Ace

advertisement
KASAYSAYAN PAG-UNLAD NG
PAMBANSA
Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago
p a a n g n a g i n g pananakop ng mga Kastila sa bansa. Nagtataglay ang panitikang ito
ng kasaysayan ngating lahi – mga kuwentong-bayan, alamat, epiko, awiting-bayan,
kasabihan, bugtong,palaisipan at iba pa.
Gayundin, nag-aangkin din tayo ng sariling baybayin na ginagamit sa
paikipag-ugnayan. Ito ang katutubong alpabetong binubuo ng 17 titik na hawig sa mga
ginagamit ng mga Indones o ng mga taga-Malayo-Polinesyo. Ang baybayin ay binubuo
ng tatlong patinig at 14 na katinig.
1935 — Saligang Batas 1935 — Art. 14 sek. 3 — "„. ang Konggreso ay gagaWa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika."
1936 Nobyembre 13 — Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na
lumilikha isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin nito.
1937 Disyembre 30 — Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ipinahayag ng
Pang. Quezon na ang Wikang Pambansa ay batay sa Tagalog.
1940— Simula Hunyo 19 ay ituturo na sa mga paaralan ang Wikang Pambansa.
Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag
ng isangbalarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang
wikang pambansasa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19,
1940.
1940 Hunyo 7 —Ang WP ay magiging isa na rin sa Opisyal na Wika simula Hulyo 4, 1940.
1954 Marso 26 — Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng
wika taon-taon tuwing Agosto 13-19.
1959 Agosto 13 — Pinalabas ni Kalihim Jose Romero ang kautusan na ang PW ay
kikilalanin sa katawagang Pilipino
1967 Oktubre 24 — Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana
na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa
Pilipino
1973— Saligang Batas Art 15, sek, 3: Ang Opisyal na Wika ay Ingles at Pilipino. Ang
pambansang asembleya ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapanlad
at pormal na adapsyon ng panlahat na WP na makikilalang Filipino.
1974—Bilingual Eduation Policy
1978 —Alinsunod sa kautusan ng kalihim ng Edukasyon, ang mga kolehiyo ay
magkakaroon ng 6 na yunit na asignatura ng Pilipino.
1987 —Pebrero 2, nakasaad sa bagong konstitusyon ngViIipinas, Art.14, sek. 6-9:
Art.14, sek. 6— ang Wikang Pamnbansa ng Pilipinas ay Filipino, payayabungin ito salig ng
mga urniiral na Wika sa pilipinas. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upangibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipinobilang
midyum ng opisyal na komunikasyonat bilangwika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon
Art.14, sek. 7 —Opisyal na wika ay Ingles at Filipino
Art.14, sek. 8— Wika ng konstitusvon ay Ingles at Filipino at isasalin sa
pangunahing Wikang panrehyon at Arabik at Kastila.
Art.14, sek. 9 — Dapat magtatag ng Komisyon ng Wikang Pambansa na siyang
mangangasiwa sa pagpapaunlad ng WP.
1987 —Nagpalabas ng kautusan sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo
(medium of instruction) sa lahat ng antas ng paaralan kasabay ne Inales. (BEP)
NAipalabas din ang Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino,
1987 —Nagpalabas ng kautusan sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo
(medium of instruction) sa lahat ng antas ng paaralan kasabay ne Inales. (BEP)
NAipalabas din ang Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino,
Download