Uploaded by mark jun dominguez

Kasaysayan ng Pagbuo ng Pambansang Wika

advertisement
Kasaysayan ng Pagbuo
ng Pambansang Wika
Panahon ng Espanyol
 Sa
panahong ito, Espanyol ang opisyal
na wika at ito rin ang wikang panturo.
Panahon ng Amerikano
 Nang
sakupin ng mga Amerikano ang
Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang
ginamit ng mga bagong mananakop sa
mga kautusan at proklamasyon, Ingles at
Espanyol.
 Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang
Espanyol bilang wikang opisyal.
 Ingles
ang naging tanging wikang panturo
batay sa rekomendasyon ng Komisyong
Schurman noong Marso 4,1899.
 Maraming Pilipino ang nakinabang sa
programang iskolarsip na ipinadala sa
Amerika at umuwing taglay ang kaalaman sa
wikang Ingles.
 Noong
1935 “ Halos lahat ng kautusan,
proklamasyon at mga batas ay nasa wikang
Ingles na”. (Borras-Vega 2010)
Panahon ng Rebolusyon
 Simula
pa lamang ng pakikibaka ng kalayaan ,
ginamit na ng mga Katipunero ang wikang
Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa
Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong
1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
 Sa Konstitusyon ng Malolos (Enero 21,1899),
itinadhanang pansamantalang gamitin ang
Espanyol bilang opisyal na wika .
Pamahalaang Komonwelt
 Marso
24,1934- pinagtibay ni Franklin Roosevelt
ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie
na nagtatadhanang pagkakalooban ng
kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung
taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
 Peb.8,
1935 pinagtibay ang probisyong pangwika
na nasa Seksyon 3, Artikulo XIII: “Ang Pambansang
Asambleanay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
pangkalahatang pambansang wika na batay sa
isa sa mga umiiral na wika. Hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay
patuloy na gagamiting wikang opisyal.”
Surian ng Wikang Pambansa

Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Kongreso ang Batas
Komonwelt Blg. 134, na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa .
Tungkulin ng SWP:
1.
Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas;
2.
Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na
Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika;
3.
Bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad aton sa balangkas,
mekanismo at panitikang tinanggap.
Mga Kagawad ng unang Surian ng Wikang
Pambansa

Enero 12, 1937, hinirang ng pangulo ang mga kagawad ng SWP,
alinsunod sa Seksiyon 1, Batas komonwelt 185 ang sumusunod:
Jaime de Veyra (Bisaya, Samar- Leyte)
Pangulo
Santiago A. Fonacier (Ilokano)
Kagawad
Filemon Sotto (Cebuano)
Kagawad
Casimiro Perfecto (Bicolano)
Kagawad
Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay)
Kagawad
Hadji Butu (Mindanao)
Kagawad
Cecilio Lopez (Tagalog)
Kagawad
 Nob.
7,1937, Inilabas ng SWP ang resolusyon na
Tagalog ang gawing batayan ng pambansang
wika.
 Wikang Tagalog ang halos tumugon sa hinihingi ng
batas komonwelt Blg.184
 Dis. 30,1937, lumabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 , Tagalog bilang
batayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
Kautusang Tagapagpaganap Blg.263
 Abril
1,1940, inilabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg.263
Pagpapalimbag
ng A Tagalog- English Vocabulary
at aklat sa gramatika na Ang Balarila ng Wikang
Pambansa
Pagtuturo
ng Wikang Pambansa simula Hunyo
19,1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa
buong kapuluan.
Panahon ng Pananakop ng Hapon
 1942
–lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga
Hapon.
 Grupong
“Purista”- nagnais na gawing Tagalog na mismo
at hindi batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa
ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.
 Prof.
Leopoldo Yabes- Pangasiwa ng Hapon ang nag-utos
na baguhin ang Konstitusyon at gawing Tagalog ang
Pambansang wika.
 Layunin
ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang
anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ang
impluwensiya ng mga ito, Tagalog ang kanilang
itinaguyod.
 Wikang
opisyal- Niponggo at Tagalog
 Pinasigla
ng pamahalaang Hapon ang panitikang
nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa Ingles ang
gumamit ng Tagalog sa kanilang tula, maikling kuwento,
nobela at iba pa.
Wikang Pambansang Tagalog
 Artikulo
IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943, “Ang
Pamahalaan ay magsasagawa ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang
pambansang wika.
 Hunyo
4, 1946- Batas Komonwelt Blg 570 nagtatakdang
wikang opisyal na ang pambansang wika . Sinimulan na
rin ang pagtuturo nito sa paaralan.
 Marso
6, 1954 nilagdaan ni pangulong Ramon Magsaysay
ang proklamasyon Blg 12 para sa pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa mula Marso 29- Abril 4 taon-taon.
Alinsunod sa pagpupuri sa kaarawan ni Francisco
Balagtas bilang makata ng lahi.
 Setyembre
1955 sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186
Paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto
13-19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel
L. Quezon “Ama ng Wikang Pambansa”
Wikang Pambansang Pilipino at Filipino
 1959-
inilabas ni kalihim Jose F- Romero ng
Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 “Kailanma’t tutukuyin ang
Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino”.
 Marso 12, 1987- Order Pangkagawaran Blg. 22 s.
1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa
pagtukoy ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
Download