Uploaded by elevenhumss11

biodiversity

advertisement
1. 1. MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7 JOAN A. ANDRES
I. Layunin: Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a.
Nabibigyang kahulugan ang biodiversity; b. Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran
sa Asya; at c. Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa mga ito. II. Nilalaman: a. Paksa:
Mga Suliraning Pangkapaligiran at Ekolohikal na Kalagayan ng Asya b. Sanggunian: Modyul
ng Mag-aaral pahina 46-49. c. Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, mga
larawan at iba pa. III. Pamamaraan: a. Panimulang Gawain: 1. Pambungad na Panalangin 2.
Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid b. Paglalahad: 1. Pagganyak “PAGBUO NG
LARAWAN” AT “PAGSUSURING-LARAWAN” Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na
pangkat. Bigyan ng sobre ang bawat grupo na naglalaman ng larawang nagupit-gupit.
Bubuuin ng bawat grupo ang mga nahating larawan upang mabatid ang paksang pagaaralan. 2. Pagtalakay Gamit ang mga larawan ay mabibigyang kahulugan ang
“BIODIVERSITY”. Pagkatapos ay matutukoy ng mga mag-aaral ang mga suliraning
pangkapaligirang hinaharap sa Asya gamit ang larong 4-pics-1-word at gamit ang mga
larawan ay maibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang opinyon o pagpapakahulugan sa
mga ito. Ang larong ito ay unahan sa pagsagot. Ang grupo na maunang makakuha ng sagot
ay mabibigyan ng puntos para sa recitation. Magbibigay ng karagdagang impormasyon ang
guro. 3. Pagpapahalaga: Mapapanood ng mga mag-aaral ang isang video clip na nagsasaad
ng mensahe ni Inang Kalikasan. Maipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin
hinggil sa napanuod. 4. Paglalahat: Nakagagawa ng akrostik na nagsasaad kung paano
masosolusyunan ang mga problemang ito gamit lamang ang isa hanggang dalawang salita.
Matapos mag brainstorm sa loob ng sampung minuto, ang mga bawat grupo ay bibigyan ng
tatlong (3) minuto upang ipakita ang kanilang gawa. IV. Pagtataya: Matutukoy ang mga
mahahalagang termino sa tinalakay sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga ginulong letra.
(Jumbled letters) V. Kasunduan: Ang bawat pangkat ay aatasang magdala ng walong
seedling upang itanim sa paaralan bilang hakbang sa pangangalaga sa kalikasan.
Download