Uploaded by ashleyashoy

ge6

advertisement
ASHLEY GRACE S. SUGABO
GE-6
BAHAGI A
LET’S ANALYZE
1.
Ang isang halimbawa ng naisantabi ang sariling kultura ng nasakop
na bansa at niyakap ang mga tradisyon at kaugalian ng mananakop ay
isa na dito ang relihiyon. Ang Katoliko ay pinakilala sa atin ng mga
Espanyol at unti-unti ay maraming Pilipino ang naging Katoliko at
hanggang sa ngayon ay mas malaki ang bilang ng mga Katoliko sa
buong Pilipinas kaysa sa ibang relihiyon. Isa pa dito ay ang alpabeto.
Ang bansa natin ay may sariling alpabeto at paraan ng pagsusulat na
tinatawag naman na baybayin ngunit dahil sa impluwensya ng mga
mananakop ay tuluyan na itong napabayaan ang sariling atin at maging
sa panahon ngayon ay kanilang alpabeto parin ang ating ginagamit.
2. Ang pamumuhay ng ating mga ninuno at ni Rizal sa panahon ng mga
Espanyol ay hindi naging madali. Simula sa kanilang tirahan at uri ng
pamumuhay ay kailangan nilang iwan at magsakripisyo. Sila ay bumaba
sa bundok at naglakbay sa ibang parte ng bansa maging sa ibang bansa.
Maraming nagbago sa kanila unti-unting napalitan ang klase ng
pamumuhay at kanilang mga nakagisnan tulad ng pananamit, uri ng
pagsasalita at maging sa nakaugalian.
3.
Sa aking pagkakaintindi ang nais sabihin ni Dr. Jose Rizal ay kahit
tayo ay nakatirasa iisang bansa hindi ibig sabihin na lahat ng Pilipino ay
iisa ng layunin at desisyon. Ito ay pwdeng magresulta ng hindi
pagkakaintindihan a, pagkakawatak at walang pagkakaisa. Bawat tao ay
may sariling paniniwala at desisyon at hindi kontrolado nino man ang
utak nito. Kahit gustuhin man nating manatili at ireserba ang kung ano
man ang meron tayo, sariling atin ay pwdeng unti-unting mawala kung
hindi lahat ay sang-ayon at gusto na palaguin at pagyamanin ang ating
sariling kultura.
IN A NUTSHELL
1.
Ang ibig sabihin ng katagang ito ay kahit maraming aspeto sa ating
kultura ang pwedeng magbago dahil sa impluwensya ng ibang bansa o ng
mga mananakop ngunit ang resulta nito ay iisa lamang ang tuluyang
paglimot sa sariling atin kung saan nagpapatunay na tayo ay Pilipino. Isang
halimbawa nito na labis kung ikinalulungkot ay sa alpabeto. Tayo ay may
sariling baybayin ngunit hindi lahat ng Pilipino ay alam at marunong nito.
Dahil sa impluwensya ng mananakop ay tuluyan na itong nalimot at ang
ginagamit natin ngayon ay ang Roman Alphabet. Sa panahon ngayon,
nakakalambot ng puso na may mga Pilipinong unti-unti itong binabalik sa
paraang alam nila.
2.
Katulad ng aking sagot sa naunang tanong ay sa maraming aspeto
ang pagbabago at hindi lamang sa isang dahilan. Maaring sa paraan ng
ating pananamit, sa ating nakaugalian, sa relihiyon, sa pagkain at maging
sa libangan ay naiimpluwensyahan din. Sa pananamit ng mga Pilipino ay
nagbago simula ng tayo ay nasakop ng mga Espanyol. Tayo ay may uri ng
pananamit katulad ng mga babae noon ay nagtatapis o na ang tawag ay
patadyong ngunit sa pagsakop ay tayo ay hinimok ng mga Espanyol na mag
saya at barong at ginamit ng ating mga ninuno para mapagbukod at makilala
ayon sa katayuan sa buhay. Ito pa ay tuluyan ng naging pambansang
pananamit ng mga Pilipino at sa mga okasyon sa panahon ngayon ay
nagsusuot tayo ng barong at saya bilang pormal na pananamit.
BAHAGI B
TANONG MO
SAGOT MO
1. Ano ang pagiging nasyonalismo para Ang pagiging nasyonalismo para sa
sa iyo bilang isang Pilipino?
akin na isang ay pagmamahal sa bansa
at
pagiging
matapat
ditto.
Hindi
ikaninihiya ang pagiging Pilipino at ang
mga kultura nito. Masaya at buong
pusong kayang ipagmayabang ang
dugong nanalaytay. Kayang ipaglaban
at ipakita ang pagmamahal sa bansa.
2. Sa paanong paraan mo maipapakita o Sa unti-unting pag enganyo sa mga
maibabalik ang ating mga kultura?
kabataan
o
sa
mga
Pilipino
na
magbasa ng kasaysayan. Dito marami
tayong
matutuklasan
na
magiging
dahilan para mas mahalin natin ang
bansa at mas maging malawak ang
ating mga natutunan sa nangyari noon.
Magiging dahilan ito para tayo ay mas
mahimok na idiskubre pa an gating
kultura ditto sa Pilipinas at ito ay
pagyamanin.
3. Sa mga katagang binitawan ni Rizal ano Tumatak sa akin ang “Ang isang tao sa
ang tumatak sa iyo at bakit?
Pilipinas ay isang indibiduwal lamang,
hindi siya miyembro ng isang bansa.”
Dahil sa sinabi niyang ito mas naunawan
ko
ang
mga
pagbabago
na
ating
natatamasa ngayon. Oo nga naman. Tayo
ay indibidwa; at may indibidwal din na mga
layunin at gusto sa buhay. Hindi lahat
mapipilit na magkaisa kung hindi talaga
nito gusto. May sarili tayong prinsipyo at
interes. Kahit na gusto nating pagyamanin
ang ating kultura kung walang pagkakaisa
ay maari parin itong mawala sa atin.
Ngunit,
kung
maipapahayag
at
mapapaintindi ng mabuti sa mas higit na
Pilipino ay umaasa parin
akong maari
nating matamasa at mapagyaman an
gating sariling kultura.
Download