Uploaded by TEACHER STREAMER

BANGHAY ARALIN ESP 8 Q3

advertisement
BANGHAY ARALIN
ESP Department
Name: Jessanin S. Calipayan
Grade Level: 8 Subject: ESP
Date: March 30, 2021
School: Marber National High School
Quarter: 3
Week: 4
Time: 08:00-09:00
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagsunod at paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad
B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensya sa kapwa kabataan
na maipamalas ang mga ito
C. Pamantayan sa Pagkatuto:
1. Nakikilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal
2. Nakikilala bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at p ggalang
sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. (EsP8PB-IIIc.-10.1)
3. Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal,
sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang
awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga
pagpapahalaga ng kabataan (EsP8PB-IIId-10.3)
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pag sunod at
paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad at
nakaiimpluwensya sa kapwa kabataan na maipamalas ang
mga ito (EsP8PB-IIId-10.4)
D. Nilalaman:
Pagsunod at Paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad
E. Competency Code: EsP8PB-IIIc-10.1- EsP8PB-IIId-10.3-10.4
II. MGA SANGGUNIAN
Pahina sa GC:
Pahina sa Gabay ng Guro: Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p.119
Pahina sa Kagamitang Pang mag-aaral:
Modyul sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 8 LM p. 335-366
ESP 8 IKATLONG NA MARKAHAN
MODYUL 3 ADM
Iba pang Kagamitang Panturo: Panturong Biswal: laptop, PowerPoint Presentation
III. PAMAMARAAN
Balik-aral:
Ang guro ay magbibigay ng ilang katanungan tungkol sa paksang PASASALAMAT
SA GINAWANG KABUTIHAN NG KAPWA.
Pagganyak:
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na sumisimbolo sa pagsunod at
paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.
-
Ano ang pinahihiwatig ng bawat larawan na makikita ninyo sa inyong screen?
Kayo ba ay nagpapakita ng paggalang sa inyong mga magulang?
Kayo ba ay sumusunod sa inyong mga magulang?
Kayo ba ay may paggalang sa mga nakakatanda at may awtoridad?
Paglalahad:
-
Bakit nga ba nating kailangan magpakita ng paggalang sa ating mga magulang,
sa mga nakakatanda at sa may awtoridad?
Paano natin ito maipapakita?
At bakit nararapat isabuhay ang mga birtud ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
Paunlarin:
Gamit ang SLM, ang guro ay magbibigay ng mga katanungan.
Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang pamilya sa isang indibidwal sa paghubog
o pagtuturo ng kagandahang-asal sa mga anak?
2. Bilang isang kabataan sa makabagong panahon, sa paanong paraan mo
maipapakita sa iyong mga magulang at nakatatanda na nirerespeto at sinusunod mo
sila? Magbigay ng isang halimbawa.
Pagnilayan:
Sa pagninilay na gagawin, magdikit ng isang Larawan ng Pamilya o Family Picture.
Ilagay ito sa short coupon bond. Lagyan ng maikling mensahe para sa iyong Nanay at Tatay
na nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa kanila.
LARAWAN NG INYONG PAMILYA
Paglalapat/Pagsasabuhay:
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng mga utos o tagubilin sa iyo ng iyong mga magulang,
nakatatanda, at may awtoridad at ang reaksiyon mo sa mga ito.
Mga Dapat na Igalang
Utos/Tagubilin
Reaksiyon ko sa mga ito
Magulang
Nakakatanda
Awtoridad
Paglalahat:
Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at Nasa Awtoridad
Suriin mabuti ang
kalagayan o sitwasyon
ng kapwa
Isaalang-alang ang
pagiging “bukodtangi” ng bawat tao.
Panatilihin ang
pagkakaunawaan
Iwasan ang
paghuhusga at pagsabi
ng masasakit na salita
Pagsasabuhay sa
Paggalang na
Ginagabayan ng
Katarungan at
Pagmamahal
Isaisip ang
kahalagahan ng tunay
na paglilingkod
Panatilihin ang
Pagkakaunawaan
Kilalanin ang
kakayahan ng iba
Pagtugon sa
Pangangailangan
IV. PAGTATAYA
Basahin ang panuto at Sagutin ang Tayahin sa ESP 8 Ikatlong Markahan SelfLearning Module 4 sa pahina 6-8. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto:
Sa isang buong “oslo paper”, sumulat ng isang “slogan” o gumhit ng “poster”
na naghihikayat at nagiimpluwensiya sa kapwa kabataan sa pagsunod at paggalang
sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad. Binibigyan ang mga mag-aaral ng
limang (5) minuto para matapos ang gawain.
Pamantayan sa Pagsulat ng “Slogan” at Pagguhit ng “Poster”
Pamantayan
Pagiging orihinal at malikhain
Naipapakita ang paghikayat at pagimpluwensiya
Pagtapos sa itinakdang oras
Kabuuan
Puntos
35%
35%
30%
100%
Prepared by:
JESSANIN S. CALIPAYAN
AP/ESP Teacher
Checked and Inspected by:
JEANETTE L. PACOLOR
Master Teacher I
Download
Study collections