Teacher: Magandang araw mga bata! Nagagalak akong makakasama kayo sa araling tatalakayin natin ngayon tungkol sa pagbasa at pagsulat ng pera. Teacher: Kaya halina’t makinig at sabay-sabay tayong matuto! Handa na ba kayo? (Pause) (flash the objectives on screen for 10 seconds) Teacher: Pagkatapos ng ating aralin inaaasahan ko kayo na nababasa ang pera sa mga salita at simbolo hanggang 1 000 piso at sentimo; Naisusulat ang pera sa salita at sa simbolo hanggang sa isang libong piso at sentimo; at gawing libangan ang pag iimpok ng pera at maging matalino sa paggastos ng pera. (Pause) Teacher: Mahalagang paalaala, bago tayo magsimula sa ating gawain, huwag kalimutang naisagawa ang mga sumusunod: (Pause) Una, maghugas ng kamay, linisin ng mabuti ang mga daliri at hugasan din kung maari ng alcohol ang mga bagay na gagamitin sa ating talakayan tulad ng lapis, ballpen, pantasa at iba pa. (Pause) Pangalawa, huwag kalimutang isuot ang face mask at ang pananatili ng isang metrong layo sa iba. (Pause) Teacher: Kahapon ay napag-aralan ninyo ang pagkilala sa mga barya at perang papel ng Pilipinas hanggang Php 1,000. Ngayon, mayroon akong iba’t-ibang perang papel at mga barya dito. Tutulungan n’yo akong kilalanin ang mga ito. (Pause) (the picture of Paper bills and coins will be flashed on the screen for 10 seconds while the teacher is asking, pause and then answering the following questions -voice over-) Balik Aral 1. Anong salaping papel ito? (Pause) Magaling! Ito ay Php 20-Dalawampung piso Ang sumunod na larawan ng salaping papel ay…(Pause) Magaling! Ito ay larawan ng Php 50limampung piso. Na sinundan ng larawan ng salaping papel na…(Pause) Magaling! Ito ay Php 100-Isang daang piso. Ang sunod naman na larawan ng perang papel ay…(Pause) Magaling! Ito ay Php 200-Dalawang daang piso (Pause) Ang sumunod naman na larawan ng perang papel ay... tama! Ito ay larawan naman ng Php 500- limang daang piso.; at; (Pause) Larawan naman ito ng Php 1 000- isang libong piso ito ang may pinakamalaking halaga sa mga perang papel ng pilipinas. (Pause) Teacher: Tumungo naman tayo sa mga barya. (Pause) Anong nakikita ninyo sa larawan? Anong barya kaya ito? (Pause) Magaling! Ito ay ang larawan ng 5¢-limang sentimo Anong barya naman kaya ito? tama! Ito ay 25¢-dalawampu’t limang sentimo. Anong barya kaya ito? (Pause) Magaling! Ito ay Php1-isang piso. Ang sunod naman na barya ay… (Pause) Magaling! Ito ay Php5-limang piso (Pause) At Php10-sampung piso naman ang halaga ng huling larawan. (Pause) • Nakikita natin ang halaga ng perang papel sa pamamagitan ng kulay nito, mga mahahalagang bagay na nakalagay dito gaya ng mga mukha ng mga bayani at ang numerong makikita dito. • Ang barya naman ay makikilala natin sa pamamagitan ng numero nito, laki, kulay at larawan ng mga bayaning naka imprinta rito. Tuklasin: Pag-aralan natin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong: Sinamahan ni Amanda ang kanyang nanay sa pamamalengke.Matapos nilang namili ng prutas, kinuha ng kanyang ina ang sukli na perang papel at barya dahil ilalagay niya ito sa kanyang alkansiya.Pinakiusapan niya si Amanda na bilangin ang sukli kung ito ay tama. Napansin ni Amanda na ang sukli ay perang papel na may iba’t-ibang kulay at mga baryang may iba’t-ibang laki. Handa na ba kayo na tulungan si Amanda sa pagbilang ng sukli para sa idagdag sa ipon ng kanyang ina? Teacher: Unahin muna nating bilangin ang Paper Bills/Perang Papel na sukli. 5 kahel na perang papel 5 dalawampung piso Php 100 o isang daan piso 2 pulang perang papel 2 limampung piso Php 100 o isang daan piso Teacher: Magkano lahat ang perang papel na sukli sa kabuuan?... Magaling! Ito ay may kabuuang halagang Php 200 o dalawang daan piso. (Pause) Teacher: Ang susunod naman natin bibilangin ay ang perang barya na sukli. 5 tansong barya 5 tig-iisang piso Php 5 o limang piso 3 tansong barya 3 tig lilimang piso Php15 o labinlimang piso Teacher: Magkano lahat ang kabuuang halaga ng sukling barya? Magaling…! Ito ay may kabuuang halagang Php20 o dalawampu. (Pause) Teacher: Natapos na nating tulungan si Amanda sa pagbibilang ng sukli, ngayon pwede na ba nating masabi ang sukli sa kabuuan? (Pause) Teacher: Ang kabuuang halaga ng sukli mayroon ang ina ni Amanda ay… Magaling! P 220.00C o Php 220.00 dalawang daan at dalawampung piso. (Pause) . Teacher: Anong simbolo ang ginamit natin sa piso at sentimo? (Pause) • Ang ginagamit nating simbolo para sa peso ay, ₱ o Php • At sa sentimo naman ay ₵ Teacher: Subukan nating basahin ang mga sumusunod na halaga. Php 100 Php 5 Php 100 Php15 Suriin: Para madali nating mabilang ang pera, pagsama-samahin natin ang magkaparehong kulay at halaga. Ayusin ito mula sa malaking halaga hanggang sa pinakamaliit na halaga. Pagkatapos ay bilangin ang halaga ng kabuuan. • Nababasa natin at naisusulat ang halaga ng pera sa simbolo at salita.Ginagamit natin ang ₱ o Php para sa piso.Ang tuldok ang naghihiwalay sa piso at sentimo. Binabasa ang tuldok bilang at. Ngayon, Dadako tayo sa pagbasa at pagsulat ng pera sa simbolo at salita. Halimbawa: Php 250 Dalawang daan at limampung piso Php 348.75 Tatlong daan, apatnapu’t walong piso at pitumpu’t limang Sentimo Pagyamanin A.Isulat sa patlang ang halaga ng pera na nasa simbolo. 1) Php 1000 2) Php 175.25 3) Php 200.50 4) Php 330 5) Php 950 - Isang libong piso ________________ Isang daan pitumpu’t limang piso at dalawampu’t limang sentimo __________________________________________ Dalawang daang piso at limangpung sentimo ________________________________ Tatlong daan tatlungpung piso _______________________________ Siyam na daan limangpung piso _______________________________ B.Isulat ang simbolo ng sumusunod na halaga ng pera. 1.Isang daang piso ________________ ₱100 - - ________________ ₱28 3.Dalawamputlimang sentimo- ________________ ₵25 4. Limang piso ________________ ₱5 2.Dalawamputwalung piso - 5. Isang libong piso - ₱1000 ________________ Isaisip • Nababasa natin at naisusulat ang halaga ng pera sa simbolo salita . Sa pagsulat ng simbolo, una nating _______at_____ sinusulat ang pisong simbolo. Ginagamit natin ang ₱ o Php para sa piso. Ang ______ tuldok ang naghihiwalay _________ at . sa piso at sentimo. Binabasa ang tuldok bilang ____ • Magaling mga bata! Talagang na intindihan ninyo ang ating aralin sa araw na ito. Ako si teacher Kimberly na natutuwang makasama kayo sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Bago ako mag paalam, meron akong iiwanang hamon sa inyo. (pause) Isagawa Basahin ang mga sitwasyon at sagutin ang mga tanong sa bawat bilang. Hanggang sa susunod na aralin mga bata, paalam! 1.Ano ang mga denominasyon ng perang hawak ni Abbie? Php100 o isang daang piso Php 20 at Php20 = Php40 o apatnapung piso Php5.00 at Php5.00 at Php5.00 at Php5.00 = Php25.00 o dalawampu’t limang piso 2. Magkano ang kabuuang halaga? _________ 4. Magkano ang halaga ng perang ito sa simbolo? A. PhP 810 B. PhP 820 C. PhP 825 D. PhP 830 5. Paano isulat ang isang daan at dalawampu’t limang piso sa simbolo? A. Php 105.00 B. Php 115.00 C. Php 125.00 D. Php 100.25