Ala-ala Naniniwala na ba kayo na may nakikita akong isang babae o lalaki—ah ewan! Haysss siguro gawa ito noong ako ay naaksidente. Napakasakit isipin na nangyari iyon sa akin. Yung tipong hindi mo alam na may mangyayari pala sa iyo na makakapagpabago sa iyong napakawalang kwentang buhay. Oo, walang kwenta. Bakit? Simple lang, akala nila baliw ako dahil may nakikita akong isang tao na ako lamang ang nakakakita. Hindi naman ako baliw or something pero I’m sure na ako lagi ang tinitingnan nya. Simula pa lamang noong ako ay naaksidente. Can’t you just accept me for who I am? Huhu. “Daddy! Punta tayo sa mall!” sabi ko sa daddy ko habang kami ay nasa bahay at naglalaro ng isang board game. “Anak, hindi pwede kasi may pasok si Daddy” nalungkot naman ako sa aking narinig. “Pero babawi ako sayo anak next week. Pramis yan” “Talaga po?” hindi ko mapigilan ang aking tuwa kung kaya’t nagtatalon ako at niyakap si daddy. “Syempre naman! Daddy’s girl ka ata eh” yup, daddy’s girl ako. Lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan at dumating na ang sabado na katulad ng ipinangako sa akin ni daddy. Nagtataka ba kayo kung bakit wala akong mommy? Wala na sya, pero nagpapasalamt ako at kahit mga araw lamang ay naksama ko sya kahit hindi pa man ako masyadong may isip ay naalala ko ang mga hawak nya at mga salitang “mahal kita” mula pa lamang noong ako ay nasa tiyan nya pa lamang. Wag na nga natin pagusapan ang family huhu naiiyak lamang ako. “Daddy!” sigaw ko ng nakita ko si daddy na pababa sa kanyang kotse. “Oh! Sweetheart, baka madapa ka” daddy is so caring talaga. “Daddy! I’m not a kid anymore! Hmpp! I’m 10 na kaya.” Sabi ko while pouting. “haha sige na nga big girl ka na pero, ready ka na mamasyal?” sabi ni daddy habang nakangiti. “oo naman po!” nagtatalon ako niyakap si daddy. Umakyat na ako para makapagbihis pero sa hindi inaasahan ay biglang umulan ng malakas. Maganda naman ang sikat ng araw ah? “Baby, baka hindi na tayo makapamasyal ngayon eh” huh? Bakit naman? “Pero daddy, nagpromis ka sakin eh” huhu gusto kong mamasyal! “Pero baka maaksidente tayo, alam mo naman na hindi ako magaling magdrive kapag umuulan diba?” sabi ni daddy. Nagsimula na akong umiyak. Huhuhu nagpromise si daddy sakin eh! “sige na nga! Pero baka mabagal lang tayo ah? Kasi baka madulas tayo eh.” Yes! Nakumbinsi ko din si daddy! “yehey! Love mo talaga ako daddy!” sabi ko at kiniss si daddy sa pisngi “mwahhh” Exited na ako! Yehey!! Finally, makakapamasyal na din ako. Hindi naman sa hindi ako nakakapamasyal pero sadyang maingat lang talaga sakin si daddy, syempre only child ako eh. Ayaw nya na mapapahamak ako. “Daddy dito tayo oh!” sabi ko habang lumalapit sa isang swing. Basa yung swing pero gusto ko talagng magalaro eh. “Baby baka madulas ka dyan” sabi ni daddy Hindi ko pinakinggan si daddy at dumeretso na dun sa swing. Kahit basa ay umupo parin ako. Habang nasa swing ako ay bigla akong may nakitang lalaki na papalapit sa aking daddy. Hindi ko inaasahan na tututukan nya si daddy ng baril. “Daddy!” sigaw ko at tumakbo papalapit kay daddy. Malapit na ako sa kanya nang bigla akong hablutin ng lalaki at ako ang tinutukan. “Bigay mo sakin lahat ng pera mo!” sigaw nya. Nagsimula na akong umiyak. “Daddy!” tumingin sakin si daddy na may halong pangamba “Ibibigay ko sayo lahat ng pera ko kung hindi mo sasaktan ang aking anak” sabi ni daddy. Huhuhu no! huhu “Anong akala mo sakin? Maloloko mo?” sabi ng lalaki. Natatakot na talaga ako sa kanya! Amoy alak sya at halatang nakainom. Lumuhod si daddy at may binulong sa akin habang ang holdaper ay nakatingin sa iba at nagiingat na walang makakita. “Pagsinabi kong takbo, tatakbo ka ha? Tandaan mo, love na love ka ni daddy at hinding hindi ako mawawala sa tabi mo” hindi ko man maintindihana ang ibig nyang sabihin ay tumango na lamang ako habang may mga luhang tumutulo galing sa aking mga mata. Nagulat na lamang ako ng biglang hablutin ni daddy ang baril na nakatutok sa akin. Nagulat ang lalaki at sinimulang hablutin din ang baril. “TAKBO!” sigaw ni daddy Nagsimula na akong tumakbo ngunit noong pagkalingon ko ay Nakita kong may nakatusok na kutsilyo sa kanyang tiyan at may dugong lumalabas sa kanyang bibig. “DADDY!” sigaw ko at bumalik ngunit hindi ko napansin na nasa likod ko na pala ang holdaper at pinukpok sa aking ang baril. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay Nakita ko si daddy na pilit lumaban sa holdaper ngunit nabaril sya. Gusto ko mang sumigaw ngunit hindi ko kaya dahil nanlalabo na ang aking paningin at naliliyo na rin ako. Naramdaman ko na lamang na may kung anong liquid ang dumadaloy sa aking noo, ang aking dugo. Bumagsak si daddy at Nakita kong tumakbo ang holdaper dala ang kinuha nya sa bulsa ni daddy bago ako tuluyang nawalan ng malay. “Ugh!” Sumakit nanaman ang aking ulo sa kakaalala sa mga pangyayaring iyan. Yaan din ang unang beses kong Nakita ang isang pigura na tipong sakin lamang nakatingin at ako lamang ang nakakakita. Pumasok na ako sa loob ng simbahan at ipinagdasal ang kaluluwa ng aking daddy at mommy. Oo, sa pangyayaring iyon ay doon nagsimula ang pagbago buhay ko at doon din ang oras kung kelan nawala ang aking pinakamamahal na daddy. Naiiyak na naman ako tuwing naiisip ko ang aking daddy. Kung sana hindi ko pinilit na mamasyal noon ay sana buhay pa si daddy at kasama ko ngayon…. Kung sana lamang, hanggang sana na lang ba ang mga ito? Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking mga luha. *punas ng luha* ayoko ng umiyak. Gusto ni daddy na lagi akong masaya kaya pipilitin kong maging masaya. Hindi ko napansin na limang taon na din ang lumipas magmula ang pangyayaring iyon. Umuwi na ako at nagsimula na akong kumain. Oo, solo ako dito at ang ginagamit kong pera ay ang perang itinira ni daddy para sa akin. Ngunit nagtratrabaho din ako para hindi maubos ang perang iniwan sakin ni daddy Napatingala ako at Nakita ko nanamana ng pigura na lagi kong nakikita simula noong nangyari ang pangyayaring iyon. Noong una ay natakot ako ngunit nang masanay ay hindi na. napagkamalan pa nga akong baliw ng sinabi ko iyon sa aking mga kaibigan. Kung sino man ang pigurang Iyan ay sana naman ay magpakita na sya sakin yung tipong pati mukha dahil pakiramdam ko ay kilala ko sya. Naisip ko noong una ay si daddy o mommy lamang iyan pero iba ang aking pakiramdam. Feeling ko ay kilalang kilala ko sya ngunit hindi ko alam kung bakit. Sina mommy at daddy lang naman ang kamag-anak kong namatay na sobrang malapit sa akin ngunit sino sya? Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa. Pagkatapos ko sa aking mga ginagawa ay naghanda na akong matulog. “magiingat ka” ayan na naman ang boses. Lagi nya akong sinasabihan tuwing matutulog na ako. Ang naiisip ko lamang dahilan diyan ay: 1. Pinagiingat nya ako sa aking pagtulog. 2. May mangyayaring masama sa akin bukas 3. Basta gusto nya lang akong mag-ingat Hayyss gulo ko no? basta baka iyan ang mga posibilidad. Nagdasal na lamang ako at natulog na. Sana naman ay walang mangyaring masama sa akin bukas. Bakit ba kasi lagi nya akong pinag-iingat? Tsaka sino ba sya? Malapit ba sya sakin? May koneksyon ba ako sa kanya? Ah basta! Hindi ko na alam ang iisipin ko! Ang gulo gulo! Huhuuhu Daddy, mommy huhu samahan nyo ko please? Sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. *stretch* Nagunat ako at bumangon na. Aba may pasok ako no. Good girl kasi ako gaya ng mga sinasabi sakin ni daddy noon, good girl ako dapat palagi. Nakita ko nanaman ang pigura at tila lagi nya akong pianapanuod. Lagi kong nararamdaman ang kanyang presensya ngunit hindi ko sya laging nakikita, madalas lang, lalo na kapag may mangyayari masama man o Mabuti. Sinimulan ko na ang aking araw at Mabuti naman at wala pang nangyayari sa akin. Hindi naman sa gusto kong may mangyari sakin pero sadyang masaya lang ako dahil wala pa. “oh, nakita mo nanaman ba yang pigurang sinasabi mo?” yan ang sinalubong sakin ng bestfriend kong si Yana. “ano ba! Masyado ka dyan! Takot ka lang eh” pangaasar ko “hindi no!” sabi nya sabay walk out haha yan talaga ang bestfriend ko Pumasok na ako sa classroom at pumasok na din ang aming teacher sa unang subject. “Goodmorning class” sabi nya Hindi na ako nag-abalang bumati pa pabalik. Diba? Ang bait ko no? Nagsimula ang klase at heto naman ako, nakikinig ng Mabuti. Sabi ko sa inyo eh mabait ako. Nag-aaral ako nga Law. Gusto ko kasing mapaghiganti ang aking daddy sa kanyang pagkamatay. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin nahahanap yung lalaking pumatay sa kanya nuon. Daddy promise ko, ipaghihiganti kita, kahit anong mangyari. Promise ko yan. Umuwi na ako sa syempre, hindi matatapos ang araw ko ng hidni ko nakikita ang pigura diba? At yung mga bulong nyang “mag-iingat ka”. Nagdasal na ulit ako at nagsimula nang matulog. “Basta lagi mong tatandaan na love na love ka ni daddy” Muli akong nagising na may luhang dumadaloy sa aking mga mata. Miss na miss ko na kayo daddy at mommy. Sana nandito parin kayo sa tabi ko. Sana inaalagaan nyo parin ako hanggang ngayon kahit tumatanda na ako. Tumingin ako sa labas at Nakita kong maliwanag na pala. Yang mga katagang iyan lamang ang aking naalala sa aking paggising. Sinimulan ko na ulit ang aking araw at as usual, Nakita ko nanaman ang pigura na nakatayo sa may pintuan. Hindi ko lamang pinansin at naligo na lamang. Same routine naman kasi ako palagi, 1. Gising sa umaga 2. Maliligo 3. Kakain 4. Ihahanda ang gamit 5. Papasok sa school 6. Makikita nanaman ang pigura 7. Uuwi 8. Makikita ko ulit ang pigura 9. Magwawash 10. Makikita ulit ang pigura 11. Matutulog 12. Maririnig ang binubulong ng pigura Oh diba. Laging may pigura sa araw ko. Sa loob ata ng limang taon ay yan ang lagi kong nakikita at syempre kinoconsider ko na din syang kasama lagi sa bahay hahahaha. Parang lagi ko na atang nakikita yung pigura eh hahaaha palagi pala hindi parang. Kwento ko pa ba ang buhay ko? Wag na ahahaha. Pumasok na ako school at same routine. Ngunit pagkapasok ng aming guro ay bakit parang iba ang pakiramdam ko? Parang umiikot ang aking paningin na hindi ko maintidihan. Parang may kung anong gustong kumuha sa akin. Bumalik uli sa ayos ang aking paningin at pinangwalang bahala ko na lang ang nangyari sakin kanina. Anong ibig sabihin noon? Hayysss sasakit lamang ang aking ulo kakaisip yun siguroa ng nagging dahilan ng pagkaliyo ko kanina. Pero yung feeling na may gustong kumuha sakin ang hindi ko maipaliwanag. Hindi naman siguro ako kukunin ni daddy at mommy diba? Huhu I know that they will not do such thing na makakasama sa akin. Pinagpatuloy ko na ulit ang araw ko at syempre same routine ulit. Pagkagising ko sa umaga ay kumain na ako. “Malapit na” bulong sakin ng pigura Huh? Ang alin? OMG may mangyayari ba? Halos hindi ako makapag focus sa pag-aaral dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng pigura. “Uy, ayos ka lang?” hidni ko napansin na nandyan pala ang bestfriend ko. “oo” sagot ko na lamang pero kahit ako hindi ko alam kung okay lang ba talaga ako. “Sa tingin mo, anong feeling ng mamatay? O mag suicide? “ tanong ko sa kanya. “Bakit? Wag mo sabihing magsusuicide ka? Nako! Kahit ganyan ang buhay mo dapat hindi ikaw ang magdedesisyon kung kelan ka mamamatay” haba ng sinabi nya ah. “Tangi, bagaman no. tinatanong ko lang kasi may nabasa akong article about dun sa nagsuicide” sabi ko na lamang. “Basta ang alam ko ay pagnagpakamatay ka ay pagsisihan mo din ang ginawa kasi hindi mo makikita kung gaano kaganda ang iyong buhay” sabagay, tsama sya. Pero alam ko parin naman ang ginagawa ko. Sana ayos lang to….. sana. Pagkauwi ko ay ginawa ko ang pinakauna at pinakahuli kong desisyon. Beeep Beeep Beeep Ano yung tunog na yon? “Doc! Please sabihin nyo na mgigisng pa sya! Hindi namin kayang wala sya please lang!” nakakarinig akong mga hagulgol ngunit hindi ko alam kung saan ito galing. “Kayleen naman oh! Gumising ka na please! Dapat pala hindi ko na sinagot ang tanong mo eh!” huh? Gising naman ako ah? Pero bakit hindi ko kayng imulat ang aking mga mata? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit ang liwanag? “Lord please wag mo muna syang kunin! Kailangan pa po namin sya!” huh? Sinong kukuin? Parang dinadala na ako ng mga liwanag. Saan ako pupunta? Hindi ko maramdamana ng aking mga paa na naglalakad. Sino ang sinusundan ko? Pakiramdam ko alam ko kung saan ako pupunta ngunit saan? Ang gulo gulo kooooo. Tulong! Gusto kong sumigaw. Kung panaginip lamang ito ay please, gusto ko ng gumising. Hindi na magandang joke to! Hindi na nakakatuwa. Ngunit sa aking pagpapanic ay bigla akong mag nakitang mga imahe na lumabas. Ang mga nangyari sa akin. Bakit ? anong nangyari? Gusto ko mang humingi ng sagot ay hindi ko magawa. Wala akong nakikita dito kundi ang sarili ko habang pinapanood ang isa ko pang sarili na namumuhay. Ibig sabihin? Sya yung imahe? Bumabalika ko sa mga ala-ala ko? Ngunit paano nangyari yon? Biglang may mga imaheng lumabas. “Gusto ko pong tingnan ang mga nangyari sa akin noong hindi pa ako nagkakaganito. Please po! Nagmamakaawa po ako sa inyo! Gusto ko pong mapanood ang mga nangari sa akin simula ng mangyaria ng insidenteng yon. Baka sakaling naisip ko muna ang ginawa ko ngayon. Gusto ko lang po humingi ng tawad dahil alam ko pong hindi ko dapat po ginawa ang nagawa ko. Iyon lang po ang kahilingan ko” pagmamakaawa ko sa Diyos. Talaga ngang mabait ang Panginoon dahil pinagbigyan nya akong panoodin muli ang naging buhay ko pagkatapos ng aksidenteng iyon. Ngayon ko lamang naisip na dapat pala kinaya ko na lamang ang nangyari sa akin. Sa lahat ng pagtitiis ko ay lahat pala ay peke lamang iyon dahil sa huli parin pala ay magagawa ko ang bagay na dapat hindi ko ginawa. Lubos akong nagsisisi ngunit anong magagawa ko? Nagawa ko na. Siguro kaya tinanggap parin ako ng Diyos ay dahil sa lubos kong pagsisisi sa nagawa ko pero at least naman ay makakasama ko na ang aking mga magulang. Ika nga, sana ay pagp-isipan mo muna mga bagay bagay dahil baka magsisi ka sa huli. Nang matapos ang iyong buhay ay tama nga, gugustuhin mong bumalik sa iyong mga …….Ala-ala WAKAS