Uploaded by lunaperaya

419923852-Modyul-6-Pagsulat-ng-Repleksibong-Sanaysay-pptx

advertisement
Modyul 6 Pagsulat ng
Repleksibong Sanaysay
Pangkat Lima
Sa Modyul na ito, inaasahang
magagawa mong:
1. Makilala ang mga katangian
ng mahusay na Repleksibong
Sanaysay sa pamamagitan ng
mga binatang halimbawa;
3. Matukoy ang mga hakbang
sa pagsulat ng Repleksibong
Sanaysay;
4. Makasulat ng isang
organisado, malikhain, at
kapani-paniwalang
Repleksibong Sanaysay; at
5. Maisaalang-alang ang etika
sa binubuong Repleksibong
Sanaysay.
Ano ang Repleksibong Sanaysay?
Ang Repleksibong papel o mapagmuning
sanaysay ay isang pagsasanay sa
pagbubulay- bulay. Sa pamamagitan nito,
natutuklasan ang sariling pag-iisip,
damdamin, o opinyon tungkol sa isang
paksa, pangyayari, o tao, at kung paano
naapektuhan ng mga ito.
Ang pagsulat ng Repleksibong Sanaysay
ay isang gawaing humahamon sa
mapanuring pag-iisip. Ang sulating ito ay
maaaring nasa anyo ng personal na
sanaysay, lahok sa journal, diary,
repleksyong papel, o learning log.
Hindi katulad ng ibang uri ng sanaysay,
hindi gaanong limitado ng kumbensiyon
ang Repleksibong Sanaysay kaya naman
marami ang nasisiyahan sa pagsulat nito.
Kaiba ang Repleksibong Sanaysay sa iba
pang akademikong sulatin dahil
karaniwan ay hindi na kailangang
sumangguni sa ibang akda at manghiram
ng kaisipan. Sa halip nakabatay ito sa
pagpapahayag ng manunulat ng sarili
niyang pananaw batay sa kaniyang
karanasan.
Bagaman personal at subhetibo,
kailangang panatilihin ng manunulat ang
akademikong tono ng sanaysay.
Mahalaga ding maayos ang organisasyon
nito.
Kahalagahan ng Repleksibong
Sanaysay
Lahat ng pagsulat ay proseso ng
pagkatuto
Sa pagsulat ng Repleksibong Sanaysay,
tayo ay nagpapahayag ng damdamin, at
dito ay may natutuklasang bago tungkol
sa sarili, sa kapuwa, at sa kapaligiran.
Ang pagsulat ng Repleksibong Sanaysay
ay proseso rin ng pagtuklas. Sa
pamamagitan din nito, natutukoy natin
ang ating mga kalakasan at kahinaan, at
nakakaisip tayo ng mga solusyon sa mga
problemang kinakaharap natin
Hinahasa rin ng pagsulat ng Repleksibong
Sanaysay ang kasaysayan sa
metacognition o ang kakayahang suriin at
unawain ang sariling pag-iisip.
Sa ibang salita, ito ang pag-iisip sa kung
ano ang iniisip natin. Sa pamamagitan ng
metacognition, nalilinang ang mga
estratehiyang gagamitin upang matamo
ang mga inilatag na layunin.
Hindi ito katulad ng trial-and-error na
estratehiya na nagdudulot ng paulit-ulit
na pagkakamali n humahadlang sa
pagkamit ng mga layunin.
Sa pag-aaral nina Di Stefano, Gino,
Pisano at Staats (2014), magiging mas
mabisa ang pagkatuto mula sa sariling
karanasan kung lalangkapan ito ng
repleksiyon.
Pinakita nila na ang Repleksibong gawain
ay makapangyarihang mekanismo sa
pagkatuto.
Sinang-ayunan nila ang mga pahayag ng
Amerikanong Pilosopo, Sikologo at
edukasyon na si John Dewey: " hindi tayo
natututo sa karanasan... Natututo tayo
sa pagbubulay sa ating karanasan."
Mga katangian ng Repleksibong
Sanaysay
Personal ang Repleksibong Sanaysay.
Sa sulating ito, sinasagot ng manunulat
ang mga Repleksibong tanong na
naglalayong ipakita ang ugnayan ng
manunulat sa kaniyang paksa.
Halimbawa:
1. Ano ang iyong naging reaksiyon sa
pinanood mong teleserye?
2. Ano ang paborito mong asignatura sa
paaralan at bakit?
3. Paano mo iuugnay ang sarili sa
pangunahing tauhan ng binasa mong
nobela?
4. Ano ang kalakasan at kahinaan mo sa
pagsulat?
Bagaman personal at subhetibo, ang
Repleksibong Sanaysay ay may mga
sinusunod pa ring direksyon.
Hindi ito tulad ng malayang pagsusulat na
kailangan lamang isulat ang anumang
pumasok sa isipan.
Maaari ito sa pagsulat ng tala arawan,
ngunit hindi pa ito tanggap sa pagsulat
ng repleksiyong papel lalo na kung
akademiko ang layunin nito.
Ang pagsulat ng Repleksibong Sanaysay
ay hindi lamang limitado sa paglalarawan
o gaya ng mapanuring kamalayan at
mapanuring diwa.
Kapag nagsusulat nito, nagsasagawa rin
ng pagsusuri (Ano-ano ng mga sanhi at
bunga ng kahirapan?)
Bumubuo ng sintesis (Ano-ano ng mga
natutuhan mo sa mga naobserbahan?)
At nagsusuri at nagpapasiya ( Ano-anong
mga kaisipan ang tanggap o hindi mo
tanggap?)
Sa pagsulat ng akademikong repleksiyong
papel, mahalagang gumamit ng
deskriptibong wika.
Sa pamamagitan nito, maipababatid sa
mga mambabasa na maunawaan at lubos
na pinag-isipan ang paksa.
Dahil dito ay nakabatay sa karanasan,
inaasahang nagsulat dito tungkol sa sarili,
mga ideya, at opinyon.
Kaya naman hindi problema ang
paggamit ng mga panghalip na "ako" sa
Repleksibong Sanaysay.
Pagsulat ng Repleksibong Sanaysay
Paano ba mag sulat ng isang
Repleksibong Sanaysay? Bago ito
simulan, tanungin muna ang sarili:
Ano ang pakiramdam ko sa paksa?
Ano kaya ang magiging epekto nito sa
atin?
Kung maaapektuhan ako nito, bakit?
Kung hindi naman, bakit?
Tanungin ang sarili ng mga personal na
tanong. Magtanong nang mag tanong.
Huwag limitahan ang mga tanong. Ituon
ang sarili sa mga kaalaman o opinyong
maaaring ibahagi. Kapag nasagot ang
mga ito, maaari bang simulan ang
pagsulat.
Ilista ang mga sagot sa mga tanong at
ibuod ang mga it.
Ang mga ito ang magsisilbing
pangunahing ideya o tesis na gagabay sa
pagsulat ng Repleksibong Sanaysay.
Kapag malinaw na ang tesis, tukuyin ang
mga argumento o ideyang susuporta
dito.
Ilahad ang mga ito sa mga talata na
siyang bubuo ng papel.
Gumagamit ng mga ebidensya o
makatotohanang pahayag sa mga talata
upang mapatatag ang mga inilalatag na
opinyon.
Mahalaga ito dahil ito ang nagbibigay ng
bigat at sustansiya sa repleksyon.
Sa konklusyon, ibuod ang pangunahing
ideya o tesis ng sanaysay.
Maaaring mag iwan ng mga tanong,
halimbawa, tungkol sa kung ano ang
pamanang iba sa Paksa.
Maaari ding hamunin ang mga
mambabasa, tulad ng paghimok sa
kanilang pakaisipin ang mga nasabi
tungkol sa paksa o kaya naman ay
tanungin nila ang mga sarili.
Kapag tapos na isulat ang papel, balikan
ang mga unang itinanong sa sarili.
Ito ba talaga ang pakiramdam ko sa
paksa?
Ito ba talaga ang naging epekto nito sa
akin?
Naapektuhan ba talaga ako ng aking
isinulat?
Kung hindi bakit kaya?
Ang mga pagtatanong na ito ay paraan
upang masiguro ang katapatan sa
pagsulat ng Repleksibong Sanaysay.
Maging tapat sa naiisip o
nararamdaman habang isinusulat ito.
Kung hindi, nawawalan ng saysay ang
pagsulat nito.
Download