PANGKALUSUGANG MODYUL PARA SA MAG-AARAL SA BAITANG 4 TABLE OF CONTENTS Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral sa Baitang 4 at maaaring sagutan sa tulong ng magulang, kapatid o tagapangalaga. Ito ay may tatlong aralin: • Food Labels • Kaligtasan sa Pagkain GABAY PARA SA MGA ICONS Ito ay tumutukoy sa mga bahagi ng modyul na dapat basahin kasama ang iyong anak Ito ay tumutukoy sa mga bahagi na kailangan sagutan Aralin 1: Food Labels Buod ng Nilalaman at mga Layunin 2 Ating Simulan 2 Ipakita Mo 3 Magbasa at Matuto 4 Ano ang Ating Natutunan? 5 Magbasa at Matuto 6 Ipakita Mo 7 Aralin 2: Kaligtasan ng Pagkain Buod ng Nilalaman at mga Layunin Magbasa at Matuto Ano ang Ating Natutunan? Magbasa at Matuto Ano ang Ating Natutunan? Subukan Ito 9 9 11 12 14 15 Ito ay tumutukoy sa mga bahagi na naglalarawan ng mas maraming gawain para matuto 1 ARALIN 1 FOOD LABELS BUOD NG NILALAMAN Sa araling ito, matututunan mo ang halaga ng pagbabasa ng food labels. 1. Basahin at intindihin ang food labels upang makatulong sa mga mamimili na pumili ng masustansya at iba’t ibang pagpipilian. 2. Ipinapaalam ng mga labels sa mga mamimili kung ang isang klase ng pagkain ay nagbibigay ng wastong sustansya at tamang bilang ng calories, taba, asin at asukal. Ang pag-unawa ng impormasyon na ito ay makakatulong upang masundan ng bawat mamimili ang tamang paggamit ng sustansya at calories at tamang pagbabahagi ng pagkain. 3. Pinoprotektahan ng mga label ang mga konsumer laban sa mga mapanlinlang na patalastas, dahil pinapakita ng mga ito ang tunay na sustansya ng isang pagkain. 4. Ang labels ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mamimili kung gaano katagal maaaring itabi ang pagkain at kung hanggang kailan ito maaaring kainin. LAYUNIN Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na kaya mong: 1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbasa ng food labels. 2. Ilarawan ang impormasyon na nilalaman sa mga food labels. 3. Gamitin ang food labels upang maihahalintulad ang sustansya ng iba’t ibang pagkain. Sa aralin na ito, matututunan natin ang: Choose Nutritious and Varied Options Manage Portions ATING SIMULAN Tingnan ang dalawang larawan sa ibaba. Alin sa tingin mo ang mas masustansya at bakit? Sa pagitan ng dalawang pagkain, alin sa tingin mo ang nagtataglay ng: • Mas madaming sugar? • Mas madaming salt? • Mas madaming calories? cupcake whole wheat bread Paano mo malalaman kung ang isang pagkain ay nagtataglay ng maraming sugar o salt? Paano mo malalaman kung ang pagkain ay mayroong madaming calories? 2 Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels Mahalaga na pumili tayo ng pagkain na makakatulong na magpalaki at magpalakas sa mga katawan natin, at maibigay ang lakas na kinakailangan para tumagal nang buong araw. Kapag tayo ay kumakain ng prutas, gulay, karne at fortified milk sa tamang bahagi, alam natin na nakukuha ng ating katawan ang kailangan nitong sustansya. Ngunit paano kung ang pagkain ay nakasilid sa plastic na lalagyan, selyadong bag at kahon? Karamihan sa produktong pagkain ay nakabalot at mayroong food labels. Ang food labels ay ang pangunahing komunikasyon ng manufacturer (ang kompanya na gumawa ng pagkain) at ng mamimili (tayo). Ang manufacturer ay nagbibigay ng kaalaman kung ano ang nilalaman ng pagkain na ating kinakain. Ang food labels ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa nilalaman ng pagkain, ang nutrisyon at tagal ng pag-iimbak. IPAKITA MO Sa araling ito, kailangan ninyo ng food labels. Magdala ng mga produkto na mayroong food labels tulad ng nakikita mo dito. Titingnan at ihahambing ang mga labels habang tinatalakay ang aralin. Ating tingnan ang label. Hanapin ang mga salita at bilugan: • • • • • • • • • • INGREDIENTS: Milk powders (Skimmed milk, Whey), Malt Extract (Barley, Starch), Sugar, Vegetable oil, Cocoa powder, Minerals (Calcium carbonate, Dicalcium phosphate, Disodium phosphate, Iron pyrophosphate, Vitamins (C, B3, B6, B2, D, B12). Serving Size Number of Servings Energy / Calories Fat Saturated Fat Trans Fat Cholesterol Sodium Carbohydrates Dietary Fiber • • • • • • • • • • Sugar Protein Vitamin C Vitamin B6 Vitamin B12 Vitamin D Iron Calcium Phosphorus Ingredients Tingnan ang sariling food labels. Pumili ng isa at tingnan kung naglalaman ng lahat ng impormasyon na nakalista dito. Lagyan ng tsek sa tabi ng impormasyon na makikita sa label. • Serving Size • Sugar • Number of Servings • Protein • Energy / Calories • Vitamin C • Fat • Vitamin B6 • Saturated Fat • Vitamin B12 • Trans Fat • Vitamin D • Cholesterol • Iron • Sodium • Calcium • Carbohydrates • Phosphorus • Dietary Fiber • Ingredients 3 Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels MAGBASA AT MATUTO Ang pag-intindi ng food labels ay mahalaga dahil ito ay makakatulong sa pagpili ng masustansya at iba-ibang pagpipilian. Ang food labels ay tumutulong din upang malaman natin ang masustansyang dami ng pagkain at maprotektahan laban sa mapanlinlang na anunsyo. Ito ang paraan kung paano gamitin ang impormasyon sa food labels upang makapili ng masustansyang pagkain. Una natin titingnan ay ang serving size at serving per container. • Servings size ang nagsasabi ng inirerekomendang dami ng pagkain para sa isang tao. • Serving per container naman ay ang kabuuang dami ng servings sa buong balot. Kapag tiningnan ang lahat ng iba pang impormasyon sa label, ito ay nakaayon sa serving size, tulad ng ipinapakita sa ibaba. Ang food labels ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa calories. Ang calories ay tumutukoy sa dami ng enerhiya na maaaring makuha mula sa isang produktong pagkain. Ang dami ng calories na makukuha sa isang produkto ay may kaugnayan sa serving size. Halimbawa, mayroong 94 calories sa loob ng 24 grams ng produkto. Kung mauubos ay 48 grams ng produkto (dalawang beses ng serving size), ang iyong makukuha ay 188 calories. INGREDIENTS: Milk powders (Skimmed milk, Whey), Malt Extract (Barley, Starch), Sugar, Vegetable oil, Cocoa powder, Minerals (Calcium carbonate, Dicalcium phosphate, Disodium phosphate, Iron pyrophosphate, Vitamins (C, B3, B6, B2, D, B12). Dapat din tingnan ang nutrient information sa Nutrition Information Panel o Nutrition Facts. Ito ang magsasabi kung gaano karami ang sustansya sa isang serving ng: • Protein • Carbohyrdates (kabilang ang sugar at fiber) • Fat (kabilang ang saturated fat, trans fat, at cholesterol) • Vitamins at minerals Ang impormasyon sa nutrition panel ay makakatulong sa atin upang suriin kung ang mga sinasabi nito tungkol sa produkto ay totoo o hindi. Halimbawa, kung ang produkto ay nagsasabi na mayroon itong vitamins at mineral sa balot nito, ngunit walang nakasaad na vitamins at minerals sa Nutrition Information Panel, ang mga pahayag nito tungkol sa sustansya ay hindi dapat paniwalaan. Kung ang pahayag sa produkto ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang, ngunit ito mayroong mataas na calories at mataas na asukal at taba, malalaman mo na ang pahayag na pagtulong sa pagbawas ng timbang ay hindi dapat paniwalaan. 4 Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels Ang food labels ay naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon: • Expiration Date (petsa ng pagkawalang bisa). Ito naman ay tumutukoy kung gaano ang itatagal ng pagkain na ligtas kainin. Hindi natin dapat kainin ang pagkain na lipas na ang expiration date. • Directions for use (o paraan ng pag gamit) na nagsasabi kung paano inihahanda at inihahain ang pagkain ng maayos. • Ang storage condition (kondisyon ng pagiimbak) ay tumutukoy kung paano iimbak ang pagkain upang mapanatili ang kalidad, lalo na kung kailangan ilagay ang pagkain sa malamig na kapaligiran. ANO ANG ATING NATUTUNAN? Tingnan muli ang inyong mga food labels. Pumili ng isa na maaring gupitin at idikit sa puwang sa ibaba. (Maaring kumuha ng larawan ng iyong label at iprint ito). Punan ang patlang sa ibaba ayon sa iyong sample label. Serving size Servings per pack Calories in one serving In one serving: Carbohydrates Sugar Fiber Fat Saturated fat Trans fat Cholesterol Sodium (idikit ang iyong label dito) Ilista sa ibaba ang ibang vitamins at minerals sa produkto at ang dami nito sa bawat isang serving: Directions for use: Expiration date: Storage condition: 5 Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels MAGBASA AT MATUTO Ngayon na alam na natin kung paano magbasa ng label at kung aling impormasyon ang mahalaga, ating pag-aralan kung paano malalaman kung ang isang produkto ay masustansya ayon sa impormasyon ng label. Tingnan ang saturated fat at sodium/salt. Kung ang mga ito ay mataas, maaari nating iwasan ang produkto na ito. Mailam na: • Ang saturated fat ay mas mababa sa 1.5 grams. Dapat WALANG Trans fat • Ang sodium/salt ay mas mababa sa 120 mg Susunod, tingnan ang % RENI na ang ibig sabihin ay Recommended Energy and Nutrient Intake. Ito ay tumutukoy sa dami ng sustansya na makukuha ng isang tao sa pagkain ng isang serving ng produktong pagkain. Kapag mas mataas ang % RENI ng isang produkto, ito’y nangangahulugan na napupunan nito ang tamang dami ng sustansya na kailangan ng katawan. Panghuli, tingnan ang listahan ng sangkap upang malaman kung ano ang laman ng ating pagkain. Alam mo ba na mahalaga na makita ang pagkakasunod-sunod ng sangkap sa food label? Ang mga sangkap ay nakalista sa ayos ng pinaka-marami hanggang sa pinakakaunti. INGREDIENTS: Milk powders (Skimmed milk, Whey), Malt Extract (Barley, Starch), Sugar, Vegetable oil, Cocoa powder, Minerals (Calcium carbonate, Dicalcium phosphate, Disodium phosphate, Iron pyrophosphate, Vitamins (C, B3, B6, B2, D, B12). Sa pamamagitan ng pagtingin sa unang tatlong sangkap sa listahan ng sangkap, maaari nating malaman kung ano ang nilalaman ng produkto at dito ay makakapagdesiyon kung ano ang masustansyang produkto. 6 Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels IPAKITA MO Ihambing ang mga labels. Piliin kung ano ang naglalarawan ng mas masustansyang produkto. Ipaliwanag ang sagot sa patlang sa ibaba. 7 Baitang 4 Aralin 1 – Food Labels Ngayon ay ihambing ang dalawa. Piliin kung ano ang naglalarawan ng mas masustansyang produkto. Ipaliwanag ang sagot sa patlang sa ibaba. Tandaan, upang makapili ng tamang pagkain, kailangan nating basahin at intindihin ang label ng produkto. Ito ay makakatulong tungo sa dalawang Healthy Habits na dapat nating piliin. Choose Nutritious and Varied Options. Ang mga malusog na bata ay kumakain ng masustansya, at iba’t ibang pagkain araw-araw dahil nagtataglay ito ng mahahalagang sustansya na kinakailangan upang lumakas, masuportahan ang paglaki at mapanatili ang malusog na pangangatawan. Ang pag-intindi sa mga food label ay mahalagang hakbang sa pagpili ng masustansya at iba’t-ibang pagkain. Manage Portions. Ang ating pagkain ay dapat mayroong carbohydrates, protein, vitamins at minerals na may tamang dami. Ang kaalaman sa nutritional content ng produkto sa pamamagitan ng pag-intindi at paggamit ng food label ay makakatulong sa pamamahala ng tamang dami. 8 ARALIN 2 KALIGTASAN NG PAGKAIN BUOD NG NILALAMAN LAYUNIN Sa araling ito, matututunan mo ang kahalagahan ng gawi sa kaligtasan sa pagkain para maiwasan ang mga foodborne illnesses. 1. Ang foodborne illness ay mga sakit na nakakahawa at nakakalason na maaring makuha sa pagkain o pag-inom ng kontaminadong pagkain at inumin. 2. Ang pagkain ng hilaw, kontaminado, panis at hindi nahugasang pagkain ay ang mga pangkaraniwang sanhi ng foodborne illness. 3. Ang mga senyales at sintomas ng foodborne illness ay depende sa klase nito, ngunit may iilan na maaaring makaranas ng pangkaraniwang sintomas tulad ng masakit na tiyan, diarrhea, lagnat, sakit ng ulo at pagsusuka. Pagkatapos ng araling na ito, inaasahan na kaya mong: 1. Maipaliwanag ang pinanggagalingan ng foodborne illness. 2. Ilarawan ang paraan upang maiwasan ang foodborne illness. Sa araling ito, matututunan natin ang: Choose Nutritious and Varied Options Choose to Drink Water and Milk MAGBASA AT MATUTO Tatalakayin natin sa araling ito ang foodborne illness. Ang foodborne illness ay mga sakit na infectious (nakakahawa) o toxic (nakakalason) na maaring makuha sa pagkain o pag inom ng kontaminadong pagkain at inumin. Sa madaling salita, ang Foodborne Illness ay sakit na nakukuha sa pagkain at pag-inom ng kontaminadong pagkain at inumin na mayroong nakakasamang bacteria at toxins. Paano makakakuha ng karamdaman na nanggaling sa foodborne illness? Maraming maaring sanhi ng foodborne illness. Ito ang ilan. Sanhi ng Foodborne Illness Ang pagkonsumo ng hilaw na pagkain o pagkain na hindi niluto nang maayos ay maaaring maging sanhi ng foodborne illness. Ang mga ganitong klase ng pagkain ay may bacteria na nagdudulot ng sakit. Ang pag-inom ng kontaminadong tubig ay maaring magdulot ng foodborne illness. Ang pag-inom ng tubig na may bacteria at mikroorganismo ay maaaring magdulot ng sakit. 9 Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain Ang pagkain ng panis o sirang karne ng hayop ay sanhi ng foodborne illness. Ang bacteria na galing sa karne ng hayop ay kayang magbigay ng sakit sa isang tao lalo na pag ito ay nakain. Ang pagkonsumo ng hindi malinis na pagkain tulad ng pagkain ng prutas at gulay na hindi nahugasan. Maliban sa bacteria na mahahanap sa mga pagkaing ito, maaaring may nalalabing nakalalasong pamatay-insekto, kung kaya’t kailangan nating hugasan ang pagkain bago kainin. Ang paggamit ng maduming kagamitan sa pagkain at pagluluto o pagkain gamit ang maduming kamay ay maaaring makakontamina ng pagkain. Panghuli, ang pag-iwan ng pagkain na walang takip ay maaaring maging sanhi ng kontaminasyon. Ang pagkaing ito ay makakaakit sa mga insekto at daga. Ang mga ito ay nagdadala ng mikroorganismo na makakakontamina sa pagkain. Senyales at Sintomas ng Foodborne Illness Madaming senyales at sintomas ng foodborne illness. Ang mga pangkaraniwan ay pagsakit ng tiyan, diarrhea, lagnat, sakit ng ulo at pagsusuka. Ang pagsakit ng tiyan ang sakit na nararamdaman sa bandang sikmura. May iba’t ibang antas ang sakit na nararamdaman. Minsan ito ay di gaanong masakit at minsan naman ay sobrang sakit. Ang diarrhea ay impeksyon sa tiyan na madalas nakukuha mula sa bacteria, germs at parasites. Maaaring maranasan ang madalas na pagdumi na nakukuha sa pagkain o pag-inom ng kontaminadong pagkain at tubig. Ang lagnat ay nararanasan kapag ang temperatura ng katawan ay mas mataas kaysa normal. Maaari din sumakit ang ulo kasama nito. Ang pagkakaroon ng foodborne illness ay maaring magsanhi ng pagsakit ng ulo o lagnat. Ang pagsusuka ay ang paglalabas ng katawan ng nilalaman ng tiyan. Ito ang paraan ng katawan na alisin ang mga masasamang bagay na nakapasok sa tiyan. Alalahanin ang mga senyales at sintomas nito ay maaaring sintomas din ng iba pang mga sakit, at kung makaranas ka nito ay huwag agad akalain na mayroon kang foodborne illness. Mabuti pa rin na kumonsulta sa doktor o health professional kung makaranas ng mga sintomas, upang hindi na ito lumala pa. 10 Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain ANO ANG ATING NATUTUNAN? Sagutan ang mga tanong sa ibaba nang hindi tinitingnan ang mga sagot sa mga nakaraang pahina. Kapag natapos, balikan ang pahina 9 at 10 at hanapin ang sagot na hindi maalala. Ano ang foodborne illness? ________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ipaliwanag ang mga sumusunod na salita: Infectious _________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Toxic _____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Contamination _____________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ilarawan ang ilan sa mga sanhi ng foodborne illness sa patlang sa ibaba. Maghanap ng larawan sa magasin o internet upang mailarawan ang mga sanhing ito. Gumupit at magdikit ng mga larawan sa hiwalay na piraso ng papel at ipasa kasama ang aralin na ito. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ilarawan ang mga sintomas ng foodborne illness. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 11 Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain MAGBASA AT MATUTO Ano ang prevention o pag-iwas? Ang prevention o pag-iwas ay aksyon na pigilan ang isang bagay na mangyari. Maraming paraan upang maiwasan ang foodborne illness. Maaaring maiwasan ang foodborne illness sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Siguraduhin na ang mga gamit sa pagluluto at pagkain ay malinis dahil madaming foodborne illness ang nanggagaling sa paghawak ng mga maruruming bagay. Ang mga tuwalya sa kusina ay maayos na labhan at patuyuin. Maaari itong pamahayan ng mga bacteria at mikroorganismo. Dapat din nating iwasan na pagsamahin ang mga hilaw at lutong pagkain. Ito ay paghiwalayin sa lahat ng oras. Hindi dapat gumamit ng parehong sangkalan at lalagyan nang hindi hinuhugasan ng maayos. Ito ay makaka-iwas sa pamumuo ng bacteria na maaring makakontamina sa pagkain. Mayroon dapat tayong hiwalay na sangkalan para sa hilaw at lutong pagkain. Maaari din nitong maiwasan ang pagdidikit ng dalawa. Maaari ding maiwasan ang foodborne illness sa pagpuna sa ating sariling kaugalian. Hugasan ang kamay bago at matapos tumulong sa kusina, humawak sa hilaw na pagkain at kumain. Mas mainam na gumamit ng antibacterial na sabon na nakakatulong sa paglaban sa mga bacteria. Dapat din nating hugasan ang ating kamay matapos manggaling sa banyo, paghawak ng mga alagang hayop, paglalaro, pag-ubo at pagbahing, at paghawak ng pera. Ang lahat ng ito ay maaring panggalingan ng bacteria kaya dapat maghugas tayo ng kamay upang mapuksa ang kahit anong bacteria na dumikit sa ating mga kamay. 12 Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain Ugaliing maghugas ng kamay bago magluto lalo na kung gagamit ng prutas, gulay, karne at isda. Ang unang paghuhugas ng kamay ay magtatanggal ng bacteria at dumi, ngunit upang matanggal ang dumi sa pagkain, kailangan nating lutuin ito ng maayos. Mayroong nararapat na temperatura kung saan ang mga bacteria ay hindi na mabubuhay pa. Kaya hugasan at lutuin nang mabuti ang ating mga pagkain. Naranasan mo na bang hindi maubos ang iyong pagkain? Palagi nating ubusin ang mga pagkain na ating binibili at inihahanda. Kung hindi natin ito mauubos, alamin natin kung paano ito iiimbak ng maayos upang hindi masira at mapanis. Ang bacteria ay dumadami kapag iniwan natin ang ating pagkain sa hapag, kaya ugaliing huwag itong nakaiwan. Maari natin itong ilagay sa malinis na lalagyan at ilagay sa refrigerator. Kailangan natin protektahan ang pagkain mula sa insekto, daga at iba pang hayop na maaaring magdala ng bacteria at mikroorganismo na nagdudulot ng foodborne illness. Pagkatapos kumain ay dapat isilid sa malinis na lalagyan na hindi madadapuan ng mga hayop. Maari nating painitin muli ang pagkain na nanggaling sa refrigerator, ngunit kailangan maayos ang ating pagpapainit. Ang pagpapainit ay pumapatay sa bacteria na nabuo sa pagkain kahit inilagay pa ito sa refrigerator. Ayon sa mga huling talakayan, madaming pagkain ang may labels. Ang food label ay naglalaman ng expiration date. Ito ay makakatulong upang malaman natin kung maari pang kainin ang pagkain o hindi. Ang pagkain na lipas na sa expiration date ay maari nang magkaroon ng bacteria at hindi na dapat kainin. Gumamit lamang tayo ng malinis na tubig sa pagluluto at pag-inom. Ang bacteria at hindi ligtas na mikroorganismo sa tubig ay maaaring makapagkontamina ng pagkain na hindi ligtas kainin. 13 Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain ANO ANG ATING NATUTUNAN? Maglista ng mga paraan upang maiwasan ang foodborne illness ayon sa pagkakaalala, ng hindi tumitingin sa mga nakaraang pahina. Ilarawan sa patlang sa ibaba at kapag natapos ay balikan ang pahina 12 at 13 at hanapin ang mga sagot na hindi mo maalala. PAG-IWAS SA FOODBORNE ILLNESSES ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Ito ang mga Health Habits na may kaugnayan sa aralin: Kapag sinabi natin na Choose Nutritious and Varied Options, hindi lang ibig sabihin nito na kumain ng Go, Glow at Grow na pagkain. Ibig sabihin din nito na siguraduhin natin na ang ating pagkain ay masustansya sa pamamagitan ng malinis at ligtas na pagkain. Kapag sinabi natin na Choose Water dapat natin siguraduhin na ang tubig ay malinis at ligtas na inumin upang maiwasan ang foodborne illness. 14 Baitang 4 Aralin 2 - Kaligtasan ng Pagkain SUBUKAN ITO Tingnan ang kusina at lugar ng kainan sa inyong mga tahanan habang naghahanda at kumakain ng pagkain. Hanapin ang mga kondisyon kung saan ang pamilya ay maaaring nasa peligro na makakuha ng foodborne illness at magmungkahi ng mga aksyon na maaaring gawin upang maiwasan ito. Ilan sa mga halimbawa ay ibinigay sa ibaba. MAAARING SANHI NG FOODBORNE ILLNESS PAANO MAIIWASAN ANG FOODBORNE ILLNESS Halimbawa: Nilalagay ni Nanay ang hilaw na karne sa hapag-kainan sa tuwing dumadating mula sa palengke. Ilagay ang mga pinamiling hilaw na karne sa malinis na lalagyan at hindi sa hapag-kainan. Halimbawa: Nalimutan maghugas ng kamay bago kumain. Paalalahanan ang bawat isa na maghugas ng kamay bago pumunta sa hapag-kainan. Punasan ang lamesa matapos maitabi ang hilaw na pagkain. 15