Uploaded by Jhaniz Raven Mendaro

talumpati ppt

advertisement
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat, ako si
Jhaniz Raven Mendaro. Narito ako sainyong
harapan upang ibahagi ang aking saloobin ukol
sa eleksiyong pang Presidente sa darating na
taong 2022. Umaasang sa pamamagitan ng
aking plataporma ay magkaroon ng
impluwensiya sa inyo ang aking mga salita
upang maliwanagan sa tamang pagpili ng
nararapat na mamumuno sa ating bansa
Ayon sa Philippine News, Ang demokrasya ay isang
sistema ng pamamahala kung saan ang mga taong
bayan ay may kapangyarihang ilagay sa pwesto ang
taong gusto nilang mamumuno. Dahil dito, ang
demokrasya ang matatawag na “kapangyarihan ng
tao”. Kadalasan, ating makikita ang demokrasya sa
isang politikong konteksto. Ito ay mahalaga dahil sa
pamamagitan ng demokrasya, maipapahayag ng
mga ordinaryong tao at miyembro ng komyunidad
ang kanilang mga pananaw.
Ang kapangyarihan o karapatan na ipinagkaloob sa
atin ay nararapat lamang na gamitin sa tama at
huwag ipag walang-bahala ang kalayaang ito. Sa
pagpiling ito hindi tayong mga miyembro ng lipunan
ang magkakalaban, hindi ito ang tamang pagtatalo sa
kung sino ang gusto at hindi gustong kandidato ng
bawat isa. Tama na ang bangayan, oras na para
magkaisa tayo na buksan ang ating mga mata at
suriin gamit ang ating isipan kung sino sa mga
kandidato ang may angking kakayahan at malasakit
Ang nangyayaring pandemiya sa panahong ito at
kaliwa’t kanang isyu ay isang malaking dahilan upang
gamitin natin ang ating pagboto nang tama alang-alang
sa kapwa natin mamamayang Pilipino at sa
kinabukasan ng ating bansang ginagalawan. Ang
pagpili ng nararapat na umupo sa puwesto ng isang
lider ay hindi dapat isakripisyo kapalit ng pera, ito ay
isang bagay na dapat nating isa puso at isipan dahil dito
nakasalalay ang inaasam-asam na katahimikan kasama
ng pagbabalik ng buhay na nakasanayang normal
dalawang taon na ang nakalilipas.
Bilang isang kabataan, botante at responsableng
mamamayan ng bansang ito, narito ako at nais ibahagi sa
inyo ang mga nalikom kong mga hakbang at mga bagay
na dapat isa-alang-alang sa pagkilala sa mga maaaring
maging pinuno ng bansa. Nawa, maging daan ang aking
mga salita upang kahit papaano ay maliwanagan kayo
kung nararapat ba ang kandidatong inyong napupusuan.
Ang pagkakaroon ng kaalaman kung sinong pulitiko ay
napakahalaga sapagkat sa pamamagitan nito ay
magkakaroon tayo ng kaalaman sa kanilang buhay at
maliliwanagan tayo sa kung anong klaseng tao ba ang mga
Una, alamin ang leadership background o
karanasan sa pamumuno at performance ng
kandidato. Ang sapat na karanasan sa liderato ay
maaring maging batayan sapagkat may abilidad
na siya sa pamamalakad sa isang lipunan at sa
pagtupad sa kaniyang tungkulin. Kung siya man
nagkaroon na ng posisyon sa gobyerno bago siya
kumandidato sa pagkapangulo, alamin kung
paano siya mamuno.
Ikalawa, isa-alang-alang ang mga puna o batikos
ng ibang tao sa mga kandidato, ngunit huwag
basta-basta maniniwala. Magsagawa ng pag-aaral
o pumunta sa mga website na may tamang
impormasyon. Ang mga taong nasa paligid natin ay
may mga kaalaman rin sa pagboto. Ngunit lagi
natin tatandaan na hindi lahat ng naririnig sa
paligid ay dapat paniwalaan, lalo pa at maraming
gumagawa ng paninira sa mga kandidato tuwing
panahon ng eleksiyon.
Ikatlo, alamin ang mga nangungunang isyu at
kung sinong kandidato ang may pag-aasam na
sugpuin ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang
sariling paraan. Ang kanilang mga plano ay dapat
makatotohanan, huwag basta-basta maniniwala
sa kanilang salita, mangangailangan tayo ng
buong pusong pagsusuri dahil ang mga kandidato
ay madalas gumamit ng mga salitang
mabubulaklak upang makuha ang ating loob.
Ikaapat, panoorin ang kanilang debate at public
discussion o mga non-partisan tv shows, radio shows, at
online sites na nagpapakilala sa kandidato. Suriin kung
paano sila sumagot sa mga katanungan, kung paano nila
idepensa ang kanilang sarili sa mga pambabatikos ng
taong bayan gayun din ang kanilang kaibahan sa isa’t
isa. Alamin ang kanilang mga layunin at mga nais na
gawin kung sakaling sila ay palaring manalo. Ang
kandidatong malinaw ang layunin at may malasakit sa
Pilipino ay isang magandang pangitain na siya ay may
kakayahang maging Pangulo.
Ang panghuli, batay sa iyong mga nakalap na
impormasyon, salain ang mga kandidatong
nararapat sa iyong boto. Ikaw ang makakapag
desisyon kung sino para sa iyo ang may
angking kakayahan sa pamumuno at maaring
maging daan sa ninanais na pagbabago. Ang
iyong kandidatong napili ay nararapat lamang
na hindi kasali sa mga iligal na gawain at hindi
sumusuporta sa ano mang bagay na masama
Ang mga nabanggit kong hakbang ay batay lamang
sa aking kaalaman, wala akong intensyong paninira
sa mga kandidato sa pagka Presidente. Isa ring akong
Pilipino na naghahangad ng pagbabago para sa
kapwa ko mamamayan, nais ko rin ng mabuting
pamamalakad at bansang ligtas sa korupsiyon at iba
pang maling panunungkulan ng gobyerno. Katulad
ninyo, ako ay humihiling na sana makamit na ng
bansang ito ang mabuting pinuno na makapagbibigay
ng magandang buhay sa bawat isa sa atin.
Bilang pagtatapos, lubos ang aking pasasalamat sa
pagkakataong ito na naibahagi ko ang aking saloobin sa
pamamagitan ng talumpati na ito. Nawa, ang aking
layunin ay maisakatuparan na pukawin ng aking boses
ang inyong puso at isipan na ang pagbabago at
kinabukasan ng lipunan na ito ay nasa ating nang
kamay. Huwag sana nating ipagkaloob ang anim na
taong panunungkulan sa Presidenteng magiging sakit sa
ulo lamang ng mga Pilipino. Pumili tayo ng Pangulong
handa tayong ipanalo. Maging dilat nawa tayo sa
katotohanan.
Sa lahat ng mga Pilipino na may
pusong makabansa’t makabayan,
maging responsableng
mamamayan nawa tayo ng
republikang ito. Muli, isang
napakagandang araw po sa ating
lahat.
Download