Jereena Manalaysay-Cruz Marcelo H. del Pilar National High School 1. 2. Bilang isang mag-aaral, makapagbibigay ka ba ng mga posibleng dahilan kung bakit mas maraming mamimili sa isang tindahan? Sa iyong palagay, ano-ano kaya ang mga pangunahing salik na humihimok sa mga mamimili para puntahan ang isang tindahan? Ang DEMAND ay tumutukoy sa dami ng produkto o paglilingkod na gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa isang takdang presyo. Ayon sa batas na ito, mayroong magkasalungat (inverse) na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. P R E S Y O Q U A N T I T Y D E M A N D E D P R E S Y O Q U A N T I T Y D E M A N D E D Ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakakaapekto rito. Bakit magkasalungat ang ugnayan ng presyo at quantity demanded (Qd)? SUBSTITUTION EFFECT INCOME EFFECT SUBSTITUTION EFFECT Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, hahanap ang konsyumer ng pamalit na mas mura. INCOME EFFECT Ipinahahayag dito na mas malaki ang halaga ng kinikita ng isang indibidwal kapag mas mababa ang presyo. Demand Schedule Demand Function Demand Curve DEMAND Ito ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded (Qd). Qd = a - bP KUNG SAAN ANG: Qd = a - bP Qd = dami ng demand a = dami ng demand kung ang presyo ay zero (horizontal intercept) (-b) = slope ng demand function P = presyo Qd = 60 – 10P Dami ng demand kapag ang presyo ay 0 Slope ng demand function Qd = 60 – 10P Ilan ang Qd kapag ang presyo ay Php 5.00? Qd = 60 – 10(5) Qd = 60 – 50 Qd = 10 Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang presyo. Presyo (bawat piraso) Quantity Demanded (Qd) 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 0 60 Ito ang grapikong paglalarawan na nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng presyo ng isang produkto at quantity demanded para rito. PRESYO NG KENDI BAWAT PIRASO 5 4 3 2 1 0 A B C D E F 10 20 30 40 50 60 70 Qd PARA SA KENDI Lagyan ng tsek ( ) ang kolum ng Tama kung tama ang pahayag at ekis (X) ang kolum ng Mali kung mali ang pahayag. PAHAYAG 1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. 2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay maaaring ipakita gamit ang demand schedule, demand curve at demand function. 3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at Qd ay mayroong tuwirang relasyon. 4. Ang ceteris paribus ay ginagamit upang ipagpalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng Qd. 5. Ang income effect ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito. TAMA MALI Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa PE. Nagkataong may tinda sa kantina na buko juice. Ilang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhin sa presyong P6, P8, P10 hanggang P14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng Qd sa bawat presyo upang mabuo ang demand schedule. Ipagpalagay na ang demand function mo Qd=50-2P. Pagkatapos nito ay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong. Presyo (bawat baso ng buko juice) 6 8 10 12 14 Quantity Demanded (Qd) 1. 2. 3. Ilan ang quantity demanded sa presyong P6.00? Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang presyo mula P8.00 hanggang P14.00? Ipaliwanag ang sagot. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinasaad ng batas ng demand batay sa nabuo mong demand schedule at demand curve. Mula sa datos na nasa susunod na pahina, kumpletuhin ang talahanayan upang maipakita ang demand schedule. Presyo Quantity Demanded (Qd) Presyo 1 600 200 30 6 300 100 15 Quantity Demanded (Qd) 60 0 1. 2. 3. 4. 5. Kita Panlasa Dami ng mamimili Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo Inaasahan ng mga mamimili sa presyo na hinaharap Sa pagtaas ng kita ng isang indibidwal ay tumataas din ang kanyang kakayahang bumili ng mas maraming produkto/serbisyo. Sa pagbaba ng kanyang kita, bumababa din ang kanyang kakayahang bumili ng mga produkto/serbisyo. NORMAL GOODS – tumataas ang demand para sa isang produkto kapag tumaas ang kita ng isang tao. INFERIOR GOODS – ito ang mga produktong bumababa ang kita kapag tumataas ang kita ng isang tao. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand mo para rito. Halimbawa: Kung mas pasok sa iyong panlasa ang pagsusuot ng mga flat shoes kaysa high heels ay mas bibili ka ngflat shoes at mas marami ang demand mo para rito. Ang bandwagon effect ay maaaring makapagpataas ng demand para sa isang produkto o serbisyo. Dahil nauuso ngayon ang mga food parks, maraming tao ang nahihikayat pumunta at kumain ditto. Halimbawa: KOMPLEMENTARYO (COMPLEMENTARY GOODS) - Ito ang mga produktong magkasabay na ginagamit. - Anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. PAMALIT (SUBSTITUTE GOODS) - Ito ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. - Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto ay nagdulot Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa mga susunod na araw, tataas ang demand para sa nasabing produkto sa kasalukuyan. Ang pagtaas ng demand ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. Ang pagbaba ng demand ay magdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa. PRESYO NG KENDI BAWAT PIRASO 5 4 3 2 1 0 Qd1 Qd2 A B C D E F 10 20 30 40 50 60 70 80 Qd PARA SA KENDI PRESYO NG KENDI BAWAT PIRASO 5 Qd2 Qd1 4 3 2 1 0 10 20 30 40 50 60 70 80 Qd PARA SA KENDI