Uploaded by Mark Brian Flores

Kabanata II - Aralin 2 Filipino sa Siyensiya, Matematika, Inhenyeriya at Iba pang Kaugnay na Larangan

advertisement
Kabanata II – Aralin 2
Aralin 2: Filipino sa Syensya, Matematika, Inhenyeriya at
Iba pang Kaugnay na Larangan
1. Filipino sa Siyensiya. Ang Sentro ng Wikang Filipino ng UP- Diliman, maging ang
mga propesyonal na samahang pangwika sa pagsasagawa ng mga panayam,
komperensya. Pagsasulat at pagsasalin ng mga sanggunian at paglalathala ng
pananaliksik sa mga larangang teknikal gamit ang wikang Filipino sa tulong na rin
ng mga iskolar na naniniwala sa kakayahan ng wikang itong magamit sa nabanggit
na mga larangan. Dahil sa positibong pagtinging ito, hindi sila natatakot subukang
gamitin ang wikang Filipino sa kanilang pagtuturo at sa kanilang mga isinusulat na
libro at pananaliksik. Sa katunayan, isa si Dr. Fortunato Sevilla ng Kolehiyo ng
Agham ng UST sa nagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo ng
Kemistri. Pisika at iba pang kaugnay na larangan. Ayon sa kanya, sa paggamit ng
wikang Filipino sa pagtuturo ay mas mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral
ang lalim at lawak ng mga konseptong pang-agham. Bunga nito, mas nagiging
buhay ang talakayan sa klase dahil ganap na nakikiisa ang mga mag-aaral. Ang
ganitong pangyayari ay nagbubukas sa mas mataas na paghahangad ng mga
mag-aaral na matututo ng siyensya na magagamit nila sa pang-araw-araw na
buhay.
2. Filipino sa Matematika. Matibay naman ang paniniwala ni Atty James Domingo
ng Kolehiyo ng Akawntansi ng Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) sa kakayahan
ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng mga asignatura sa kursong
akawntansi. Sa katunayan, ayon sa kanya, sa loob ng ilang taon din ng paggamit
ng wikang Filipino sa pagtuturo, lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral niya ang
iba’t ibang konseptong pang-akawntansi. Patunay rito ang mas mataas na
porsyento ng mga mag-aaral na nakakapasa sa kanyang mga ginagawang
pagsusulit sa mga ara ling ginagamit niya ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo.
Upang ganap na maipaunawa sa mga mag-aaral ang mga mahihirap na
konseptong pang-akawntansi at bilang ambag na rin sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino ay naglathala na rin siya ng mga libro tungkol dito gaya ng Hairy Potter
(accounting process) at Bentahan (merchandizing and manufacturing) na kapwa
nakasulat sa wikang Filipino. Ito ay kasalukuyang ginagamit bilang alternatibong
sanggunian ng mga mag-aaral ng Akawntansi sa buong bansa (Fajilan,2015).
Nabanggit nina Broadway ay Zamora (2018) na napakahalaga ng
Matematika sa buhay ng tao kaya’t mahalagang ikintal sa isipan ng mga mag-aaral
ang aral na maibibigay nito sa kanila. Sa katunayan, magmula sa simpleng
pagbibilang hanggang sa pagkokompyut ng income tax return at ng mga bayarin
sa kuryente at tubig, makikita ang tungkuling ginagampanan ng Matematika.
Kaugnay nito, ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga dahilan kung kaya’t
mahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang asignaturang ito tungo sa pagbuo
ng kaalamang magagamit nila sa pang-araw-araw na buhay.
Sa kanilang pag-aaral na pinamagatang: Ang Filipino Bilang Wika sa Matematika:
Isang Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng isang Pribadong Paaralan na inilathala
sa The Normal Lights, Tomo 12, Bilang 1 (2018), napatunayan nilang Malaki ang
papel na ginagampanan ng wikang Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo
ng Matematika sa mga Pilipinong Mag-aaral. Sa Katunayan, ayon sa nasabing
pag-aaral, mas madaling naipaliliwanag ng guro ang mga konseptong pangMatematika at mga panuto ukol ditto sa tulong ng wikang Filipino. Gayon din, mas
naipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong uko sa asignaturang
gamit ang wikang Filipino dahil komportable na sila sa paggamit ng wikang ito.
Wala ring hadlang sa pagsasalita lalo na sa talakayan.
3. Filipino sa Inhenyerya. Isang pundasyon at malaking patunay ang ginawang
ekspermentasyon ni Carlito M. Salazar (1995) ng DLSU-Manila sa kakanyahan ng
Filipino bilang wika ng karunungan nang gamitin niya ito bilang midyum sa
pagtuturo ng mga asignatura sa Inhenherya gaya ng Process Design in Chemical
Engineering, Heat Transfer, Computer Calculation and Momentum Transfer. Sa
katunayan, marami sa kanyang mga mag-aaral ang pumapabor sa paggamit ng
wikang Filipino sa pagtuturo ng mga nasabing asignatura bunga ng mga
sumusunod na dahilan:
a. Mas buhay at impormal ang talakayan;
b. Mas nakikiisa ang mga mag-aaral sa talakayan sa klase;
c. Nawawala ang tensyon sa klase;
d. Nawawala ang ano mang sagabal sa komunikasyon sa pagitan ng propesor at
mga mag-aaral;
e. Hindi na doble ang dapat intindihin ng mga mag-aaral- mahirap na ang teknikal
na asignatura, mahirap pa ang magsalin nito mula sa Ingles;
f. Mas madaling iugnay ang mga teoryang pang-inhenyerya sa pang-araw-araw
na buhay;at
g. Napapatibay ang damdaming nasyonalismo.
Kung susuriin ang obserbasyon at resulta ng pag-aaral ni Salazar (1995),
nagpapatunay lamang na ano mang wika sa mundo ay may kakanyahan na
maging wikang teknikal. Gayon din, patotoo ito kung talagang pagkatuto ang
hangad ng bawat institusyong pang-akademiko para sa kanyang mga mag-aaral,
magagawa ito sa isang midyum na malapit sa mga mag-aaral- ang kanyang
kinagisnang wika.
4. Filipino sa Medisina. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng wikang Filipino sa
larangan ng Medisina o Panggagamot. Sa katunayan, ito ang nagsisilbing
pangunahing instrumento ng doctor sa kanilang panggagamot sa mga
mamamayang Pilipino na nasa marhinalisadong sitwasyon o maging mga nas
gitnang uri man. Dahil sa wikang ito, mas mapabilis ang ugnayan ng pasyente at
doctor o magging nars. Mas nararamdaman ang pagkalinga ng mga doctor sa
kani-kanilang pasyente dahil sa kakaibang katangian ng wikang Filipinomapagkalinga, magpag-aruga.
Si Doktor Luis P. Gatmaitan (kilala bilang tito dok sa larangan ng panitikan) na
nagtataguyod ng wikang Filipino sa larangan ng Medisina sa pamamagitan ng
kanyang mga kwentong pambata na tumatalakay sap ag-iingat ng kalusugan at
pagpapahalaga rito ay naipauunawa agad niya sa maga musmos ang
kahalagahan ng kalusugan sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Ilan sa
mga pamagat sa mga nalikha niyang kwento ay ang mga sumusunod:
a. May mga Lihim Kami ni Ingkong
b. Waaah!Nakagat Ako ng Aso
c. Ayan na si Bolet Bulate
d. Ngiii! Ang kati-kati ng Ulo Ko
e. Naku, Ang Pula ng Mata Ko!
f. Aray, Nasusugatan Ako!
g. Ay! May Bukbok ang Ngipin ni Ani
h. KRAAAK! Nabali ang Buto ni Ferdie!
Kung gayon, ang pahayag ni Dr. Florentino Hornedo na binanggit ni Timbreza
(1999) tungkol sa kakanyahan ng Filipino ay waring naglalagom sa mga naunang
pagtalakay: Walang nakikitang problema sa paggamit ng wikang Filipino sa mga disiplina
tulad ng siyensya, teknolohiya at humanidades sapagkat ang wikang ito ay mapagampon.
Download