Uploaded by mrcupcake60

unang takdang aralin

advertisement
Pangalan: Angel Faith P. Leal
Seksiyon at Asignatura: 12.1I – FIL122 Panimulang
Linggwistika
Propesor: Love I. Batoon
Petsa: Marso 24, 2021
Unang Takdang- Aralin
Ibigay ang mga sumusunod:
1. Iba't ibang Teorya ng Pinagmulan ng Wika at ipaliwanag ang bawat isa.
2. Gumawa ng Balangkas o Outline ng mga Prinsipal na Angkan ng Wika sa buong Daigdig.
1. Iba’t ibang Teorya ng Pinagmulan ng Wika
TEORYANG BOW - WOW
·
Ginagaya nila ang mga ingay ng hayop tulad ng pagtahol ng aso, pag-uwak
ng manok, at huni ng ibon. Sinasabing ginaya ng tao ang natural na tunog at paligid
tulad ng hangin, patak ng ulan, at mga langitngit ng kawayan.
TEORYANG DING DONG
·
Ang lahat ay may sariling natatanging tunog na sumasalamin dito, at ito ang
tunog na sinamba ng mga sinaunang tao, na kalaunan ay nagbago at nagkakaroon
ng mga bagong kahulugan.
·
May natatanging tunog na sumasalamin sa lahat ng bagay sa kanyang paligid.
kilala rin ito bilang simbolo ng tunog, ayon kay Max Muller. Ang bilis ng tren, hali,
o ang tik-tak ng isang orasan ay ang mga halimbawa nito.
TEORYANG POOH -POOH
·
Gumagawa ng tunog bilang isang resulta ng isang damdamin . Ang takot,
kalungkutan, galit, kagalakan, at ang paglalaan ng lakas lahat ay sanhi ng
pagbibigkas ng mga bibig sa bibig.
TEORYANG TA-RA-RA- BOOM DE AY
·
Ang wika ng tao ay batay sa mga tunog na ginagawa ng mga tao sa mga
ritwal, na nagbabago at kumukuha ng mga bagong kahulugan sa paglipas ng
panahon. Halimbawa, sa panahon ng digmaan, pagsayaw, pagsisigaw o
incantation, pagbulong, pagtatanim, at iba pa.
TEORYANG SING-SONG
·
Ang wika, ayon sa linggwistang si Jesperson, ay nagmula sa mga aktibidad
tulad ng paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, pang-aakit, at iba pang
emosyonal na bulalas. Sinabi din niya na, taliwas sa paniniwala ng mga tao, ang
mga unang salita ay sadyang mahaba at musikal, sa halip na maikling bulalas.
TORE NG BABEL
·
Mga teoryang batay sa Bibliya. May isang panahon na mayroon lamang
isang wika. Napagkasunduan na magtayo ng isang tore upang hindi ito masira at
ang Panginoon ay mahigitan.
•
TOWER NI BABEL Nang malaman ito ng Panginoon, bumaba at
winawasak niya ang tore. Nang wasakin ang tore, ang mga mamamayan ay
nagkagulo dahil ang kanilang mga wika ay hindi magkatulad na sila ay nahati at
kumalat saang dako ng mundo.
TEORYANG YOO HE YO
•
Ayon sa linggwistang si A.S Diamond (2003), natututo ang tao na magsalita
bunga ng kanyang puwersang pisikal o lakas sa katawan.
TEORYANG TA -TA
·
Ayon sa teoryang ito, ginaya ng dila ang galaw o kilos ng kamay ng tao na
ginagawa niya sa bawat okasyon, na naging sanhi upang matuto ang indibidwal
na gumawa ng tunog at maya-maya ay magsalita.
•
Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam
o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas
na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
TEORYANG MAMA
• Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang
bagay.
·
Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang
salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa
salitang mother.
TEORYANG HEY YOU!
·
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak
ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika.
· Nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!) ayon sa pag-aaral ni Revesz. Napapabulalas din tayo
bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang
kontak.
TEORYANG COO COO
· Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan
sa mga bagay- bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga
bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
· Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
TEORYANG BABBLE LUCKY
·
Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.
·
Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi
sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga
bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
TEORYANG HOCUS POCUS
• Ayon kay Boeree (2003), ang pinagmulan ng wika ay maaaring kapareho ng
pinagmulan ng mga mistiko o relihiyosong elemento ng pamumuhay ng ating mga
ninuno.
• Ayon sa alamat, pinangalanan ng mga unang tao ang mga hayop na gumagamit
ng mga mahiwagang tunog, na kalaunan ay naging pangalan ng mga hayop.
TEORYANG EUREKA!
·
Sadyang inimbento/nilikha ang wika ayon sa teoryang ito ayon kay (Boeree,
2003). Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
·
Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba
pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.
2. Balangkas o Outline ng mga Prinsipal na Angkan ng Wika sa buong
Daigdig.
I.
II.
III.
IV.
V.
Indo- European
A. Germanic
1. English- Frisian
2. Dutch- German
3. Scandivian
B. Celtic
1. Breton
2. Welsh
3. Irish
4. Scots
C. Romance
1. Portuges
2. Espanyol
3. Pranses
4. Italyano
5. Rumanian
6. Sarinian
7. Rhato- Romanic
8. Haitian- Creole
9. Catalan- Galician
10. Latin
D. Slavic
1. Ruso
2. Byelorussian/ Ukrainian
3. Polish
4. Czech
5. Slovak
6. Serbo- Croatian
7. Bulgarian
E. Baltic
1. Lithuanian
2. Latvian
Finno- Ugrian
A. Finnish
B. Estonian
C. Lappish,Mordvinia
D. Cheremiss
Altaic
A. Turkik
B. Mongol
C. Manchu- Tangus
Caucassian
A. South Carcassian
B. North Carcassian
C. Basque
Afro- Asiatic
A. Semetic
1. Ebreo
2. Arabic
3. Maltese
4. Assyrian
5. Aramaic
6. Phoencian
B. Hamitic
1. Egyptian
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
2. Berber
3. Cushitic
4. Chad
C. Manade
D. Kwa
E. Sudanic
F. Bantu
Korean
Japanese
A. Nipongo
B. Ryuku
Sino- Tibetan
A. Tibeto- Burma
1. Tibetan
2. Burmese
3. Garo
4. Bodo
5. Naga
6. Kuki- Chin
7. Karen
Malayo- Polynesian
A. Indonesian
1. Tagalog
2. Bisaya
3. Ilocano
4. Pampango
5. Samar- Leyte
6. Bicol atb. parte ng Pilipinas
7. Chammerong Guam
B. Malay
1. Malaya
2. Batak
3. Balinese
4. Dayak
5. Makassar
C. Micronesian
D. Polynesian
1. Hawaiian
2. Tahitian
3. Samoan
4. Maori
E. Melanesian
1. Fijian
Papuan
Dravian
A. Telugu
B. Tamil
C. Kannarese ng Kanara
D. Malayalam
Austrilian
Austro- Asiatic
A. Munda
1. Santoli
2. Klasi
3. Nicolabarese
4. Palauag
5. Wa
6. Mon
Mga Sanggunian:
Mga teorya ng pinagmulan ng wika. (n.d.).
Https://Www.Academia.Edu/36928754/Mga_teorya_ng_pinagmulan_ng_wika.
Donna Oliverio. (2015, March 24). ANGKAN NG WIKA.
https://www.slideshare.net/dawnnah/angkan-ngwika?fbclid=IwAR3rKeKpUuFxgTJwkrDjRRrKGHS1rljPTd5EziqnwY17lPRPC_tU
emwj6Zw.
Download