TRISAHIYO SA KASANTU-SANTUSANG TRINIDAD Panginoong Hesukristo, ako’y nagkasala laban sa iyong kabutihang walang hanggan. Ako’y nagsisisi ng buong puso at nagtitika na di na muling magkakasala sa tulong ng iyong mahal na grasya… grasyang ipananatili ko sa isang tunay na pagsinta at mataimtim na debosyon sa iyo kaibig-ibig kong Trinidad. SIYA NAWA. AMEN. ***AMA NAMIN*** ***GLORIA PATRI*** P: Buksan mo nawa Panginoon ko ang mga labi ko. S: At ang bibig ko’y matutong magpuri sa iyo. P: Santo, santo, santo, Poong Diyos ng mga hukbo. langit at lupa ang kaluwalhatian mo (9x) P: Diyos ko ako’y iyong alalayan. S: Lumalaganap sa Luwalhati sa Ama, luwalhati sa Anak, luwalhati sa Espiritu Santo (9x) S: At bigla mo ako Panginoon tulungan. P: Gloria Patri et felio et Espiritu Santo S: Sicut erat in principio, et nune et semper et in saecula saeculorum. AMEN. PAGSISISI Oh lubhang kaibig-ibig na Diyos tatlo sa pagkapersonas at isa sa pagkadiyos ama, anak at Espiritu Santo, na sinasampalatayahan ko, pinananaligan ko, at iniibig ko ng buong puso, katawan, kaluluwa at buong pangdamdam o buong sangkap ng katawan at mga ipinangyayari ng kaluluwa ko, sapagkat ikaw nga ang ama ko. Panginoon ko at Diyos kong walang hanggan kagalingan at dapat ibiging lalo sa lahat ng bagay. Nagsisisi ako kasantu-santusang Trinidad. Nagsisisi ako lubhang maawaing Trinidad ng pagkakasala ko sa iyo, sapagkat ikaw nga lamang ang Diyos ko. Nagtitika naman ako at nangangako na kailan pa ma’y di na muling magkakasala sa iyo at mamamatay na muna ako bago magkasala. Umaasa naman ako sa iyong dakilang kagalingan at walang hanggan mong kaawaan na ako’y patawarin sa lahat kong kasalanan at pagkalooban mo ako ng iyong ANTIPONA Ikaw Diyos Amang walang pinagmuln, ikaw Anak na bugtong, ikaw Espiritu Santong mapang-aliw. Santa at di mangyayaring magkahiwalay na Trinidad. Sa kaibuturan ng aming mga puso, ay ipinagbabansag ka naming, pinupuri ka namin at ipinagdiriwang ka naming maialay sa iyo ang kaluwalhatian mong walang hanggan…SIYA NAWA. P: Ipagbunyi natin ang ama, ang anak, at ang Espiritu Santo S: Purihin natin siya at ipagdangal magpasawalang hanggan. PANALANGIN Panginoon naming Diyos, na iisa at tatlo sa pagkapersonas, pagkalooban mo kaming walang humpay ng iyong mahal na grasya, ng iyong pagsinta, na ipakikinabang namin sa iyo magmula ngayon at magparating man saan, ay iibigin ka namin at ipagdangal, Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, na iisa sa pagkadiyos magpasawalang hanggan.. AMEN. KATUWAAN O DALIT SA SANTISIMA TRINIDAD P: Sa isang Diyos at trino arkangheles, kerubines S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo P: Sa pagkadiyos mong ganap buo sa tatlong personas sigaw nami’y patawad kasamaan naming at hirap sa masaganang awa mo sa awit hiwagang ito. S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo P: Galing mong di maulatan Trinong katas-taasan bukal kang binabalungan buhay nami’t kagalinganang mataas ngang awa mo aliw sa aming totoo. P: Baluting kataas-taasan ng sa Diyos na kahatulan na sa impiernong kasamaan. Nagagahis ng binyagan. Kaya’t ang mga demonyong lito sa takot nagsisitakbo. S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo P: Sa awa mo nananalig na sa koro niyang langit. At diyan ko inaawit. Itong himnong tuwa’t tamis. Kaya ang panganib sa mundo, sukuban ng iyong manto. S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo P: Angheles at kerubines. Sa isang Diyos at trino. Angheles at serafines wika’y santo, santo, santo. S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo P: Itong Trisahiyong sinulat nang marinig ni Isaias sa langit. Isiniwalat Anghelikas, herakias ng mga siglang yao’y dito awitin na panibago. S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo ANTIPONA Purihin nawa ang Santa at di matingkalang Trinidad, na lumalang at namahala ng lahat ng bagay, ngayon at magpasawalang hanggan. P: Itong Trisahiyong mahal, tinig ng sangkalangitan. Sa sang Impierno ay laban, Iglesia’y siyang nagdiwang ang puri idinarangal ko sa pagsampalatayang totoo. P: Ipagbunyi natin ang Ama, ang Anak, at Espiritu Santo. S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo S: Purihin natin siya at ipagdangal magpakailanman. P: Sa biglang kamatayan, Deboto’y nasanggalang. Dilang tanda’y nadirikitan nitong Trisahiyong mahal. Sa palad itong saklolo. Dito sa marayang mundo. S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo P: Ito’y bahagharing hadlang. Sa dagat, lupa, at apoy man. Sa hangi’y napapatangal. Tangkang tayo’y isanggalang. Sa tangi nitong saklolo. Kababalagha’t ingkanto. S: Angeles at Serafines..wika’y Santo, Santo, Santo SIYA NAWA. PANALANGIN Makakapangyari at walang hanggang Diyos, na minarapat mong ipahayag sa iyong mga alipin sa pagbabansag ng tunay na pananampalataya, ang kaluwalhatian ng iyong walang hanggang Trinidad at ng sambahin naman ang isang pagkadiyos sa di malirip mong kamahalan, isinasamo naming sa iyo Panginoon ko na alang-alang sa katibayan nito ring pananampalataya, ay maadya kami at maligtas sa lahat ng kasakunaan at mga panganib. Alang-alang ky Hesukritong Panginoon naming. SIYA NAWA. Matamis kong Hesus, Yaring aking buhay sa krus ka napako ako ang dahilan ng abang buhay ko’t aking kamatayan, kalingain mo po’t wag kalimutan, paglubag poon ko ang kagalitan mo sampu ng hustisya at kabagsikan mo matamis kong Hesus, ang abang buhay ko’y patawad Hesus ko. Patawad ako sa kasalanan ko. Patawad sa kasalanan ang kaluluwa ni ______________. +++ Panginoon kong Hesukristo, alang-alang at pakundangan sa kapaitpaitang hirap na tiniis mo sa amin, lalo pa naman sa pagpanaw ng mahal mong kaluluwa sa kasantu-santusang katawan mo. Kunin mo po siya at ipagsama, dalhin sa maluwalhating Gloria. Mapasa langit at mapasa Gloria ang kanyang kaluluwa. Pagkalooban mo po siya Panginoon ng pamamahingang walang hanggan. At tumanglaw sa kanya ang liwanag, magpakailanman. Pumayapa nawa ang kanyang kaluluwa. Santong Diyos; Santong makapangyarihan, Santong walang kamatayan, siya po’y iyong kaawaan! (3x) SIYA NAWA. AVE MARIA PURISIMA (3x) BENDITA Y ALABADA Purihin natin at ipagdangal ang kasantu-santusang Trinidad, ama, anak, at Espiritu Santo, ang santisimo sakramento sa altar at ang kalinislinisang paglilihi ni Maria santisima, Panginoon natin, ipinalihing di pinanikitan na kasalanang orihinal, mula ng kanyang pagkatao. SIYA NAWA. 1 - AMA NAMIN 1 – ABA GINOONG MARIA 1 – LUWALHATI SA AMA Inihahain at ipinapatungkolsa kaluluwa ni ___________. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.