Uploaded by jurielle jimenez

9-AP-Qrt.-1-Week-5-REValidated

advertisement
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN
Pangalan: __________________________________________________
Pangkat __________Guro: ____________________________________
Aralin
5
SALIK NG PRODUKSYON
Most Essential Learning Competencies:
1.Naibibigay ang kahulugan ng produksyon (AP9MKE-Ii19)
2.Nasusuri ang mga salik ng produksyon at implikasyon nito sa pang
araw-araw na pamumuhay (AP9MKE-Ii-19)
Sa araling ito, uunawain mo ang mga pamamaraan ng produksyon at
kung papaano ito nakakapekto sa pang araw -araw ng pamumuhay ng isang
tao sa kanyang pamayanan at lipunan. Sa pang-unawa mo, ikaw ay
inaasahang masasagot ang mga naihandang katanungan sa paglinang ng ating
aralin at malalaman mo ang mahahalagang gampanin ng mga salik ng
produksyon at ang implikasyon nito sa ating pang araw - araw na pamumuhay.
Batid kong ninanais mo nang magsimula sa paggawa ng mga inaasahang
gawain sa pamamagitan ng pagbabasa pero bago mo isagawa ito, ikaw ay
aking inaanyayahang sagutin muna ang unang gawain.
Inaasahan ko ang inyong kagalakan sa pagsagot sa mga Gawain sa
modyul na ito.
Paunang pagsusulit
Panuto. Isulat ang tamang sagot sa guhit bago ang bilang.
______1. Ito ay salik ng produksyon sa anyong kalakal na nakakalikha ng isa
pang produkto.
a. Entrepreneurship
b. Kapital
c.Lupa
d. Paggawa
1
AP9-Qrt1-WeeK5
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN
______2. Isang
salik ng produksyon
na
tumutukoy sa kakayahan
at
kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
a. Entrepreneurship
b. Kapital
c. Lupa
d. Paggawa
______3. Sino sa mga sumusunod ang nagsabi sa kanyang aklat na hndi
lamang paggawa, lupa nakabatay ang pagsulong ng ekonomiya bagkus kasama
ang kapital.
a. Adam Smith
b. Edward F. Denison
c. Francois Quesnay
d. Karl Marx
_______4. Siya ang tinutukoy na kapitan ng isang negosyo
a. Entrepreneur
b. Broker
c. konsyumer
d. Middlemen
_______5. Isang uri ng paggawa na gumagamit ng kasanayang pisikal.
a. Blue Collar job
b. Undermployed
c. White Collar job
d. Unemployed
Panuto. Kilalanin ang mga sumusunod na salita, isulat ang titik L kung ito
ay bahagi ng salik ng lupa, K kung ito ay bahagi ng Kapital, P para sa
paggawa at E sa Entrepreneurship.
_______1. Skilled na manggagawa
_______4. Salapi
_______2. Imprastraktura
_______5. Sakahan
_______3. Blue Collar job
Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang
balik-aral sa nakaraang aralin.
Panuto.Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.
_______1. Sistemang pang-ekonomiya na ang pagdedesisyon ay nasa
pamahalaan at pribadong sektor
a. Command Economy b. Market Economy
c. Mixed Economy
d. Tradisyunal na Ekonomiya
_______ 2. Sistemang pang - ekonomiya na pinapatupad ang malayang
pagtatakda ng presyo
a. Command Economy
c. Mixed Economy
b. Market Econom
d. Tradisyunal na Ekonomiya
2
AP9-Qrt1-WeeK5
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN
________3. Sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang mga gawain ay
nakabatay sa kultura.
a. Command Economy
c. Mixed Economy
b. Market Economy
d. Tradisyunal na Ekonomiya
________4. Sistemang pang - ekonomiya na kung saan nasa kamay ng isang
mahigpit na tagapangasiwa ang paglikha ng mga produkto.
a. Command Economy
c. Mixed Economy
b. Market Economy
d. Tradisyunal na Ekonomiya
________5. Sistemang pang ekonomiya na kung ang mga Gawain pang
ekonomiya ay apektado dahil sa mga paniniwala na nakaugat pa sa mga
ninuno.
a. Command Economy
c. Mixed Economy
b. Market Economy
d. Tradisyunal na Ekonomiya
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga salik na nakakaapekto sa
produksyon ng isang kalakal, gayundin ang implikasyon nito sa ating
pamumuhay.
Ngayon simulan na natin ang paghihimay-himay ng paksa.
A. Salik ng
Produksyon 1.Paggawa
Ito ay tumutukoy sa paglikha ng produkto at serbisyo na
tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. Klasipikasyon ng
paggawa at depinisyon nito:
a. Paggawang pisikal na gumamait ng lakas o enerhiya ng
katawan na tinaguriang Blue Collar job. Ito ay nahahati sa tatlong uri:
ang May Kasanayan, may Kaunting Kasanayan at Walang Kasanayan.
b. Paggawang Mental na mas mataas ang antas na paggamit
kaisipan kaysa sa lakas ng katawan, ito ay mas kilala sa taguri na White
Collar job.
2. Lupa
Ito ay mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa
paggawa ng produkto. Hindi lamang tungkol sa tinatanim ng mga magsasaka o
3
AP9-Qrt1-WeeK5
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN
pinagtatayuan ng bahay kalakal kundi lahat ng yamang likas sa ibabaw at
ilalim nito. Kasama nito ay yamang tubig, yamang mineral, at yamang gubat.
3.Kapital
Ito ay tinatawag din na puhunan. Ito ay ginagamit upang makalikha ng
mga produkto at makapaglikha ng panibagong produkto. Ang kahalagahan ng
puhunan ay tinalakay ni Edward F Denison, at ayon sa kanya ay sa pagsulong
ng ekonomiya ay hindi lang lupa at paggawa ang susi sa pagsulong ng ating
ekonomiya bagkus kasama dito ang mahalagang papel ng puhunan.
4.Entrepreneurship
Ito ay salik ng produksyon na tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na
magdesisyon na magsimula ng isang negosyo. Ang Entreprenyur ay tagapagugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at
serbisyo. Bukod sa tagapag-ugnay, sila rin ay nag-oorganisa, nagkokontrol, at
nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na maaaring makaapekto
sa produksyon.
Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may
bahaging hindi lubos na naunawaan ay huwag mag-atubiling magtanong sa
iyong guro gamit ang iyong messenger o email account. Gayunpaman, kung
wala ka ng katanungan ay maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa
kasunod na bahagi.
Implikasyon ng Salik ng Produksyon sa Pamumuhay ng Tao
•
Nang dahil sa Lupa ay nakapagtanim ang mga tao ng ibat ibang
punong kahoy o mga halaman na siyang tumugon sa mga
pangangailangan ng bawat isa upang mabuhay. Nagsisilbi din itong
tayuan ng mga negosyo ng bawat entrepreneur.
•
Kasunod, ang Paggawa ay nabubuo ang mga kalakal at serbisyo na
siyang hinahangad ng bawat isa.
•
Gayundin, ang Kapital ay napagpatuloy ng pag proseso ng mga
gawain dahil ginamit itong puhunan at salaping pangtustos sa
nasimulang negosyo.
•
Panghuli, dahil sa Entrepreneurship ay naitayo at nalikha ang ibat
ibang gawaing pang negosyo. At sa tulong ng mga Entrepreneur ay
naiugnay ang mga salik na ito at naisaayos ang mga ugnayan na
namamagitan sa apat na salik ng produkson.
4
AP9-Qrt1-WeeK5
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN
Panuto: Sa kasalukuyang, marami ang naging negatibong epekto ng COVID
’19 sa ang mga salik ng Produksyon. Ipaliwanag ang naging implikasyon nito
sa salik ng produksyon at sa pang –araw –araw na pamumuhay ng mga taong
nakapaloob dito at anong programa ng pamahalaan ang tumutulong sa bawat
salik. Ikaw bilang kabahagi ng lipunan paano mo tutulungan ang iyong mga
magulang upang mabawasan ang kanilang pasanin dulot ng Pandemiya.
Punan ang tabulasyon
Salik ng Produksyon
Negatibong
epekto/
Implikasyon
Epekto sa
Programa
Sariling
aking pangng
kaparaanan
araw-araw pamahalaan o ambag na
na
na
pagtulong.
pamumuhay
tuutulong
1. Lupa
2. Paggawa
3. Kapital
4. Entreprenyur
Ang pagsulong ng ating bansa ay ating maiuugnay sa maaayos na
pulisiya na binuo at itinakda ng ating pambansang pamahalaan na siyang
ipinatutupad sa ibat ibang lebel hanggang sa ito ay makaabot sa mga
nakararaming mamamayan. Ang maayos na pulisiyang tinakda ng kongreso na
pinagtibay ng ehekutibo ang masisilbing gabay upang maisaayos ang mga
programa na makatutulong sa pag-papabuti ng mga salik ng produksyon
kagaya ng pulisiya sa paggamit ng ating mga lupain, pulisiya sa
pagpapaptupad ng mga programa sa paggawa, pulisiya sa pagtatayo ng mga
negosyo para sa maayos at pulisiya ukol sa pagkalap ng puhunan at kapital
Panuto: Buuin ang pangunahing ideya ng talata.
Sa kasalukuyang, nararanasan nating pandemiya, nais kong kumuha ng
kursong_____________na batay sa aking natutuhan ay makakatulong sa
pamamgitan
ng___________________.
Simula
ngayon
sisikapin
kong__________upang makapag –ambag sa pag-unlad ng bawat salik ng
produksyon.
5
AP9-Qrt1-WeeK5
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN
Panuto : Isulat ang tamang titik ng tamang sagot.Isulat ito sa sagutang papel..
1. Ang siyang tagapag-ugnay ng mga salik ng produksyon.
a. Entreprenyur
b. Puhunan
c.Paggawa
d.Kapital
2. Ang bahagi ng pamahalaan na may kakayahang gumawa ng polisiya
sa pagsasaayos ng salik ng produksyon
b. Lehislatura/Kongreso
c. Hudikatura
d. Ombudsman
3. Ang salik ng produksyo na nakatuon sa pagtatayo ng negosyo upang
matugunan ang panganagailangan ng bawat tao.
a. Entreprenyur
b. Puhunan
c. Paggawa
d. Kapital
a. Ehekutibo
________4. Ang mahalagang salik ng produksyon na naktuon sa mga lugar na
kinatitirikan ng isang negosyo.
a. Entreprenyur
b. Puhunan
c. Paggawa
d. Kapital
________5. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng lupa bilang salik ng
produksyon.
a. Ito ay magsislbing proteksyon sa mga kalakal
b. Ito ay pook tirahan ng mga tao
c. Ito ay pook tagpuan ng mga entrepreynur
d.Ito ay pook na kinatitirikang ng mga negosyong naitayo
A. Batay sa mga napag-aralan, ano- ano ang iyong mga mungkahi o
suhestyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng salik ng produksyon ngayon
tayo ay nakararanas ng kahirapan dahil sa epekto ng COVID-19. Maaari
kang gumawa ng Infographic at i-post iyong FB o iguhit ito sa iyong
portfolio.
1.LUPA
2.PAGGAWA
3.KAPITAL
4.ENTREPRENYURS
B. Paano nakaapekto sa aspeto ng buhay mo ang nararanasan natin
ngayon sa panahon ng pandemiya dulot ng COVID’19 batay sa mga
sumusunod: Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio.
1. Pag-uugali
2. Paraan ng komunikasyon
3. Pagdedesisyon/pag-iisip
4. Pagkakaruon ng responsibilidad bilang mamamayan
5. Prioridad sa buhay at pakikitungo sa iyong pamilya at kasambahay.
6
AP9-Qrt1-WeeK5
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN
SAGUTANG PAPEL
Pangalan: _______________________________________________
Pangkat__________Guro: ____________________________________
Aralin6.
SALIK NG PRODUKSYON
5
I.
II.
PAUNANG PAGSUSULIT
1
2.
4.
5.
3.
4.
5.
BALIK-TANAW
1.
III.
3.
2.
GAWAIN A. Ilagay sa iyong portfolio
Salik ng Produksyon
Negatibong
epekto/
Implikasyon
Epekto sa
Programa
Sariling
aking pangng
kaparaanan
araw-araw pamahalaan o ambag na
na
na
pagtulong.
pamumuhay
tuutulong
1. Lupa
2. Paggawa
3. Kapital
4. Entreprenyur
IV.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.
V.
PANGHULING PAGSUSULIT
1.
VI.
2.
3.
4.
5.
PAGNINILAY
Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.
7
AP9-Qrt1-WeeK5
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN
8
AP9-Qrt1-WeeK5
Download