo. Kailangan makuha mo ang atensyon niya and keep it, para hindi mabaling ang atensyon niya sa iba." "Papaano ko gagawin iyon?" "Come with me bestfriend, and ituturo ko sa 'yo kung papaano." Matapos nila sa coffee shop ay pumasok sila sa loob ng mall. Dinala sila ni Cass sa may lingerie section ng mall, at nawindang si Abie sa mga pinagpipili ni Cass na mga lacy underwears. "Cass, ano ba ito? Sigurado ka ba na pwede itong isuot?" tanong ni Abie habang nakangiwing tinitigan ang hawak-hawak niyang black thong. "Parang pinagtagping dental floss naman ang mga ito, eh. Sigurado ka ba dito?" "Oo na man noh!" sagot ni Cass. Inabot naman niya kay Abie ang isang see-through na black and red na babydoll lingerie. "Heto, isama mo pa." Nakita ni Abie na may hawak-hawak si Francine na isang lacy, crisscross na teddy. "Pati 'yang hawak ni Francine, isama mo na rin. Ito ang isusuot mo sa 'operation: seducing Lawrence part one'." "Cass," may pag-aalinlangang tugon ni Abie. "Baka naman magmumukha akong iskandalosa sa mga suot na 'to. Hindi ako sanay sa ga ganito, eh. At tsaka, 'di ba mahal ang la senza?" Humarap sa kanya si Cass, hinawakan ang magkabilang balikat niya at mariin siyang tinitigan sa mga mata . "Ikaw ba Abigail ay gusto mo makuha ang atensyon ni Lawrence?" Tumango si Abie. "Gusto mo ba na sa 'yo at bukod tanging para sa 'yo lang ang mga titig at atensyon ni Lawrence?" Isang tango muli ang sagot ni Abie. "Pwes, trust ate Cass at ilabas mo na ang credit card mo. Si Lawrence naman ang magbabayad niyan, eh. Kaya lubos-lubusin mo na. Kahit sa ganoong paraan ay makabawi man lang siya sa 'yo" Napahagikgik si Francine na nasa tabi at namimili rin ng mga lingerie. "Tama! Pagkakataon mo na. If ako sa 'yo magpa make-over ka na rin. Kahit ubusin natin ang credit limit ng card mo, para sa asawa mo rin naman ang mga pinamili mo. Hayaan mo siyang bayaran 'yang mga pinamili mo." Umiling nang nakangiti si Abie. "Mga bad influence talaga kayo. Pero, I think, tama kayo. Sige, samahan niyo ako sa salon. At ililibre ko pa kayo!" Natatawa siya habang iniimagine ang magiging reaksyon ni Lawrence once nakita ang billing statement ng credit card niya. At alam na niya ang idadahilan niya: "Nadepressed ako kasi hindi mo ako pinapansin! Kaya para mawala ang depression ko, nagshopping ako." Napalakas ang tawa niya habang sinasambit ang linyang iyon sa isip niya, na siya namang dahilan para titigan siya ng ibang mga customers na tila isa siyang loka-loka na tumatawang mag-isa. *** A/N: bebe Hermarie, dedic ko sa'yo ito :) Kasi natutuwa ako sa comments mo... hehehe ;) #################################### Chapter Eighteen #################################### Bago umuwi sina Abie at ang kanyang mga kaibigan, dumaan muna sila sa bookstore upang mamili ng magazine. Ideya iyon ni Cass. Kumuha ng mga magazines si Cass sa may rack --ang tema ng magazines ay yung may mga 'Lust and Love' features. Ayon kay Cass, kailangang mabasa iyon ni Abie upang magkaroon naman siya ng 'ideas' sa mga dapat niyang gawin on 'pleasuring a man'. Napangiwi naman si Abie nang mabasa sa front cover ang title ng featured article: Ten ways to Blow his mind off --when you go down there. "Cass hindi ko keri itong mga binibigay mo sa akin. Masyadong..." "Malaswa?" pagdugtong ni Cass. "Abie, hindi ko naman sinabi na sundin mo 'yan. Babasahin mo 'yan para may idea ka lang. Besides, hindi naman puro bed scene advices ang nakasulat diyan. May mga tips din kung papaano mo mas mauunawaan ang mga tumatakbo sa isip ng mga lalaki. Also, may health and beauty section din diyan --which is kailangan mo rin." "Eh, para saan naman itong erotic novel?" tanong ni Abie, sabay taas kilay at may paghahamon sa tono ng kanyang boses. Humagikgik si Cass na para bang may kumikiliti rito sa tagiliran. "Wala lang. Maganda kasi siyang basahin. Alam ko naman na mahilig kang magbasa ng novels kaya subukan mong basahin iyan. Napaka hot at steamy ng mga bed scenes." Napansin nila Abie at Cass na abala rin si Francine paghalungkat sa back issues section ng mga magazines. "Ano 'yang napili mo?" may pagka-curious na tanong ni Abie kay Francine. Ipinakita naman ni Francine ang mga magazines na napili niya na may mga featured articles tulad ng: "Why do men cheat?", "How to tell if a guy is a player?" at "Secrets of a womanizer revealed". "Anong drama mo Francine?" tanong ni Cass. "Wala ka namang boyfriend para paghinalaan mo ng cheating at womanizing?" "Curious lang ako kung bakit may mga babaero sa mundo," simpleng sagot ni Francine habang bumalik sa paghahanap ng mga back issues. Gabi na nang nakauwi si Abie sa bahay. Itinago ni Abie ang mga magazines at erotic novels, na pinilit sa kanya ni Cass na bilhin, sa ilalim ng kama. Mahirap na at baka makita pa ito ni Lawrence. Nakakahiya iyon kapag nagkataon. Baka sabihin pa nito na trying hard masyado si Abie --pero kung iisipin, trying hard nga naman siya sa umpisa pa lang. Ang mga bagay nga naman na nagagawa ng isang tao sa ngalan ng pag-ibig... Ang mga sexy lingerie naman ay itinago niya sa pinaka ilalim na parte ng kanyang dresser. Ayaw muna niya itong isukat. Para siyang kinikilabutan sa tuwing naiisip niya ang hitsura niya na iyon ang suot. Baka masagwa lang tignan. Pero may tiwala si Abie sa mga payo sa kanya ni Cass kaya naman binili na niya ang mga iyon kahit pa sapilitan. Nagpagugit na rin siya ng buhok, at nang tinitigan niya ang sarili sa salamin, napangiti siya sa resulta. Bumagay sa kanya ang maiksing style nang pagkakagupit. Hindi pa siya nakakapaghilamos ng mukha, kaya naman bakas pa sa kanyang mukha ang ekspertong pagkaka make-up sa kanya ni Cass. Nagkatuwaan ang tatlo kanina sa mall sa may tester ng mga make up at cosmetics, kaya naman minake-up-an nila ang isa't isa. At para hindi naman nakakahiya ang mga pinaggagawa nila, namili na rin ng mga make up at essentials si Abie. Maganda pala ang effect ng eyeliner sa mga mata. Mas lumitaw ang light brown na mata niya. At ang pagkalagay ni Cass ng blush on sa kanyang pisngi at ang apricot colored na lipstick sa kanyang labi ay bumagay sa kanyang mukha. Pakiramdam tuloy ni Abie ang ganda-ganda niya. Bigla naman niyang naalala na hindi pa pala siya nakapagluto ng hapunan ni Lawrence. At kahit pa baka hindi na naman ito kakainin ni Lawrence, magluluto pa rin siya. Baka biglang magbago ang ihip ng hangin at naisipan nitong kumain. Bumaba si Abie sa may hagdan at dideretso na sana ng kusina ngunit laking gulat niya nang makita niyang pumasok si Lawrence. At mukhang gulat din si Lawrence nang makita niya si Abie. "Maaga ka atang umuwi ngayon. Hindi pa ako nakapaghanda ng makakain, eh." Tinungo ni Abie ang kusina at dali-daling inilabas sa ref ang pwedeng mailuto. "Magluluto lang ako. Saglit lang ito." "It's already past nine in the evening," tugon ni Lawrence. Past nine? Tinitigan ni Abie ang wrist watch upang kumpirmahin kung anong oras na nga. Past nine na nga. "Ay oo nga pala. Sige, magpahinga ka muna at magluluto lang ako," turan niya habang hinuhugasan ang mga gulay na ipangsasahog. "I already ate outside." Natigilan si Abie sa ginagawa niya. As usual, bulong niya sa sarili. Inilapag niya ang gulay sa tabi at isinara ang gripo. Umikot siya upang harapin si Lawrence, at nakita niyang nakatayo ito sa may mesa, nakatitig nung husto sa kanya na para bang inoobserbahan siya. "Ganoon ba?" Tumango si Lawrence. Nakatitig pa rin sa kanya ang asawa. Na self-concious tuloy siya. "I'll be working on some papers tonight. So, mauna ka nang matulog." "Uhm. Okay." "Can you make me a cup of coffee?" Coffee? Tama ba ang pagkakarinig niya? "Coffee?" "Yes," sagot ni Lawrence. "Coffee. Can you make me a cup?" "Sige. Ipagtitimpla kita." Ni minsan hindi pa ito nagpatimpla ng coffee sa kanya. Akmang tatalikod na sana si Lawrence nang ibinaling muli nito ang tingin kay Abie. "Did you do something with your hair?" "Nagpagupit ako kanina," maikling sagot niya. "Looks good on you," simpleng sagot nito bago tumalikod at umkyat papuntang kwarto. At si Abie naman ay naiwang naka nganga at hindi makapaniwala sa mga narinig niya. Nananaginip ba siya? Iyon ang unang totoong compliment na narinig niya mula kay Lawrence. Unti-unti siyang napangiti habang ni-rereplay ng kanyang utak ang mga sinabi ni Lawrence. Pakiramdam niya ang ganda ganda nga niya! Parang humaba ata bigla ang buhok niya. At dahil doon, na-inspired tuloy si Abie na ipagtimpla si Lawrence ng pinaka masarap na kape sa buong mundo. Maagang nagising kinabukasan si Abie at ginawa niya ang usual routine. Pagkababa ni Lawrence mula sa kwarto sa itaas, niyaya niya uli itong magbreakfast. "I told you I don't eat breakfast." Tumalikod na ito at lalabas na sana nang nagsalita muli si Abie. "Please, magbreakfast ka muna. Kumain ka muna bago umalis." Narinig ni Abie na bumuntong-hininga si Lawrence at bumalik papuntang mesa. Umupo na ito habang si Abie naman ay nakangiting inaalok kay Lawrence ang kape. Phase one: mission accomplished, sabi siya sa sarili habang nagmemental check sa kanyang imaginary checklist. Umupo naman si Abie habang kumakain si Lawrence. Hindi na naman nito suot ang napiling polo. "Hindi mo ba nagugustuhan ang mga napili kong isusuot mo?" Umangat ng bahagya ang ulo ni Lawrence at tinaas ang mga kilay na nagtatanong. "Yung polo mo. Hindi mo isinusuot mga pinipili ko." "Masikip ang iba. Yung iba naman ayokong isuot dahil bigay sa akin ng dati kong..." Girlfriend, dugtong ni Abie sa isip niya. Matagal na nga silang hiwalay pero bakit parang andirito pa rin ang anino ng dati nitong nobya? Kailan ba sila tatantanan ng alaala ng nakaraan? Bakas sa mukha ni Abie ang kalungkutan nang nagsalitang muli si Lawrence. "Hindi ko pa kasi naaayos mga gamit ko. Naging busy ako kaya nakalimutan ko na ring gawin yun." Maliit na tango ang tugon ni Abie kay Lawrence. Nang nagpaalam na si Lawrence na aalis na ito, pinigilang muli ni Abie ang asawa na nakatayo na sa bukas na pinto. "What is it this time?" may pagka-iritadong tanong sa kanya ni Lawrence. "Kasi..." Papaano nga ba niya gagawin ang iniisip niya? Bahala na si batman. Lumapit si Abie kay Lawrence at nahihiyang hinalikan niya ang asawa sa may pisngi. Nakatitig lang sa kanya si Lawrence, salubong ang kilay, ang mga mata ay nagtatanong. "Uhm... ano kasi... goodbye kiss." Kahit kasi sabihing asawa na niya si Lawrence, nahihiya pa rin siya kapag gagawa ng mga intimate gestures, kahit simpleng goodbye kiss. Bahagyang umangat ang isang dulo ng labi ni Lawrence na tila ba nanunukso ito. Nagulat na lang si Abie nang biglang hinapit siya ni Lawrence sa may baywang, papalapit sa katawan nito, at ginawaran siya ng isang malalim na halik sa may labi na nagdulot ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa kanyang ugat at nagpalambot sa kanyang mga tuhod. Nang inilayo na ni Lawrence nang bahagya ang kanyang mukha at unti-unting binitawan si Abie, isang smug smile ang ibinigay nito kay Abie. "That is how you kiss a husband goodbye, love." At tuluyan na itong umalis. Kung ang goodbye kiss ni Law ay nakaka-drain ng energy, ano na lang kaya kung isang torrid kiss na? Pinilit pa ni Abie na pagalawin ang mga paa para humakbang papuntang hagdan. Na-shock ata ang buong sistema niya sa katawan dala ng goodbye kiss sa kanya ni Lawrence. Ibig ba nitong sabihin, pahiwatig iyon ni Lawrence na araw-araw ganoon dapat ang goodbye kiss na gagawin ko? Naalog din ata ang utak niya. Anu-ano na kasi ang naiisip niya. Pumasok na siya ng kwarto at binuksan ang closet. Tinitigan niya ang mga polong nakasabit sa rack. "Alin kaya rito ang mga bigay ni Ex?" Wala siyang ideya. Kaya naman tinanggal niya ang lahat ng polong nakasabit at inilapag ang mga iyon sa kama. Dinampot naman ni Abie ang kanyang wallet na nakapatong sa ibabaw ng drawer at inilabas ang credit card. Kahit pa i-max out ko pa ang credit limit nito, gagawin ko. Mabura lang ang multo ng nakaraan ni Law. #################################### Chapter Nineteen #################################### The way through a man's heart is through his stomach, ika nga ni Cass kay Abie. Kaya nga kung anu-anong mga recipe ang ni-research ni Abie sa internet para ihain kay Lawrence. Daig pa niya ang chef sa pagiging inventive at creative sa pagkain, makuha lang ang atensyon ni Lawrence. Ganoon na siya kadesperada. Hindi niya hahayaang umabot pa sa ikatlong buwan bago niya makuha ang loob ng asawa. Time is gold, kumbaga. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin umuusad ang kanilang relasyon. Napagtagumpayan man niyang maipakita kay Lawrence ang kanyang pagiging mabuti, maalaga at attentive na asawa, parang may kulang pa rin. Pakiramdam ni Abie, hindi pa rin nahuhulog ang loob ni Lawrence sa kanya. Ngunit tuwing gagawaran na siya nito ng goodbye kiss tuwing umaga, nararamdaman ni Abie ang umaalab na pag-asa na malapit na rin siyang matututunang mahalin ni Lawrence. That is how you kiss a husband goodbye, love. Isang linggo na ngunit hindi pa rin mabura sa isip ni Abie ang mga katagang iyon ni Lawrence. At simula noong araw na iyon, ganoon na niya hinahalikan si Lawrence tuwing aalis na ito. Pero hanggang doon lang ang intimacy nila. Pagdating sa gabi, kung hindi si Abie ang unang nakakatulog, si Lawrence naman ang nagtutulogtulugan. Hindi pa handa si Abie na gawin ang next step sa payo sa kanya ni Cass: ang si Abie na mismo ang gumawa ng moves. Hindi pa ba moves yung ginawa niyang goodbye kiss na minsan ay may kasama pang makahulugang tingin at haplos? Hindi pa ba moves yung pagsuot niya ng mga maninipis na pantulog tuwing gabi? Tulad na lang kagabi, sinuot niya ang less provocative ngunit manipis na peach nighties. Humiga siya sa kama na patagilid, itinaas ang laylayan ng kanyang pantulog upang makita ang kanyang binti para magmukhang seductive ang pose niya at nagpanggap na natutulog nang pumasok na si Lawrence sa kwarto. Pero wala pa rin! Dedma ang asawa. Kailangan ba hubod-hubad si Abie para mapansin ng asawa? O baka naman hindi lang talaga natuturn-on sa kanya si Lawrence? O baka naman manhid masyado si Lawrence at hindi nakakaramdam ng mga signs, clues at hints na gusto ni Abie makipag make-love sa kanya. Bakit naman kasi ang hirap makuha ang cooperation ni Lawrence. Cooperative ito kapag kakain o isusuot ang inihanda ni Abie na mga polo o shirt. Pero pagdating sa sex, mala ginto ang kooperasyon. Oo, hindi umiikot sa sex ang isang relasyon, pero may mga needs din siya. At ganoon din si Lawrence. Paano na lang kung sa ibang babae ni Lawrence nasasatisfy ang pangangailangan nito? Siya dapat ang pumupuna ng mga iyon! Kaya ngayon, determinado si Abie na surpresahin ang asawa sa trabaho. Nasa tapat siya ng elevator sa loob ng hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Lawrence. Bitbit niya ang lunch na niluto niya para sa asawa. Kahit ang asawa niya ay anak ng may-ari ng hotel at chains of restaurants, at malamang ay sanay na sa mga fancy cuisine ang palate nito, iba pa rin talaga ang luto ng isang asawa na may kasamang pagmamahal bilang sangkap. Kung hindi pa rin makuha ni Lawrence ang mga positive attributes niya bilang asawa, puwes sa ibang tao niya ipapakita ang mga iyon at bahala na silang banggitin kung gaano ka swerte si Lawrence at may maalaga at sweet itong asawa tulad ni Abie. Kamakailan, kinaibigan ni Abie ang assistant ni Lawrence na si Lisa at nakakalap si Abie ng impormasyon kung ilan ang empleyadong derektang nasa ilalim at nagtatrabaho sa kanya. Kaya heto, bukod sa ulam, may dala rin siyang cake at iba pang dessert para sa lahat. Tignan lang natin kung hindi ma pressure si Lawrence sa mga empleyado niya. Pero, paano kung intimidating ito sa mga empleyado niya? Pero ang sabi naman sa kanya ni Lisa ay mabait ito sa mga tauhan nito. Sumakay na ng elevator si Abie. Tinitigan niya ang sariling reflection sa may salamin sa loob ng elevator. Red lipstick, curled locks, at isang puting bestida na madyo hapit sa katawan. Iyon ang nakikita niya sa salamin. At kahit masakit sa paa, isinuot niya ang three-inch red pumps. Talagang kalbaryo sa buhay niya ang pagpapaganda. Parang torture sa sarili. Tiis ganda, para mapagtagumpayan lang ang binabalak. No pain, no gain. Nang nakarating na siya sa floor kung nasaan ang opisina ni Lawrence, dumeretso na siya para hanapin si Lisa. "Nasa loob siya," tugon ni Lisa. "Just go inside. He's not doing anything at the moment." Ngumiti siya kay Lisa at pumasok na sa loob. May pagka minimalist ang dating ng opisina nito. Halos black at white lang ang kulay. May mini bar sa isang gilid, black couches sa isang tabi at malaking desk sa gitna ng opisina. Nakaupo naman si Lawrence sa likod ng kanyang malaking desk, nakayuko at naka-focus sa binabasang mga papel sa harapan nito, ang mga venetian blinds na nakasabit sa malaking glass window sa likod nito ay nakasara. Kaya mo ito Abie. Kayanin mo! "Uhm, Law?" "What?" tugon nito na halata sa boses na naiinis sa pagkadistorbo sa kanya at hindi pa rin inilalayo ang paningin nito sa mga papeles na binabasa. "What are you doing here?" "May dala akong lunch." Tumingin ka naman! "You shouldn't ha -" natigil ito sa pagsalita nang inangat nito ang ulo at napatitig kay Abie, bakas sa mukha nito ang pagkagulat, nakanganga ang bibig. Okay Abie, nakuha mo na ang atensyon niya. Ang next... Ano nga ba ang ginagawa ni Cass kapag nakakita ng gwapong lalaki at naisipan niyang makipag flirt rito? Bahagyang tumaas ang isang dulo ng kanyang labi, lumakad siya papalapit kay Law na nagswa-sway ang hips, habang titig na titig sa mga mata nito. "Pero gusto kong dalhan ka." Inilapag niya ang mga dala sa dulo ng desk at ipinatong ang mga kamay sa mesa. Lean forward, bahagyang yumuko, pakita ng cleavage. "Ayaw mo bang tikman?" Isinara ni Lawrence ang kanyang bibig at napalunok, ang mga mata tutok na tutok sa kanyang dibdib. "Yes, gusto," anito pabulong. Napangiti si Abie. Lean more forward. Titigan siya sa mga mata. Smile seductively, Abie. "O, ano pa ang hinihintay mo?" Nagtama ang mga mata nila. At bigla namang kumunot ang noo ni Lawrence at unti-unting nawala sa mga mata nito ang pagkabighani kay Abie. Tila nabuhusan ito ng malamig na tubig at biglang natauhan, kumawala sa mahika nang pang-aakit ni Abie. Bigla itong tumayo sa inuupuan at galit na sinabing, "Well, that's unfortunate. May business meeting ako over lunch." Business meeting? Wala naman binanggit sa kanya si Lisa na may business meeting si Lawrence ngayon. Kinuha ni Lawrence ang kanyang car keys sa may drawer, at dinampot ang cellphone sa mesa. "I'll go ahead. See you tonight." Naglakad ito papuntang pinto, ngunit bago umalis ay tinitigan nito muli si Abie. "And the next time you come here in my office, avoid wearing those clothes. It makes you look like a cheap tramp." Tuluyan na itong umalis ng opisina at iniwan si Abie. Cheap tramp? Ako, isang cheap tramp! Ano ba ang ibig sabihin ng cheap tramp?! Napaupo si Abie sa may couch at itinanggal ang suot na red pumps sabay buntong-hininga. Sumakit na ang mga paa niya dahil sa sapatos, at muntik na siyang magka hypoxia o mawalan ng oxygen sa katawan dahil sa masikip na suot nitong damit, wala pa ring epekto kay Lawrence! Napatingin siya sa mga dalang pagkain. Sayang naman ang mga ito. Iiwan ko na lang kay Lisa para ibigay sa mga staff. "Hey Law, libre mo 'ko ng lun -" Natigilan si Abie sa pagmasahe sa paa niya nang marinig ang pamilyar na boses. Tumingin siya sa may gawing pinto at tumambad sa kanya ang gulat na mukha ni James. "Abie? Is that you?" Nag-roll ng mga mata si Abie at ginawaran ng ngiti si James. "Oo, ako nga. Sino pa nga ba? Ba't gulat na gulat ka?" "What are you doing here?" tanong nito ng tuluyan na itong nakapasok sa opisina. "Alam ba ni Law na pupunta ka rito?" "Alam niya. Dinalhan ko nga siya ng pagkain. Pero may business meeting pala siya kaya umalis." "Hindi ko alam na may meeting siya o appointment," tugon nito na tila nag-iisip kung may nakalimutan bang banggaitin sa kanya ang pinsan. Dumapo ang paningin nito sa mesa. "Tell you what, para hindi naman sayang ang pagpunta mo rito, ba't hindi mo ibigay na lang sa akin ang mga 'yan? Yung asawa mo kasi, tinakasan na naman ako. Ang sabi ko kanina, ilibre niya ako ngayong tanghali. Um-exit naman pala." "Actually, nagdala rin ako ng desert para sana sa mga employees niya dito sa department niya. Siyempre dinalhan din kita." Ngumiti si Abie, ngunit halata sa mga mata nito ang kalungkutan at disappointment. "Kaya hindi naman sayang ang effort ko." Ang pagpapaganda ko ang sayang. Isinuot na niyang muli ang sapatos, tumayo at dinampot ang purse niya sa couch. "Sige James, mauna na ako ha." "Anong sinakyan mo papunta rito?" "Nagtaxi lang ako." "Ihahatid na kita. Let's go." Hindi na nito inantay pang makasagot si Abie, at lumabas na ito ng opisina. Walang nagawa si Abie kundi ang sundan si James palabas. "Wait here. I'll just get my car keys in my office," sabi ni James nang narating na nila ang kabilang dulo ng floor. Isang tango ang ibinigay ni Abie kay James. Nang nakalayo na si James at nakita niyang pumasok sa loob ng office nito, may narinig si Abie na parang may tumatawag sa kanya. "Psst!" Lumingon si Abie sa pinanggalingan ng boses hanggang sa dumapo ang paningin niya sa may isang desk malapit sa office ni James. Isang babae na mukhang medyo mas matanda sa kanya ang nakaupo sa likod ng mesa nito. Nakatali ang itim nitong buhok at may suot na malaking salamin sa mata. Tumayo ang babae at napansin niyang nakasuot ito ng itim na blusa na mahaba ang manggas at medyo maluwang, at pagkahaba-habang palda na kulay brown. Papalapit na sa kanya ang babae at parang namumukhaan niya ito. Nasa dulo lang ng kanyang dila -kilala niya ang babaeng iyon, alam niya. Kamukha nito si - "Francine?!" "Shhh!" sagot nito sa kanya. "'Wag mo naman ipagsigawan ang pangalan ko." #################################### Chapter Twenty #################################### "Francine?!" "Shhh!" sagot nito sa kanya. "'Wag mo naman ipagsigawan ang pangalan ko." Naguguluhan si Abie. Bakit andirito si Francine? Ang pagkakaalam niya, nagtatrabaho si Francine sa Montclaire Hotel bilang isang receptionist. Ano ang ginagawa ni Francine dito? At bakit kakaiba ang suot nito? "Anong ginagawa mo rito, bes? Ba't parang..." Itinuro niya ang suot na damit ni Francine. "...parang nagbago ata ang style ng mga gusto mo sa damit. Parang mas tumanda ka ng ilang taon. Anong nangyari sa 'yo at nakaganyan ka? Para kang si Betty La Fea na may pagka Miss Minchin." "Sira! Mas maganda ako d'on noh." Tumingin-tingin si Francine sa paligid, halatang nagmamatyag kung may ibang tao sa tabi nila. "Abie, saka na ako magpapaliwanag sa 'yo ha. Basta, 'wag ka basta-bastang sumama doon kay James Madrigal na yun." "Francine, pinsan siya ng asawa ko." "Yun na nga, eh. Pareho silang halang ang kaluluwa. Makinig ka, mag-ingat ka sa kanya. Tagapagmana 'yon sa trono ni satanas. Hindi porke't pinsan siya ng asawa mo ay hindi ka na papatulan n'on. Babaero at womanizer ang demonyong 'yon. Hari iyon ng mga manyakis. Kaya Abie, please lang, 'wag ka ng magpaka inosente ha at utang na loob 'wag na 'wag kang papadala sa mga pambobola niya at--" "Monique!" Napatigil sa pagsasalita si Francine nang marinig nito ang boses ni James. "Kelan ka pa naging si Monique?" tanong ni Abie sa kaibigan. Umiling lang si Francine sa kaniya. "Are you harassing my visitor?" untag ni James kay Francine ng tuluyan na itong nakalapit sa kanila. "No sir," maikling sagot ng kanyang kaibigan. "Then get back to your work," ma-awtoridad na utos nito kay Francine. Magsasalita sana si Abie para ipagtanggol ang kaibigan ngunit umiling ito. Nakuha ni Abie ang gustong ipahiwatig sa kanya ni Francine, ang huwag ipaalam kay James na magkakilala silang dalawa. Bumalik na lamang si Francine sa kanyang desk, ang mga mata nito ay nag-uumapaw sa galit. Marahil ay napahiya ito sa pagtrato ni James sa kanya. "Let's go Abie," saad ni James sa kanya. Napatinging muli si Abie sa kinaroroonan ni Francine, at ang mga mata ng kaibigan ay nagmamakaawa sa kanya na huwag siyang ibuking. Tumango si Abie, at ngumiti naman si Francine. Tumigil naman sa paglalakad si James at lumingon sa kinaroroonan ni Francine. "Monique, when I get back I need to have my coffee ready." "Yes sir. Ipagtitimpla po kita ng kape," sagot naman ni Francine. At dahil kilalang-kilala na ni Abie si Francine, halata sa mukha ng kaibigan niya na pinipigilan nito ang sarili na sumagot ng pabalang kay James. "I don't want your crap. Bumili ka sa coffee shop sa labas. You know my preference well." Muling humarap si James kay Abie at sinabing "Let's go." "Yes sir. Right away sir. Whatever you say sir. I hope you choke on your coffee sir..." Narinig ni Abie na may kalakasang saad ni Francine nang nagsimula na sila ni James maglakad muli. Habang papuntang elevator, nakasalubong ang kilay ni Abie at hindi na niya napigilang ilabas ang kanyang saloobin. "James, hindi mo dapat tinatrato ang empleyado mo ng ganoon." "You mean my assistant?" "Assistant?" "Yes. That dragon lady is my assistant. Ang malas ko nga kasi siya ang ibinigay ng HR sa akin para maging sekretrya ko." "Dragon lady?" "Yun ang bansag sa kanya ng mga kalalakihan dito," sagot ni James sabay kibit-balikat. "Kung hindi siya allergic sa lalaki, mukhang gusto naman niyang kainin at ubusin ang lahi namin. Hindi naman namin alam kung bakit saksakan ng taray si dragon lady sa mga lalaki habang ubod ng bait naman sa mga babae." Bumukas ang elevator at pumasok silang dalawa. Pinindot ni James ang button papuntang basement parking. "I can't even fire her. HR people says there is no one to fill her position." "Mukha naman siyang mabait, ah," depensa ni Abie para sa kaibigan. "Mabait? She's a living nightmare! Hindi siya sumusunod sa utos. Lahat ng sasabihin ko kinokontra niya. And one time, I asked her to make a cup of coffee. And she did. Kaso nga lang ang alat ng kape! Nagdahilan siya na napagkamalan niyang asukal ang iodized salt. Paano naman mangyayari 'yon? Wala namang iodized salt sa pantry ng staff lounge!" Natawa si Abie sa kwento ni James. Francine, ano ba itong pinaggagawa mo? "Pero okay naman ba siya sa trabaho?" "She's efficient," pag-amin nito. "But I think she's trying to kill me. I think she's one of those psycho women. At sa tuwing kaming dalawa lang sa loob ng office, natatakot akong tumalikod sa kanya at baka bigla niya akong saksakin sa likod. O kaya baka bigla niyang ilabas ang chainsaw na tinatago niya sa ilalim ng mahaba niyang palda at bigla akong pagpipira-pirasohin." "Ang OA naman ng imaginations mo!" sagot ni Abie at hindi niya mapigilan ang pagtawa. "I'm just trying to make you laugh," tugon naman ni James, sabay gawad ng matamis na ngiti kay Abie. "Okay, successful ang attempt mong patawanin ako." Napasandal si James sa may salamin ng elevator at tinitigan ang kabuoan ni Abie. "You should dress like that more often." "Ha?" "I think you look good," tugon nito sabay kindat sa kanya at tamang-tama naman na bumukas na ang elevator at lumabas ito. Nakangiting umiiling si Abie at lumabas na rin ng elevator. Kaya ka tinatarayan ni Francine. Mahilig ka kasing mambola ng babae. *** Lumabas ng elevator si Lawrence nang bumukas ang pinto nito sa basement parking. Now, where will I go? Dumeretso siya sa naka-park niyang kotse at pumasok sa loob. Wala siyang ideya kung saan siya pupunta. All he knew was that he had to get away from the office --away from her. Wala naman talaga siyang ka-meeting. Nagdahilan na lamang siya kanina kay Abigail para makaalis siya sa opisina, dahil hindi niya nagustuhan ang naramdaman niya kanina. He was surprised to see her earlier. Para siyang isang magandang aparisyon na iniluwa ng pintuan. A very seductive Aphrodite --all innocence left her body. At nang naglakad ito papalapit sa kanya, hindi niya maiwasang humanga sa hubog ng katawan nito dahil sa hapit na suot. At nang yumuko ito sa harapan niya at lumantad sa harapan niya ang malulusog nitong dibdib, may naramdaman siya. He felt hard. And he wanted her. Badly. All those nights that his wife teased him on bed, wearing those flimsy clothes she used to sleep in with... God! How he wanted to take her every night. Pero pinigilan niya ang sarili. Dahil ayaw niyang matalo. Dahil ayaw niyang mahulog muli sa patibong ni Abigail. Dahil gusto niyang maging malaya. Pero kanina, muntik na siyang bumigay. At kahit nasa opisina pa sila, kung hindi niya napigilan ang sarili, baka inilabas na niya ang sexual tension na matagal nang namuo sa katawan niya at tuluyan nang tanggapin ang inaalok sa kanya ni Abigail kanina. Ngunit nang dumapo ang mga mata niya sa mapupulang labi ni Abigail na nakangiting nang-aakit, alam niyang hindi iyon ang Abigail na kilala niya at unti-unti niyang nagugustuhan. Dammit! Nahuhulog na siya kay Abigail. Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa kanya? Lahat ng katangiang gusto niya sa isang babae, nasa asawa na niya. At alam niyang nagdusa rin si Abigal dahil sa kanya, sa mga pinaggagawa niya dati. Minsan, tuwing pinagmamasdan niya ang maamong mukha nang natutulog na asawa tuwing gabi, nakakaramdam siya ng pangongonsensya. Ayaw niyang matalo. Ayaw niyang mahulog. At higit sa lahat, ayaw niyang aminin na nagkamali siya sa pagkakakilala kay Abigail. Bago pa niya napaandar ang sasakyan, biglang tumunog ang cellphone niya. Hinugot niya sa kanyang bulsa ang cellphone at sinagot ang tawag. "Yes." "Hindi ka pa rin nagbabago, kahit sa pagsagot ng telepono," sabi ng boses babae sa kabilang linya. "Get to the point." "I -I need to see you... Meet me at the coffe shop beside the hotel. Please, Law." At binaba na ng kausap niya ang telepono. Sumandal si Lawrence at kunot-noong tinitigan ang cellphone. Bakit ngayon pa? Ano kaya ang kailangan nito sa kanya? Hindi niya alam kung pupuntahan ba niya ito o hindi. Isang buntong hininga ang pinakawala niya at saka nakapagdesiyon. Dahil katabi at parte pa rin ng hotel ang coffee shop na tinutukoy ng kausap niya, bumaba ng sasakyan si Lawrence at nagpasya siyang maglakad na lamang. Lumabas siya ng building at tinungo ang lugar na sinabi sa kanya. Nang narating na niya ang lugar, pumasok siya sa loob. Tinungo niya ang mesang nasa bandang likuran at umupo sa harapan ng dating nobya. Ginawaran siya ni Vanessa ng isang maliit na ngiti. "Hello, Law. How are you?" #################################### Chapter Twenty One #################################### "Hello, Law. How are you?" tanong sa kanya ni Vanessa. Isang matalim na titig lamang ang sagot niya rito. Nawala ang ngiti sa mga labi ng babae. "I guess, galit ka pa rin sa akin? I'm sorry." Sumandal si Lawrence sa kanyang inuupuan, walang imik. "What do you want me to do Law para kausapin ako? Gusto mong sabihin ko sa 'yo na nagsisisi ako? Is that it?" Nang hindi pa rin sumasagot si Lawrence, hindi na nakapag pigil si Vanessa na taasan nito ang kanyang boses. "Why are you giving me the silent treatment!" Ang mga nasa katabing mesa ay napatingin sa gawi nila, na siya namang dahilan upang mamula ang pisngi nito dahil sa napahiya ito sa kanyang nagawa. "Please Law. Just talk to me." "How does it feel to beg? To say please?" Inilapit ni Lawrence ng bahagya ang kanyang mukha kay Vanessa. "And how does it feel to be ignored?" "I'm sorry, okay? Nagsisisi ako," sagot nito sa kanya, ang boses ay medyo nanginginig at halatang pinipigilan ang umiyak. "Leaving you was the biggest mistake I ever made. And if I could just turn back the time, I would say yes to your proposal a hundred times." Isang smirk ang ganti ni Lawrence sa dating nobya. "Bravo Vanessa. You really are a very convincing actress." "Law, I know I have hurt you in the past. And pinagsisihan ko ng husto iyon." Isang buntong-hininga ang pinakawala nito. "I was not ready for marriage when you proposed. And I wasn't really ready for any serious relationship back then." "Our relationship lasted for three years. Ibig sabihin hindi ka seryoso ng mga panahon na iyon?" sarkastikong tanong niya. "No! That is not what I mean. Ibig kong sabihin, before I left you, six months prior to that, I had realized I wanted to do so many things with my life. I wanted to focus on my career but I wanted to have fun as well." Napalunok ito bago nagpatuloy. "You were always serious, and I felt eventually you wanted to settle down and I wasn't ready for that. Then naging busy ka sa work mo. Then I met Mark, and he was a happy go lucky guy and he was fun. Akala ko... akala ko yun ang gusto ko." "You left me because you wanted to have fun." "You're missing my point!" "The point is you left me. But I have already moved on." Napasandal muli si Lawrence. "May sasabihin ka pa ba? Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko." Tinitigan siya ni Vanessa na tila bang inoobserbahan siya. "You've changed. Ever since you got married." "Yes, I've changed. And I'm a married man. Thanks to you." "I know why you married her. You wanted to hurt me. You never loved your wife. You just married her to forget me." Nagkasalubong ang kilay ni Lawrence. Oo tama siya. Iyon ang dahilan niya noong una kaya niya pinakasalan si Abigail. But now, things were starting to change... "You won, Law," dagdag pa ni Vanessa. "You have succeeded in hurting me. I want you back. I don't care if you're married. At alam kong hindi ka masaya sa asawa mo.. I knew of your... flings with other women." Inilagay nito ang kamay niya sa kamay ni Lawrence na nakapatong sa mesa. "I want to be part of your life again. I am ready now. I am willing to throw away my fame and my career just to be with you again." "Are you asking me to leave my wife for you?" "Yes," deretsang sagot nito. "Do you even love her?" Hindi naka imik si Lawrence. "I thought so." Ngumiti si Vanessa na animo'y nagtagumpay ito sa pagkumbinsi kay Lawrence. "Hindi mo kailangan sumagot ngayon. Think about it. I know you still love me." Did he still love her? Could he really leave Abigail for Vanessa. Oo, pinakasalan niya si Abigail para ipamukha sa dating nobya na bale wala lang sa kanya ang pagkalas nito sa relasyon nila. He was left bitter and jaded. Then his heart became hollow, an empty space, devoid of any emotions except hatred and anger towards her for leaving him and towards Abigail for tricking him into marriage. Pero nakaraan na iyon. Siya mismo hindi niya inaakala na kaya palang baguhin ng panahon ang pananaw niya. At kahit nakaukit na sa kanyang puso ang mapait na nakaraan, may mga bagong pangyayari ang dumating sa buhay niya na unti-unting hinihilom ang mga sugat niya. Kakayanin ba niyang iwan si Abigail? Sa ngayon, hindi pa niya alam ang kasagutan. Ngunit napagtanto niyang kaya niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili niya na malaman kung maaari ba niyang mahalin si Abigail. "I don't think I can do that now, Vanessa. I'm sorry." Akmang magsasalita pa sana si Vanessa ng may lumapit na dalawang babae at huminging magpapicture sa artistang iniidolo. Tumayo si Lawrence at iniwan ang kanyang nakaraan. Bumalik si Lawrence sa hotel at dumeretso sa palapag kung nasaan ang opisina niya, at tila may kakaiba siyang napansin sa kanyang mga empleyado. "Sir Lawrence! Sarap pala magluto ni Ma'am," saad ng nakasalubong niyang tauhan niyang lalaki. "Sir, pakisabi po kay ma'am salamat sa cheesecake," sabi naman ng isang babae na nakasalubong niya papuntang opisina. "Ay sir! Ang swerte niyo naman kay ma'am," sabi ng isang babae na umalis pa sa mesa nito para lapitan siya. Nakakunot na ang noo niya sa 'di malaman kung ano ba ang pinagsasabi ng mga tauhan niya. What the hell had happened here? Nakita ni Lawrence si Lisa na papalapit sa kanya. "Lisa, did something happened while I was gone?" "Abie brought you food, remember? May dinala rin siya for the people in this floor. You better head to the lounge. Inuubos na ni James ang cheesecake mo." Yes, he remembered. He remembered all too well. Tinungo niya ang staff lounge kung saan nakita niya si James na masayang nakikipag-usap sa mga babaeng empleyado, isang platito na may lamang cake ang nakapatong sa lamesa. Tinignan ni Lawrence ang relo niya -1:15PM ang nakasaad. Nang napansin nila si Lawrence sa may pintuan, dali-daling nagsipagtayuan ang tatlong babae at nagpaalam na babalik na sa trabaho nila. "Look what you did," saad ni James na nakaupo pa rin sa harap ng lamesa. "Nakita lang ang busangos sa mukha mo nagsipaglayasan na sila." "Oras ng trabaho James. Set an example and go back to work." "Oh c'mon. What's the use of being one of the bosses if I will not delegate the tasks to our employees?" pagmamayabang nito. "Besides, I'm not yet done eating." Dinampot nito ang tinidor at akmang hahatiin na ang cake nang inagaw ni Lawrence ang platito at umupo sa tapat nito. "Hey!" protesta ni James. "That's the last piece!" "This is mine," sagot ni Lawrence. "My wife brought it here for me." Inagaw din niya ang hawak-hawak na tinidor ni James at saka sinimulang kainin ang cake. Hindi na niya napansin pa ang makahulugang ngiti ni James. *** Alas siete na ng gabi at hindi pa umuuwi si Lawrence. Asan na kaya ito? Humiga si Abie sa kama at ipinatong ang kamay sa noo niya. Medyo mainit ang katawan niya. Masakit rin ang ulo at pangangatawan niya. Simula na kasi ng tag-ulan kaya uso na naman ang lagnat, ubo at sipon. Kaninang umaga, bago pa niya puntahan si Lawrence, masama na talaga ang pakiramdam niya. Pero nagpursigi pa rin siyang lumabas. Hindi na talaga niya kayang antayin pang dumating ang asawa kaya uminom na lang siya ng paracetamol at natulog. Nang may narinig siyang kalabog at ingay, bigla siyang napamulagat at napabalikwas. Dumapo ang paningin niya sa may wall clock. Alas-nuebe na ng umaga? Dire-diretso pala ang tulog niya. Hindi niya rin namalayang dumating si Lawrence kagabi. Wala na sa tabi niya ang asawa. Hindi pa siya nakapag handa ng pagkain. Baka nasa baba pa ito. Tatayo na sana siya nang nakaramdam siya ng pagkahilo. Umupo muna siya at hinintay tumigil ang pag-ikot ng kanyang paligid. Nang nawala na ang pagkahilo niya, tatayo sana siyang muli nang iniluwa naman ng pintuan si Lawrence. Lumabas ito mula sa banyo. Nakabihis na rin ito. "What are you doing?" tanong nito sa kanya habang inaayos ang butones sa may sleeve nito. "Aalis ka na ba? Nagbreakfast ka na? Teka, magluluto lang ako at-" Napatigil siya sa pagtayo nang naramdaman niya ang mga kamay ni Lawrence sa kanyang mga balikat na mahinang tinutulak siya pabalik sa pagkakaupo. Inangat ni Abie ang kanyang mukha at tinitigan si Lawrence. "I am not an imbecile, you know," saad pa ni Lawrence. "I know how to take care of my self." "Pero-" "No buts. Stay on bed and go back to sleep. Nilalagnat ka kagabi, 'di ba? Magpahinga ka muna." "Ha? Paano mo nalaman 'yun?" "Umuungol ka kagabi. Akala ko nananaginip ka. Nung hinawakan kita para gisingin, mainit ang mga braso mo. So I checked your temperature. Ginising kita at pinainom uli ng gamot. Nurse ka 'di ba? You know that you have to drink your medicine every six hours, right?" Umiling si Abie. "Hindi ko maalala na dumating ka at ginising ako." Nagkibit-balikat lamang si Lawrence. "Anyway, I have to go. Take care of yourself." Hinalikan nito si Abie sa noo at tumalikod at naglakad papuntang pinto. Bigla naman itong huminto at hinarap muli si Abie. "May soup diyan sa may mesa sa tabi ng kama. Nothing much. Pinainit ko lang ang canned soup." Matapos ay tuluyan na itong lumabas ng kwarto. Nakatingin pa rin si Abie sa may pinto, nakatulala. Nang narinig niya ang pagsara ng pinto sa ibaba, saka lang bumalik ang kanyang ulirat. Humiga siyang muli sa kama at dahan-dahang namuo ang ngiti sa kanyang labi. Ganoon pala magpakita ng concern si Lawrence. Ayaw ipahalata kahit halata naman. Kung pupwede lang talaga na araw-araw na lang sana siya magkasakit para araw-araw niyang makita at maramdaman na may concern din pala sa kanya ang asawa. Kung pupwede lang sana... #################################### Author's notes (Stories you might like) #################################### ★★★ Si Pinkangel ay isang anime lover. At kadalasan mga pinapanood ko yung mga may reverse-harem. Pagbigyan niyo na ako. Babae rin ako at gusto kong pinapalibutan ako ng mga nag-gwagwapuhang kalalakihan (kahit mga anime sila!). Ang tanda na ni Pinkangel anime pa rin nasa utak! Kaya may mga nabasa akong angkop sa panlasa kong mala reverse-harem. Hehehe. Subukan niyo ang mga ito: We Aren't Meant to be Friends ni AnEycee --paalala lang, pag na encounter niyo ang pangalang Ynigo, nakaukit na sa puso niya ang name ko kaya akin na po siya. LOL. My Name is Gab ni ElsaLoveMore --syempre feel na feel kong palibutan ako ng mga mala-prinsipeng boys. Obscure Existence ni tory-dim --kahit pa trouble magnet si bida, anjan sina super guy friends niya to the rescue. Subukan niyo rin ang akda ni JannaMaePH ang The Coldest. Mag-eenjoy kayo panigurado. Ayan, sana hindi nila ako patayin at binanggit ko mga akda nila. :) Pinkangel loves you all!♥ #################################### Chapter Twenty Two #################################### Tanghali na gumising si Abie. Medyo maayos na ang pakiramdam niya kaya bumangon siya ng kama at nagbanyo. Matapos ay bumaba na siya patungong kusina at naghanda ng makakain. Nang matapos siyang kumain at niligpit ang pinagkainan, pumanhik muli si Abie sa itaas sa kanilang kwarto at naupo sa kama. Nababagot siya dahil walang magawa. Alam niyang kakababa pa lang ng lagnat niya kaninang umaga at maaari itong bumalik kung hindi siya magpapahinga. Pero hindi siya sanay ng walang ginagawa at alam niyang mas lalo siyang manghihina kung buong araw siyang hihiga. Tumayo siyang muli at naisipang mag-ayos at maglinis na lamang ng kwarto. Sinimulan niyang ayusin ang kobre-kama. Pagkatapos ay isa-isa niyang inayos ang pagkakatupi ng mga damit niya sa drawer. Sa pag-aayos niya, saka lamang niya napansin ang mga nabiling lingerie na itinago pala niya sa pinaka ilalim. Ito ang mga medyo revealing na hindi pa niya kayang isuot dahil nahihiya siya. Sayang naman ang mga ito, mukhang hindi naman niya magagamit. Si Cass kasi, ang galing magsales-talk kaya napabili siya ng wala sa oras. Inilabas ni Abie ang isang teddy at tinitigan ito. Wala naman sigurong masama kung isusukat niya ito. Mag-isa lang naman siya ng kwarto. Ba't ba siya mahihiya kung mag-isa naman siya? Isa-isa niyang tinanggal ang kanyang suot na saplot at isinuot ang teddy lingerie. Humarap siya sa full-length mirror at natawa sa nakita niya. "Ang laswa! Buti na lang hindi ko naisipang isuot ito dati. At hinding-hindi ko ito isusuot sa harapan ni Law." Baka kasi maasiwa ang asawa at ito pa ang maging dahilan at iwanan siya nito. Umikot siya at sinulyapan ang likod niya. "Kakaiba talaga ang mga taste ni Cass. Ang landi talaga ni bes." Bagay naman sa kanya ang suot niya. Hapit sa katawan niya ang lacy navy blue na one piece lingerie. Sexy kung titignan. Nakakaakit. Pero hindi ganoon ang mga tipo niyang isuot. Hindi niya kaya ang ganitong ka-daring. Pero atleast, masasabi niya na kahit isang beses sa tanang buhay niya ay nasubukan niyang gumamit ng ganoong kasuotan kahit pa mag-isa lang siya at walang ibang nakakita. At dapat talaga walang ibang makakita! Nakakahiya kaya na makita ni Lawrence na ganoon ang suot niya. Baka isipin pa nito na malandi siya at- Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita niya mula sa salaman ang gulat na mukha ni Lawrence sa pintuan. Alam niyang kitang-kita ni Lawrence ang buong kabuoan niya. Ilang segundo pa ang nagdaan bago nawala sa pagkakagulat si Abie at mabilis na dinampot ang comforter sa kama upang takpan ang sarili. "Anong -anong ginagawa mo rito?" pautal-utal niyang tanong. "Ba't ang aga mo nakauwi?" Dahan-dahan pumasok sa loob si Lawrnce, ang mga titig nakadirekta kay Abie. "Umuwi ako para makita ang kalagayan mo. Why are you out of bed?" Nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya, pabulong pa nitong idinagdag, "You should be in bed." "Uhm... Pero magaling na ako... okay na ako..." "Gusto mo pa ba talaga ako ang magpahiga sa 'yo sa kama?" Hinablot nito ang kumot sa mga kamay ni Abie at itinapon ito sa may sahig. Nanlaki ang mga mata ni Abie nang unti-unting ibinaba ni Lawrence ang mukha nito, ang mga mata ay nag-aapoy. Nakaawang ang bibig ni Abie, nag-aabang... Alam niya kung ano ang kahihintungan nito. Kitang-kita sa mga mata ni Lawrenece kung ano ang susunod na mangyayari. Ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi nila. Dahan-dahang kusang pumikit ang mga mata ni Abie, at nasisinghap na niya ang mabangong hininga ni Lawrence. Naramdaman niyang dumampi ang labi nito sa kanya... at bigla namang may tumunog na telepono. "Shit," narinig niyang mura ni Lawrence. Minulat niya ang kanyang mata at nakita niyang nakalayo na sa kanya si Lawrence, hawak-hawak nito ang telepono at nakakunot ang noo habang bibabasa ang mensaheng natanggap. "I have to go. Nagpatawag ng meeting si papa." Ibinulsa nito ang cellphone at naglakad patungong pinto. "Yung lang 'yon?" Hindi namalayan ni Abie na may kalakasan pala niya nasabi iyon. Sino ba naman ang hindi madidisappoint? Pinakaba siya ng husto, pina-excite lang tapos dahil sa isang text biglang magbabago ang ihip ng hangin? Ano ba naman! Nakita niyang ngumisi si Lawrence. "Uuwi ako ng maaga mamaya." Tumalikod na ito at lumabas. Uuwi raw ito ng maaga mamaya. Parang may kalakip na pangako. Namilog ang mga mata ni Abie. Hindi kaya... ibig bang sabihin ay.. mamayang gabi ay marahil... Oh my God! Anong gagawin niya? *** "Gaga. Ano feeling mo birhen ka pa? Huwag kang OA diyan Abigail. Maghulos-dili ka nga at pati ako natataranta sa 'yo," saad ni Francine mula sa kabilang linya. Pagkaalis ni Lawrence, tinawagan agad ni Abie ang kaibigan. Nasa trabaho ang bestfriend niya ngayon, at kahit pa mukhang abala si Francie sa pagtype dahil sa click ng mga keyboards na naririnig niya sa background, wala pa ring preno ang bibig nito na pagalitan si Abie. "Ikaw, ginusto mo yan 'di ba? Tapos ngayon tatawagan moko para abalahin sa trabaho ko at ang sasabihin mo lang pala ay 'Francine, ano na gagawin ko?'. Hoy Abie, married woman ka na at talagang may mangyayari sa inyo. And besides, 'yun naman ang matagal mo ng gusto 'di ba? O baka naman nagbaback-out ka na?" "Ang haba naman ng sinabi mo." Umupo si Abie sa sofa at inilipat sa kabilang tenga ang cellphone niya. "Syempre hindi ako magbaback-out. Nagkwekwento lang naman ako. Alam mo na, verbalizing my anxiety." "Hay, ayan ka na naman sa psychological rationalization chu-chu mo. 'Wag moko idamay sa pagiging loka-loka mo. Tigilan mo na ang psychology. At itigil mo na ang pagiging praning. Bakit ka ba kabado ha? Parang first time mo 'te." "Francine naman, eh. Masyado mo na ako binubully niyan." Pero kahit ganoon pa magsalita ang kaibigan niya, sanay na rin si Abie sa matalas nitong pananalita minsan. "Ano lang, ang iniisip ko ay paano kung hindi ko siya nasatisfy? Paano kung hindi ko siya napaligaya? Paano kung bigla siyang naghanap ng iba?" "Ay wala na. Nasiraan ka na ng bait. Puro ka 'paano-paano'. Simple lang 'yan, eh; he makes a move, you make a move, there will be fireworks, tapos! Besides, Abie, ba't mo ba iniisip ang mga ganyan? As if napaka importante na maligaya si Lawrence. Eh, paano naman kaligayahan mo? May sarili kang buhay at hindi ito umiikot sa asawa mo. Akala ko ba natuto ka na? Ba't parang nagkarelapse ka? Mas lalo ka atang lumala, eh." Mas lumala nga ba siya? Hindi niya minsan naiintindihan ang sarili. At mas lalong hindi niya naiintindihan si Lawrence. Minsan galit sa kanya na tila bang kinasusuklaman pa rin siya nito. Minsan naman nagpapakita ito ng concern sa kanya. Minsan pakiramdam ni Abie lumalayo ang loob ni Lawrence sa kanya, tapos minsan lalapitan siya nito at si Lawrence pa ang gumagawa ng paraan para kausapin siya kapag hindi siya umiimik. Isang minuto, tatapunan siya ng matatalim na titig. Makaraan ng ilang segundo, tititigan siya nito na animo'y may kalakip na pagmamahal, paghanga, at kung minsan pagnanasa. Kaya hindi maintindihan ni Abie kung ano ba talaga ang nasa isip at nararamdaman ni Lawrence para sa kanya. Hindi kaya naguguluhan si Lawrence sa nararamdaman nito? O kaya pinipigilan ni Lawrence ang kung ano man ang namumuo sa puso nito? Hindi alam ni Abie ang kasagutan, bagkus nagugulhuhan din siya kung papaano basahin ang mga kilos ni Lawrence. "Hello Abie? Andiyan ka pa ba?" sabi ni Francine na pumutol sa malalim na pag-iisip ni Abie. "Oo, andito pa. Sa tingin mo ba nahuhulog na si Law? Sa tingin mo ba'y mapagtatagumpayan ko yung deal namin?" "Ewan ko ba kung bakit may padeal-deal pa kayo. Basta, know when to give up and when to stop. Hindi lahat ng bagay sa buhay ay sasang-ayon sa kung ano ang gusto mo. Sa ngayon, libangin mo ang sarili mo. Lumabas ka kaya ng lungga mo o 'di kaya ay magbasa ka ng libro. Para naman ma-divert ang atensyon mo at hindi kung anu-ano ang naiisip mo." "Talagang lungga, bes? O sige at-" Naputol ang pagsasalita ni Abie nang marinig niya sa background ni Francine ang boses ng lalaking sumisigaw. "Lintik talaga 'tong boss ko, o. Alam mo isang araw, lalagyan ko talaga ng lason iyang kape niya para mabawasan ang salot sa lipunan. O siya, ibababa ko na ang telepono at tatapusin ko na muna ito." Bago pa nakapagsalita si Abie, ibinaba na ni Francine ang telepono. Hanggang ngayon, ayaw pa rin sabihin sa kanya ng kaibigan kung bakit ganoon ang ayos nito noong huling punta niya sa opisina. Ang sagot lamang ng kaibigan niya ay required daw ito na ganoon ang kasuotan nito. Maliban sa sagot na iyon, tikom-bibig na si Francine. Ipinatong na lamang ni Abie ang cellphone niya sa may coffee table at nahiga sa sofa. Minsan nga nababagot na siya. Matagal na rin siyang tumigil sa pagtatrabaho. Balak niyang bumalik sa pagiging nurse at mag-apply sa ospital, ngunit hindi pa siya nakakapagpaalam kay Lawrence. Papayag kaya iyon? Pero wala naman magagawa si Lawrence kung gusto talaga niya magtrabaho. Propesyon niya iyon, at tulad nga nang sinabi ni Francine, ang buhay niya ay hindi umiikot kay Lawrence. Kahit pa mahal niya ito, dapat magtira pa rin siya ng kaunti para sa sarili. #################################### Author's Notes #################################### Hello! Kamusta? Nais ko lang po kayong pasalamatan sa pagbasa at pagboto ng akda kong ito. Natutuwa ako kasi binabasa niyo ang the Love Deal, na-eentertain ko kayo at the same time natututo akong magsulat sa Filipino. Ang saya lang! Natutuwa ako. HEHEHE. Magbaback read pala ako para i-edit ang mga typos. Ambisyosa kasi si Pinkangel at sinabak ang istoryang ito sa wattys2014. HAHAHA. Alam ko hindi ako mananalo dun; pero nais kong bigyan ng pagkakataon ang istorya ko (kahit isa lang sa kanila) na makaranas malagyan ng hashtag wattys2014. LOL. Ikaw rin, if may akda ka, lagyan mo rin ng tag na wattys2014. Sabay natin salakayin ang mundo ng wattys2014! LOL. Muchisimas Gracias! Pinkangel #################################### Chapter Twenty Three #################################### Nanatiling nakatayo si Lawrence sa tapat ng pinto ng kanyang unit. Nag-iisip. Kung hindi lang talaga niya kailangang umalis kanina... Papaano kaya niya madadatnan si Abigail? Masusurpresa kaya siya tulad ng nakita niya kaninang tanghali? Napailing siya habang nakangiti, ang gulat na mukha ni Abigail ang tumambad sa kanyang isipan. My wife is really full of surprises, sa isip-isip niya. Nang binuksan niya ang pinto, ang nakita niya ay ang hindi niya inaasahan. He was half expecting for Abigail to be waiting patiently for him in their bed, wearing that sexy blue lingerie while biting her lower lip and shyly looking at him from under her lashes. Pero nadatnan niyang kumportableng nakaupo sa sofa ang asawa, ang mga binti ay nakapatong pa sa mahabong kutson ng inuupuan nito, habang hawak-hawak ang isang libro. Taimtim itong nagbabasa, at dahil tutok na tutok ito sa kung ano man ang binabasa, hindi nito namalayan ang pagpasok ni Lawrence sa loob. Naglakad siya papuntang kusina. Hindi rin ito napansin ng asawa. Binuksan niya ang ref, kumuha ng tubig at may kalakasang isinara ang pinto ng ref. Sumilip siya sa may sala, hindi man lang gumalaw sa inuupuan si Abigail. Ano ba ang meron sa binabasa nito at hindi man lang magawang ilayo nito ang mga mata mula sa libro? Huminga ng malalim si Lawrence at pinilit kontrolin ang sarili na hindi mairita. Kaagaw niya ngayon ang atensyon ni Abigail sa isang libro? Kung dati-rati'y nasasakal siya sa sobrang atensyon na binibigay nito para sa kanya, bakit ngayon ay hinahanp-hanap naman niya? Umakyat siya papuntang kwarto at nagbihis. Maya-maya ay bumaba siya bitbit ang laptop. Dumiretso siya sa sala at umupo sa sofa na nasa tapat ni Abigail, ang laptop ay ipinatong niya sa kanyang kandungan. "Ehem." Sinubukan pa niyang kunin ang atensyon ni Abigail. Wala pa rin itong imik. Ano ba talaga ang meron sa lintik na librong iyan! Sumandal siya sa backrest ng sofa, at saka lamang inilayo ni Abigail ang mga mata sa binabasa. May itinanggal ito na kung ano man sa tainga. Nakaearphones pala ito. Hindi niya napansin dahil natakpan ito ng buhok. "Andiyan ka na pala," bati nito sa kanya. "Kanina ka pa ba?" "Yes," maikili niyang sagot. "Kumain ka na ba?" Isang iling lamang ang sagot niya. "Ah. Eh, anong gusto mong kainin?" Ikaw. "Not hungry." Nagkibit-balikat lamang ito. "Sorry, 'di ko namalayan ang oras, eh, kaya hindi pa ako nakakapagluto. Pero since hindi ka naman nagugutom..." Sasagot pa sana si Lawrence ngunit ibinalik ni Abigail ang kanyang atensyon sa librong binabasa. Kumunot ang noo niya. Ano ba ang meron sa librong iyan at ninakaw ang atensyon ni Abigail na dapat ay para sa kanya? Argh! Bakit ganito siya kung mag-isip ngayon? Wala siyang pakialam kung ubusin ng asawa ang oras nito sa pagbabasa ng... ng... Tumaas ang isang dulo ng kanyang labi nang napansin niya ang larawan sa harapan ng libro. Ngumisi pa siyang lalo ng nabatid niya ang tema ng binabasang libro ni Abigail. Binuksan niya ang kanyang laptop, ngunit pasimple niyang inoobserbahan si Abigail. Narinig niya ang biglang paghingal nito, sabay kagat ng labi. Namilog ang mga mata nito, na tila ba hindi makapaniwala o tuluyang nadala sa kwentong binabasa. Bigla naman itong napahagikgik na parang kinikilig ito. Hindi na napigilan ni Lawrence ang sarili. Kaya nilapag niya ang laptop sa tabi at lumapit sa likod ni Abigail, kung saan naman nakasandal ito sa armrest ng sofa. Ipinatong ni Lawrence ang isang kamay sa sandalan ng sofa habang ang kabilang kamay naman niya ay itinanggal ang isang earphone na nakasaksak sa tainga nito. Nagulat ang asawa sa ginawa ni Lawrence. Inilapit naman niya ang mukha sa libreng tainga nito. "What are you reading that is so entertaining, it made you ignore me all evening?" Dali-daling isinara ni Abigail ang libro at pilit na tinakpan ang cover gamit ang kamay nito. Sa mga kilos nito, para itong isang bata na nakagawa ng kasalanan at kinakabahan na baka mahuli. "Uhm, wala naman. Horror novel." A book cover with a male and female, almost naked, engaged in a torrid kiss while locked in each others arms was definitely not a horror novel. "Right." Inilapit pa niya ng husto ang mukha nito kay Abigail, at ginulat pa niyang lalo ang asawa nang inagaw niya ang libro mula sa pagkakahawak nito. Pilit na inagaw pabalik ni Abigail ang libro mula sa kanya, ngunit itinaas niya ang kamay na hawak-hawak ang libro sa layo na hindi kayang abutin nito. "Law, akin na 'yan!" Humakbang patalikod si Lawrence, habang nakangisi kay Abigail na ngayo'y nakatayo na at nakaharap sa kanya. "Not until I get to read the synopsis. Mahilig din ako sa horror novels." Ibinaligtad niya ang hawak na libro upang makita nang husto ang cover. Ngumiti siya ng nakakaloko at ipinakita sa asawa ang front cover. "Ganito na pala ngayon ang mga horror novels?" Namula ang mga pisngi ni Abigail at bigla nitong inagaw ang libro sa kanya. "Eh, sa gusto ko itong basahin." Sumimangot ito sa kanya. "Ba't ka nang-iinis?" Si Abigail naiinis sa kanya? Now that was a first. He gave her a smirk. Humakbang siya palapit kay Abigail, inagaw muli ang libro at itinapon ito sa mesa, ang mga mata ay nakatuon pa rin sa asawa. "Nagtatampo ako." Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito. "Nagtatampo? Bakit?" "Your attention used to be mine. But now, you ignored me the whole time. Poor little Lawrence, neglected and ignored by his wife." Isang hagikgik ang sagot sa kanya ni Abigail. "Hindi bagay sa 'yo ang mag self-pity." "Hindi ba? I thought I was convincing enough." Lumapit pa siya ng isang hakbang. "I took care of you last night when you were sick. Don't I get a reward for what I did?" "Hmm... Anong gusto mo?" "I'm hungry." "Law, sabi mo kanina hindi ka nagugutom. Ano ba talaga?" "Bigla akong nagutom." Bumaba ang mga mata niya at ngayo'y nakatitig sa mga labi ni Abigail. "I want to taste something sweet..." "Matamis? Teka, may cake pa ata sa ref." Akmang tatalikod na sana si Abigail nang hinawakan niya ito sa may braso upang pigilan itong umalis. "Law, ikukuha lang kita ng cake." "I wasn't talking about eating cake, Abie." "Eh, ano ang gusto mo?" "You." "Law..." "Why do you settle for a book to indulge in fantasies when I can give you the real thing?" "Ano--" Hindi na niya hinayaang magsalita si Abigail dahil sinakop na niya ang bibig nito at sinimulang halikan. Nang naramdaman niyang hindi tinutugon nito ang halik niya, bahagya niyang inilayo ang kanyang mga labi. "Don't deny me this one, Abie. I need this. We both need this." At muli niyang sinimulang halikan ito. Unti-unti naman gumapang ang mga kamay ni Abigail sa mga braso niya hanggang sa naramdaman niyang nakapalupot na ito sa leeg niya. He could feel her melting in his arms. So he wrapped his arms around her waist to keep her from slipping away from him. He would not let her go. Never... Maliliit na halik noong una, hanggang sa naging mapusok ito. Malalim. Sinabayan siya ni Abigail. Naglakbay ang isang kamay niya sa laylayan ng blusa ni Abigail, ipinasok ito sa ilalim hanggang ang malambot at makinis na balat ng asawa ang sumalobong sa kanyang palad. Hindi na niya mapigilan ang sarili. Marahan niyang itinulak patalikod si Abigail, hanggang sa tuluyan itong nahiga sa sofa at pumaibabaw siya sa asawa. Matagal niyang hindi pinagbigyan ang sarili. All those nights he had seen her on bed, he wanted to grab her and make love to her all night. It took every ounce of effort he had before not to take his wife, not to give in to his weakness. He was afraid, though he would never admit that even to himself. Natatakot siyang mahulog at umasa. Natatakot siyang magmahal muli. Pero ngayon, handa na siyang bigyan iyon ng isa pang pagkakataon. Panahon lang pala ang kasagutan. Panahon lang pala ang makakapagpabago sa kanya. Tamang panahon at isang asawang nagtiyagang maghintay at hindi sumuko sa kanya. "I need you, Abie," bulong niya. Isang tango lamang mula kay Abigail ang kanyang kailangan, at tinulungan niya ito na maitanggal ang saplot nito. Tumayo siya sa pagkakapatong kay Abigail at tinitigan ang kabuoan nito. Nakaramdam ata ng pagkahiya si Abigail dahil bigla nitong tinakpan ang kanyang hubad na katawan gamit ang mga kamay. "Don't," mahinang utos ni Lawrence. "You're beautiful." *** You're beautiful. Narinig ni Abie na wika ni Lawrence. At ngayon, ang mga katagang iyon ay para sa kanya na ngayon. Hindi tulad noong una, isang taon na ang nakakaraan.. Nakita niyang mabilis na itinanggal ni Lawrence ang kasuotan nito at matapos ay pumaibabaw muli sa kanya. Sinimulan siyang nitong halikan sa labi, hanggang sa dahan-dahan itong maglakbay patungong leeg niya. Parang may masarap na kuryentong dumadaloy sa kanyang katawan habang patuloy sa paghalik si Lawrence, ang mga kamay nito ay hinihimas ang bawat kurba ng katawan niya hanggang sa narating nito ang kanyang dibdib. Napaungol siya nang naramdaman niya ang kamay nito na humahaplos at pumipisil sa kanyang dibdib ay napalitan ng mga labi nito. Ang sarap na bumabalot sa kanyang katawan.. Ang kamay ni Lawrence na humahaplos sa kanyang katawan.. Ang mga labi nito na sumasamba sa kanyang dibdib.. Lahat ito ay para sa kanya lamang. Kaya naman ay hindi mahirap para sa kanya ang isuko ang puso at diwa. Naramdaman niyang sinimulan na ni Lawrence ang pagpasok sa kanya. At sa bawat galaw nito, dama niya ang umaalab na matinding emosyon. Dama niya ang pag-asa. Ang pagmamahal. Gusto niyang ipikit ang mga mata, upang mas lalo pa niyang maramdaman ang kakaibang sarap at ligaya na ngayo'y sumakop sa buo niyang katawan. Ngunit mas nananaig ang kagustuhan niyang makita ang mga mata ni Lawrence na nakatitig sa kanyang mukha. Ramdam niyang malapit na niyang marating ang dulo. Pakiramdam niya ay para siyang sasabog sa mailyong-milyong pira-piraso dahil sa tindi ng emosyong nararamdaman. Sabay nila ni Lawrence tinahak at narating ang rurok, at hingal na hingal na bumagsak ang katawan nito sa kanya. Ang malakas na pagtibok ng puso niya ay ang nag-udyok kay Abie na sambitin ang salitang matagal na niyang ibinibigkas kay Lawrence; ang salitang ayaw tanggapin noong una ng asawa ang tinatawag nitong isang kasinungalingan. "I love you, Law." Isang mahabang segundo ang lumipas. Narinig niya ang pagwaksi ng paghingal ni Lawrence. Naramdaman niyang inangat nito ang katawan ng bahagya at tinitigan siya nito sa mukha. Ang akala niya ay magagalit ito, tulad noong mga nakaraan na nasambit niya ang mga katagang iyon. Ngunit ngayon, wala sa mga mata nito ang galit o panibugho. "I know," maikling sagot ni Lawrence. Hindi man nito sinagot na mahal din siya nito, ang tugon sa kanya ni Lawrence ay sapat na upang magsimulang dumaloy ang kanyang luha, luha ng kaligayahan. Ibig sabihin ay naniniwala na si Lawrence sa kanya na hindi niya ito pinikot at pinakasalan dahil sa pera tulad ng naunang opinyon nito sa kanya. Naniniwala na ito na totoo ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa asawa. At alam niyang tanggap na nito ang pagmamahal niya. #################################### Chapter Twenty Four #################################### Ang sarap ng pakiramdam ni Abie nang gumising siya ng umagang iyon. Inunat niya ang kanyang mga braso at saka lang niya napansin na gising na pala si Lawrence. Nakahiga pa rin ito sa tabi niya nang patagilid, bahagyang nakaangat ang katawan nito na sinusuportahan ng isang sikong nakapatong sa kama. Pinagmamasdan nito ang mukha niya habang hinahawi ang mga hibla ng kanyang buhok. "Kanina ka pa ba gising?" tanong ni Abie. "Yes," maikling sagot nito habang patuloy pa rin sa ginagawang paghaplos sa kanyang buhok. "Bakit hindi mo 'ko ginising?" "I always liked watching you sleep." "Always? As in ginagawa mo ito dati?" Isang nakakalokong ngiti lamang ang sagot nito sa kanya. Matapos ng kanilang pagtatalik kagabi, matagal silang nanatiling nakahiga sa sofa -si Abie nasa ibabaw naman ni Lawrence habang yakap-yakap siya nito. Mag-aalas dose na nang umakyat sila papuntang kuwarto kung saan naulit muli ang kanilang pag-iisa. Tinitigan niya si Lawrence at nginitian ito. Ang sarap palang gumising kung ang sasalubong sa kanya sa umaga ay ang mga ngiti ng asawa. "Breakfast?" tanong niya rito kung nagugutom na ba ito upang makapagluto na siya. "Alam mo talaga kung ano ang gusto ko," tugon nito at biglang pumaibabaw kay Abie at ginawaran ito ng mga maliliit na halik sa leeg. Humagikgik naman si Abie dahil nakikiliti siya. "Hindi naman ganyang breakfast ang tinutukoy ko!" Inilayo ni Lawrence ang mukha nito sa kanya at nag-pout. Tumawa ng malakas si Abie. Ngayon lang kasi niya nakita ang ganitong side ng personality ni Lawrence. "Hindi talaga sa 'yo bagay ang mag-pout at magmukhang kawawa!" sabi niya habang sige pa rin sa pagtawa. "Seryoso, magluluto na ako ng breakfast. At baka male-late ka sa trabaho mo." "I'm the boss, love. I practically own the company. I can ditch work anytime I want to." "Lolo mo ang may-ari ng kumpanya niyo. At tsaka, andiyan ang mga share holders." "It will be mine eventually. Actually, may karibal ako sa mamanahin ko. Kaya nag-iisip na ako ng plano paano mawala si James sa landas ko." "Ang sama mo! Hindi naman nakikipag-agawan si James sa mamanahin mo." "Hmm... I don't like it that you are defending him. I like it even less that we are talking about him right now." "Ikaw kaya ang unang bumanggit sa pangalan niya. Bakit, nagseselos ka?" "What if I am?" Paano kung nagseselos ito? Ano ang dahilan naman nito para magselos? Pero ang malaking katanungan para kay Abie ay kung ano ang nangyari at biglang nagbago ng husto ang pakikitingo sa kanya ng asawa? Nabagok ba ang ulo nito at natauhan? O 'di kaya ay nakaramdam ito ng pananakit ng ulo, kumonsulta sa doktor nito at sinabihang may malalang sakit ito kaya bumait? Kung anu-ano na ang naiisip niya. Ngunit hindi na mahalaga kung ano pa ang naging dahilan ni Lawrence. Ang importante ay unti-unti nang tinanggap ni Lawrence ang pagmamahal niya para rito. At unti-unti na rin siyang tinatanggap sa puso nito. "Tell you what," biglang salita ni Lawrence. "Why don't you stay here on bed and let me make breakfast. Then we can have breakfast in bed." "Marunong ka ba?" "How hard can frying an egg be?" Hinalikan muna nito si Abie bago lumabas ng kwarto. Hindi niya mapigilan ang ngumiti. Sobra ang kaligayahang nadarama niya. At mukhang napagtagumpayan niya ang deal nila ni Lawrence kahit pa isa at kalahating buwan pa lamang. Ang tunog ng ringtone ng cellphone ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyang panahon. At sa linaw ng tunog nito ay alam niyang malapit lang ito sa kanya. Nakapa niya sa ilalim ng unan ang isang iphone. Kay Lawrence iyon. At kahit pa wala siyang intensyon na makita ang mensahe at ang pangalan ng sender, lantad na lantad pa rin ang mga ito sa screen. Galing sa isang nagngangalang Vanessa. At kahit hindi buo ang mensahe sa screen, parang may namumuong ideya si Abie kung patungkol ang mensaheng iyon. Tinitigan niya muna ang screen. Natutukso siyang basahin ito. Ngunit kapag ginawa niya iyon, baka sasabihin ni Lawrence na nakikialam siya. Pero kung wala naman itong itinatagong lihim sa kanya, ba't naman magagalit si Lawrence? Nagpadala siya sa tukso at huli na rin para magdalawang-isip pa dahil na-swipe na niya ang lockscreen. Wala itong passcode. Ang isang maliit na parte ng kanyang utak ay sinasabihan siyang "wala itong passcode, ibig sabihin wala itong itinatago," ngunit iba ang nararamdaman niya. Ang female intuition naman niya ay nagsasabing meron. Kaya naman mas pinakinggan niya ang intuition niya at binasa ang message. "Law, meet me this afternoon. 5PM. Same place. I miss you." Same place? Ibig sabihin hindi ito ang unang pagkikita nila? Nireplayan niya ang mensahe. "Exactly where?" "At the coffee shop just outside the hotel. Have you forgotten?" At sa public place pa sila nagkita! Kung dati-rati'y inggit ang nararamdaman niya para dito kay Vanessa, sa unang pagkakataon ay galit, pagkainis at matinding selos ang bumalot sa puso niya. Hindi siya ganoon dati. Hindi siya marunong magkimkim ng galit kahit kanino man. Ngayon pa talaga eeksena ang nakaraan nito, matapos niya gawin ang lahat para makalimutan ito ni Lawrence? Dala ng matinding emosyon, hindi na nagdalawang-isip si Abie na replayan ang text ng "ok" at binura ang buong thread ng mensahe. Unang text pa lang naman iyon galing kay Vanessa, kaya natitiyak ni Abie na hindi mapapansin ni Lawrence na may deleted message ito sa inbox. O baka naman sinadyang i-delete ni Lawrence ang mga naunang text para walang ebidensya? Narinig niya ang mga yabag ng papaakyat na si Lawrence kaya ay dali-dali niyang inilagay ang cellphone sa dati nitong taguan. Pinilit niyang ngumiti kahit pa nanggagalaiti siya sa galit. Hindi nga lang niya matukoy kung ang galit na ito ay para kay Lawrence o Vanessa. *** Eksantong alas-singko ng hapon ay narating niya ang lugar kung saan naghihintay ang dating nobya ng kanyang asawa. Nakaupo ito sa likuran. Nilapitan niya ito at umupo sa harapan nito. Nang inangat nito ang ulo, bakas sa mukha nito ang pagkagulat dahil siya ang nakita nitong nakaupo at hindi si Lawrence. "You're Law's wife," sabi nito. "I was not expecting to see you here." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Alam kong nagtext ka sa kanya para makipagkita sa 'yo rito. Hindi siya makakapunta." "And he sent you here as a proxy?" Umiling si Abie. "Hindi. Hindi niya alam ang tungkol sa mensahe mo." "Then why are you here? No, wait, let me guess. You are here to tell me to leave your husband alone? That he is happy with you?" "Oo, 'yan ang mga gusto kong sabihin sa 'yo. Lubayan mo na ang asawa ko. Nakapagmove-on na siya. Huwag mo ng guluhin ang buhay namin." Tinaasan siya ng kilay ni Vanessa. "And you think ako ang kontrabida dito? You were the one who stole him from me." Kumunot ang noo ni Abie. Papaanong siya pa ang nang-agaw? "Hindi ko siya inagaw. Iniwan mo siya. May nangyari sa amin, pinanagutan niya ako." Biglang tumawa ito ng pagak. "Pinanagutan? As far as I know walang nagbunga sa isang gabi ng pagsasama niyo." Ngumisi ito nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Abie. "Yes. I am aware of things that has been going on between the two of you. I also knew that he never loved you. Ang mama na niya mismo ang nagsabi. And she doesn't like you either." "Matututunan din niya akong mahalin." Naniniwala si Abie na mangyayari iyon. Ramdam niya ito. "Kailan? Bukas? Sa makalawa? Sa susunod na taon? Gusto mo ba talaga na habambuhay kang umaasa sa isang bagay na hindi naman mangayayri? Face it, he was just using you to get over me. Panakip-butas. A rebound. You were just a tool he used, and he can easily discard you. Now that I'm finally back, he has no reason to keep you." "Ano ba ang rason at ginagawa mo ito? Ikaw ang nang-iwan sa kanya. Hindi mo ba alam ang pinagdaanan niya noong hiniwalayan mo siya? Halos hindi makabangon sa kalasingan si Lawrence. Napabayaan niya ang sarili niya sa tindi ng depresyong naramdaman nang dahil sa 'yo. Naging miserable ang buhay niya noong mga panahong iyon." Huminga ng malalim si Abie bago nagpatuloy. "Tinulungan ko siyang makalimutan ka. Ginawa ko ang lahat para tanggapin niya ako sa buhay niya. Okay na siya. Okay na kami. Tapos bigla kang babalik nang ganoon na lang?" "You really don't understand anything, do you? Alam ko kung ano ang pinagdaanan ni Law. I also knew he never loved you." "Anong ibig mong sabihin?" "Look, wala akong intensyon na guluhin pa sana ang buhay niyo. I felt devastated afterwards when I left him. Then I realized na mahal ko pa pala siya, but I was too late dahil naikasal na pala siya sa 'yo. But then just recently his mother told me how miserable Law's life was since he was married. And nasasaktan ako dahil hindi masaya si Law sa buhay niya ngayon. And maybe, it was my fault that his life turned out to be that way. But I am here now. Handa akong ituwid ang pagkakamaling nagawa ko." Kasinungalingan! Gusto niyang sigawan si Vanessa. Hindi totoo ang mga sinasabi nito! Oo, hindi naging masaya ang mga naunang buwan ng pagsasama nila ni Lawrence. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Nagbago na si Lawrence. Hindi na ito tulad dati. "Nagsisimula na kami uli ni Law," giit ni Abie. "Sinusubakan na ni Law na-" "Iyon na nga. Sinusubukan. Sinusubakan lang ni Law. Pinipilit lang niya ang sarili. Natitiyak mo ba na masaya siya sa ginagawa niya? Gaano ka ba kasigurado na ang puno't dulo ng lahat ng ginagawa niyong subok ay aayon sa gusto mo? A trial and error? You don't know him like the way I do. Eventually, he will give up on you. Why are you prolonging his agony? Ba't mo pipinipilit ang sarili mo sa kanya?" "Hindi ko pinipilit." Hindi nga ba? "Why are you doing this?" tanong nito sa kanya. Ba't nga ba niya ginagawa ang lahat ng ito? Simple lang. "Dahil mahal ko siya." Umiling ito sa kanya. "You are not only hurting Law by denying him of true love, you are also hurting yourself. Kung mahal mo siya, kung totoong mahal mo nga, hindi mo ipagkakait sa kanya ang totoong kaligayan at pagmamahal. Sa bandang huli, pareho lang kayong masasaktan." Tinitigan siya nito sa mga mata. "Habang maaga pa, palayain mo na siya." Palayain? Bakit niya gagawin iyon? Masaya na siya sa nakikita niyang unti-unting pagbabago ni Lawrence. Ngunit, may katotohanan ba ang sinasabi ni Vanessa? Na pinipilit lang ng asawa ang sarili? Na sa 'di kalaunan ay magsasawa rin ito? Na sa bandang huli ay si Lawrence na ang aayaw at itataboy siya? "Law still loves me, you know," sambit ni Vanessa. Hindi totoo 'yan! "Papaano mo nasabi 'yan? Kung mahal ka pa rin niya, sana matagal na niya akong iniwan..." Hindi pa siya iniiwan nito dahil may kasunduan silang three months, alam niya iyon. Pero hindi maaaring nakatali pa rin ito sa kanyang nakaraan... "Did he ever tell you that he loves you?" Nang hindi makasagot si Abie, ngumisi si Vanessa. "I thought so. That's because I still occupied his heart. And there is no room for you there. I admit, I asked him to leave you for me. He said he can't do it... now. Do you know what he meant by that? He can't leave you just yet, but he will one day." Bakit tila naguguluhan siya? Oo, hindi pa nga siya sinasabihan ni Lawrence na mahal siya nito. Pero... pero... Kaunting panahon pa ang kailangan ni Law. Iiwanan din ba siya ni Lawrence balang araw? Hanggang kailan ka maghihintay? Hanggang sa matutunan siyang mahalin ni Lawrence. Kailan ka niya matututunang mahalin? Hindi niya alam. Nagtatalo na naman ang utak at puso niya. Ang utak niya sinasabihan siyang huwag hayaang masaktan ang puso. Ang puso naman niya ay nagsasabing kaya nitong tanggapin ang sakit. Alin ang paniniwalaan niya? Ang utak o ang puso? Mas mananaig ba ang mga salitang binitawan ni Vanessa o ang mga pinapahiwatig ng mga kilos ni Lawrence. Tumayo siya mula sa inuupunan. "Aalis na ako." "Think about what I said." Isang tango ang ibinigay niya. Subalit ang totoo, hindi na niya kailangan pang mag-isip pa dahil nakapag desisyon na siya. #################################### Chapter Twenty Five #################################### "What are you doing here?" Nagtataka si Lawrence kung bakit siya pinuntahan ni Vanessa dito sa opisina. Akala niya ay malinaw na sa kanila ang lahat. "I was just around the corner and I decided to drop by," nakangiting sagot nito. "Ikaw naman, hindi ka pa sanay sa akin." "Aren't you supposed to be busy with whatever actresses do?" sarkastiko niyang tanong. Lumapit ito sa kanya at umupo sa isang upuan sa tapat ng kanyang mesa. "My schedule is not full today. Wanna grab lunch?" "Vane-" "Oh c'mon Law, for old time's sake. It's not even a date." "You know I can't. Busy ako sa trabaho." Itinuon niyang muli ang atensyon sa binabasa niyang mga papel. "I spoke with your wife yesterday." Napatigil sa pagbabasa si Lawrence. Binaling niya muli ang paningin sa bisita. "What did you just say?" "Ang sabi ko nakausap ko ang asawa mo kahapon. I wasn't expecting to see her actually. I sent you a text yesterday to meet with me. Pero siya ang dumating instead of you." "What did you talk about?" "I told her the truth." Napakunot ang noo niya. "And what exactly is that truth you are talking about?" "Na mahal mo pa rin ako." Bumuntong hininga na lamang siya. "Vanessa, ba't kailangan mo pa sabihin 'yan sa kanya? Hindi na natin pwede pang ibalik kung ano man ang mayroon sa atin dati. May mga bagay na mas mabuting iwan na lamang sa nakaraan." Sa ekspresyon nito sa mukha, batid ni Lawrence na hindi basta-basta matatanggap ni Vanessa ang mga sinabi niya. "Pero Law, you can't just throw away love. You used to love me!" "'Yun na nga. I used to. Not anymore." Tumayo siya sa inuupuan at nilapitan si Vanessa. "I had loved you. But that was in the past. Paumanhin kung hindi mo inaasahan ang sasagutin ko. Pero wala na talaga akong nararamdaman para sa 'yo." Galit na napatayo si Vanessa. "How dare you! After all the times we've been through together? Tatlong taon naging tayo! Tapos dahil lang sa isang gabi ninyo ng... ng babaeng 'yon, basta-basta mo na lang itatapon ang namagitan sa atin?" "Sana noon mo pa naisip 'yan. You were the one who threw everything we had. Not me. You broke my heart and threw it away. But my wife was the one who gathered the pieces of whatever she could pick and put it back together." Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "If you ask me again to leave her for you, this will be my answer: I cannot leave her." "You don't even love her." Napaisip si Lawrence. Hindi nga ba? Madali lamang magsinungaling. Nungit mas madali para sa kanya ang aminin ang katotohanan. "Who says I don't?" Bakas sa mukha ni Vanessa ang pagkagulat. "What did you say?" Siya mismo nagulat din sa isinagot kay Vanessa. Hindi siya makapaniwala sa mga nasabi. Ngunit malinaw na ang lahat para sa kanya. "Mahal ko siya," tugon niya. "Mahal ko na siya." Bigla siyang napangiti sa kanyang napagtanto. Ito pala ang matagal na niyang nararamdaman kay Abigail na pilit niyang itinatanggi sa sarili. "You're just saying that to hurt me!" "No, Vanessa. I'm saying it because it's the truth." Naningkit ang mga mata ni Vanessa dahil sa matinding galit dahil sa napahiya ito. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Lawrence. "Pagsisisihan mo ito! Hindi lang ako ang mawawala sa 'yo, pati ang asawa mo!" sigaw ni Vanessa sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" "Sanabi ko na sa 'yo 'di ba? Nag-usap kami ng asawa mo. I helped her realized her foolishness for being with you. I wouldn't be surprised now kung hindi mo na siya maabutan sa bahay niyo ngayon." Nginitian siya nito bago lumabas ng opisina. No. His wife wouldn't leave him, would she? Lumapit siya sa desk at kinuha ang cellphone na nakapatong dito. Tinawagan niya si Abigail, ngunit nakakailang ring na ay hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Biglang nakaramdam ng pangamba si Lawrence. No, it can't be. Ibinulsa niya ang telepono at ang susi ng kotse at nagmamadaling lumabas ng opisina. Hindi na niya pinansin si Lisa na sinusubukan siyang pigilan na sumakay ng elevator. "Law! May board meeting pa kayo in ten minutes!" Kung may iba pang sinasabi si Lisa ay hindi na niya iyon narinig pa dahil nagsara na ang elevator. Nang marating niya ang tinitirhan, dumiretso siya sa kuwarto. Wala si Abigail doon. Ang cellphone nito ay naiwang nakalapag sa kama. Binuksan niya ang closet, at nang makita niyang nakasabit pa roon ang mga damit nito, saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Hindi siya iniwan ng asawa. Marahil ay namasyal lang si Abigail at uuwi rin maya-maya. Dinampot niya ang cellphone sa kama at binuksan ang drawer ng bedside cabinet. Ilalagay na sana niya ang cellphone sa loob nang makita niya ang kulay pink na journal. Ito ang madalas na bitbit at sinusulatan ni Abigail. Ang diary nito. Inilagay niya ang cellphone sa loob ng drawer at isinara ito. Kung talagang iniwan na siya ni Abigail, hindi nito iiwan ang diary. *** Mag-aalas diyes na, hindi pa rin umuuwi si Abigail. Alalang-alala na si Lawrence. Kung kanina ay sigurado siya na hindi umalis si Abigail, ngayon ay nababahala na siya sa 'di pag-uwi ng asawa. Paano kung may nangyaring masama rito? Isang aksidente? O paano kung totoong iniwan na nga siya? Hindi. Imposible. Pero paano nga kung... Idinukot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang bahay ng kanyang mga magulang. Isang kasambahay ang sumagot ng telepono. Wala roon si Abigail. Sunod niyang tinawagan si James at baka niyaya nito na magdinner si Abigail. Hindi pa raw nito nakikita si Abigail isang linggo na. Wala siyang ibang mapagtanungan. Ang lola kaya nito? Wala siyang numero nito. Ang mga kaibigan ni Abigail? Shit! Hindi man lang niya kilala ang kahit isa sa kanila! Tinawagan niya ang hotel upang tanungin kung nagcheck-in doon si Abigail. Wala raw. Inutusan niya ang kung sinu man ang nakausap niya na hanapin sa system ang pangalan ni Abigail at baka nagcheck-in ito sa ibang mga branch ng kanilang hotel. Asan ka na ba? Tinungo niya ang kanyang sasakyan at inikot ang buong kalsada, ang buong lungsod kung kinakailangan, at baka sakaling masilayan niya si Abigail na naglalakad-lakad. Nang wala siyang napala sa paghahanap, bumalik siya sa tinutuluyan. Humiga siya sa kama, hindi mapakali sa kung ano ang susunod na gagawin. Saan ba siya mag-uumpisa? Ang hirap tanggapin na iniwan siya ni Abigail. Tila nauulit ang mapait na nakaraan niya. Bakit ba sa bandang huli, kung kailan nagsimula na siyang magmahal ay iniiwan naman siya? Ano na ang gagawin niya? Mabilis siyang napabangon sa pagkakahiga at tinungo ang bedside cabinet. Hinila niya ang drawer at kinuha ang journal ni Abigail. Marahil ang journal na ito ang makakakabigay ng kasagutan sa kanya. At kahit kawalan ito ng respeto sa personal na gamit ng asawa, ibinuklat pa rin niya ang journal at sinimulang basahin ang nilalaman ng puso ni Abigail. #################################### Chapter Twenty Six #################################### Tanaw ni Abie ang dagat habang nakaupo siya sa may buhangin. Malamig ang simoy ng hangin na humahaplos sa kanyang pisngi. Maaga siyang nagising at naisipan niyang maglakad-lakad sa may dalampasigan. Naaalala pa niya na madalas siyang pumupunta rito tuwing gusto niyang mapag-isa o mag-isip. Kahapon ay dumaan sa bahay si granny at niyaya siyang sumama rito sa Panggasinan upang dalawin ang matalik nitong kaibigan. Magpapaalam pa sana si Abie kay Lawrence bago umalis, ngunit sinabihan siya ni granny na siya na raw ang bahala. Sa pagmamadali nila kahapon ay naiwan niya ang kanyang cellphone. Sa mahaba nilang biyahe kahapon, hindi niya naisawasng ikuwento sa kasama ang tungkol sa pagkikita nila ni Vanessa at ang napag-usapan. "Ano sa tingin mo ang katotohanan? What does your heart tells you?" ang tanging nasabi ni granny. Ano nga ba ang nararamdaman niya? Ang totoo, wala na siyang dapat pag-isipan pa. Ano na kaya ang ginagawa ni Law? Kumain na kaya siya? Baka pritong itlog o canned soup na naman ang kinakain niya. Napabuntong-hininga siya. Isang araw pa lamang niya hindi kasama ang asawa, namimiss na niya ito agad. Simula noong nagsama silang muli, hindi na siya sanay na hindi nakakasama o nakikita si Lawrence. Sa sobrang pagka-miss niya kay Lawrence, parang dinig niya ang boses nito na sinisigaw ang kanyang pangalan. Ang boses na iyon ay tila lumilinaw habang papalapit ito sa kanya... "Abigail!" Nagulantang si Abie nang naging mas malinaw pa ang boses na tumatawag sa kanya. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at nakita niya si Lawrence na tumatakbo patungo sa kanya. Nang nakalapit ito sa kanya, napaluhod ito sa tabi niya at bigla siyang niyakap. "Akala ko hindi na kita makikita pa! Akala ko hindi kita mahahanap! I thought I will lose you forever!" sunod-sunod nitong sabi. Pinilit ni Abie na itanggal ang mga bisig ni Lawrence na nakayapos sa kanya. "Law hindi ako makahinga!" "Don't you ever leave me, Abigail! Please, I beg you! I will do anything... Please come back to me, love... I love you." Kahit hindi maintindihan ni Abie ang ibang mga pinagsasabi sa kanya ni Lawrence, lumundag ang kanyang puso nang marinig niya ang mga katagang matagal na niyang pinapangarap na marinig mula kay Lawrence. "Law... mahal mo na ako?" Pansamantala siyang binitawan ni Lawrence, ngunit nang siniil nito ng halik ang mga labi niya ay muli siya nitong niyakap. Naguguluhan si Abie sa ikinikilos nito, ngunit masaya siya. Kanina lamang ay iniisip niya ito, at parang isang mahika ang naganap nang biglang sumulpot si Lawrence. Nang pinutol ni Lawrence ang paghahalikan nila, hinaplos nito ang mukha niya na tila hindi ito makapaniwala sa nakikita sa harapan nito. Para itong nababaliw sa tuwa. "I thought I will never see you again! Don't leave me, Abie... Come back to me," pakiusap nito sa kanya. "Law, wala naman akong dapat balikan, eh." Hinawakan nito ang magkabilang braso niya nang mahigpit. "Please! Don't say that. Ngayon na nagpagtanto kong mahal nga kita... Patawarin mo 'ko, Abie. Sa lahat. Pinagsisisihan ko ng lubos ang mga panahong sinayang ko sa pagkasuklam at pagkamuhi ko sa 'yo. Forgive me for being the biggest, idiot in this planet. For neglecting you... For taking you for granted. No'ng umalis ka, saka ko lang nalaman na hindi ko pala kaya ang mawala ka." Isang mabilis na halik ang iginawad niya sa nakaawang na bibig ni Abie at inilagay ang dalawang palad nito sa magkabilang pisngi niya. "Mahal kita. At isa akong napakalaking tanga para hindi makita na nasa harapan ko na ang matagal ko nang hinahanap. Abie, nang iniwan mo ako, isang araw ka lang nawala sa buhay ko, bigla kong napagtanto na may kulang sa puso ko. Abie, love, don't leave me." "Teka Law, ano ba talaga yang pinagsasabi mo? Wala naman akong dapat balikan dahil wala naman akong iniwan. Ba't naman kita iiwan? At tsaka hindi pa naman tapos ang three months na deal natin, ah." Kumunot ang noo ni Lawrence. "Ibig mong sabihin hindi ka umalis ng bahay para iwanan ako?" "Law, ba't naman kita iiwanan? Nagpasama kasi si granny sa akin na pumunta rito. Sabi niya siya na raw ang magpapaalam sa 'yo para sa akin. Hindi mo ba natanggap ang text niya?" Umiling si Lawrence. "Wala siyang nabanggit sa 'kin no'ng tinawagan niya ako kahapon. Akala ko kasi... When Vanessa told me that she spoke with you--" "Nag-usap nga kami ni Vanessa no'ng isang araw. At aaminin ko, nasaktan ako sa mga sinabi niya. At sinabi rin niya na iwanan na kita dahil siya ang mahal mo." "Then why didn't you leave me?" "Kasi hindi naman ako naniniwala sa mga sinabi niya, eh. At tsaka iba ang nararamdaman ko. Alam kong mamahalin mo rin ako. Sa pagitan ninyong dalawa, ikaw ang mas paniniwalaan ko dahil mas kilala kita." "So you never left me? All this time you've been gone missing you were just here, while I almost went crazy thinking you've left me?" Napahagikgik siya. "Hindi nga kasi kita iniwan, eh. Sorry kung nag-alala ka." Biglang nagbago ang mood nito. Kung kanina ay balisa ito dahil sa inaakalang iniwan siya nito, ngayon ay mukhang galit naman ito. "I should punish you for making me worry like that." Alam ni Abie na hindi totoong galit ito sa kanya. "Anong klaseng punishment?" tanong niya habang nakangiti. Kinuha nito ang mga kamay niya at dinala sa mga labi nito. "I want you to marry me." "Law, ikinasal na tayo." "No, this time I want to marry you in a church. I want the church to be bursting with people. I want your bestfriends to be there. I want to see you wearing the gown you always dreamed of wearing." Hinalikan siya nito bago nagpatuloy. "I want to see you smiling while walking down the aisle." Dumampi muli ang labi nito sa labi niya. "I want your favorite song to play on our wedding." Parang isang panaginip ang lahat, dahil iyon ang pinangarap niya dati na mangyari sa kanya. Ang magpropose sa kanya sa tabing dagat. Ang mapuno ng tao ang simabahan kapag ikakasal siya. Ang makadalo ang mga importanteng tao sa buhay niya sa kasal. Hindi pa tapos si Lawrence dahil ipinagpatuloy pa nitong banggitin ang mga gusto nitong mangyari. "I want white and pink roses everywhere. I want to hire this singer Juris to sing on our reception." Naalala niya na naisulat niya sa diary na gusto niyang imbitahin ang former singer ng MYMP sa kanyang kasal. Isa lamang joke iyon sa sarili dahil alam naman niyang hindi mangyayari iyon. Biglang may sumagi sa kanyang isipan. "Law," umpisa niya, "paano mo nalaman na dito mo 'ko makikita?" Natigilan ito na para bang nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya ang katotohanan o hindi. "Kasi... ano... nabasa ko." "Nabasa saan?" "Sa diary mo." "Binasa mo? Ba't mo ginawa iyon!" "Eh, ba't binasa mo ang text sa akin ni Vanessa?" "Iba naman yun, eh. At nakasulat ang mga secrets ko doon sa diary." Ngumisi ito sa kanya. "Alam ko. Alam ko na rin na may nagnakaw sa picture ko. Alam ko rin na gabi-gabi mo itong hinahalikan bago matulog." Namula si Abie sa mga pinagsasabi ni Law, ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. "At alam ko rin kung gaano mo 'ko kamahal. Alam kong nasaktan kita dati, at ang mga naramdaman mo no'ng panahong 'yon... I'm sorry for being a jerk." "Law, mga nakaraan na iyon." "I will make it up to you." "Sige nga, paano? Ano'ng gagawin mo?" Nagulat na lamang si Abie nang itinulak siya ni Law pahiga sa buhangin at naramdaman niya ang bigat ng katawan nito na pumaibabaw sa kanya. "This is an exclusive beach. And I know that nobody will disturb us here. Gusto mo bang gumawa tayo ng baby dito?" "Law!" Tumawa ng malakas si Law, at nang nahimasmasan ito inilapit niya ang mukha kay Abie at sinabing, "I love you, Abie," na siya namang sinagot ni Abie ng "I love you too, Law." #################################### Epilogue #################################### Dahil gusto ni Lawrence na makabawi sa mga nagawang pagkakamali nito kay Abie, tinotoo nga nito ang mga naisulat ni Abie sa kanyang diary. Bawat detalye ng kanilang kasal ay halos magkahalintulad sa isinulat niya na dream wedding. Ngunit puspusan ang paghingi nito ng tawad kay Abie dahil sa hindi niya natupad na makuha si Juris upang kumanta sa kanilang reception. Natawa na lamang si Abie at ipinaliwanag muli na biro lamang ang sinulat niya na iyon. Si granny ay umamin na sinadya niyang hindi sabihan si Law patungkol sa pagpunta nila ni Abie sa Panggasinan anim na buwan ng nakaraan. Ang dahilan nito ay para ma-miss daw nilang mag-asawa ang isa't isa. Masaya ang mga bisita sa pagtitipon nila sa malaking function hall ng hotel. Kasama ni Abie ang mga mahal niya sa buhay, at ang dalawa niyang bestfriend ay sa wakas naging parte na rin ng kanyang kasal. Tanaw niya mula sa kinatatayuan si Cass na may kausap na isang gwapong lalaki. "Kita mo 'tong si Cass," reklamo sa kanya ni Francine na nasa tabi niya. "May nakita na naman atang bagong iboboyfriend." Sa okasyon ngayon, nag-ayos na nang husto si Francine at hindi na ang kanyang mala-Betty la Fea na kasuotan. "Hayaan mo na si Cass na magka-love life," aniya. "Sana nga pati ikaw rin. Baka maging matandang dalaga ka at ikaw ang gagawin naming dakilang ninang at tagapag-alaga ng mga anak namin ni Cass." "Gaga. Mag-aasawa rin ako baling araw, noh," turan nito. "Hindi nga lang ngayon." Nasagi sa paningin niya si James na taimtim na nakatitig sa kanila ni Francine habang umiinon ng alak sa basong hawak nito. Ngunit pakiramdam niya ay para kay Francine lamang ang mga titig nito. Hindi na niya nagawang magtanong kay Francine dahil lumapit si Lawrence sa tabi niya at nagpaalam sa kaibigan niya na hihiramin muna nito ang asawa. Nang nakalayo na sila at pumunta sa isang gilid, niyakap siya nito mula sa likod. "Masaya ka ba?" "Oo naman," tugon ni Abie. "Kahit na nakabusangos ang mukha ng mama mo," dagdag pa niya na pabiro. "Kailan kaya niya ako matatanggap para sa 'yo Law?" "Don't worry about her. May gusto akong sabihin sa 'yo." "Ano iyon?" "Naisulat mo sa diary mo na gusto mo babae ang magiging unang anak natin 'di ba?" "Oo," sagot ni Abie. "Kung pupwede. Pero kung lalaki naman, okay lang naman sa akin." "May nabasa ako sa internet. May alam akong position na pwede nating gawin para maging babae ang anak natin." Hinarap ni Abie ang asawa habang ang mga kamay nito ay nakapulupot pa rin sa baywang niya. "Ano na naman itong pinagsasabi mo, Law?" "Gusto ko lamang itupad ang mga pinapangarap mo. Ano? Gusto mo? Tara, may nireserve akong kuwarto para sa atin." "May mga bisita pa tayo at--" "'Wag mo na silang alalahanin. Andiyan naman sina granny at lola Margaret para asikasuhin ang mga bisita. Sayang ang oras at panahon. If you will not get pregnant after tonight then we would have to repeat making love. And you know that they only give me a two-week vacation." Nag-pout din ito at tila nagmamakaawa ang mukha para pagbigyan siya nito. Tumawa si Abie. "Sinabi ko na sa 'yo dati na hindi talaga bagay sa 'yo ang magmukhang kawawa." Ngumisi sa kanya si Lawrence. "Ano na? Shall we go and set some fireworks?" Nag-isip kunwari si Abigail, nagpapakipot kunwari, bago sumagot. "Effective kaya 'yan? Sure na magiging babae ang anak natin?" "Hindi natin malalaman kung hindi susubukan," sagot nito sabay taas-baba ng kilay. "Ang manyak pala nang napangasawa ko!" "But I know you still find me very hot." "Pwede bang tigilan mo na ang pagbabasa sa diary ko?" "Oh I can't make a promise about that, love," tugon nito sa kanya. "But I can promise one thing." "At ano naman iyon?" "That I will always love you..." Ngumiti siya ng malawak. Hanggang ngayon, may kiliti pa rin siyang nararamdaman tuwing sinasabi nito ang mga katagang matagal na niyang inaasam na marinig. Hinalikan niya si Lawrence sa labi. "Mamahalin naman kita 'till the end..." #################################### Thank you note: #################################### Hello there! I guess this is my last author's note for this story. Endings are always the hardest part for me to write. Because the truth is I don't want a story to end, but it has to at one point. Thank you for the time you have spent reading this story. It has been such a wonderful experience for me writing this. I hope you will still continue to support my future stories. I do love you all! I always imagine who the readers are. But regardless of who you are or what our differences might be, reading binds us together. I am thankful you have found my story. Muchisimas Gracias! Pinkangel ♥ *** You might also like to try my other stories: 1. LIRA (English) - YA Vampire (completed) 2. From: Your Secret Admirer (English) - Teen Fiction (completed) 3. The NERD CLUB (Filipino/English) - Teen Fiction (completed) 4. MINE (Filipino) - Vampire/ Romance (completed) 5. The Zombie Siege (Filipino) - SciFi (on-going) 6. CAPTIVE (English) - Fantasy/Romance (completed) 7. Dyosa ng mga Panget (Filipino) - Teen Fiction (completed) 8. Diwata ng mga Chubby (Filipino) - Teen Fiction (on-going) #################################### The PAST MISTAKE #################################### Parating dinadapuan ng last song syndrome si Francine. Kapag may isang kantang pumukaw sa kanyang atensyon, buong araw niya itong hindi makakalimutan. Tulad ngayon, bago siya umalis ng bahay ay ang kanta ni Britney Spears na Womanizer ang huli niyang narinig. Kaya mag-aalas dose na ng tanghali ay iyon at iyong kanta pa rin ang paulit-ulit na kanyang ikinakanta na parang isang plaka. Patuloy pa rin siya sa pag-awit nang may narinig siyang galit na boses mula sa kanyang gilid. "Nang-iinis ka ba?" bulalas ng boses ng isang lalaki sa kanya. Inangat niya ang kanyang paningin mula sa screen ng computer at tinignan kung sino man ang nang-istorbo sa kanyang pansariling konsyerto. Tumambad sa kanya ang mukha ng demonyong boss niya na si James. "Po?" taas kilay niyang tanong. "Ang sabi ko nang-iinis ka ba? Pati ba naman sa kanta mo pinaparinggan mo 'ko?" usal nito. Ano raw? Siya, nagpaparinig? Wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang kumanta ng- Ah. Ayun pala ang dahilan. Ang akala ng boss niya ay pinaparinggan niya ito ng womanizer. "Affected ka, Sir?" mataray niyang tanong. Kahit pa boss niya ito, tinatarayan niya ito ng madalas. Suminghal ang kanyang boss. "Ako? Affected? Hindi ko na kasalanan na habulin ako ng mga babae!" Ang yabang! Itinuon niya muli ang atensyon sa computer screen. "Sir, may trabaho akong tinatapos dito. Sayang naman ang pinapasweldo sa akin ng kumpanyang ito kung makikipagkwentuhan lang pala ako. Kayo rin, magtrabaho na kayo." "Anak ng-!" Hindi na naituloy ng kanyang boss ang sasabihin. Nakita niya sa dulo ng kanyang paningin na pagalit nitong isinuklay ang mga daliri sa buhok nito, na tila bang gusto nitong sabunutan ang sarili. "Kung hindi lang talaga nahihirapan ang HR na hanapan ako ng sekretarya, matagal ka ng sisante! Matagal na kitang pinalamon sa Doberman ko!" "Wala po kayong Doberman, Sir. May inaalagaan po kayong babaeng Japanese spitz. Kalalaki niyong tao, iyon ang pet niyo?" "How did you know?" "Pinapunta niyo ako sa pad niyo last week para ipadeliver ang mga papeles niyo. Kawawa nga ang aso, eh. Gutom na gutom no'ng nadatnan ko. Halatang hindi pinapakain ng maayos. Paano ba naman kasi, busy kayo at ng girlfriend-of-the-week niyong mag-exhibition sa loob ng kuwarto. Hindi na kayo nahiya sa aso? Sa sala pa lang, dinig na dinig ang mga ungol niyo." "Why you-!" "Pero alam ko naman na mahilig kayo sa mga babaeng aso, eh. Kitang-kita naman sa mga ebidensya." Ipinatong ng kanyang boss ang dalawang kamay nito sa desk. "And exactly what do you mean by that?" Inilayo niya muli ang mga mata sa computer at tinitigan ang boss niya sa mga mata. "'Di ba nga sir, mahilig kayo sa mga bitch? Mga girlfriend niyo, magaganda nga, bitch naman ang ugali." Nang makita niya ang pagkalito sa mukha ni James, idinagdag pa niya, "Ang ibig sabihin ng bitch, sir, is female dog. Kahit i-google niyo pa." Kumunot ang noo ng kanyang boss at sumalubong ang kilay nito, taimtim pa ring nakatitig sa kanya. Nagulat na lamang si Francine nang bigla itong ngumiti nang nakakaloko. "I think you like me. Are you in love with me Ms. Monique Montojo?" Tumawa ng pagak si Francine. Aba naman! "Wow, sir. Hindi naman tayo masyadong assuming, noh? 'Wag po tayo maging masyadong feelingero. Masakit man ang katotohanan, hindi lahat ng babae ay in love sa inyo." "No. I think you like me. And the reason why you act like that is because I don't give you that much attention compared to the other girls." "Feelingero na nga, mayabang pa! Kung iyon lang po ang mga qualities niyo, magpapaligaw na lang ako sa aso. At least sila, LOYAL sa amo nila." Nilagyan niya ng emphasis ang salitang loyal, dahil alam ng lahat ang pagiging babaero ni James Madrigal. "Careful, Ms. Montojo. They say the more you hate, the more you love." Nilapit nito ang ngayo'y seryosong mukha kay Francine, ang mga mata nito ay may pangakong kalakip. "You might be surprise one day to find you already became one of my bitches, sweetheart." Ngumiti muna ito na tila nang-aakit bago umalis at pumasok sa silid nito. Tinapunan ni Francine ng matalim na tingin ang pinto ng opisina ni James. Hinding-hindi mangyayari iyon! Tama na ang isang beses na nahulog ako sa 'yo. Hinding-hindi na mauulit iyon. At sisiguraduhin kong babagsak ka... #################################### The Past Mistake link! #################################### Hello po! Sisimulan ko na pong i-post ang The Past Mistake, ang story nina Francine at James. The usual po -by chapters pa rin ang update nito, once or twice a week every wed or sun. Pero if you want to read the whole story, I'm sorry po pero you really have to wait for the chapters to be all uploaded :( But if you are still willing to regularly wait for the chapters, here is the link! Thank you so much po! Pinkangel http://www.wattpad.com/story/27168612-the-past-mistake