“Ang paglobo ng mga kaso na kinasangkutan ng mga walang malay na supling ay dapat ng tudlokan!” Ito ang sigaw ng mga magulang na naging biktima ang kanilang mga anak sa mga kaso ng karahasan, immoralidad at na walan ng karapatang mabigyan ng hustisya at dangal . Maraming kabataan ang napariwara at napalihis ang landas dahil sa mga taong mapanira at sakim ang kaluluwa. Kaawa-awa, Pangarap sanay buhay na payapa, pinag-kaitan pa ng madla. Masakit man ito, ngunit patuloy na lumalaban kahit kalakip nito ang kirot na patuloy na dumudurog sa aming kalamnan. Kaya, Mga magulang! Kayu ang unang tao na aming inaasaahan na kakalinga at gagabay sa aming kahinaan, nawa’y inyung maisakatuparan ang responsibilidad na inyung simunpaan nang kami inyung isilang. Linangin n’yo sana ang aming pagtao para kami ay matoto at lumaking Mabuti sa aming kapwa tao. Huwag nyu sanang ipagkait ang aming munting dalangin, dahil kami sa inyu patuloy na hihiling. Ang Dignidad , integridad at moralidad ay dapat alagaan! Nang ang lahat ay bubuti ang isipan! Sa panahon ng Pandemya, lahat ay nabahala. Maraming nawalan ng trabahu at walang magawa. Takot lumabas at takot mahawa, ngunit hindi naging hadlang ito sa mga taong hangad ang sariling kapakanan. Naging dumami ang kaso ng sexualidad at ito’y naging libangan. Saan ba ang Hustisya? Nakalimotan na ba ang Pagkamakatao? Ito ang mga katanungan na kailangan tugunan at bigyang diin nang ang lahat ay mataohan! Kaya, sa pagkakataong ito nararapat lamang na tayo ay mamulat at magising para ating ma ipaglaban ang mga karapatan na dapat maibigay at maisabuhay ng mga batang naging biktima ng mga kalupitan na idinulot ng paligid sa aming mangmang na isipan. Hikayatin natin ang ating sarili para mapaigting at mapagtibay ang karapatan ng bawat isa para tayo’y mabuhay ng masigla. At sa huli, dapat patuloy tayong babangon sa hamon ng buhay ng ating mapatagumpayan ang bawat laban na ating tinatamasa at kailangang Higpitan ang ating pananampalataya para ating malasap ang Buhay na mahiwaga . Dahil bilang kasapi sa lipunan, hangad namin ay malinis at maayus na buhay na aming maranasan ang halaga at saya habang kami ay bata pa.