Uploaded by Dwyne Kaiser Gallego

filipino script

advertisement
SCENE 1 (SA PAARALAN)
(nagtatawanan)
Kriznah: O siya girls, tuloy ba tayo mamaya sa bahay?
Feliz: Kailan ba naging drawing ang mga plano natin?
Diane: So ano guys, anong oras tayo mamaya?
Feliz: Sandali! Okay na ba ang alak?
Kriznah: Oo, naman Feliz! Mamaya alas singko.
Eunice: Mukhang may problema ka yata Jrecel.
Jrecel: Baka kasi pagalitan ako ng nanay ko.
Eunice: Kailan ba hindi nagalit ang nanay mo? Mukhang palaging galit na galit naman ‘yon eh.
Kriznah: Sige pilitin mo na ang nanay mo.
All Walwal Girls: Sige na….
Jrecel: Sige susubukan ko.
Feliz: Oh sige umuwi na tayo at maghanda.
Diane: Tama!
Kriznah: Tayo na.
(aalis ng silid aralan)
SCENE 2 (SA KANI-KANILANG BAHAY)
(naghahanda at nag-aayos)
SCENE 3 (SA LABAS NG BAHAY)
(naiinip sa kahihintay sina Kriznah, Eunice at Diane)
Kriznah: Dumating ka na rin Jrecel. Wala na tapos na ang party.
Diane: Oo nga. Bakit ka ba natagalan?
Jrecel: Hindi sana pumayag si nanay pero pinilit ko siya at nagsinungaling na lang ako.
Eunice: Ganun ba? Oh sige nandoon pa si Feliz sa loob.
Kriznah: Sige pasok na tayo.
SCENE 4 (SA LOOB NG BAHAY)
(tumatawa at nakikipag-usap si Feliz ng abutan ng apat)
Feliz: Girls! Jrecel dumating ka na rin sa wakas. O sige girl mamaya na lang tayo mag-usap.
Kriznah: Inom tayo girls. Total kaunti na lang ang mga tao.
Eunice: Nasaan na ba ang alak mo Feliz?
Feliz: Nandoon sa ref, pakikuha na lang Kriz.
Kriznah: O sige. Doon kayo sa kwarto. Walang tao doon para tayo lang. Mauna na kayo.
Eunice: Tayo na girls.
SCENE 5 (SA ISANG KWARTO)
(papasok sa kwarto) (umupo at saka nag-usap)
Jrecel: Pasensiya na at nahuli ako.
Feliz: Ok lang basta naka-abot ka.
Eunice: Oo, iinom lang naman ang plano eh. Sige bago dumating si Kriznah mag-selfie tayo.
Feliz: At saka sisinghot…
Diane: Wala sa usapan yan ha?! Feliz itigil mo yan.
(nag-uusap sina Diane at Feliz habang si Jrecel ay may ini-isip)
Feliz: Kung ayaw mo edi hindi.
Diane: Uminom na lang kasi tayo.
SCENE 6 (FLASHBACK)
(pinapagalitan si jrecel ng kaniyang ina)
SCENE 7 (SA KWARTO) 1
(pumasok na si kriznah dala ang alak) (naulinigan si Jrecel)
Kriznah: Girls heto na ang alak oh.
Feliz: Ang baso?
Kriznah: Ay narito.
Eunice: Sino yan?
Diane: Kaibigan mo?
Kriznah: Hindi, si Charwel pala, pinsan ko.
Jrecel at Eunice: Hi!
Feliz: Sige maupo ka rito.
SCENE 8 (SA KWARTO) 2
(nag-inuman na sila)
(nagtatawanan)
Kriznah: Alak pa girls.
Eunice: Lasing na ako. Mukhang hindi ko na kaya.
Diane: Ako rin. Mukhang hindi na ako makakauwi nito.
Jrecel: (parang nahahalata ang ginagagawa ni Feliz) Ano yan Feliz?
Feliz: Shabu, gusto mo? Marami kang problema diba? Subukan mo at yan ay maglalaho!
Jrecel: Sige masubukan nga. Salamat, lalabas muna ako girls.
Kriznah: Bumalik ka ha!
(lalabas si Jrecel at lumabas rin si Charwel)
Download