1 Ano ang Egg-Layer? Ang egg-layer ay mga isdang nangingitlog. Kabilang dito ang mga cichlids (angelfish) at cyprinids (koi, goldfish). ANGELFISH Paraan ng Pagpaparami ng semilya I. Pagpili at pagkondisyon ng mga breeders • Pumili ng sexually matured na isda. • Ikondisyon ng magkahiwalay ang babae at lalaki sa loob ng 2-3 linggo. • Bigyan ng pagkain na mataas ang protina tulad ng bulate (super worm, blood worm) at commercial feeds. Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Breeder »» Malusog at walang kapansanan »» May magandang hugis ng palikpik at katawan »» May edad na isang taon 2 2. Paghahanda ng paanakan • Linisin ang tangke o aquarium. • Lagyan ng tubig at pasingawin ng magdamag gamit ang aerator. • Ilagay ang pakapitan ng itlog. 3. Pagpapaitlog (Pangangalaga) • Pagsamahin sa aquarium ang mga napiling breeder (isang lalaki kada isang babae). • Maglagay ng brick tile sa isang sulok. • Pakainin ang mga ito ng humigit kumulang sa dalawang gramo ng prawn feeds (starter) dalawang beses sa isang araw (umaga at hapon). • Gamit ang siphon (rubber tubing), alisin ang dumi sa aquarium araw-araw. • Magpalit ng tubig isang beses kada linggo. 4. Pagkolekta ng itlog • Makalipas ang dalawa hanggang tatlong linggo, maaari nang kolektahin ang itlog. Ilagay ito sa isang pulgadang lalim ng tubig na pinatakan ng methylene blue (tatlong patak). • Obserbahan ang mga itlog araw-araw. 3 5. Pag-aalaga ng bagong pisang Itlog • Karaniwang napipisa ang mga itlog sa loob ng tatlo hanggang limang araw. • Makikita ang mga “freeswimming” na semilya sa ika walong araw. Sa panahong ito maaari na itong pakainin artemia. Gawin ito sa loob ng 15 araw. 6. Pangangalaga sa semilya • Pagkalipas ng 15 araw, maaari ng ilipat ang mga semilya sa earthen pond na may lalim na 10 cm ng tubig (1,000-2,000 semilya kada ektarya). • Sa loob ng dalawang buwan, maaari ng ibenta ang mga semilya na may laking dalawang pulgada. 7. Pag-aani 4 • Hulihin ang mga isda sa pamamagitan ng pukot (seine net). • Ilagay ang mga ito sa conditioning tank. Piliin ayon sa klase ng isda at laki. Ihiwalay ang mga reject. • Lagyan ng methylene blue (isang patak kada dalawang galong tubig) at asin (isang kutsarita kada isang litrong tubig). • Maari ng ibenta ang mga napiling isda. Prospektus (1 Taon) Tagal ng pag-aalaga = 3 buwan Tiyak na Gastusin 2 units 5m x 10m earthen pond (100 m2 ) 20 units 4 gal. capacity aquarium (P150.00 each)15 units large rubberized tub (P300.00 each) 4 units scoop net (P100.00 each) 1 unit oxygen tank 1 unit water container (50 gal.) 5 units timba (P100.00 each) Motor pump (10 hp) Ring Blower Hatching shed P 10,000.00 3,000.00 4,500.00 400.00 3,5000.00 300.00 500.00 10,000.00 8,000.00 20,000.00 P 60,200.00 Depreciation (5 years) - P 12,040.00 - P 54,000.00 4,800.00 Gastos sa Operasyon Bayad sa tagapag-alaga 1 stay-in (P4,500.00/buwan) 1 katulong 2 araw/buwan (P200.00/araw) 5 Breeders (magagamit ng 3 taon) 25 babae at 25 lalaki (P40.00 each= P2,000.00/3 taon) - P 670.00 - P 50,250.00 1,600.00 10,000.00 5,940.00 150.00 500.00 150.00 180.00 P 128,240.00 Pakain Breeders at Semilya Oxygen Gasolina at Langis Kuryente 5 unit Incandescent bulb Plastic Bag Rubber Band (1 kg) Chicken Manure (150 kg @ P1.20/kg) Benta P 184,800.00 300 semilya/breeder/buwan (70% survival) 16 breeders x 11 buwan = 36,960 pcs x P5.00 each Netong Kita Balik Puhunan Tagal ng Balik-Puhunan 6 P 56,560.00 40.3% 4.06 taon KOI AT GOLDFISH Paraan ng Pagpaparami ng semilya I. Pagpili at pagkondisyon ng mga breeders • Pumili ng sexually matured na isda. • Ikondisyon ng magkahiwalay ang babae at lalaki sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo • Bigyan ng pagkain na mataas ang protina tulad ng bulate (super worm, blood worm) at commercial feeds. Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Breeder »» Malusog at walang kapansanan. »» May magandang hugis ng palikpik at katawan. »» May edad na isang taon. 2. Paghahanda ng paanakan • Linisin ang aquarium. tangke o • Lagyan ng tubig at pasingawin ng magdamag gamit ang aerator. • Ilagay ang pakapitan ng itlog. 7 3. Pagpapaitlog (Pangangalaga) 8 • Pumili ng babae at lalaki na handa ng mangitlog (ang babaeng goldfish ay handa na kung may lumabas na itlog matapos itong pisilin ng marahan sa bandang tiyan; sa lalaki naman, handa na ito kapag magaspang na ang palikpik nito sa bandang “pectoral fin”, “gill cover” at sa bandang batok). • Ilagay ang babae sa tangke o aquarium sa umaga at ang lalaki sa bandang hapon (isang babae kada dalawang lalaki). • Huwag pakainin ang mga isda hangang mangitlog. Kapag may malansang bula na sa tubig, tanda iyon na nangitlog na ang mga breeders. • Alisin ang mga breeders pagkapangitlog. Ibalik ang mga ito sa conditioning pond. • Palitan ang tubig ng 2040% para mabawasan ang dumi at lansa. • Patakan ng methylene blue (isang patak kada dalawang galong tubig). • Alisin ang pakapitan at linising mabuti. Maari itong ibalik para magsilbing taguan ng mga semilya. • Maari ng ihanda ang “grow-out pond” para makapagpatubo ng phytoplankton. Maglagay ng 1,500-2,000 kg ng chicken manure kada isang ektarya ng palaisdaan. 4. Pag-aalaga ng bagong pisang itlog • Bigyan ng artemia ang semilya makalipas ang dalawang araw pagkapisa. • Pagkatapos ng limang araw, maari ng ilipat ang semilya sa hapa net na may takip na lambat. 5. Pangangalaga sa semilya • Makalipas ang limang araw, maari ng tangalin sa hapa ang semilya at ilipat sa “grow-out pond” na may takip na net para maiwasang kainin ng mga ibon. • Makalipas ang isang buwan, piliin ang magagandang klaseng isda at tanggalin ang mga reject (maaring ibenta bilang trash fish). 6. Pag-aani • Hulihin ang mga isda sa pamamagitan ng pukot (seine net). • Ilagay ang mga ito sa conditioning tank. Piliin ayon sa klase ng isda at laki. Ihiwalay ang mga reject. • Lagyan ng methylene blue (isang patak kada dalawang galong tubig) at asin (isang kutsarita kada isang litrong tubig). • Maari ng ibenta ang mga napiling isda. 9 Prospektus Tiyak na gastusin P 324,666.00 Paghahanda at Pagpapagawa ng Palaisdaan 4 200 m2 ponds, P50,000.00/pond Motor pump (Robin 5 hp Oxygen tank 4 units concrete breeding tanks 5m x 5m 5 units conditioning tanks 3m x 5m) Roof tanks, storage room, caretaker’s hut Breeding cages/hapa, scoop nets Seine net, tubs Cover net for ponds Blower and Aerator - P 20,000.00 - 20,000.00 3,500.00 - 60,000.00 - 40,000.00 - 70,000.00 - 10,000.00 5,000.00 - 10,000.00 5,000.00 Depreciation (3 years) 81,166.00 Gastos sa Operasyon P100,030.00 Bayad sa tagapag-alaga 1 stay-in (P3,000.00/buwan) 2 katulong, 2 araw/buwan (P250.00/araw) Breeders (100 piraso = 40 babae: 60 lalaki) P60.00 each= P6,000.00/3 taon) Pakain Breeders Semilya Oxygen Gasolina at Langis 10 - 60,000.00 12,000.00 - 2,000.00 - 5,000.00 3,000.00 1,600.00 10,000.00 Kuryente Plastic Bag Rubber Band (2 kg) Methylene Blue (P25.00 x 8 bot.) Chicken Manure (150 kg @ P1.20/kg) Lime - Benta 2,000 semilya/breeder (60% survival) 30 breeders x 2,000 pcs. = 60,000 pcs. 60,000 pcs x 60% = 36,000 pcs 20% Class A (7,200 pcs x P15.00) 50% Class B (18,000 pcs x P7.00) 5,000.00 600.00 250.00 200.00 180.00 200.00 P 234,000.00 - Netong Kita 108,000.00 126,000.00 P133,990.00 Balik Puhunan 74% Tagal ng Balik-Puhunan 2.42 taon 11 Para sa dagdag kaalaman, makipag-ugnayan sa: BFAR Region 4A REGIONAL FISHERIES RESEARCH AND DEVELOPMENT CENTER Inland Fisheries Research Station Ambulong, Tanauan City, Batangas Tel.: (043)728-0043 12