FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL Republic of the Philippines Fatima, General Santos City KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES DEPARTAMENTO NG FILIPINO Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021 PANGALAN: (PANGKAT 5) LEAL, MAKARUNGGALA, JILONGO, FRIAS, HARID SEKSYON: FIL 121 – O12.2 PAMAGAT NG GAWAIN: PHOTO ESSAY PETSA: OKTUBRE 20, 2021 Ang wika ay arbitraryo na siyang nagbubuklod at nagiging tulay sa pagkakaintindihan at pagkakaisa ng lahat ng uri ng tao sa mundo, magkaiba man ang katayuan sa lipunan, ang lahing pinanggalingan, and kultura at tradisyong kinalakihan at pagkatao sa kabuuan. Ang wikang naging pangunahing instrumento upang ang lahat ay magkaisa mula noon ay mas yumabong at pinakamahalagang sangkap sa pamumuhay ng tao hanggang sa kasalukuyan. Ang wika ay ang simula ng lahat na naging anino at naging marka o simbolo ng kasarinlan ng bawat isa. Ang mga tanong na nabuo sa nakaraan na ginamitan ng wika ay nasasagot sa kasalukuyan sa pamamagitan rin ng wika. Makapangyarihan ang wika sapagkat ang lahat ng mga nangyari at anino ng nakaraan ay kayang hukayin at muling buhayin sa kasalukuyan. Ang kapangyarihang taglay ng wika ay ang pwersa na nagbubuklod sa bawat isa. Sa paglipas ng panahon ito'y patuloy na nagbabago at patuloy na yumayabong. Batid na ito'y sumasalamin sa yaman ng kahapon at ito rin ang tumutulak sa pagkakaisa at pagkakaintindihan natin ngayon.