Uploaded by Yasmine Grace Esguerra

ERIS ang Isdang Walang Kaliskis

advertisement
Eris, Ang Isdang Walang Kaliskis
Sa isang kaharian ng Animalya, sa ilalim ng karagatan, ay may nakatirang
iba’t ibang uri na mga isda. Nahahati sa dalawang pangkat ang kanilang mga lahi.
Isang araw, habang masayang naglalaro ang mga batang isdang may makukulay at
makikislap na kaliskis, ay masigla at nakangiting lumapit si Eris. “Mga kaibigan, maaari ba
akong sumali sa inyong laro?”,tanong niya.
Tiningnan siya ng mga ito mula ulo hanggang buntot at sabay sabing “hindi, ano ka
sinuswerte, tingnan mo nga ang iyong sarili kung karapat-dapat kang makipaglaro sa amin.
Napakagaganda namin samantalang ikaw ay pangit”, tugon ng mga isdang may kaliskis.
Napahiya at napaiyak si Eris sa inasal at sinabi ng mga kausap.Wala siyang nagawa kung
hindi lumayo sa mga batang isdang naglalaro.
Umuwing malungkot si Eris sa kanilang tahanan. Nadatnan niya ang kanyang
ina doon. “O, Eris, anak,andito ka na pala. Bakit parang matamlay ka, may masakit ba sa
iyo? wika ng ina.“Wala po,iniisip ko lang po kung bakit ayaw po akong isali ng mga batang
isda sa kanilang paglalaro kanina. Nagtataka lang po ako kung ano ang dahilan.
Lumapit ang ina kay Eris, upang magpaliwanag. Anak, iba kasi tayo, iba kasi sila.Tingnan mo
ang ating mga balat, ano ang napansin mo?”, tanong ng ina. “Makikislap po at makukulay ang
kanilang mga kaliskis , samantalang tayo po ay wala”, sagot ni Eris. “Tama, bawal kasi na
makipag -kaibigan tayo sa kanila, dahil tayo ay kakaiba . Nabibilang tayo sa mababang
uri ng mga isda,”paliwanag ng ina kay Eris..
“Ang mga isdang may kaliskis ay kabilang sa matataas na antas
ng lahi o pamumuhay samantalang tayong mga isdang walang kaliskis ay kanilang
mga utusan o alipin lamang. Ipinagbabawal din na tayo ay makipagkaibigan sa kanila”,
mahinahon pang paliwanag ng ina. “Salamat po Nanay, at naunawaan ko na rin po. Alam ko
na po kung saan ako lulugar ngayon”masayang wika ni Eris.
Kinabukasan, habang si Eris ay namamasyal, nakita niya ang kaniyang mga
kauring isda Sila ay nagtatrabaho at nagsisilbing utusan ng mga isdang may kaliskis.
Narinig pa niya ang sinabi ng mga ito, “lagi na lamang bang ganito ang buhay natin?”
Nakakapagod na ang maging isang utusan”, wika ng mga isdang walang kaliskis.
Tumimo sa isip ni Eris na totoo pala ang sinabi ng kaniyang ina.
Ngayon ay mas nauunawaan na niya kung bakit ganoon ang pakikitungo ng mga ito
sa kanila .”Ipinapangako ko sa aking sarili na darating ang araw na magbabago ang
pagtingin at pagtrato nila sa amin”, sambit at bulong ni Eris sa kaniyang sarili. .
Nang sumunod na araw, nalibang sa paglalangoy at pamamasyal si Eris. Hindi niya
napansin na nakalayo na siya. Napadpad siya sa isang kuweba, na kung saan ito ay kuta o
lugar pala ng mga piratang pusit .Nakita niya na hinuli at binihag ang mga batang isdang may
kaliskis kasama ang anak ng hari na si Prinsesa Ayesha.
“Tulong! Tulong! Tulungan ninyo kami!” sigaw ng mga batang isdang may kaliskis.
”Pawalan ninyo kami!”, wika ng mga ito.
“Pakawalan ninyo sila!”, sigaw ni Eris.
“Tumigil ka! At sino kang magsasabi niyan sa amin! Isa ka lamang alipin! Hulihin siya!”,
wika ng pinunong pusit.
Kahit anong gawin ng mga piratang pusit, hindi nila mahuli si Eris.Dahil sa angking
katangian nito…. ang pagiging maliksi at madulas.Ito ay sa kadahilanang wala nga siyang mga
kaliskis.
Pinuno!Pinuno! Nakatakas po ang isdang walang kaliskis, hindi po naming siya nahuli o
nahawakan man lamang, dahil po sa sobrang dulas ng balat niya!” wika ng mga piratang pusit.
Nakatakas si Eris sa mga humahabol sa kanya . Hindi na ito nagdalawang-isip, siya ay
dali-daling nagpunta sa kaharian ng mga isdang may kaliskis upang magsumbong sa hari.
“Maaari ko po bang makausap ang hari?”, wika nito sa bantay ng kaharian.Mayroon
lamang akong mahalagang sasabihin tungkol kay Prinsesa Ayesha”.
“Hindi puwede”, malakas na sabi ng bantay.
Nagpumilit pa rin si Eris na makausap ang hari, hanggang sa narinig sila ng hari dahil sa
likhang ingay nito.
Lumapit ang hari at nagsabing,”ano bang kaguluhang ito?”
“Mahal na hari,nasa panganib po sila Prinsesa Ayesha at ang kaniyang mga kaibigan
,Nabihag po sila ng mga piratang pusit”, paliwanag ni Eris.
“Totoo ba ang sinasabi mo?” tanong ng hari.
“Opo,, alam ko po kung saan sila makikita”, sagot nito.
‘
“Ganoon ba? Mga kawal, humanda kayo, pupuntahan natin sila Prinsesa Ayesha at ang
kaniyang mga kaibigan upang iligtas”, wika ng hari.
Nagmamadaling naglakbay ang mga ito , kasama si Eris at natagpuan nga nila ang
kuweba , ang lugar na kung saan ay nabihag ang mga batang isdang may kaliskis.
Naglaban ang dalawang panig. Natalo at nagapi ang mga piratang pusit at nailigtas ang
anak ng hari at mga kaibigan nito.
Umiiyak na yumakap si Prinsesa Ayesha sa hari.“Anak, ligtas na kayo, at iyan ay dahil
sa tulong ng batang isdang ito”, sabi ng hari. sabay turo kay Eris.
Nakikila ng mga batang isdang may kaliskis si Eris. Nahihiya man ay lumapit ang mga
ito upang magpasalamat sa ginawa nitong katapangan.
“Salamat sa iyo, kung hindi dahil sa tapang at tulong mo baka napahamak na
kami”, wika ng mga ito.
“Walang anuman, kahit sino ay gagawin ang ginawa ko”, mapakumbabang wika ni Eris.
Humanga ang lahat sa ipinakitang katapangan ni Eris,
Isang araw,nagpatawag ng isang pagtitipon ang hari. Ang lahat ng mga isda ay
inanyayahan, may kaliskis man o wala.
Nagtataka ang lahat sa utos ng hari, ganun pa man, sila ay mga nagsidalo.
“Nagpatawag ako ng isang pagtitipon, dahil nais kong pasalamatan ang
isang isdang walang kaliskis na naging dahilan upang hindi mapahamak ang aking
anak na si Prinsesa Ayesha, kasama ang kanyang mga kaibigan sa kamay ng mga piratang
pusit. Dahil dito, magmula ngayon,ibinababa ko ang isang kautusan na ang lahat na mga
isda ay magkakaroon ng pantay na karapatang mamuhay dito sa kaharian, may kaliskis man o
wala “,paliwanag ng hari.
“Mabuhay ang isdang walang kaliskis! Mabuhay si Eris!Mabuhay!”
Magmula noon ay sama-sama ng namuhay ng masaya ang lahat ng mga uri
ng isda …..
ARAL: Mahalin ang ating kapwa, maging sino man ang mga ito.
Tulungan ang ating kapwa sa oras ng mga panganib.
Sumunod sa mga utos at pangaral ng magulang.
Huwag maliitin ang mga taong mas mababa ang uri sa atin.
Lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
COMPETENCIES:
FILIPINO III: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento.
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma.
SCIENCE III: Name/ Describe animals in their surrounding.
Describe the places where animals live.
Describe how animals move.
Describe the body covering of different animals and group animals based
on their body covering.
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
1.Ano ang pamagat ng kuwentong iyong binasa?
____________________________________________________________________________
2.Sinu-sino ang mga karakter na gumanap sa kuwento ?
____________________________________________________________________________
3.Saan naganap ang kuwento?
____________________________________________________________________________
4.Sino ang pangunahing karakter sa kuwento? Ano ang katangian nito?
____________________________________________________________________________
5.Bakit ayaw makalaro nang makukulay na isda si Eris?
____________________________________________________________________________
6.Ano ang naramdaman ni Eris nang ayaw siyang makalaro ng mga makukulay na isda?
____________________________________________________________________________
7.Bakit daw hindi puwedeng makihalubilo si Eris sa makukulay na isa sabi ng kanyang ina?
____________________________________________________________________________
8.Ano ang sumunod na ginawa ni Eris nang malaman niya ang dahilan kung bakit hindi siya
puwede makilaro sa makukulay na isda?
____________________________________________________________________________
9. Habang lumalangoy at naglilibot si Eris, sino-sino ang nakita niyang bihag ng mga piratang
pusit?
____________________________________________________________________________
10. Kung ikaw si Eris, ano ang iyong gagawin kung nakita mong bihag ng mga piratang pusit
ang mga makukulay na isdang ayaw kang makalaro?
____________________________________________________________________________
11.Anong aral ang natutuhan mo sa kuwentong ito?
____________________________________________________________________________
GLOSARI:
1. bihag (captive) -pagkuha o pagdukot sa isang tao ng hindi niya nalalaman at pagtago sa
kanya sa mahabang oras at panahon
2.kaliskis (scales) -mga patung-patong na sapin sa balat ng mga isda, ahas at sap aa ng mga
manok
3. kuweba (cave)- likas nab utas na may sapat na laki at lawak na puwedeng pasukin ng tao at
hayop
4.nagapi (defeated) – natalo
5. pirate (pirate) -tawag sa mga magnaanakaw o mga criminal sa dagat
Download