Magandang araw, narito ako sa inyong harapan para magbigay nang aking opinion tungkol sa sistemang pangkalusugan sa Pilipinas. Bago ako magsimula sa aking talumpati, hayaan ko munang ipakilala ang sarili ko sa inyo. Akon ga pala si Pearl Adrienne Orosco, isang doctor galling sa Ramirez hospital at heto ako ngayon sainyong harap para magbigay kaalaman at opinion. Atin nang siomula ang aking talumpati: Kagalingan: Programang Kalusugan sa Pilipinas Ang pinakaimportanteng bagay sa mundo para sa mga tao ay ang ating kalusugan sapagkat ang kalusugan natin ay siyang nakakapagpapapayag sa ating mga galaw at sa kung anong kaya nating gawin. Para matustusan ang araw araw na pangangailangan kailangan natin ang kakayahan na makapagtrabaho o makapaghanap-buhay kung kaya’t panatilihin nating malusog ang ating katawan. Isa sa mga pinagdaanang krisis ng Pilipinas ay ang tungkol sa kalusugan ng mga Pilipino. Maraming Pilipino ang nagkakasakit, may ibang nalulunasan, may ibang hindi. Isa sa mga rason kung bakit ang iba nating kababayan ay di nakakapaggagamot ay ang kakulangan ng pera para makapagpacheck up kaya minsan ay tinitiis nalang nang iba ang mga karamdaman. Ano ba ang ginagawang hakbang ng Pilipinas para masolusyunan ang problemang pagkalusugan? Ang Pilipinas ay may mga programa at institusyon o departamento para sa kalusugan ng mga Pilipino tulad na lamang ng Department of Health (DOH), Philippine Health (PhilHealth), pagpapabakuna, programa para sa mga ina at kababaihan, TB DOTS at mga programa laban sa mga iba pang sakit. Pero bakit parang hindi pa sapat ang mga ito? Para saakin, ang rason kung bakit may nagkakasakit at hindi naagapan ay dahil sa kakulangan sa edukasyon. May ibang hindi alam kung ano ang gagawin, at hindi alam kung saan pupunta, at kakulangan sa kaalaman kung paano makaiwas sa mga sakit na ito, meron ring hindi na makaiwas sa bisyo. May iba ding nakalapit na sa mga nasabing organisasyon para maghingi ng tulong pagpapagamot kaso di na makalapit ng bastabasta dahil may talong buwang pagitan dapat bago makahingi ulit ng tulongkung kaya’t ang mga walang wala ay di na nakakapagpagamot. Isa rin sa hakbang na dapat natin gawin para makaiwas at masolusyunan ang problemang ito ay ang mismong pag-iwas natin sa ating bisyo kung alam naman nating hindi ito makakatulong at makakasira lamang ito s ating kalusugan. Ang pinambilio mo ng alak, sigarilyo, at kung ano pang bisyo ay maaari mo na sanang maipangtustos sa iyong pamilya o sarili at hindi lang iyon, makakaiwas ka pa sa mga sakit na dulot nito. Kaya kung hindi kaya magpagamot mas Mabuti nang tayo na mismo ang umiwas. Ngayo’t alam na natin ang pinagdaanan ng ating mga kababayan, panahon na na tayong mga kababayang Pilipino ang tutulong. Hindi lamang ako andito sa harapan ninyo para magbigay alam, andito rin ako para m,agbigay tulong sa nangangailangan habang kaya ko pa. Kaya habang kaya nating tumulong sa kapwa, tayo po ay magtulungan para sa ikauunlad nang ating bansa at nang ating sarili. At dito na nagtatapos ang aking pananalumpati ngayong araw na ito, maraming salamat sa inyong pakikinig.