KATARUNGANG PANLIPUNAN K-umikilala sa dignidad ng tao. A-ng katarungang panlipunan ay makakamit sa tulong ng pagpapahalaga sa katotohanan. T-unay ngang ginagabayan ng diwa ng pagmamahal ang katarungang panlipunan. A-ng pagkakaisa ay mahalaga upang makamit ang katarungang panlipunan. R-espeto sa kapwa ang isa sa mga susi upang makamit ang katarungang panlipunan. U-nang nararanasan sa pamilya ang kamalayan tungkol sa katarungan. N-angangailangan ito ng pagkakaisa ng bawat isa upang makamit ito. G-amitin ang isip at puso sa bawat pasyang gagawin. A-ng bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan. N-aisasakatuparan ang katarungang panlipunan kapag may paggalang sa kapwa. G-inagawa at iniisip ang kabutihan ng iba sa lahat ng pagkakataon. P-aggalang sa karapatan ng bawat isa ang pangunahing prinsipyo ng katarungan. A-ng paggalang sa batas ay bahagi sa pagiging makatarungang tao. N-angingibabaw ang pagiging patas sa lahat ng tao. L-aging tandaan na ang katarungang panlipunan ay namahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa lipunan. I-sinasaalang-alang ang karapatan at dignidad ng bawat tao. P-inaiiral lagi ang Likas Batas Moral. U-gnayan sa kalipunan at ng tao sa kanyang kapwa ay nauukol sa katarungang panlipunan. N-asusuri ang bawat desisyong gagawin kung tama o mali. A-ng pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang laban. N-agiging mahirap kalaban ang mismong sarili pagdating sa pakikibaka para sa katarungan.