Kabanata 1- Aralin 1 B. Mga Sitwasyong Pangwika Halos isang siglo na nang simulang buoin at paunlarin ang Filipino, nananatili ang posisyong mapaggiit nito. Bukod sa politika na pagpaplanong pangwika sa Pilipinas, sarisaring hamon ang kinakaharap nito sa gitna ng pagbabago ng panahon at modernisasyon ng lipunan. Napapanahong patuloy na suriin ang kalagayan ng wika bilang isang penomenong panlipunan kaugnay ng kalagayang pangk-ekonomiya at pampolitika ng Pilipinas. Ang mayamang kultura, kasaysayan at makulay na politika sa bansa ang nagbubunsod ng pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang aspekto ng lipunan (Hinalaw sa aklat ni Bernales, et.al., 2019 na may pamagat Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina). 1. Multilingguwal at Multikultural ang Pilipinas. Arkipelogo ang ating bansa kung kaya’t ang katangiang heyograpikal nita ang nadudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura. Mahigpit na magkakaugnay ang wika at kultura kung kaya’t nasasalamin sa wika ang ano mang katangiang pisikal at kultural ng bansa. Ayon sa pag-aaral ni McFarland (2004), may lagpas isang daang magkakaibang wika ang Pilipinas samantalang sa tala ni Nolasco (2008) ay mayroong humigit-kumulang 170 iba’t ibang wika sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas. Ayon din kay Nolasco (2008), batay sa sensus noong 2000, ang pinakalaganap na mga wika sa Pilipinas batay sa dami ng taal na tagapagsalita ay Tagalog na may 21.5 milyon, Cebuano na may 18.5 milyon, Ilocano na may 7.7 milyon, Hiligaynon na may 6.9 milyon, Bicol na may 4,5 milyon, Waray 3.1 milyon, Kapampangan na may 2.3 milyon, Pangasinan na may 1.5 milyon, Kinaray-a na may 1.3 milyon, Tausog na may 1 milyon, Maranaw na may 1 milyon at Maguindanaon na may 1 milyon. Ang mga nabanggit na wika ay itinuturing na mayoryang wika sapagkat relatibong mas malaking bilang ng tao ang nakauunawa at gumagamit nito kaysa sa iba pang rehiyonal na wika ng bansa. Bukod sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas, laganap na rin ang paggamit ng Filipino bilang lingua franca ng bansa. Ipinakikita ng datos na 65 milyon mula sa kabuoang 76 milyong mga Pilipino o 85.5 % ng kabuoang populasyon ay may kakayahang magsalita ng pambansang wika (Gonzales, 1998). Itinuturing din ang wikang ingles bilang pangunahing ikalawang wika. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Social Weather Station (sa Gonzales, 1998) noong 1994, 74% ang nagsabing nakaiintindi sila ng wikang ingles kapag kinakausap sila gamit ito. Sa kalagayang higit isang daan ang mga rehiyonal na wikang ginagamit sa bansa, malaki ang hamon na makabuo ng pangkalahatang polisiyang pangwika na makatutugon sa pangangailangan ng lahat ng etnolinggwistikong grupo. Malaki ang pangangailangang tupdin ang atas ng Konstitusyon na paunlarin at payabungin ang isang wikang Pambansa, salig sa mga umiiral na wikang katutubo sa Pilipinas. Ang Multilinggwal na Pilipinas at Iba pang Multilinggwal na Bansa Ang Pilipinas na isang arkipelago ay binubuo ng humigit-kumulang pitong libo at walumpu’t tatlong mga pulo, na may matatayog na kabundukan at malalawak na kapatagan na naging dahilan sa pagkakaroon ng napakaraming wika at wikain. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino na binanggit sa papel nina Pamela Constantino et al., may mahigit na isandaang (100) wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang kalagayang kapuluan ng Pilipinas ang masasabing pisikal na sagabal as pagkakaroon ng iisang wika nito. Ang pagfkakaroon ng iba’t ibang mga nananahanan sa mga pulo ay natural na magbubunsod sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika’t wikain dahil na rin sa pansariling kalinangang tinataglay. Idinidikta ng topograpiya ang pagiging multilinggwal ng Pilipinas. Pinatibay ang pagiging multilinggwal ng bansa nang sinisikap nitong patatagin ang pakikipag-ugnayang panloob at panlabas-bansa, gayundin nang kolonisahin ang Pilipinas ng iba’t ibabg mga bansa bunsod ng pangangailangang politikal. Tunay na may epekto ang wika ng pakikipag-ugnayan at kolonisasyon sa wika ng bayan, bagamat may ilang mga pag-aaral na tumutugon na ang mga pagkakaiba sa wika at wikain ng Pilipinas ay nagtatagpo rin sa ilang pagkakahawig nito (Chirino 1604; at Colin 1663). Batay naman sa banggit ni Lorenzo Huevas y Panduro (1784), bago ang kolonisasyon ay itinuturing na kapamilya ng wikang Malayo Polinesyo ang mga wika at wikain sa Pilipinas; samantalang sa pananaliksik nina Constantino tinawag ni Wilhem Schmidt (1899) na Awstronesyan angpamilya ng wikang kinabibilangan ng mga wika sa Pilipinas. Sinasabing ang unang mga naging dayuhan sa bansa ay ang mga Negrito. Sa pamamagitan ng tulay na lupa diumano nakatawid ang mga katutubo patungong Pilipinas na itinuring na pinagsimulan ng mahahalagang tala sa kasaysayan ng bansa. Bunga ng pananahanan ng mga taong nabanggit, lumaganap ang kanilang lahi at dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pamamaraan ng pamumuhay ay sumalig lamang sa kanilang kasanayang gawi—nanatili silang nanirahan sa mga kabundukan at kagubatan ng bansa. Ang mga Malay ang sinasabing huli sa mga naunang nakadaong sa Pilipinas. Sa papel nina Constantino binanggit na ang pagdating ng mga Malayo ang naging dahilan sa pagdami ng mga Pagano at ang iba’y naging tagasunod sa paniniwala ni Allah o Mohammed na matatagpuan na sa kasalukuyan sa mga probinsya ng Mindanaw. Dahil sa magkakahiwalay na pandarayuhan sa bansa maaaring humantong sa paniniwalang hindi magkakaroon ng komong wika ang mga sinumang Pilipino dahil na rin sa magkakahiwalay na paniniwalang bunsod ng relihiyon at patakarang pangkabuhayan ng mga dayuhang nakaimpluwensiya sa pulo. Itinakda ng kapalaran ang pagiging multilinggwal ng bansa. Noon pa man ay makikita na sa bansa ang pananaig ng sistemang pagpapangkatpangkat. Ang pagpapangkat na maituturing sa kasalukuyan na gaya ng sistemang barangay ay pinamamahalaan ng mga tinatawag na Datu. Masasabi ring maaring naging salalayan ito upang hindi magkaroon noon pa man ng komong wika sa pakikipagtalastasan ang mga katutubong Pilipino. Subalit higit pa man sa mga naitalang kalinangan maliwanag na may sistema na sa wikain ang mga Pilipino. Buhat sa malawak na kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas ay kinikilala sa kasalukuyan ang sampung pangunahing mga wika ng bansa na kinabibilangan ng Ilokano, Pampango, Pangasinense, Tagalog, Bikol, Hiligaynon, Sebwano, Waray (Samar-Leyte) Maranaw o Maguindanaon, at Tausog. Batas ang nagtadhana ng pagiging multilinggwal ng bansa. May ekonimikong epekto ang implementasyon ng K to 12 sa bansa. Bunsod nito, ang mga propesyonal na gurong dating nagtuturo sa antas tersyaryo ay ibinaba sa hayskul sapagkat ang mga basikong asignaturang dating nasa kolehiyo ay ibinaba rin sa hayskul. Nilusaw din ng pagpapairal ng K to 12 ang mga Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo ay iba pang mga paaralan na walang nagawa kundi ang maging sunudsunuran. Maraming mga bansa sa mundo ang multilinggwal bunga na rin ng pagiging kolonya ng ibang makapangyarihang bansa at ng masidhing pagkiling sa rehiyonalismo gaya ng Pilipinas. a. Aruba Maliit lamang na bansa ang Aruba na isa sa mga bansang bumubuo sa kaharian ng Netherlands at malapit sa Valenzuela. Dutch ang opisyal na wika na tinuturo sa lahat ng paaralan bagamat ang Ingles at Kastila ay pangangailangan din sa sistema ng edukasyon kung saan ang mga mag-aaral ay kakikitaan ng kabihasaan sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral. Laganap ang paggamit ng Ingles bunsod ng turismo gayundin ang Kastila dahil sa kalapitan nito sa Velenzuela. Gayunpaman ang wikang local ng mga Arubian ay tinatawag na Papiamento, isang wikang umusbong mula sa mga wikang Portuges, Kastila, Dutch at Ingles. Isa rin ito sa mga opisyal na wika at ginagamit sa midya, gobyerno, kalsada at mga tahanan. b. East Timor (Timor-Leste) Isang bagong bansa ang Timor-Leste. Ang mga Timoris ay gumagamit ng Tetum, ang wikang local, samantalang may kabihasan din sila sa Portuges at Ingles. Nagkauunawa sila ng Indonesyan bagamat ‘di ito ang preperensiyang gamitin ng marami. c. India Hindi at English ang mga opisyal na wika ng India at gamit ito ng mga nakapag-aral at naninirahan sa mga syudad. Ingles ang igit na gamit sa TImog India. Dagdag sa Hindi at Ingles ay takda ring opisyalnna wika ang dominanteng local na wika ng isang estado: ”This means that a majority of educated Indians are at least trilingual, ang people who move between states may have a working knowledge of additional languages. So although they might not have fluency in each one, many Idians are able to communicate and understand four or more languages.” d. Luxembourg Luxembourgish ang wika ng maliit na bansang ito. Malaki man ang impluwensiya ng wikang Aleman (German) sa Luxembourgish ay ‘di ito mauunawaan ng isang taal na mananalita ng wikang Aleman. Bukod kasi sa Wikang Aleman ay napakarami ring hiram na salita mula sa Pranses ang Luxembourgish. Kabilang sa Luxembourgish, ang Pranses at Aleman ay mga opisyal na wika ng bansa at sinasalita ng lahat ng mag-aaral kasama ang pang-apat na wika, ang Ingles na tinuturo sa mga paaralan kasama ng mga opisyal na wika. Ang mga opisyal na transaksiyon sa gobyerno ay nasa wikang Pranses. e. Malaysia Malay ang opisyal na wika ng Malaysia gayong mas maraming wika ang umiiral ditto kaysa sa Singapore. Bihasa ang mga Maleysian sa Malay at Ingles na parehong itunuturo sa mga paaralan at malawakang ginagamit sa lungsod. Barayting Manglish ang karaniwang gamit sa kalsada. Dagdag sa Malay at Ingles ay nakapagsasalita rin ng wika ng kanilang mga magulang ang mga anak ng mga Indiano. Itunuturo ang Mandarin sa mga paaralan para sa mga may lahing Tsino at may gumagamit din ng Kantonis, Hoyen at Hakka sa bahay maging sa lansangan. f. Mauritius Ang islang ito ay palaging itinuturing na bahagi ng Africa. Ingles at Pranses ang mga wika sa paaralan ngunit alinman sa dalawa ay ‘di ginagamit sa karaniwang usapan. Mauritian Creole, ang wikang umusbong sa Pranses ngunit ‘di maiintindihan ng nagsasalita ng Pranses. May mga mula sa lahing Indian ang nagsasalita ng wikang Bhojpuri, isang diyalekto ng Hindi, habang ang iba pang lahi na nananahan ditto gaya ng mga may lahing Bunsod nito ay maoobserbang kaya ng isang Mauritan na gumamit ng tatlong o apat na mga wika. g. Singapore Ingles, Mandarin Chinese, Malay at Tamil ang opisyal na wika ng Singapore, gayunpaman ay hindi kakikitaan ng kahusayan ang mga Singaporean sa pagsasalita ng mga banggit na wika maliban sa Ingles na lingua franca rin at itinuturo sa mga paaralan. Karaniwang wika sa kalsada ang Singlish at maaari itong makilala o maunawaan ng mga mananalita ng wikang Ingles ngunit hirap ang mga ito sa mga hiram na salita mula sa Malay at dagdag ang gramatika ng wikang Intsik. Natututunan ng mga mag-aaral ang kanilang unang wika sa mga paaralan: ang mga Indian na Singaporean ay natututo ng Tamil, Malay para sa mga Malay, at Mandarin naman para sa mga Intsik. May mga Chinese-Singaporean na may dagdag na wika, ang Hokkien at Hakka ang pinakamalaganap na ginagamit na wika. h. South Africa May labing isang (11) opisyal na mga wika ang South Africa. Ingles ang lingua franca at ito rin ang wika ng midya at ng pamahalaan kahit pa kulang sa sampung porsiyento (10%) ng populasyon ang gumagamit nito. Afrikaan ang wikang ginagamit sa timog at kanlurang bahagi ng kontinente: May kabihasaan sa tatlong mga Wika ang mga Aprikano ngunit prominente ang sumusunod na wika: Ang Zulu o Xhosa na pawing mga wikang lokal ni Nelson Mandela. Nabibigyang-pansin sa wikang ito ang tunog ng pagtatagpo ng mga ngipin o “clicking sound” kapag binibigkas ang konsonante. Dagdag sa mga ito ang alinmang wika na dominante sa lugar na tinitirhan ng isang Aprikano. i. Suriname Dutch ang wika sa bansang ito na nasa Hilagang Amerika. Ito ang wikang gamit sa edukasyon, kalakaran at midya. Sranan Tongo (o Sranan) ang wikang may impluwensiya ng Dutch at Ingles ang wika ng mga lokal at maituturing na lingua franca. Napakalaki ng populasyon ng mga Indiyan sa Suriname kung kaya’t marami pa rin ang gumagamit ng wikang Hindi. Mayroon din naming gumagamit ng Javanis at Tsaynis. Maraming mang wika ang sinasalita ng isang bansa, mapapansin sa lahat ng mga bansang banggit ang patuloy na paggamit sa wikang may tatak ng pagkalahi. Sakupin man ng ibang lahi ang bansa, mananaig at makapangyayari ang sariling wika. j. Ang Pagsibol ng Wikang Pambansa Kung ang kasaysayan, topograpiya at mga batas ng bansa ay nagtadhang multilinggwal ang Pilipinas, bakit sumibol ang wikang Pambansa? Ano ang tungkulin ng Wikang Pambansa sa umiiral na napakaraming wika? Mapatatatag at magtaguyod ba ang Wikang Pambansa ng talino at kalinangang Pilipino? Magsusulong ba ito sa pambansang kaunlaran? Batid nang marami sapagkat naitala na sa mga aklat pangkolehiyo (San Juan, et al., 2010; Carpio, ey al; 2012; Austero et al., 2010 at Garcia, et al., 2010); na umusbong mula sa karanasan ng Dating Pangulong Manuel Quezon ang ideya tungkol sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Bunsod naman ng ideya sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa ang pagsilang ng Surian ng Wikang Pambansa upang magsagawa ng mga pag-aaral at iba pang tungkulin kaugnay sa wika. Hindi sukat-akalain marahil ng Pangulong Manuel L. Quwzon, ang “Ama ng Wikang Pambansa” na ang mangarap na magkaunawaan ang mga lahing may iba-ibang mga wika sa pamamagitan ng iisang wika ay suliranin pa rin ng bansa kahit pa walang dekada o walumpung taon na ang nakaraan. Sa Konstitusyon ng 1987 kinilala na ang Filipino bilang umiiral na Wikang Pambansa. Taong 2013, sa bias ng kapasiyahan Blg. 13-05 ng KWF, binigyangdefinisyon ng Filipino: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong (P)ilipinas bilang wika ng komunikasyon sa isa’t isa ng mga pangkatang katutubo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaranas ng paglinang at pagpapayaman sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga katutubong wika ng (P)ilipinas at mga di katutubong wika at sa pamamagitan ng mga pagbabago sa nagiging paggamit ng Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at pangyayari, pasalita man o pasulat na pahayag ng iaba’t ibang pangkatang panlipunan at pampolitika, sa loob at labas ng kapuluan, at sa iba’t ibang paksain at disiplinang akademiko. Ang Hamon ng Mother-Tongue-Based Multilingual Education Habang nililinang pinauunlad ang Filipino, nang naluklok na Pansamantalang Punong Komisyoner ng KWF si Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco ay nagging direksyon ng ahensiya ang pagtangkilik sa multilinggwalismo, katuwang ang Kongresista o Representatibo na si Kgg. At Abogado Magtanggol Gunigundo ng Valenzuela. Ang original na House Bill Blg. 3719 na humihikayat na ipagamit ang unang wika ng mga magaaral bilang midyum ng pagtuturo ay unang isinumite sa Senado noong 2008 na ang paksa ay ang pagpapagamit sa unang wika bilang midyum ng pagtuturo sa mga basikong edukasyon. Kinatigan ito ng kagawaran ng Edukasyon at Isports sa pamamagitan ng paglalabas Ordinansa Blg. 74 na nagtatakda sa pagsasainstitusyon ng paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral. Batay sa GMA News Online na nailathala noong May 1, 2008, rasyonale ng mga probisyong ito ang sumusunod na banggit ni Representatibo Gunigundo: “Using the language the child understangs not ony affirms the value of the child and his cultural heritage but also enables the child to immediately master the lessons in the school curriculum and at the same time facilitates the acquisition of Filipino ang English.”at “language schoolars around the world unanimously say that children learn best in their own languages, not in a foreign language, and students taught in the mother tongue appeared to be more actice in class and were able to learn more.” Napakalaki ng nagging epekto ng pagsasakatuparan ng Mother Tongu-Based Multilingual Education o MTB-MLE. Isa ito sa mga nagging bagong direksiyon sa pagiimplementa ng Kto 12 na nagging tatak ng administrasyong Benigno “Noynoy” Aquino III. May ekonomikong epekto ang implementasyon ng K to 12 sa bansa. Bunsod nito, ang mga propesyonal na gurong dating nagtuturo sa antas teryarya ay ibinaba sa hayskul sapagkat ang mga basikong asignaturang dating nasa kolehiyo ay ibinaba rin sa hayskul. Nilusaw din ng pagpapairal ng K to 12 ang mga Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at iba pang mga paaralan na walang nagawa kundi ang maging sunod-sunuran. 2. Ingles ang Lehitimong Wika sa Pilipinas. Itinuturing na ikalawang wika ng nakararaming Pilipino ang ingles sa ating lipunan. Ayon sa Social Weather Station (SWS) noong 2008 (sa Nolasco, 2008), halos 76 % ng mga Pilipinong nasa sapat na gulang ang nagsabing nakauunawa at nakapagsasalita sila ng ingles, habang 75% ang nagsabing nakapagbabasa sila ng wikang ito. Bukod ditto, 61% ang nagsasabing nakapagsusulat sila sa wikang ingles habang 38% ang nagsabing nag-iisip sila gamit ang wikang ingles. Bilang pinakamakapangyarihang wika ng mundo, patuloy na lumalaganap ang wikang ingles bilang wikang panturo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ayon kay Macaro (2014) ng British Council at Director ng University of Oxford, lalong dumarami ang mga akademikong institusyon sa buong mundo na gumagamit ng ingles upang ituro ang mga akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa internasyonal na istandad ang propayl ng mga unibersidad. Sa pagpasok ng Pilipinas sa sosyo-kultural at ekonomikong integrasyon sa ASEAN, kapansin-pansin na ganito ang nagiging tunguhin ng mga pangunahing unibersidad sa Pilipinas. Malinaw na maraming Pilipino ang nananatiling naiimpluwensyahan at gumagamit ng wikang ingles sa iba’t ibang antas sa kabila ng pagkakaroon ng pambansang wika ng Pilipinas. Kasama sa opisyal na wika ang ingles at bagama’t Filipino ang pambansang wika, Ingles pa rin ang mas ginagamit sa Sistema ng edukasyon at print media. Maaari ring gamitin ang Filipino sa pamamahala at lehistatura sa Pilipinas, maging sa korte at batas, ngunit ingles pa rin ang namamayaning wika. Ingles ang ginagamit para sa mga intelektwal na usapin, komersyo/Negosyo, habang Filipino naman sa local na komunikasyon at mga palabas sa telebisyon. Sa artikulong Kapangyarihan ng Wika, Wika ng Kapangyarihan ni De Quiros (1996). Ayon sa kanya, hindi lamang komunikasyon ang pangunahing gamit ng wika, kundi susi ito upang makapaghari sa isang tiyak na lipunan. Binalikan niya ang kasysayan kung gaanong naging instrumento ang wika ng kolonyalismo sa Pilipinas. Naging mabisa ang pagtuturo ng mga Amerikano ng ingles sa pamamagitan ng pampublikong edukasyon sapagkat napanatili nila ang kapangyarihan sa ekonomiya at politika ng Pilipinas kahit pa nga hindi na tayo direktang kolonya ng Estados Unidos. Ingles ang makapangyarihang wika sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan kung kaya laganap din ang ilang maling pananaw sa pag-aaral ng wikang ito. Halimbawa, laganap ang pampublikong diskurso na uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas kung magiging mahusay sa pagsasalita ng Ingles ang mga Pilipino. Kung susuriin sa nagaing karanasan ng mga mauunlad na bansa sa Asya, tila hindi syentipiko at makatotohanan ang ganitong paglalahad. Sa kaso ng Timog Korea, Japan, Thailand, Indonesia at Malaysia, sariling mga pambansang wika ang naging saligan ng kani-kanilang maunlad at nagsasariling ekonomiya, at hindi wikang ingles.