Uploaded by Trisha Lee J. Durante

G10 LAS1 Q2

advertisement
SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 10
Sanayang Papel Blg. 1
Kwarter 2
Pangalan ng Mag- aaral:__________________________________________________
Baitang: ____________ Pangkat/Seksiyon: ____________ Petsa: _______________
L
I. MGA
KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO
I.
LEARNING
SKILL
Most Essential Learning Competency (MELC)
 Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan
 Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang
kahulugan (collocation)
 Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
 Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino.
II. INTRODUCTORY
PANIMULANG KONSEPTO
II.
CONCEPT
MITOLOHIYA: KAHULUGAN, PAGSUSURI AT PAGHAHAMBING
Ang mitolohiya ay ang pag-aaral ng mga mito o “myth”. Ang salitang mito
ay galing sa salitang latin na mythos at mula sa salitang Greek na muthos na ang
kahulugan ay kuwento.
Ito ay tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa
isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan. May kaugnayan
sa mga ritwal at teolohiya. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos,
diyosa at mga bayani ito ay itinuturing na isang sagrado, at pinaniniwalaang
naganap.
Ito rin ay sumasagot sa tanong na:
1. Paano tayo ginawa?
2. Saan tayo galing?
Narito naman ang mga gamit ng mitolohiya:
1. Ipaliwanag ang pagkalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang pwersa ng kalikasan
1
3. Magkuwento ng mga sinaunang gawaing panrelihiyon.
4. Magturo ng mabuting – aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan.
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at
pag- asa ng sangkatauhan.
Ngayon, basahin mo naman ang bahagi ng akdang mito mula sa Kanlurang
bansa at ito’y iyong unawain para maisagawa ang mga susunod na gawain.
Hercules
Si Hercules ay kalahating diyos at kalahating tao na anak ni Zeus. Siya ay
nabiyayaan ng pambihirang lakas at istamina. Dahil dito, siya ay lumaking
naiiba. Ang kanyang buhay ay hindi naging madali, dahil sa galit ng diyosang si
Hera, na asawa ni Zeus. Labis na napopoot ito sa kanya dahil anak siya ng
asawa nito sa ibang babae.
Nagsimula ang pangtatangka ni Hera sa anak ni Zeus bago paman ito
maipanganak. Maraming beses na nabingit sa kamatayan ang buhay ni
Hercules. Ngunit ito ay kanyang nalagpasan.
Nakapangasawa si Hercules at nagkaanak ng tatlo. Hindi ito matanggap
ni Hera kaya't binigyan niya ito ng karamdaman sa utak na naging dahilan
upang mapatay niya ang kanyang mga anak (at sa ibang bersyon, ang
kanyang asawang si Megara.) Tinulungan siyang matauhan ng diyosang si
Athena at ng magbalik sa tamang huwisyo, lubos na hinagpis at pagsisisi ang
kanyang naramdaman. Ninais niyang makabawi sa kasalanan kung kaya't
nabigyan siya ng gawaing tinawag na "Twelve Labors of Hercules".
Napagtagumpayan niya ito at dumanas pa ng mga pagsubok na dala ni
Hera. Sa huli, naging kabiyak niya si Deianara, na naging instrumento ng
kanyang kamatayan.
Kailangan mo ring malaman na ang kolokasyon ay ang pag-iisip ng iba
pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan. Dahil rito, makakabuo
ng iba pang kahulugan ang salita.
Halimbawa ng Kolokasyon - Kahulugan At Halimbawa
buwig ng saging
pumpon ng bulaklak
kawan ng ibon
ligaya at lumbay
trono ng hari
marangyang piging
magarang damit
maaliwalas na mukha
Puso – Isang importanteng parte ng katawang na nagpapadaloy ng dugo.
Ngunit kung ito ay daragdagan ng iba pang salit, mag-iiba ang kahulugan nito.
Halimbawa:
2
Pusong-mamon = Mabait
Atake sa puso = sakit
Puso ng saging = bunga ng saging na ginugulay
Nagdurugong puso = nagdaramdam
Bakal na puso = matapang, matatag
Hampas (malakas na pag palo) + lupa. Kapag ito ay pinagsama, ito ay
magiging hampas-lupa. Ang ibig sabihin ng isang hampas lupa ay isang mahirap
na tao o kaya ay isang tambay.
Basag (pagkasira ng isang bagay) + ulo (bahagi ng katawan). Kapag ito ay
pinagsama, ito ay magiging basag-ulo, isang away o laban.
III.
GAWAIN
III.MGA
ACTIVITIES
A. PAGSASANAY
PRACTICE TASK
Pagsasanay Blg 1
Panuto:
Mula sa binasang bahagi ng akdang mito, ilahad mo ang pangunahing
paksa at ideya nito sa pamamagitan ng pagbuo ng grap na ito.
PANGUNAHING PAKSA AT IDEYA
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_
Gabay na tanong upang mailahad ang pangunahing paksa at ideya:
1. Tungkol saan ang mito?
2. Ano-ano ang mahahalagang bagay ang tinalakay sa akda.
Pagsasanay Blg. 2
Panuto:
Buoin ang talahanayan upang sistematikong masuri ang nabasang mito.
Katangian ng Mito
1. Ang akda ay naglalahad ng
kasaysayan ng mga diyosdiyosan.
2. May kaugnayan sa mga ritwal
at teolohiya.
Oo
Hindi
3
Patunay
3. Hindi kapani-paniwalang
kuwento ng mga diyos, diyosa at
mga bayani.
4. Itinuturing na isang sagrado, at
pinaniniwalaang naganap.
Pagsasanay Blg. 3
Panuto:
Basahin at unawain muli ang isang mito mula sa Pilipinas. Pagkatapos nito,
sagutin ang gawain.
Si Malakas at Si Ganda
Ginawa ni Bathala ang lahat ng hayop at halaman dala ng kanyang
kalungkutan. Malaparaiso ang sinaunang mundo ngunit walang tao na nakatira
rito. Hanggang sa isang araw, may isang ibong lumipad sa himpapawid.
Natanaw nito ang pagkataas-taas na kawayan. Dala ng pagod, ito ay
nagpasyang dumapo sa naturang kawayan. Habang nagpapahinga ay
nakarinig siya ng tumutuktok sa loob ng halaman. May tinig na nakiusap na sila
ay pakawalan.
Noong una ay ayaw ng ibon na biyakin ang kawayan dahil baka ito ay
patibong lamang. Ngunit, may Nakita siyang butiki kaya inumpisahan niya itong
tinuka. Kinalaunan ay nakawala ang butiki kaya pinagpatuloy na lamang ng
ibon ang pagtuktok. Hanggang sa nabiyak ang kawayan at lumabas si Malakas.
Isinunod niya ang isa pang kawayan at doon naman lumabas ang isang
mahinhing dilag na ang pangalan naman ay Maganda. Ang dalawa ang
siyang nag-umpisa ng lahing kayumanggi.
Ihambing ang nabasang mito mula sa Pilipinas sa naunang mito na mula sa
Kanluran sa pamamagitan ng “Wala ka sa Mito namin!” Kompletuhin lamang ang
hindi tapos na dayalogo.
Wala ka sa mito
namin sa Pilipinas,
_________________
_________________
_________________
_________________
________________
Wala ka sa mito
namin Kanluran,
________________
________________
________________
________________
________________
____
4
Maghanap ng isang salita mula sa mitong binasa. Isama ito sa iba pang
salaita upang makabuo ng panibagong salita at ibigay ang kahulugan.
Nabuong
salita
Isinamang
salita
Salita mula
sa akda
+
Kahulugan
=
B. PAGTATAYA
Panuto:
Basahin ang sipi ng bahagi ng isang alamat na may pagkakahalintulad sa
mito at isulat sa patlong ang smiley emoticon
kung ang pahayag ay may
katotohanan at sad emoticon
kung hindi.
Alamat ng Bundok Kanlaon
Noong unang panahon may isang ulupong na may pitong ulo na namiminsala sa
mga tao. Nagbubuga ito ng apoy at walang awa sa mga hinaharap nito. Walang
makalipol sa ulupong ito na nakatira sa bundok.
Dahil dito’y kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May isang mang-gagamot
na nagsasabi na mag-alay ng isang babae para mawala ang galit ng ulupong. Subalit
nang malaman ito ng mga babae ay natakot sila at pinintahan nila ang kanilang mukha.
Subalit isang araw may isang binatang nangangalang Khan Laon na nag alok na
patayin ang ulupong. Tinanggap ng hari ang alok ni Laon at nagsabi na ibibigay niya ang
anak niyang si Prinsesa Talisay.
Inanyayahan niya ang angkan ng mga langgam, bubuyog at lawin para labanan
ang ulupong.
Sa takot na mapatay ng ulupong si Khan Laon ay humingi ng tulong si Prinsesa Talisay
sa amain niyang si Datu Sagay na tulungan ang binata. Ang mga mamayan naman ay
sumigaw na si Prinsesa Talisay ang gawing alay sa ulupong kabag nabigo si Laon.
5
Nang dumating ang kawal ni Datu Sagay ay nakita nila ang pagtagumpay ni Laon
laban sa ulupong. Ang mga lawin at amga bubuyog ay dumudukot sa mga mata ng
ulupong habang ang mga langgam naman ay pumunta sa katawan ng ulupong at
kumakagat.
Si Laon naman ay pumupugot naman ng mga ulo ng ulupong. Sa huli, namatay ang
ulupong.
Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang pangako na ipakasal si Laon kay
Prinsesa Talisay. Ang bundok ng ulupong ay ipinangalan sa kanya bilang pagkilala sa
kanyang kabayanihan.
_________ 1. Ang pangunahing paksa at ideya ng binasang akda ay ang
pakikipaglaban ng isang bayani para sa kapakanan ng mamamayan.
_________ 2. Maaaring isama ang salitang anak sa salitang initiman sa loob ng
binasang akda at ang kahulugan nito’y isang tao na nagtataglay ng
maputing kulay ng balat.
_________ 3. Ang akdang binasa ay hindi maaaring tawaging mito dahil ang mga
tauhan nito ay hindi nagtataglay ng kapangyarihan. Walang bayani
na makikita sa akda.
_________ 4. Kapani-paniwala ang mga pangyayari sa binasang akda kaya hindi
ito maaaring mapabilang sa mito.
_________ 5. Ang akdang nabasa ay maihahambing sa mito ng mga Kanluranin
dahil sa mga katangiang taglay nito.
IV.RUBRIC
RUBRIC
SCORING
IV.
SAFOR
PAGMAMARKA
Para sa Pagsasanay Blg. 1 at 3
 Organisasyon ng ideya
 Wastong estruktura ng wika
 Linaw ng paliwanag
5 puntos
5 puntos
5 puntos
Kabuoang puntos
5- MAHUSAY
15 puntos
3- KATAMTAMAN
1- DI- MAHUSAY
V. SUGGESTED SUPPLEMENTAL
LEARNING RESOURCE MATERIALS
V. MGA SANGGUNIAN



https://www.slideshare.net/CjPunsalang1/mitolohiya-64096298
https://philnews.ph/2020/05/21/halimbawa-ng-kolokasyonkahulugan-at-halimbawa/
https://takdangaralin.ph/halimbawa-ng-mitolohiya/
Inihanda ni:
SAMIEL M. PAYONGA, T-1
LNHS, Dibisyon ng Lungsod Ligao
Tiniyak ang kalidad ni:
6
LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.
Pandibisyong Superbisor sa Filipino
Download