Ang Kahalagahan ng Pag-aalaga at Lahi ng Baboy na Aalagaan EOMIE G. LAQUINDANUM VI - HIZON Mr. dexter gonzaga Ang Kahalagahan ng Pag-aalaga at Lahi ng Baboy na aalagaan Ang pagbababuyan ay napakapopular na gawain at pagkakakitaan dito sa Pilipinas. Dumarami ang mga nag-aalaga ng baboy sa bakuran at nangunguna sa industriya ng pagbababuyan. Ang mga Pilipino ay nawiwili sa pag-aalaga ng baboy dahil sa karne nito na maaring lutuin o isahog sa iba’tibang pagkain. Ang pag-aalaga ng baboy ay isang kapaki-pakinabang na gawaing makakatulong sa pagtaas ng uri ng pamumuhay ng mag-anak at pamayanan. Mahirap pumili ng lahi ng baboy na angkop sa ating kondisyon sapagkat ang mga ito ay lahing imported. Narito ang mga gabay upang makatulong sa pagpili ng lahing aalagaan depende sa layunin, gugulin at karanasan. LARGE WHITE Ito ay kulay puti, may mahabang katawan ngunit bahagyang kuba ang likod. Malapad ang mukha at nakatayo ang mga tainga. Ito ay nakapagbibigay ng 12 hanggang 14 na biik sa isang anakan. LANDRACE Puti ang kulay ngunit nakalaylay ang mga tainga. Ang inahin ay nakapagbibigay ng 10 hanggang 12 na biik sa isang anakan. Ang pata nito ay mainam sa paggawa ng hamon. Mahina ang mga paa nito at suliranin sa magaspang na kondisyon. DUROC Ito ay kulay pula at ang mga tainga ay bahagyang nakalaylay sa harapan. Higit na matibay sa anumang kondisyon kaysa sa ibang lahi. POLAND CHINA Itim na may puting batik sa mukha, paa at buntot. Ang mga tainga ay bahagyang nakalaylay. Ito ay may malaking katawan at patang mahaba at malaman na mahusay sa paggawa ng hamon. HAMSPHIRE Ito ay itim at may puting guhit sa paligid ng katawan at unahang pata. Ito ay malakas at maliksi ang kilos, karaniwang mahaba ang mga biyas ngunit kulang sa lapad ang katawan. Ito ay nabubuhay sa anumang kondisyon. BERKSPHIRE Ito ay itim na may anim na puting kulay – apat sa mga paa, isa sa mukha at isa sa buntot. Diretso ang mga tainga. Kilala ito sa pagiging malaman at nabubuhay sa anumang kondisyon. HYPHOR Mula sa lahing EURIBRID ang inahin ay mahusay na manganak. Mahusay ang anyo ng katawan. Malaman ang mga likod at pata. Ang karne nito ay napakainam na uri. PHLIPPINE NATIVE Pinakamainam na alagaan ay ang katutubong baboy. Ang dapat na alagaan ng nagsisimula pa lamang sapagkat sanay ito sa anumang kondisyon at hindi maselan sa pagkain. Ito ay itim na may katamtamang haba ang nguso. Ang katawan ay maikli ngunit malapad ang hakbang.