Uploaded by petiuxsantos

MGA SITWASYONG PANGWIKA

advertisement
MGA SITWASYONG PANGWIKA
Broadcast media – radyo, telebisyon
Print media – newspaper, magazine
Outdoor media – billboard, tarpaulin, flashcards
Digital media - internet
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naaabot nito.
Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang malalayong pulo at ibang
bansa.
Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na
sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong manonood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa
bansa ay nakakaunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bans ana ginagamit ng mga lokal na channel.
Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay ang mga teleserye, mga
pangtanghaliang mga palabas, mga magazine show, news and public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality show at
mga programang pang-showbiz, at maging mga programang pantelebisyon.
May mga mangilan-ngilang news program sa wikang Ingles subalit ang mga ito’y hindi sa mga nangungunang
estasyon kundi sa local na news TV at madalas ay inilalagay hindi sa primetime kundi sa gabi kung kalian tulog na ang
nakararami.
Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal.
Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa
Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika
maging sa mga lugar na hindi katagalugan.
Halimbawa:
-
Kalye Serye (Eat Bulaga)
Encantadia
Tonight with Boy Abunda
Goin’ Bulilit
TV Patrol
24 Oras
Rated K
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO
Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. May mga programa rin sa FM tulad ng
Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbrobroadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino.
May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag may
kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.
Sa diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa Tabloid maliban sa
iilan.
Subalit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa
palengke, mga ordinaryong manggagawa atbp. na nakasulat sa wikang higit nilang nauunawaan. Ang mga katangian ng
tabloid ay nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa. Ang
nilalaman ay karaniwan ding senseysyonal at lumilitaw sa mga ito ang mga barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino.
Hindi pormal ang mga salita.
Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay kadalasan ay hindi pormal na wikang ginagamit sa mga
broadsheet.
Halimbawa:
-
Manila Bulletin
Inquirer
The Philippine Star
Bulgar
Abante
Tonite
Boys Night Out
Nakakalurkei na Tambalan (90.7 Love Radio)
Call me Papa Jack
MOR 101.9 DJ Cha Cha
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA
Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon. Ang mga lokal
na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay tinatangkilik pa din ng mga manonood.
Dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang lokal na
tinatampukan din ng mga lokal na artista.
Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Filipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It takes
a Man and a Woman, Bride for Rent, You’re My Boss, A Second Chance, atbp.
Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika.
Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ng telebisyon, radyo, diyaryo at pelikula.
Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasa na makakaunawa
at malilibang sa kanilang palabas, programa at babasahin upang kumita ng malaki.
Dahil sa malawak na impluwensiya ng wikang ginagamit ng mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa
ngayon ang nakapagsasalita, nakakaunawa at gumagamit ng wikang Filipino.
Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating pambansang wika.
Ang nananaig na tono ay impormal at wari hindi gaanong istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo.
Maraming uri ng media ag tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay
Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga taong tumatangkilik nito na hindi
lang basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng mahusay upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.
Halimbawa:
-
That thing called tadhana
Camp Sawi
This Guy’s in Love with you mare
-
She’s Dating the Gangster
Apat Dapat, Dapat Apat
Bata bata, paano ka ginawa?
SITWASYONG PANGWIKA AYON SA IBANG ANYO NG KULTURANG POPULAR
Fliptop
-
Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap
Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o
walang malinaw ang paksang tinatalakay.
Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan ang mga ginagamit na salita
ay balbal at impormal at mga salitang nanlalait.
Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang Ingles ay tinatawag na “Filipino
Conference Battle”.
Pangkaraniwan ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
Pick-up Lines
-
Itinuturing na makabagong tunog kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas naiuugnay sa
pag-ibig at iba pang aspekto sa buhay.
Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ding nasa wikang Ingles o kaya naman ay
taglish.
Hugot Lines
-
Tinatawag na love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika ay malikhain.
Tinatawag na linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsan ay nakakainis.
Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso’t isipan ng mga
manonood.
Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay taglish.
Karaniwan sa mga nagbibigay ng pick-up lines ang mga taong may mabilis at malikhaing pag-iisip.
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT
-
Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa.
Humigil kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap ng ating bansa kaya ito ay kinikilala bilang
“Text Capital of the World”.
Madalas ang paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang baybay ng mga salita.
Walang sinusunod na tuntunin o rule.
Ito ay nakadepende sa kung sino ang kausap mo.
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET
-
Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.
Karaniwang may code switching.
Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago i-post.
Ingles ang pangunahing wika dito.
Naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan
Mga akdang pampanitikan
Awitin
Resipe
Rebyu ng pelikulang Pilipino
-
Impormasyong pangwika
Facebook
Twitter
Youtube
Instagram
Google
Download