Kagalingan: Programang Kalusugan sa Pilipinas Ang pinakaimportanteng bagay sa mundo para sa mga tao ay ang kalusugan sapagkat ang kalusugan natin ay siyang nakakapagpapayag sa ating makagalaw at sa kung anong kaya nating gawin. Para matustusan ang araw-araw na pangangailangan kailangan nating malusog ang ating katawan. Isa sa mga pinagdaanang krisis ng Pilipinas ay ang tungkol sa kalusugan ng mga Pilipino.Maraming Pilipino ang nagkakasakit, may ibang nalulunasan, may ibang hindi. Isa sa mga rason kung bakit ang iba nating kababayan ay di nakakapagpagamot ay ang kakulangan ng pera para makapagpacheck up sa hospital kung kayaý minsan ay tinitiis nalamang ng iba ang karamdaman. Ano ba ang ginagawang hakbang ng Pilipinas para masolusyunan ang problemang pangkalusugan? Ang Pilipinas ay may mga programa at institusyon o departamento para sa kalusugan ng mga Pilipino tulad na lamang ng Department of Health (DOH), Philippine Health (PhilHealth), pagpapabakuna, programa para sa mga ina at kababaihan, TB DOTS, at mga programa laban sa mga iba pang sakit. Pero parang bakit hindi pa sapat ang mga ito? Para saakin, ang rason kung baklit may nagkakasakit at hindi naaagapan ay dahil sa kakulangan sa edukasyon at kulang sa pagimproba ng tulong. May ibang hindi alam kung ano ang gagawin, at kindi alam kung saan pupunta para humingi ng tulong pampagamot, at kakulangan sa kaalaman kung paano makaiwas sa sakit na ito, meron ring hindi makaiwas sa bisyo. May iba ding nakalapit na sa mga nasabing organisasyon para maghingi ng tulong pagpapagamot kaso di na makalapit ng basta basta dahil may tatlong buwan pa para makahingi ulit ng tulong pinansyal sa pagpapagamot. Isa rin sa hakbang na dapat nating gawin para makaiwas at masolusyunan ang problemang ito ay ang mismong pag-iwas natin sa ating bisyo kung alam naman nating hindi ito makakatulong at makakasira lamang ito sa ating kalusugan. Ang pinambili mo ng alak at sigarilyo at kung ano pang bisyo mo ay sana ginamit mo na lang pangtustos sa araw araw mong pangangailangan at sa inyong pamilya, hindi lang iyon, makakaiwas ka pa sa sakit na dulot nito. Kaya kung hindi kaya magpagamot mas mabuti nang umiwas nalang tayo.