Katatagan “May lunas pa ba, sa nangyayari sa paligid?” Isang linya mula sa isang kanta na isinulat ni Jarlo Base, na pinamagatang Korona nagpapahiwatig ito kung meron bang paraan na ibalik o umangkop sa ating badong sitwasyon. Nag bago ang lahat, patuturo ng mga guro, kilos ng mga tao at pagmamahala ng gobyerno. May mga tao na nawalan ng trabaho at hindi makaahon sa kahirapan. Ang mga mag-aaral na tulad ko ay nagsimulang magalala tungkol sa kung paano magaral mula nang magsimula ang lockdown dito sa Pilipinas. Nakaharap din kami sa isang hamon sa pananalapi bilang isang pamilya. At, bilang resulta ng pandemya ngayon, hindi kami sigurado kung paano panatilihin ang pagpapatakbo ng aming negosyo. Naghanap ang aking mga magulang ng mga solusyon upang maibalik ang normalidad ang aming mga buhay. Sa ngayon, ang aming maliit na negosyo ay unti-unting nababawi. Kailangan natin marunong umangkop sa ating bagong sitwasyon at dapat din nating pasalamatan ang Diyos araw-araw sa pagpapanatili sa atin ng buhay at malakas sa harap ng kahirapan. At dapat sapat na katatagan upang maiahon ang ating sarili sa kahirapan.