Uploaded by Sayanara Elicovera

FILIPINO WEEK 5 AND 6.docx

advertisement
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Gumipit at idikit sa kuwaderno o gumuhit ng larawan ng isang lider o pinuno. Ilagay ang
kanyang pangalan. Isulat sa Hanay A ang mga katangiang taglay niya bilang isang pinuno at sa
Hanay B naman ang sa tingin mo ay kailangan pa niyang taglaying katangian. Ibigay ang iyong
pananaw kung bakit kailangan niya itong taglayin.
IWASAN ANG PAGMUMURA
MALAWAK ANG KANYANG
KAALAMAN SA PAGPAPALAKAD
NG NASASAKUPAN
MAS PAIGTINGIN PA ANG
LABAN KONTRA KORAPSYON
MAGALING NA TAGAPAGMUNO
PAGIGING PATAS
MAUNAWAIN AT MATULUNGIN
MAY MABUTING PUSO SA
MASA
PANANAW:
HABAAN PA ANG PASENSYA SA
MGA TAONG
PALAWAKIN
ANGMAHIRAP
SERBISYONG
UNAWAIN
TULONG
PARA SA MGA
MAHIHIRAP
MAS MAGING MATALINO O
MAPAGMATYAG SA MGA
TAONG PINAGKAKATIWALAAN
President
Rodrigo
Roa
Billang
isang namumuno
sa kanyang
nasasakupan nararapat
lamang baguhin
Duterte
ang nakasanayang pananalita dahil siya ay isang modelo na hinahangaan
ng karamihan. Kinakailangan niyang mas maging matalino dahil Maraming mapagpanggap sa paligid dahil
sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala o pagkatiwalaan. Di matigil-tigil na korapsyon sa bansa dahil sa
mga taong sadyang ipinanganak na magnanakaw na panahon na para sugpuin at walang ibang
makakagawa nun maliban sa presidenteng may galit sa mga taong magnanakaw. At dahil sa korapsyon
marami ang naaapektuhan na nagdudulot ng lubhang Kahirapan sa mga mahihirap na kinakailangan ng
bigyan ng atensyon upang matigil na ang Sigalot ng Kahirapan.
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Piliin sa loob ng kahon ang tatlong salitang ginamit sa akda na may katulad o kaugnay na
kahulugan. Gamitin ito sa pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
MAGKUNWARI
KASUNDUAN
PANLILINLANG
PANLOLOKO
MAGPANGGAP
PANGAKO
Salita
a. MAGKUNWARI
b. MAGPANGGAP
a. PANLOLOKO
b. PANLILINLANG
a. PANGAKO
b. KASUNDUAN
Pangungusap
Sa nakalipas na panahon marami tayong nasaksihan na may
angking kakayahan MAGKUNWARI para lamang makapangloko ng
tao.
Si Dona ay naatasang MAGPANGGAP na pulubi sa isang palabas
na gaganapin sa darating na BUWAN NG WIKA.
Siya ay nakulong sa salang PANLOLOKO sa isang estudyante na
nagdulot ng malaking trauma sa bata.
Si Lora ay kumikita ng Daang-daang pera sa loob ng isang araw
dahil lamang sa PANLILINLANG na ginagamit niyang paraan
upang mapaniwala ang tao.
Maraming PANGAKO na napapako kaya wag ka nang aasa na
matutupad pa ito.
Bilang KASUNDUAN binigay niya ang kanyang mamahaling
sapatos kahit labag ito sa kanyang kalooban.
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Sagutin ang mga tanong ayon sa binasang kuwento. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Ayon kay Machiaveli, ano-ano ang katangian ng mahusay na pinuno?
Magkunwaring maunawain, makatao, mapagkakatiwalaan, maka-Diyos, at
kinakailangan niyang kumilos laban sa kanyang pananampalataya, sa kabutihan, sa
sang-katauhan, sa relihiyon.
2. Sang-ayon ka ba sa mga katangian na binanggit niya? Bakit?
HINDI, dahil unang-una kailangan mong magpakatotoo sa ibang tao gayon na
rin sa iyong sarili. At kailangan mong unawain ang opinyon ng iba para sa
ikakaunlad ng lahat. Maging maingat ka lang ngunit hindi mo kailangang
magpanggap para lang paniwalaan. Kaya ka nahalal bilang pinuno dahil may tiwala
sila sa iyo na gagawin mo kung ano ang nararapat at magdedesisyon ng patas.
Huwag maging hipokrito dahil kasalanan ang mapagpanggap.
3. Bakit kailangang maging soro at leon ng isang Prinsipe?
Kailangan niyang maging soro at leon upang itago ang kanyang katangian ng sa
gayon malinlang ang mga nagpapanggap na kaibigan, na siya ay mahina lamang at
walang kakayahang lumaban ngunit isa palang tuso.
4. Batay sa iyong pagkaunawa, anong ideya ang binibigyang tuon ng may-akda
tungkol sa isang pinuno?
Batay sa aking pagkakaunawa, bilang isang pinuno kinakailangan niyang taglayin
ang pagiging isang matalino at mapagmatyag sa mga tao sa paligid. Dahil hindi
lahat ng nakikita mo ay totoo kaya huwag magpapadala sa nakikita kinakailangan
ng pag-obserba.
5. Ano ang reaksyon mo dito?
Bilang isang estudyante na nag-aaral, ngayon ko mas higit na naunawaan ang
kahalagahan ng kuryusidad sa isang bagay na magdadala sa atin sa konklusyon
kung totoo ba o niloloko lang tayo.
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Maglahad ng mga pagkakataon o sitwasyon na nangangailangan
ng iyong pangangatwiran. Tiyaking malinaw ang proposisyon at ang
iyong argumento. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Sa pamilya:
Yung dalawa kong kapatid na madalas nagaaway dahil sa gadget at hindi
pagkakasunduan sa mga maliliit na bagay.
Sa barkada:
Kapag may takdang-aralin na kailangan ng
maipasa at may isa kang barkada na gustong
mag-aya na gumala.
Sa paaralan:
Sa social media:
Edukasyon:
May nahuling nangongopya at dahil walang
aamin lahat ay nadamay pati mga walang
kasalanan. Yang ang kasabihang pagkakaisa
sa maling gawian.
Isang komentong hindi kaaya-aya at
pinagpipilitan pa rin na tama kahit marami
na ang nagsasabi na tumahimik nalang
upang hindi na lumaki pa.
Naibalitang maaari pang madagdagan ang K12 na ipinagtaka ng maraming magulang at
estudyante kung bakit pa kailangang
dagdagan kung sa K-12 pa nga lang hirap na
magpaaral.
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Sumulat ng maikling sanaysay ukol sa taong hinahangaan mo batay sa kanyang
pagiging mabuting lider o pinuno. lahad ito batay sa iyong pangangatwiran at
sariling pananaw. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Pangulong Duterte ang isa sa mga hinahangaan
kong tao mula ng ako ay isilang. Lumaki ako sa lugar ng
Davao kung saan si Pangulong Duterte ay isang Mayor sa
lungsod. Marami ang nagbago simula nung siya ay
naluklok sa pwesto. Ang dating delikadong lugar ngayon
ay isa na sa ligtas at payapang lugar sa Davao, kung saan
niya sinimulang mahalin ang mundo ng masa/pulitika.
Maraming pagsubok ang humamon sa kanyang pagiging
pinuno ngunit ito siya ngayon isa nang presidente ng
kalupaan ng Pilipinas. Tunay at karap-dapat lamang siyang
hangaan ng karamihan dahil sa taglay nitong malinis na
hangarin para sa kabutihang panglahat.
Ayon sa aking nabasa siya ay isang normal na bata
kung saan natuto ring magbisyo tulad na lamang ng
pagdudroga, paninigarilyo at pangnanakaw. Ngunit sabi
nga nila lahat ay pwedeng magbago minsan pagsubok
lamang ito upang malaman kung ano ang pwede mong
magawa sa darating na hinaharap.
Bawat tao ay may kanya-kanyang destinasyon na
kailangang harapin at pagdaanan. Marahil ngayon ay
mahirap ka lamang malay natin bukas milyonaryo na.
Walang nakakaalam dahil ang mundo ay patuloy lang sa
pag-ikot kaya huwag mawawalan ng pag-asa dahil balang
araw makakamtan din natin ang buhay na ating
hinahangad.
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Kung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan, ano ang gusto mo at bakit? Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
KAPANGYARIHAN
Kung ako ay magtataglay ng isang pambihirang kakayahan o
kapangyarihan na maari kong magamit sa maraming paraan ang
nanaisin ko ay ang kakayahang magpahinto ng oras.
Ang pagpapahinto ng oras ay hindi madali at ito’y pambihira
lamang at higit sa lahat napaka-imposibleng magkaroon ng ganitong
kakayahan ang isang mortal na tao gaya natin. Ngunit ang tanong bakit
ko nga ba nais magkaroon ng ganitong kakayahan. Unang-una maaari
kong mailigtas ang mga nasa panganib sa pamamagitan ng pagkuha sa
kanila sa kapahamakan ng walang nakakakita at makakaalala kung ano
ang nangyari bakit sila nandoon, Pangalawa sariling benepisyo kung
may hindi akong natapos na gawain na kailangan ng maipasa maari
kong Gamitin ang kakayahang ito upang magawa at maisaayos pa bago
dumating ang takdang oras. At panghuli maaari kong sulitin ang mga
pagkakataong napakasaya ng lahat kung saan wala pang gulo at inggitan
kung saan puro lang saya. Susulitin ko ang mga oras na iyon at hahayaan
kong doon na lamang hihinto ang oras namin.
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin sa bawat pahayag at bigyang
-puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding
damdamin. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. "Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong
kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan:
natatakot nkong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa
pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay".
 Pagkatakot
2. "Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako
ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?"
 Pagsisisi
3. "Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?
Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang
nilalaman ng iyong puso?"
 Pagkagulat
4, "Mananalangin ako sa mga diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan
upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip".
 Pagpapasalamat
5. "Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano."
 Pagdadalamhati
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Gamitin ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Ang bawat bansa ay may 1. sariling epiko. Mababasa sa kasaysayan
na ang 2. unang epiko na naisulat ay ang Epiko ni Gilgamesh.
Sa Europa, 3. nagmula ang kasaysayan ng epiko sa Homer ng Greece,
4. noong 800 BC. 5.Ang halimbawa nito ay ang The Iliad ay Odyssey. Ang
mga kilalang manunulat ng epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius,
Ovid, Lucan at Statius.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Ibahagi ang iyong saloobin sa isang sitwasyon. Isulat ang letra ng sagot sa iyong
kuwaderno.
Ikaw ang paboritong apo ng iyong lolo na matanda na. Alam mong siya ay
nagtataglay ng isang agimat kung kaya't mahaba ang kanyang buhay. Sinabi niya
na gusto niyang ikaw ang magmana ng agimat upang patuloy ang bisa nito.
Subalit, labag ito sa iyong kagustuhan. Ano ang gagawin mo? Paano mo ito
Magpapakatotoo ako sa kanya tatapatin ko siya na di ako sang-ayon sa nais niyang
mangyari. Kung maaari sa iba niya na lang ito ipasa ngunit, upang hindi sumama ang
kanyang damdamin sasabihin ko ito sa kanya ng may paglalambing ng sa gayon
maunawaan niya ang nais kong ipahiwatig.
Marahil mahihirapan akong kumbinsihin siya ngunit kung ito naman ay para sa
ikakatahimik ng aking damdamin mas mabuti pang sabihin ko na sa kanya habang
maaga pa. Sa palagay ko naman mauunawaan niya ako dahil matagal-tagal na rin
naman ang aming pinagsamahan bilang mag-lola.
ipaliliwanag sa iyong lolo?
Tauto-an, Clarisse Jean A.
10-Agate
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang
letra ng sagot sa iyong kuwademo.
B 1. Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
na nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan.
A. Pabula
B. Epiko
C. Mitolohiya
D. Alamat
A 2. Isang halimbawa ng epiko na Pilipinas ay ang Ibalon ng
A. Bicol
B. Ilocos
C. Ifugao
D. Pampanga
A 3. Ang paksa ng epiko ay mga_____ ng pangunahing tauhan sa kanyang
paglalakbay at pakikidigma.
A. kabayanihan
B. kapalaluan
C. kasawian
D: kayamanan
C 4. Naging kasa-kasama ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang pakikipaglaban. Una,
pinatay nila si Humbaba, ang nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pangalawa,
pinatag ang kagubatan. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapakita ng
A. resulta
C. pagsusunod-sunod
B. paglalahad
D. aksyon
B 5. "Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga diyos at mamamatay akong kahiyahiya. Natatakot akong mamatay ngunit maligaya ang taong namatay su
pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay". Anong
damdamin ang binasa sa pahayag na ito?
A. nagsisisi
B. natatakot
c. nalulungkot
D. nahihiya
Download