Step 1 Icheck kung: May pangalan ang sagutang papel sa bawat subject May tamang label at color code ng bawat subject Kumpleto ang subject ng ipinasang sagutang papel Pagkakasunod-sunod at color code ng bawat subject: 1. Filipino Blue 2. English Pink 3. Math Orange 4. Science Green 5. AP White 6. TLE Violet 7. ESP Yellow 8. MAPEH Red 9. HG Gray Step 2 Safety reminders bago pumasok ng silid-aralan: Bago pumasok ay isanitaize muna ang mga kamay. Nakasuot pa rin ng facemask at face shield. Sundin ang social distancing. Step 3 Ipakita sa guro ang QR card na ipinamahagi upang mascan ito bilang attendance at mamonitor ang pagkuha at pagsasauli ng learning kit. Para sa late na magsasauli/kukuha, mangyaring magdala ng sariling ballpen at isulat ang pangalan ng bata, pangalan ng kukuha at petsa ng pagkuha/pagsauli. Step 4 Matapos magpascan ay ilagay ang learning kit sa retrivel boxes. Hanapin ang Number Code ng mag-aaral sa mga upuan at kunin ang learning kit. Step 5 Maaring magtanong sa guro ng update sa mga magaaral maging ito man ay kanilang mga naiwang aktibidad o marka. Announcement sa mga programang ipinatutupad o iba pa.