Uploaded by Dwyne Kaiser Gallego

aral pan - Copy

advertisement
Kontemporaryong Isyu: Isyu ng Lahat!!
(lalake) Kaming mga lalake, malakas, sinasamba,
Pinapayagang magkaroon noon ng maraming asawa;
Subalit, maaari ka naming patayin mga babae,
Sandaling may kasama kang ibang lalake.
(babae) Oo, mahina kami, limitado ang mga karapatan,
Hindi pinag-aaral, noon kaming mga kababaihan;
Pero! Kaanib niyo kami sa panahon ng pag-aalsa,
At tandaan! Hindi ka lalabas kung wala kang ina!
Katangahan!
Tumahimik ka!
(lalake) Pinamumukha mo sa amin ang inyong kahinaan,
Ni hindi nga kayo pinapayagang mag-maneho ng sasakyan!
(babae) Isa yang diskriminasyon sa aming parte,
Kami ay mahalaga, importanteng mga babae.
(lalake) Tama ngang kayo ay mahalaga pero tandaan,
Kami ang lakas sa mata ng sanlibutan;
Iyon ay inyong masasaksihan at makikita,
Kapag inyong natunghayan ang aming halaga!
(babae) Halaga na kung halaga, sige magsalita ka,
Isang malaking hangarin ang tawagin kang ama;
Subalit inyong tandaan, kami’y inyong kahinaan;
Na minsa’y kami ay mahalaga at inyong kinakailangan!
(chanting/song)
Ano yan?
Kakaiba, hindi kapani-paniwala!
Inyong pag-masdan ang kanilang kaibahan,
Mukhang iba sa kanila’y bakla at lesbian;
Mga hindi katanggap-tanggap na mga nilalang,
Ngayo’y nakatayo sa ating harapan.
Ating namasdan ang kanilang kaibahan,
Mula sa kakaibang pag-galaw at kasuotan;
Hindi dapat sila nakikilahok sa isyung panlipunan,
Mga nilalang, nakatayo at nakatago sa kamalian.
(LGBT) Napakinggan natin ang kanilang opinion,
Sige! Ating pakinggan at unawain ngayon;
Bakla nga siya, oo tomboy ako at tama parte kami,
Parte ng pamayanan ng LGBT.
“LGBT rights are Human Rights” ani Moon,
Nilalang kaming nilikha ng panginoon;
May natatanging kakayahan at abilidad,
Na siyang sa mata niyo ay bubukad.
Tao nga naman talaga tayo,
Magkakaiba lang sa pamamaraan ng pagiging tao;
(lalake) Kami’y parte at bumubuo sa mga lalake
(babae) Kami’y isa sa pahina ng libro ng mga babae
(LGBT) Kami’y LGBT, tumatatag ng bagong imahe
Tayo’y mga tao, may kulay at umiintinde!
(chanting/song)
Pero hindi talaga maiiwasan,
Ang pagiging mapanlait at may kapintasan;
Babae, lalaki, at LGBT hindi nakakaiwas,
Mula sa tradisyon, karahasan na naniningas!
Mula sa panggagahasa at pananakit,
Patungo sa tradisyong nakakasakit;
Tulad na lang ng lotus feet at breast flattening,
Sa kababaihan resulta’y nakaka-iling.
Hindi rin nakakaiwas ang LGBT,
Tulad ng diskriminasyon na nagreresulta sa hindi pagkabati-bati;
Kahit nga tomboy ay ginagahasa at sinasaktan,
Pinagkakait pang makasali sa isyung panlipunan.
Tayo ay umaaksyon sa kasalukuyan,
CEDAW at Magna Carta for Women inaprubahan;
Ang Yogyakarta principle para sa mga LGBT,
Nangangahulugang tayo na ay magkakabati.
Sa huli mabuti pa rin ang magdaraig,
Na siyang babago sa daloy ng ating daigdig;
Ang pana, salamin at bahaghari,
Mag-kukusa at magiging isang lahi!
Download