ASHLEY GRACE S. SUGABO GE-6(1052) 1. Paghambingin at pag-ibahin ang Kalagayan ng Sosyo-Pulitika at Ekonomiya sa panahon ng Espanyol sa panahong kasalukuyan. Maraming pagkakaiba sa Kalagayan ng Sosyo-Pulitika at Ekonomiya sa panahon ng Espanyol at sa panahon ngayon. Pagkakaiba sa pulitiko at panlipunang aspeto ngunit sa aling mang aspeto na ito ay walang pagkakapantay at laging pabor sa mga makapangyarihan at angat sa katayuan sa lipunan. Kung pulitiko ang pag-uusapan sa ika-19 na siglo o panahon ng mga Espanyol ay laging pabor sa mga angat sa buhay, makapangyarihan at sa mga may pera lamang. Walang lugar ang mga mahihirap sa gobyerno, hindi dinidinig ang mga hinaing at nanatiling bulag ang mga opisyal sa kanila. Ang mga naka-upo sa pamahalaan ay ginamit ang kanilang mga posisyon sa sariling kanaisan at hindi para sa kung ano dapat ang kanilang tungkulin sa lipunan. Ginagatasan nila ang mga mamamayang Pilipinong naghihirap na nga ay mas naging mahirap pa ang kalagayan dahil sa buwis. Masuwerte tayo ngayon dahil nag-iba na ang paraan ng pamamalakad sa gpbyerno, sinusubukang mabuti ng mga nakaupo na dinggin ang mga hinaing ng mga mamamayan hindi lamang kung sino lang may kakayahan at may pera. Halos lahat din ng opisyal ay nakapagtapos ng pag-aaral at masasabi nating sila ay may pinagaralan at dignidad na iniingatan. May kakayahan silang mamuno at umupo sa puwesto. Ang pulitiko sa panahon natin ngayon ay higit na mas mabuti kaysa sa panahon ng mga Espanyol na labis kong pinapasalamatan. Sa aspetong panlipunan naman sa panahon ng mga Espanyol ay dito mo maramdaman kung gaano kamalaking bagay ang estado mo sa buhay. Depende sa iyong estado ang matatanggap mong pagtrato mula sa lipunan. Nawalan ng karapatan ang mga mahihirap, inagawan at nawalan ng mga pag-aari katulad ng lupain. Laging pabor ang mga bagay-bagay sa mga nasa tuktok at kaawa-awa ang mga nasa ibaba. Ngunit, sa panahon ngayon ay pinaglalaban na ang pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan mahirap man o mayaman. Kahit mahirap ay mas karapatang magsalita, mag-aral at kahit ano pa mang bagay. Sa panahon sa kasalukuyan ang mga mamamayan nirerespeto ang kalagayan at estado ng bawat mamamayan. 2. Ang aking napagtanto sa araling ito hindi naging madali para sa mamamayang Pilipino lalo na sa mga mahihirap ang panahon ng Espanyol. Nawalan sila ng karapatan sa mga bagay-bagay at naging mangmang ang mga nasa gobyerno tungkol dito. Nagbubulagan sa mga nangyayari at hinahayaan ang maling pamamalakad sa gobyerno. Tinanggalan ng karapatan ang mga mahihirap at lagging pabor sa mga mayayaman. Hindi lang tinanggalan ng karapatan ang mga mahihirap kundi inabuso din at ang iba ay ginawang alipin. Napakalungkot at nakakapagpabagabag ng damdamin ang pangyayaring ito, napakasuwerte natin ngayon kung iisipin dahil kahit sino may karapatang magsalita sa kanilang mga hinaing, kayang sabihin ang mga oposisyon kung mayroon man sa pamamalakad ng gobyerno at walang pang-aalipin na nangyayari. Napakalaking bangungot ang mga nangyari noon. Napakalaki ng pagkakaiba sa noon at ngayon at ang araling ito ay mas nagpalawak sa aking isipan na pasalamatan kung ano man ang tinatamasa ko ngayon. Ako ay nakapag-aral kahit mahirap, binibigyang pansin ng gobyerno ang lahat ng mamayang Pilipino at nabigyan ng mga oportunidad sa pagaaral man o hindi. Maging isang malaking aral sa atin ang panahon ng mga Espanyol, hindi naging madali ang kanilang pamumuhay noon at puno ng pagdurusa kung kaya’t ay ating pasalamatan ang atensyon na tinutuon ng pamahalaan sa atin imbes na magreklamo. Magpasalamat sa kalayaang natatamasa natin at hindi abusuhin ang mga karapatang binibigay sa atin. Malayong mangyari ang nagyari noon pero kung magiging abusado tayo at dadating sa punto na hindi na natin kayang pakinggan ang bawat opinion ng isa’t isa at walang pagkakaunawaan ay hindi imposibleng magiging bangungot na naman sa atin ang panahon hindi man sa pananakop ngunit sa hindi pag-iintindi at pangmamata.