Published by the LEARNING RESOURCES MANAGEMENT SECTION (LRMS) Department of Education Region VI - Western Visayas Schools Division Office of Kabankalan City COPYRIGHT 2019 Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material has been developed to support the Contextualization and Localization of the Enhanced Basic Education Curriculum under the K to 12 Framework implemented by the Curriculum and Implementation Division (CID) of the Department of Education, Division of Kabankalan City. It can be reproduced for education purposes and the source must be clearly acknowledged. The material may be modified for the purpose of translation into another language but the original work must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and profit. Writer: ANTONIETTA G. GAYOSA Illustrator: KRISHA MARIE T. PALTU-OB Esteban R. Abada Memorial School– East Tan-awan Elementary School Lay-out: ROWENA B. TEVES Evaluator: MARIAN D. TRONCO Esteban R. Abada Memorial School– West Esteban R. Abada Memorial School– East ARNALDO G. ROGON, JR. LR Production Team: MARY HELEN M. BOCOL, EPS - LRMS JEWELYN Q. CADIGAL, PDO II - LRMS EMEE ANN P. VALDEZ, LIBRARIAN II Camansi National High School Recommending Approval: PETER J. GALIMBA O.I.C-Asst. Schools Division Superintendent Approved: PORTIA M. MALLORCA, PhD, CESO V Schools Division Superintendent The first digital edition has been produced for print and digital distribution within the Department of Education, Philippines via the Learning Resources (LR) Portal by the Division of Kabankalan City, kabankalan.city001@deped.gov.ph “Anak! Bakit ang kalat ng mga aklat mo?” tanong ng Nanay kay Dos. Ngumiti lang si Dos. Patuloy ito sa pagbabasa habang nagliligpit ang Nanay niya. Si Dos ay isang batang lalaki na mahilig sa aklat. Gustong-gusto niyang magbasa nito. Tuwing humihingi siya ng aklat sa kanyang nanay agad siyang binibilhan nito. Si Dos ay may masamang ugali. Hindi niya binabalik sa lalagyan ang mga aklat. Kung saan siya nagbabasa doon din niya iniiwan ang aklat. Makalat kasi si Dos. Hindi siya masinop at maingat sa kanyang mga gamit. Hinahayaan niya lamang itong nakakalat, napupunit o di kaya’y nasisira. Isang araw, iniwan ni Dos na nakakalat ang kanyang mga aklat habang siya ay naglalaro. Pagbalik niya, nakita niyang tumatakbong palayo sa kanya ang mga aklat. Tinawag niya ang mga ito ngunit patuloy ang mga aklat sa paglayo. Sinundan niya ang mga ito at hinanap. Nakasalubong niya ang isang Book Fairy sa kanyang paghahanap. Nagtataka si Dos dahil kahawig nito ang kanyang paboritong aklat. “Nakita mo ba ang mga aklat ko? Bakit kamukha ka ng paborito kong aklat?” mausisang tanong ni Dos. “Ako ang Book Fairy. Ako ay tagabantay ng mga aklat. Lumalayo sa iyo ang iyong mga aklat dahil sa pagbabalewala mo sa kanila Dos,” mahigpit na sagot ng Book Fairy. “Dahil dito tuturuan kita ng leksyon! Didikit ang mga letra sa iyong mga mata hanggang sa ikaw ay matutong mag-ingat sa iyong mga aklat.” At biglang nawala ang Book Fairy. Nanlaki ang mga mata ni Dos dahil lumabas ang mga letra sa pahina ng mga aklat at biglaang dumikit ito sa kanyang dalawang mata. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata pero wala pa ring nangyari. Nakadikit pa rin ang mga letra dito. Umiyak at nagsisigaw si Dos. Napatakbo ang kanyang nanay at nag-aalalang nagtanong, “Dos, ano ba ang nangyari?” “Nay, sorry po! Hinding-hindi na po ako magkakalat kailan man. Aalagaan at iingatan ko na po ang aking mga aklat,” paiyak na sabi ni Dos. Niyapos siya nang mahigpit ng kanyang Nanay. “Salamat naman Dos at napagisipan mo na ang kahalagahan ng mga aklat,” malumanay na sambit ng kanyang ina. Kinaumagahan, laking tuwa ng kanyang ina nang makitang wala nang nakakalat na mga aklat kung saan-saan. Lahat ay sinauli at inayos ni Dos sa tamang lalagyan. Masayang nagmamasid ang Book Fairy sa pagbabago ni Dos. Kaya binawi niya ang kanyang ibinigay na parusa. Unti-unting nawala ang mga nakadikit na letra sa mata ni Dos. Magmula noon, naging maingat at masinop na si Dos sa kanyang mga gamit lalong-lalo na sa kanyang mga aklat. Mga Kasanayang Nakapaloob sa Kwento: 1. Nakikinig nang maigi sa kwento at nakabibigay ng reaksyon habang nagkukuwento. (LLKBPA-00-9) 2. Nakapagpapahayag ng sariling karanasan na may kaugnayan sa mga sitwasyon sa kwento. (LLKLC-Ig-4) 3. Nasasabi ang mga detalye o kaganapan sa kwento ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. (LLKLC-Ih-6) Mga Gabay na Tanong: 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? 2. Ano ang mahilig gawin ni Dos? 3. Ano ang ginawa ng Book Fairy sa kanya? 4. Anong klaseng bata ang pangunahing tauhan sa kwento? 5. Bakit siya pinarusahan ng Book Fairy? 6. Anong nangyari matapos siyang parusahan ng Book Fairy? 7. Ano-anong katangian ni Dos ang dapat at hindi dapat tularan? Bakit? 8. Kailangan ba nating ingatan at alagaan ang ating mga gamit? Bakit? 9. Nagbago ba si Dos? Kung ikaw si Dos, gagawin mo rin ba ng kanyang ginawa? Bakit?