SELF- LEARNING HOME TASK (SLHT) Asignatura Filipino Baitang: 7 Antas: Sekundarya Markahan: 2 Linggo: Una MELC _Naipaliliwanag ang mahalagang detalye, mensahe, kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong, awiting bayan, at teksto tungkol ng Kabisayaan Kowd ng Kompetensi Pangalan: F7PN – IIa-b _______________ Seksyon: _____________ Petsa: ________ Paaralan: _________________________________Distrito: __________________ A. PAGBASA Ang awiting bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma at minsa’y walang sukat at tugma na kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong paraan ay higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito. Hindi man nasusulat ay sa isip at puso naman ng mga mamamayang nanahan at naisatitik ang mga awit kaya naman maituturing na walang kamatayan ang mga ito. AWITING – BAYAN AT BULONG MULA SA KABISAYAAN Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon na lalo pang pinaniningning ng mga katutubong panitikan. Sa araling ito ay bibigyang – pansin at itatampok ang mga awiting – bayang Bisaya o Visayan folksongs at mga bulong sa Bisaya. Sa ibaba ay mababasa at maaari ding sabayan ang iba’t ibang awiting – bayang nasusulat sa wikang Bisaya – Waray – waray ng Samar at Leyte, Hiligaynon ng pulo ng Panay, at Sugbuwanon ng Cebu at Negros. Halina’t tuklasin ang kagandahan ng mga awiting – bayang Bisaya. Awiting – Bayan ng Sugbuwanon Dandansoy (Awiting Bayan mula sa Negros Occidental) Dandansoy (Salin sa Tagalog) Dandansoy, bayaan ta ikaw Pauli ako sa payaw Ugaling kung ikaw hidlawon ang payaw imo lang lantawon. Dandansoy, iwan na kita Uuwi ako sa payaw Kung sakaling ika’y mangulila Sa payaw, ikaw ay tumanaw. Dandansoy, kon imo apason Bisan tubig di magbalon Ugaling kung ikaw uhawon Sa dalan magbubon-bubon. Dandansoy, kung ako ay iyong susundan Kahit tubig, huwag ka nang magbaon Kung sakaling ikaw ay mauhaw Sa daan, gumawa ka ng munting balon. Konbento, sa diin ang cura? Kumbento, nasaan ang pari? Munisipyo, sa diin hustisya? Munisipyo, nasaan ang hustisya? Yari si Dansoy makiha. Heto si Dansoy, may kaso Makiha sa paghigugma. kinasuhan dahil umibig. Awiting – Bayan ng Sugbuwanon Panyo mo kag ining panyo ko Gisigisi - a kay tambihon ko Ugaling kung magkasilo Bana ko ikaw, asawa mo ako. Ang panyo mo at ang panyo ko Asawa kita, asawa moa ko. Awiting – Bayan ng Sugbuwanon Si Pilemon (Awiting – Bayang Cebuano) Si Pilemon, Si Pilemon Namasol sa kadagatan Nakakuha, nakakuha ug isda’ng tambasakan Guibaligya, guibaligya sa merkado’ng guba Ang halin puros kura, ang halin puros kura igo ra i panuba. Si Pilemon (Salin sa Tagalog) Si Pilemon, Si Pilemon, nangisda sa karagatan, Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan Ang mga Bulong Maliban sa mga awiting bayan, ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila. Ito’y ginamit ng ating mga ninuno noon subalit magpahanggang ngayon, ang bulong na tinatawag ding orasyon ay binibigkas pa rin ng marami nating kababayan lalo na sa mga probinsiya o lalawigan. Karaniwang sinsambit ito sa pagpapasintabi kung napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing – ilog, at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang – lupa, o malign. Binibigkas ang “bulong” para mabigyang – babala ang mga “nilalang na hindi nakikita” na may daraan para maiwasang sila’y matapakan o masaktan. Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang masaktan ang mga “nilalang” na ito ay maaari silang magalit, manakit, o magdulot ng hindi maipaliwanag na karamdaman. Gumagamit din ng bulong ang mga albularyo sa kanilangn panggagamot. May bulong na binibigkas sa pagtatawas para gumaling ang isang nausog, sumakit ang tiyan at iba pa. May bulong din para sa panggagamot sa isang nakulam, namaligno, o napaglaruan ng lamang – lupa. Sa maraming bahagi ng bansa lalo na sa mga lalawigan ay nakagawian na ang pagsambit ng mga bulong. Ito’y isang bahagi ng ating kulturang patuloy pa ring isinasagawa lalo na ng mga nakatatanda hanggang sa kasalukuyang panahon. Mababasa sa ibaba ang halimbawa ng bulong sa Bisaya. Sa Ilonggo “Tabi – tabi… Salin sa Tagalog “Tabi – tabi… Maagi lang kami Makikiraan lang kami Kami patawaron Kami’y patawarin Kon kamo masalapay namon.” Kung kayo’y masagi namin.” B. PAGSASANAY Gawain Blg. 1 - Payabungin Mo Pa! Panuto: Isulat sa angkop na hanay ang mga bagong salita o salitang hindi mo alam ang ibig sabihin mula sa binasang mga awit at bulong. Pagkatapos ay alamin ang kahulugan nito batay sa pagkakagamit sa binasa. Isulat sa angkop na hanay ang kahulugan nito at saka gamitin sa makabuluhang pangungusap. Linyang ito, Ipaliwanag Mo! Gawain Blg.2 Panuto: Basahin ang bawat taludtod na hango mula sa nabasa mong awiting bayan ng Kabisayaan. Piliin ang titik ng tamang sagot at pagkatapos ay ipaliwanag ang iyong sagot. 1. “Si Pilemon, Si Pilemon, nangisda sa kadagatan Nakakuha, nakakuha ug isda’ng tambasakan” (“Si Pilemon, Si Pilemon, nangisda sa karagatan, Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”) Isinasaad ng mga linyang ito na… a. isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda b. libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda Ito ang kaisipang napili ko dahil ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Guibaligya, guibaligya sa merkado’ng guba Ang halin puros kura, ang halin puros kura igo ra i panuba. (“Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba.”) Isinasaad ng mga linyang ito na… a. ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba. b. ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba. Ito ang kaisipang napili ko dahil ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ C. PAGTATAYA - Subukin at Buoin Mo! Panuto: Ipaawit sa kasamahan sa bahay (maaaring nanay, tatay, kapatid) o pakinggan mula sa youtube ang awiting – bayan sa ibaba na pinamagatang “Tong, Tong Pakitong – kitong”. Pagkatapos ay isulat sa frame sa kasunod na pahina kung ano ang kaisipang nais iparating ng awiting – bayan. Tong, Tong Pakitong – kitong (Awiting – bayan ng Sugbuwanon) Tong, Tong Pakitong – kitong (Salin sa wikang Filipino) Tong, tong, tong, tong, pakitong – kitong Alimango sa suba Nanghambog nga dili makuha Ako ra’y makakuha Ako ra’y makasuwa. Tong, tong, tong, tong, pakitong – kitong Alimango sa dagat Malaki at masarap Kay hirap hulihin Sapagkat nangangagat. KAISIPAN Puntos Pamantayan 10 Napakahusay ng pagkakasulat at napakalinaw ang paglalahad ng kaisipan 8 Mahusay ang pagkakasulat at malinaw ang paglalahad ng kaisipan 6 Hindi gaanong mahusay ang pagkakasulat at hindi gaanong malinaw ang paglalahad ng kaisipan 4 Maraming kakulangan sa pagkakasulat at hindi malinaw ang paglalahad ng kaisipan D. PAGPAPAYAMAN Panuto: Balikan ang awiting – bayan na “Si Pilemon” at maghanap ng kasapi ng pamilya para awitin ito. Pagkatapos ay kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba. Mga Kaugaliang Sinasalamin ng Awiting – Bayang “Si Pilemon” Sanggunian: Aklat Ailene Baisa-Julian, et.al. Pinagyamang Pluma 7.Phoenix Publishing 2014.pp.144-154 Internet Sites https://www.youtube.com/watch?v=eKc93P0GM4U https://www.youtube.com/watch?v=vonhEOjLY-o https://www.bisdakwords.com/kanta/si-pilemon/ https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03YvtoOPuYnGVSwW2vegMbYUWzX6g %3A1607409898688&source=hp&ei Iba Pang Pinaghanguan MELC p.3 LM pp. 144 – 154 Tagasulat : Shiela R. Teofilo, SHST 3 – Mantalongon NHS - 0922 635 0389 Tagapatnugot: Genevieve T. Fajardo, Distritong Tagapag - ugnay sa Filipino-Dalaguete 1 Tagapagsuri : Anna Zhusette Z. Pintor, ASP2 - Dalaguete 1 Tagasuring-muli: Cecilia C. Cartilla, PSDS – Dalaguete 1 GABAY Para Sa Mga Guro Ang Self-learning home task na ito ay pinagtulungan dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy,upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kayahan, bilis at oras.Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Inasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa Self -learning home task Para sa mga mag-aaral Ang Self Learning Home Task ay ukol sa naipaliliwanag ang mahalagang detalye, mensahe, kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong, awiting bayan,alamat, bahagi ng akda at teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan Para sa mga mag-aaral /Home Tutor Ang Self- learning home task ay ginawa bilang tugon sa pangangailangan ng mag-aaral. Inaasahan mula sa inyo na hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinsagawa ang mga gawaing napapaloob sa SLHT. Susi sa Pagwawasto