Uploaded by Daniel Barranda

CHAPTER1 .

advertisement
EPEKTO NG INTERNET CONNECTION NG
ONLINE CLASS SA MGA MAG-AARAL SA
IKALAWANG ANTAS NG COLEGIO DE
AMORE
Kabanata I
Ang Sulranin at Kaligirang Pangkasaysayan
A. Panimula
Sa panahong ito ay ang takot ng mga tao na dinudulot ng pandemiya ay
isang malking pagsubok bilang isang mag-aaral. Ang mga tao ay mas lalong
napapalapit sa paggamit ng teknolohiya ngayon, sa kadahilanang sila ay
natatakot lumabas, at ang isang pagsubok ngayon ng isang mag-aaral ay ang
kanilang pag-aaral. Ito ay importante sa ating mga estudyante dahil dito natin
mas napapalawak ang ating mga kasanayan at ang ating mga talento ay mas
nahahasa maging ang ating mga isipan. Dito natin napapalago ang ating
pakikisalamuha sa ibang tao, kaya ang naksanayan na pagpunta sa eskuwalahan
ay nauwi sa pagkakaroon ng Online Class. Isang malaking pagsubok ito sa mga
estudyante lalo na sa mga estudyanteng kulang sa pagkakaroon ng magandang
Internet Connection.
Sa panahong din ito ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa ating
ekonomiya kaya ang mga tao ay nahihirapan pagkasyahin ang kanilng
pangangailangan sa araw-araw, kaya ang ibang mga estudyante ay umaasa na
lamang sa data ng kanilang gadyet, ngunit hindi ito sapat dahil kapag mahina
ang signal ng iyong gadyet. Kaya nais naming malaman ang mga epekto ng
internet connection sa online class, kung paano naming mabibigyan ito ng
solusyon para sila ay makapag-aral ng maayos, dahil ang pag-aaral ngayon ay
importante sa ating mga mag-aaral ito ang ating susi sa tagumpay upang
magkaroon tayo ng magandang kinabukasan sa ating buhay.
B.Kaligirang Pangkasaysayan
Ang pagkakaroon ng Online Class ay nagkaroon ng malaking pagbabago
sa mga estudyante at ang isang problema dito ay kakulangan sa pagkakaroon
ng
internet
connection
sa
kani-kanilang
tahanan.
Ayon
kay
Albay
Representative Joey Saceda na may 17% porsyento lamang ang mayroong
internet connection sa kani-kanilang mga tahanan, 3.47% porsyento naman
ang may gadyet ngunit hindi maka- connect sa internet. At dagdag pa nito na
5% porsyento lamang ang mga estudyantng may matatag na internet
connection. Dagdag pa niya na pag pinilit ito, 5 porsyento ang maari lamang
matuto, kaya papaano ang 95 porsyento na mga mag-aaral na dahil sa
kanilang
estado
sa
buhay,
dahil
sila
ay
mahirap.
(https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/736735/online-classesanti-poor-unstable-due-to-internet-in-the-philippines-rep-salceda/story/ )1
C.Balangkas Teoretikal
Ang Terioyang ito ay magsusuporta sa aming pagsasaliksik ang Balangkas
at Teoretikal para sa Online Education: Seeking an Integrared Model ni Anthony
G. Picciano ng City University of New York Graduate Center and Hunter College.
Sa isang nakapupukaw na kabanata ng The Theory at Kasanayan ng Online
Learning ni Terry Anderson (2011) Sinusuri ang isang karaniwang teorya para sa
online na edukasyon ay maaaring mabuo. Habang kinikilala na bilang isang
mahirap, at marahil ay walang bunga, maraming gawain, subalit sinusuri niya
ang mga posibilidad at iminungkahi ang kanyang sariling teorya na aminin
niyang hindi kumpleto. Ang layunin ng artikulong ito ay upang suriin ang mga
teoretikal na balangkas na nauugnay sa mga pedagohical na aspeto ng
edukasyon sa online. Nagsisimula ito na may isang pagsasaalang-alang ng pagaaral ng mga teorya at funnel hanggang sa kanilang partikular na aplikasyon sa
online na edukasyon. Ang artikulo ay nagtatapos sa isang panukala para sa isang
pinagsama-samang modelo para sa online na edukasyon batay sa pedagogical na
layunin.
Ang pag-aaral ng teorya ay nilalayong ipaliwanag at tulungan tayong
maunawaan kung paano natututo ang mga tao; gayunpaman, ang panitikan ay
kumplikado at malawak na sapat upang punan ang buong seksyon ng isang
aklatan. Ito ay nagsasangkot ng maramihang disiplina, kabilang na ang
sikolohiya, sosyolohiya, neuroscience, at siyempre, edukasyon. Tatlo sa mas
popular na pag-aaral ng mga teorya—pag-uugali, pakikihalubilo, at panlipunan
konstruksiyon—ay ibibigay upang bumuo ng pundasyon para sa karagdagang
talakayan. Ang pagbanggit ay gayundin sa ilang iba pang mga teorya na may
kaugnayan sa online education. Bago sa pagrerepaso ng mga teoryang ito,
makabuluhang magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa termino mismo.
Online Collaborative Learning (OCL)
Online collaborative learning (OCL) ay isang teorya na iminungkahi ni Linda
Harasim na nakatuon sa mga pasilidad ng Internet upang magbigay ng pag-aaral
ng mga kapaligiran na pangangalaga, pakikipagtulungan at pagtatayo ng
kaalaman. Inilarawan ni Harasim ang OCL bilang:
isang bagong teorya ng pag-aaral na nakatuon sa pakikipagtulungan sa pagaaral, kaalaman pagtatayo, at ang Internet ay gamitin bilang isang paraan upang
i-hulma ang pormal, di-pormal, at impormal na edukasyon para sa Edad ng
Kaalaman" (Harasim, 2012, p. 81).
Mga Katangian at Limitasyon ng Multimodal Modelo
Ang iminungkahing Multimodal Modelo para sa Online Education ay
kinabibilangan ng marami sa mga pangunahing mga katangian ng iba pang mga
pag-aaral at online na edukasyon teorya at modelo. Halimbawa, ang mga paguugali ay makahanap ng mga elemento ng pag-aaral sa sarili at independiyenteng
pag-aaral sa adaptive software. Ang Cognitivists ay pinasasalamatan ang
pagninilay at pagtatanong sa dialektikong tanong bilang mahahalagang
elemento ng modelo.Ang panlipunang lipunan konstruksiyon ay malugod na
tatanggapin ang pagbibigay-diin sa komunidad at pakikipag-ugnayan sa buong
modelo.
Maaaring pahalagahan ng mga konektibista ang pakikipagtulungan at ang
posibilidad ng nilalaman ng estudyante. Marahil ang pinaka makabuluhang
elemento ng modelo ay ang kakayahang umangkop at kakayahang palawakin
bilang bagong diskarte sa pag-aaral, marahil sila ay sumigla sa pamamagitan ng
mga
pagsulong
ng
teknolohiya,
at
mas
(https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1154117.pdf )2
lalo
pang
lumago.
D.Balangkas Konseptwal
Ang balangkas konseptwal ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng malayang
baryabol, at di-malayang baryabol. Inilalahad ng malayang baryabol ang
pagkakaroon ng online class, at ang di-malayang baryabol naman ay ang mga
epekto ng internet connection.
Input:
1. Nahihirapan ka
bang maka-pokus
habang ikaw ay
nasa online class?
2. Nahihirapan ka
ba sa pagkakaroon
ng oras sa online
class?
3. Sapat ba ang
internet connection
mo sa online class?
Proseso
•pagsagawa ng
survey gamit ang
google forms
•pagkalap ng
kaugnay na literatura
•pag-aaral ng nakalap
na datos
Awtput:
EPEKTO NG
INTERNET
CONNECTION NG
ONLINE CLASS SA
MGA MAG-AARAL
SA IKALAWANG
ANTAS NG COLEGIO
DE AMORE
E. Paglalahad ng Suliranin
Ang pagsasaliksik na ito na may paksang "EPEKTO NG INTERNET
CONNECTION NG ONLINE CLASS SA MGA MAG-AARAL SA IKALAWANG ANTAS
NG COLEGIO DE AMORE" ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na
suliranin:
1. Sang-ayon ka ba sa pagkakaroon ng online class?
2. Nahihirapan ka bang maka-pokus habang ikaw ay nasa online class?
3. Nahihirapan ka ba sa pagkakaroon ng oras sa online class?
4. Sapat ba ang internet connection mo sa online class?
F. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang Pag aaral na ito na may paksang “EPEKTO NG INTERNET
CONNECTION NG ONLINE CLASS SA MGA MAG-AARAL SA IKALAWANG ANTAS
NG COLEGIO DE AMORE” ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga
sumusunod:
Sa mga Mag aaral ng "Colegio de Amore"- upang malaman nila kung ano ang
mabuti o masamang epekto ng internet connection sa online class sa kanilang
pag aaral.
Sa mga Guro - magkakaroon sila ng kaalaman tungkol dito, at mas mauunawaan
nila kung ano ang kalagayan ng isang estudyante tuwing Online classes.
Sa mga Magulang - ang mga magulang ay magbibigay ng maipapayo na
makakatulong sa kaniyang anak, at magsisilbi din itong gabay tungo sa maayos
at magandang pamamaraan ng pag-aaral ng kanilang anak.
Sa mga haharapin ng mga mag-aaral- mas lalo nilang mapapalawak ang
kanilang kaisipan tungkol sa pagkakaroon ng online class, at ang mga suliranin
ng isang estudyante tungkol sa Online classes.
G. Saklaw at Limitasyon
Ang Colegio De Amore ay binubuo ng apat na antas, ang Unang antas na
may 181 na estudyante ng crim at 21 naman ang mix course. Ang Ikatlong
antas ay mayroong 79 na estudyante, at ang Ikaapat na antas ay mayroong 281
na estudyante.
Ang limitasyon ng aming isasaliksik na epekto ng internet connection ng
online class ay sa loob lamang ng mga Ikalawang antas ng walumpu’t pitong mga
mag-aaral na Crimininology sa Colegio de Amore.
H. Katuturan ng mga salitang Ginamit
ONLINE COLLABORATIVE LEARNING- ang paglikha ng mga grupo ng mga
mag-aaral na maaaring makipagtulungan madaling online, at makatulong na
maalis ang mga problema sa lohikal na problema na kaugnay sa face-face.
MULTIMODAL MODEL- ay kumakatawan sa iba't ibang henerasyon, iba't ibang
uri ng pagkatao, at iba't ibang estilo ng pagkatuto.
ADAPTIVE SOFTAWARE- isang direktang paglago at mabilisang balangkas.
EDUCATION- proseso ng pagpapadali ng pagkatuto, o pagtatamo ng kaalaman,
mga kasanayan, pinahahalagahan, moralidad, paniniwala, at gawi.
INTERNET
CONNCETION-
pagkakaroon
ng
koneksyon
sa
internet
na
ginagamitan ng mga gadyet tulad ng cellphone, computer, atbp.
ONLINE CLASS- ang makabagong pagtuturo na ginagamitan ng internet
connection.
PEDAGOGICAL- makabagong paraan ng pagtuturo.
NEUROSCIENCE- tumutok sa utak at ang epekto nito sa pag-uugali at pag-uugali.
SOSYOLOHIYAL- ang pag-aaral ng lipunan, pag-uugali ng tao, huwaran ng
pakikihalubilo at pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha sa lipunan, at kultura na
nakapalibot sa pang-araw-araw na buhay.
SIKOLOHIKAL- may kaugnayan sa pag-iisip ng isang tao at kung paano ito ay
nakaka-apekto sa pagkilos ng isang indbidwal.
COLLABORATIVE- ay ang proseso ng dalawa o higit pang mga tao, nilalang, o
organisasyon na nagtutulungan upang makumpleto ang isang gawain o makamit
ang isang layunin.
LEARNING- ang proseso ng pagkuha ng bagong pang-unawa, kaalaman, paguugali, kasanayan, pinahahalagahan, at kagustuhan.
ONLINE- kinokontrol o konektado sa ibang kompiyuter o sa network.
COGNITIVISTS- nakatuon sa mga proseso ng panloob at koneksyong nangyayari
sa oras ng pagkatuto.
Download