Uploaded by matthewmallo123

499234253-ap10-q3-mod1-kasariansaibatibanglipunan

advertisement
10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Editor:
Tagasuri ng Nilalaman:
Celeste Ann S. Abesamis
Rubilita L. San Pedro
Angelica M. Burayag, PhD / Elena V. Almario
Bernadette G. Paraiso / Marie Claire M. Estabillo
Lorna G. Capinpin
Tagasuri ng Wika:
Donna Erfe A. Aspiras / Bernadeth D. Magat
Tagasuri sa ADM Format:
Kristian Marquez
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Donna Oliveros / Bryan Balintec
Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit:
Jeiyl Carl G. Perucho
Tagalapat:
Katrina M. Matias
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Salome P. Manuel, PhD
Rubilita L. San Pedro
Marie Claire M. Estabillo
Melvin S. Lazaro
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax:
(045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ii
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito
ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
Ang modyul na ito ay naglalayong matalakay ang sex at gender at gender roles
sa Pilipinas at sa iba’t ibang lipunan sa mundo (AP10KIL-IIIb-3). Ano ba ang
kahulugan ng sex at gender? Ano-ano ang mga gampanin ng mga kalalakihan,
kababaihan, at Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual
(LGBTQIA+) sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng ating bansa at sa ibang lipunan
sa mundo?
Pagkatapos mong basahin at isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw
ay inaasahang;
1. nakapagpapahayag ng sariling pagpapakahulugan sa sex at gender;
2. natatalakay ang gender roles sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon; at
3. nakasusuri ng gender roles sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Subukin
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
sa sagutang papel ang letra ng tamang kasagutan.
1. Ito ay tumutukoy sa iyong kakayahan na magkaroon ng atraksyong pisikal, kung
siya ay lalaki o babae o pareho.
A. heterosexual
C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual
D. pagkakakilanlang pangkasarian
2. Ano ang tawag sa mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring
pangkasarian?
A. asexual
C. intersex
B. bisexual
D. queer
3. Kinikilala ito bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
niya nang siya’y ipanganak.
A. heterosexual
C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual
D. pagkakakilanlang pangkasarian
1
4. Siya ang tinaguriang prinsesa ng isang katutubong pangkat sa isla ng Panay at
itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu.
A. Asog
C. Binukot
B. Babaylan
D. Lakambini
5. Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang
walang anumang benepisyong medikal.
A. breast flattening
C. Female Genital Mutilation (FGM)
B. breast ironing
D. foot binding
6. Ano ang tawag sa taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma?
A. asexual
C. heterosexual
B. bisexual
D. transgender
7.
Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa mga gampanin ng kababaihan sa
lipunan gaya ng paglahok sa pagboto at karapatang makapag-aral.
A. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol
D. Panahong Pre-Kolonyal
8.
Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang
kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang
ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
9.
Bakit may mga insidente ng gang rape sa mga tomboy o lesbian sa mga bansa
sa South Africa?
A. Sila ay maituturing na babae rin.
B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural.
C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga lesbian.
D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain.
10. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM?
A. upang maging malinis ang mga kababaihan
B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala
D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal
2
11. Ang sumusunod ay nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki maliban sa isa.
A. Ang lalaki ay may titi at testosterone habang ang babae ay may suso at
estrogen.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang dalaw, ang mga lalaki naman
ay hindi.
C. Ang pribadong bahagi ng katawan ng babae ay iba sa pribadong bahagi ng
katawan ng lalaki.
D. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae
ay inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay.
12. Ano ang tawag sa taong may parehong ari ng lalaki at babae?
A. asexual
C. intersex
B. bisexual
D. heterosexual
13. Anong dekada pinaniniwalaang umusbong ang Philippine gay culture sa bansa?
A. dekada 60
C. dekada 80
B. dekada 70
D. dekada 90
14. Sa panahong ito ay parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapon
B. Panahon ng Espanyol
D. Panahong Pre-Kolonyal
15. Iba’t iba ang gamapanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat
mula sa Papua New Guinea. Para sa mga Mundugumor ang mga babae at lalaki
ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng posisyon sa
kanilang lipunan. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa gampanin ng mga
babae at lalaki sa pangkat ng Arapesh?
A. Mas dominanate ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
B. Kapwa maalaga at mapagaruga sa kanilang mga anak.
C. Ang mga lalaki ay abala sa pag-aayos sa kanilang mga sarili.
D. Ang mga babae ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya.
3
Aralin
1
Kasarian sa Iba’t Ibang
Lipunan
Sa modyul na ito ay matutunghayan mo ang mga konseptong may kinalaman
sa kasarian at lipunan at gender roles sa Pilipinas at sa iba’t ibang lipunan sa
mundo.
Balikan
Panuto: Tukuyin at piliin kung anong kasarian ang gumagamit sa mga bagay na
nasa loob ng kahon. Ipaliwanag kung bakit ito ay para sa lalaki, babae, o pareho.
Isulat sa sagutang papel.
blouse
necktie
Polo jacket
hair wax
rubber shoes
shoulder bag
head band
face powder
matte lipstick
tailored suit
palette eyeshadow
boxer shorts
1. _______________
6. _______________
2. _______________
7. _______________
3. _______________
8. _______________
4. _______________
9. _______________
5. _______________
10. ______________
4
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa kasarian sa iba’t ibang
lipunan. Mainam na gabayan ang mag-aaral sa pagtalakay ng aralin,
pagsagawa ng mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito, at pagtala ng
kanilang nakamit na pag-unlad. Hayaan ang mga mag-aaral na tuklasin at
pamahalaan ang sariling pagkatuto.
Tuklasin
Panuto: Basahin ang tula at sagutan sa isang papel ang mga pamprosesong
katanungan.
PANTAY- PANTAY
Ni: Celeste Ann S. Abesamis
Sa dami ng mga usapin ngayon, natatangi ang isa,
Pagkakapantay-pantay, sinisigaw ng iba.
Hindi lang daw babae at lalaki ang may karapatan,
Sila ring mga kabilang sa ikatlong kasarian.
Marami ang nagsulong ng karapatan para sa kababaihan,
Upang magkaroon ng pantay na gampanin sa lipunan.
Kaya’t ang LGBTQIA+ ay nagsusumamo at nananawagan,
Sila rin ay kilalanin, bigyang puwang at huwag kalimutan.
Kung dati ang mga lalaki ay sinasamba at pinapanginoon,
At ang mga babae naman ay mistulang alipin lamang noon,
Bawat indibiduwal sa lipunan ay nagkamit ng pagsulong,
Kasabay ng pagbabago at pag-unlad ng lipunan ngayon.
Kaya huwag mabuhay sa nakaraan at laging tandaan,
Kalimutan at palayain na ang matandang nakagisnan.
Dito sa lipunan na ating ginagalawan,
Lahat tayo ay pantay-pantay anuman ang kasarian.
5
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?
2. Ano-anong gampanin ng kalalakihan at kababaihan ang inilalarawan sa tula?
3. Makatwiran ba ang paghingi ng pantay na karapatan ng kababaihan at
LGBTQIA+? Bigyan ng maikling paliwanag.
4. Sa iyong palagay, dapat bang maging batayan ang kasarian sa
pagkakapantay-pantay ng gampanin sa ating lipunan?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita na pantay ang iyong pagtingin
sa lahat ng tao? Ipaliwanag.
Suriin
Konsepto ng Kasarian
Sa bahaging ito ng aralin ay mauunawaan mo ang kahulugan ng sex at gender,
gayundin ang mga katayuan at gampanin ng kababaihan at kalalakihan mula sa
iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Bago matapos ang aralin, iyong
matutuklasan ang pagtingin sa mga lalaki at babae sa iba’t ibang lipunan sa daigdig.
Hinihikayat kitang basahing mabuti ang mga teksto.
Kahulugan ng Sex at Gender
➢ Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda
ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at
lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
➢ Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan nito ay
ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculine
o feminine.
Katangian ng Sex
Katangian ng Gender
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng
buwanang regla samantalang ang
mga lalaki ay hindi.
1. Ang lalaki ay itinuturing na
malakas at matipuno samantalang
ang mga babae ay tinitingnan
bilang mahinhin at mahina.
2. Ang mga lalaki ay may titi at
testosterone habang ang babae ay
may suso at estrogen.
2. Ang mga lalaki ang magtataguyod
sa pamilya samantalang ang mga
babae ay inaasahang gagawa ng
mga gawaing bahay.
6
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
➢
Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng
isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal,
seksuwal, at malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.
➢
Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak.
Sa simpleng pakahulugan, ang oryentasyon seksuwal ay tumutukoy sa iyong
pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang
pagkakakilanlang pangkasarian naman ay ang personal na pagtuturing sa
sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng
anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera,
gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang
pananamit, pagsasalita at pagkilos.
Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at
homosexual.
Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro
ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae
at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na
pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian.
Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian,
Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala bilang
LGBTQIA+.
Lesbian (tomboy) -mga babaeng nakararamdam ng pisikal o
romantikong atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi
ng Pilipinas na tibo at tomboy).
Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang
kapwa lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na
parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla, beki,
at bayot).
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang
kasarian.
7
Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay
sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay
hindi magkatugma.
Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang
uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan
ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o
kombinasyon ng lalaki o babae.
Intersex - kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may
parehong ari ng lalaki at babae.
Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal
sa anumang kasarian.
Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Gender Roles sa Pilipinas
Panahong Pre-Kolonyal
➢ Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari
ng mga lalaki.
➢ Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa isla
ng Panay at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay itinuturing
na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu. Hindi siya maaaring
tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga.
➢ Ayon sa Boxer Codex ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae
sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
➢ Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong
gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng
kanilang pagsasama.
➢ Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala
siyang makukuhang ari-arian.
8
Panahon ng Espanyol
➢ Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang
bawat pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak. Gayunpaman, naging
malaki ang bahaging kanilang ginampanan sa pagkamit ng kalayaan laban sa
mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito ay si Gabriela Silang, maybahay ni
Diego Silang na isa ring kilalang bayani sa panahon ng himagsikan laban sa
mga Kastila. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga
Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga
katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
➢ Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of psychiatry, sa kaniyang
pananaliksik na pinamagatang “A Study of Psychopathology and Filipino
Marriages in Crises;” Filipinas are brought up to fear men and some never escape
the feelings of inferiority tha upbringing creates”.
➢ Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita sa
paghahanapbuhay.
Panahon ng Amerikano
➢ Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at
kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
➢ Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
➢ Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang
pamamaraan.
➢ Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng mga
bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang
simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa
politika.
Panahon ng Hapones
➢ Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa bansa sa
abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan.
➢ Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
➢ Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang
pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
9
Kasalukuyang Panahon
➢ Patriyarkal man ang paraan ng pamamahala tulad sa Pilipinas subalit
nagkaroon din ng puwang ang mga kababaihan at naging lider ng bansa gaya
nina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Gloria M. Arroyo.
➢ Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga
gawaing-bahay.
➢ Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng pantay
na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at iba pang
kasarian o napapabilang sa LGBTQIA+.
Kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas
Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas,
mababanggit ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo.
Ang Babaylán ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling
panrelihiyon. Nagsilbing manggagamot at tagapamahala ng
katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español sa
Pilipinas.
Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga
asog sa Visayas noong ika-17 siglo. Hindi lamang sila nagbihis-babae
kundi nagbalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin
umano ay pakinggan ng mga espiritu. Ilan din sa kanila ay kasal sa
lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal
Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong
ang Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming
akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kaniyang asawa
na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang
pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili
roon ay nakatagpo nila ang tatlong pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugumor
at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga babae at lalaki sa pangkat na ito,
natuklasan nila ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa.
Sa Arapesh (na nangangahulugang ‘tao’) ay walang pangalan ang mga tao na
naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa
kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at
pangkat. Samantala, sa pangkat ng Mundugumor (kilala rin sa tawag na Biwat), ang
mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng
10
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. Sa Tchambuli (tinatawag din na
Chambri), ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang
lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit ang gampaning
pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakain ng kanilang
pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig
sa mga kuwento.
Mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan lalo na sa mga miyembro ng
komunidad ng LGBTQIA+ sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Mahabang
panahon ang hinintay ng mga kababaihan sa rehiyong ito upang sila ay makalahok
sa proseso ng pagboto.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 30
bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Tinatayang tatlong milyong kababaihang may
edad na 15 ang sumasailalim sa prosesong ito taon-taon. Ang FGM ay isang proseso
ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa
mga batang babae na may edad 0―15 taong gulang. Ayon sa kanilang paniniwala,
mapananatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang
basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na maaaring magdulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap sa pag-ihi at maging kamatayan.
Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian
(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights
Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya
mismo ng mga miyembro ng LGBTQIA+.
Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan sapagkat may
ilang bansang hindi pinapayagan ang mga babaeng maglakbay nang mag-isa o kung
payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).
11
Pagyamanin
A. Jumbled Letters
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salitang
binibigyang-kahulugan sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
tamang kasagutan.
__________ 1. ( EXUAALS ) Tumutukoy ito sa mga taong walang nararamdamang
atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.
__________ 2. ( RNGEED ) Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal
na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
__________ 3. ( YGA ) Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa
lalaki.
__________ 4. ( RNESNTERGAD ) Tumutukoy ito sa isang taong nakararamdam na
siya ay nabubuhay sa maling katawan.
__________ 5. ( ESX ) Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
B. Hugot Line
Panuto: Tukuyin kung anong yugto nang kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas
ang ipinahahayag sa sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat sa sagutang papel
ang letra ng tamang sagot.
A. Kasalukuyang Panahon
B. Panahon ng Arabo
C. Panahon ng Hapones
D. Panahon ng Espanyol
E. Panahon ng Amerikano
F. Panahong Pre-Kolonyal
_____ 1. Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa
paghahanapbuhay.
_____ 2. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
_____ 3. Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga
gawaing-bahay.
12
_____ 4. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_____ 5. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit,
maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling
makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
C. Fact or Bluff
Panuto: Balikan ang bahagi ng Suriin kung saan mababasa ang gender roles sa
Africa at Kanlurang Asya, basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat
sa sagutang papel ang Fact kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at Bluff
naman kung mali.
_____ 1. Ang mga tao sa pangkat ng Arapesh ay walang pangalan.
_____ 2. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit patuloy pa
rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng
lipunang kanilang ginagawalan.
_____ 3. Sa Kanlurang Asya ay may mga naitalang kaso ng gang rape sa mga lesbian
(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain.
_____ 4. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at proseso ng FGM na
maaaring magdulot ng iba’t ibang komplikasyon at maging kamatayan.
_____ 5. Sa lipunan ng Tchambuli ay nakahihigit ang gampaning pangkabuhayan ng
mga babae kaysa sa lalaki.
D. Sex and Gender
Panuto: Mula sa araling tinalakay, paano nagbago ang iyong pang-unawa sa sex at
gender? Ibigay ang sariling pagpapakahulugan. Isulat sa sagutang papel.
Ang sex ay ________________________________________
_________________________________________________________.
Ang gender ay ____________________________________
_________________________________________________________.
13
E. Ano ang Pagkakaiba?
Panuto: Balikan ang bahagi ng Suriin sa gender roles sa iba’t ibang lipunan sa
mundo, paghambingin ang mga gampanin ng kalalakihan at kababaihan sa tribo ng
Mundugumor at Tchambuli. Isulat sa sagutang papel.
Tchambuli
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
Mundugumor
______________________
______________________
______________________
______________________
______________________
14
F. Gender Swap
Panuto: Suriin ang larawan sa loob ng kahon. Pagkatapos, ipaliwanag kung paano
nagbago ang gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan sa paglipas ng panahon.
Isulat sa sagutang papel.
15
Isaisip
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong natutuhan mula sa paksang tinalakay
gamit ang reflective journal.
Ang aking natuklasan mula sa aralin:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Mga saloobin ko tungkol dito:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Mga aral na natutuhan ko:
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
16
Isagawa
PHOTO ESSAY
Panuto: Gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng kasalukuyang gampanin o role
ng kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa lipunan.
Rubrik sa pagmamarka ng Photo Essay
Dapat pang
linangin
1
Napakahusay
5
Mahusay
3
Nilalaman
Mahusay ang
pagkakaayos ng
mga larawan at
nagpapaliwanag
ng magandang
impresyon.
Katamtaman
ang ganda ng
pagkakaayos
ng mga
larawan.
Hindi maganda
ang pagkakaayos
ng mga larawan.
Tema
Makahulugan
ang bawat
larawan at may
kaugnayan sa
tema o paksa.
Maganda ang
mga larawan
ngunit walang
masyadong
kaugnayan sa
paksa.
Walang kaugnayan
ang mga larawan
sa tema o paksa.
Pamantayan
Pagkamalikhain Nakamamangha Maganda ang
ang mga
mga larawan.
larawan.
Hindi maganda
ang mga larawan.
Kabuuan
17
Puntos
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag, sitwasyon, o tanong. Piliin at isulat
sa sagutang papel ang letra ng tamang kasagutan.
1. Noon, kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa ay maaari niya itong
gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng
kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang
kaniyang asawa, ano ang maaaring mangyari?
A. Maaari siyang magsampa ng demanda.
B. Wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
C. Makukuha niya ang kostodiya ng kanilang mga anak.
D. Mababawi niya ang mga ari-ariang ibinigay sa kaniya sa panahon ng
kanilang pagsasama.
2. Sa panahong pre-kolonyal, ang mga babae ay maaaring patawan ng kamatayan
ng kanilang asawa sa oras na makitang may kasamang ibang lalaki.
Samantalang, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
3. Anong yugto sa kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang nagbigay-karapatan
sa mga kababaihan na bumoto?
A. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol
D. Panahong Pre-Kolonyal
4. Ang sumusunod ay mga gampanin ng babae at lalaki sa panahon ng pre-kolonyal
maliban sa isa.
A. Tungkulin ng kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa
paghahanapbuhay.
B. Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala
siyang makukuhang ari-arian.
C. Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan ay pagmamayari pa din sila ng mga lalaki.
D. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit
maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling
makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
18
5. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM?
A. upang maging malinis ang mga kababaihan
B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala
D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal
6. Ang sumusunod ay maaaring idulot ng FGM maliban sa isa.
A. hirap sa pag-ihi
C. labis na pagdurugo
B. pagtubo ng cyst
D. impeksiyon
7. Bakit may mga pagkakataong napipigilang maglakbay ang mga kababaihan sa
ilang bansa?
A. Nakatali sila sa kanilang obligasyon sa tahanan.
B. Mas may karapatang maglakbay ang mga kalalakihan.
C. Maaaring sila ay maharap sa banta ng pang-aabusong seksuwal o pisikal.
D. Hindi sila maaaring maglakbay kung walang pahintulot mula sa kamaganak na lalaki.
8. Sa mga bansa sa South Africa ay may mga insidente ng gang rape sa mga lesbian,
ano ang sanhi ng karahasang ito?
A. Sila ay maituturing na babae rin.
B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural.
C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga lesbian.
D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain.
9. Alin sa sumusunod na pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea na ang mga
babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat?
A. Arapesh
C. Mundugumor
B. Bribri
D. Tchambuli
10. Ito ay tumutukoy sa nararamdaman at pinaniniwalaang kasarian ng isang tao
na maaaring tugma o hindi tugma sa kaniyang seksuwalidad.
A. heterosexual
C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual
D. pagkakakilanlang pangkasarian
11. Anong oryentasyon mayroon si Erica kung siya ay nakararamdam ng pisikal o
romantikong atraksyon sa kapwa niya babae?
A. asexual
C. lesbian
B. gay
D. transgender
12. Anong oryentasyon mayroon si Paolo kung siya ay nakararamdam ng atraksyon
sa dalawang kasarian?
A. bisexual
C. heterosexual
B. gay
D. intersexual
19
13. Si Ana ay ipinanganak na babae ngunit sa kaniyang pakiramdam ang kaniyang
pangangatawan at pangkaisipan ay hindi magkatugma. Anong oryentasyon
mayroon si Ana?
A. asexual
C. heterosexual
B. bisexual
D. transgender
14. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng sex?
A. Ang mga lalaki ay may titi at te, ang babae ay hindi nagtataglay nito.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla, ang mga lalaki ay hindi.
C. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae
ay inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay.
D. Batay sa biyolohikal na katangian ng tao, ang pribadong bahagi ng katawan
ng babae ay iba sa pribadong bahagi ng katawan ng lalaki.
15. Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag sa
pagkakaiba ng sex at gender?
A. Ang sex ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samantalang ang
gender ay inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki sa lipunan.
B. Ang gender ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samantalang ang
sex ay role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa itinakda ng lipunan.
C. Ang gender ay biyolohikal na katangian ng lalaki at babae, samantalang ang
sex ay ang inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa itinakda
ng lipunan.
D. Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng babae
at lalaki, ang gender naman ay ang inaasahang role o gampanin ng babae at
lalaki ayon sa itinakda ng lipunan.
20
Karagdagang Gawain
Kapag May Katuwiran, Ipaglaban Mo!
Panuto: Sa sagutang papel, sumulat ng isang sanaysay tungkol sa sitwasyong ito:
Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang paggalang sa bawat indibiduwal
anuman ang kasarian at seksuwaldidad?
Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay
Pamantayan
Kahanga-hanga
5
Mahusay
3
Pagbutihin pa
1
Nilalaman
Makabuluhan
ang paglalahad
ng mga kaisipan.
Hindi gaanong
makabuluhan
ang sanaysay.
Walang
kabuluhan ang
sanaysay.
Tema
Ang kabuuan ng
sanaysay ay may
kaisahan at
kaugnayan sa
tema.
Ang ilan sa
nilalaman ay
walang
kaugnayan sa
tema.
Walang
kaisahan at
kaugnayan sa
tema.
Pagkamalikhain
Ang kabuuan ng
sanaysay ay
masining at
masining.
Ang ilang
bahagi ng
sanaysay ay
masining at
natatangi.
Walang
nakitang
pagkamalikhain
sa sanaysay.
Kabuuan
21
Nakuhang
Puntos
Subukin
1.C
2.D
3.D
4.C
5.C
6.D
7.A
8.D
9. D
10. D
11. A
12. C
13. A
14. C
15. D
Pagyamanin
A.
1. Queer
2. Gender
3. Gay
4. Transgender
5. Sex
22
B.
1. D
2. C
3. A
4. E
5. F
C.
1. Fact
2. Fact
3. Bluff
4. Fact
5. Fact
D.
Inaasahang sagot
Sex- ay tumutukoy sa kasarian kung lalaki o
babae.
Gender- ang inaasahang gampanin ng lipunan
para sa lalaki at babae.
E.
Maasai-ay isang lipunang patriyarkal na ang mga
kalalakihan ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa at
kadalasan ay mas bata ang kanilang napapangasawa. Ang
mga kababaihan naman ay nagsasalo sa isang lalaki.
Mosuo- isang lipunang matriyarkal na kung saan ang
apelyido ng mga anak ay isusunod sa kanilang ina at ang
ari-arian ay isasalin sa pamilya ng mga babae.
F.
Sa panahon ngayon, mas higit na ang bilang ng mga
babae na nagtatrabaho at ang mga lalaki ang naiiwan sa
bahay. Kung kaya nagkaroon ng tinatawag na house
husband. Ang mga lalaki na ang gumagawa ng gawaing
bahay at ang mga babae ang nasa labas ng tahanan o
ibang bansa upang maghanap-buhay.
Tayahin
1.B
2.D
3.A
4.A
5.D
6.B
7.C
8.D
9.C
10.D
11.C
12.A
13.D
14.C
15.D
Isaisip
Inaasahang sagot: Maipaliwanag ng mag-aaral ang
kahulugan ng sex at gender. Mailarawan ang iba’t ibang
gampanin ng lalaki at babae sa iba’t ibang yugto ng
kasaysayan ng ating bansa at lipunan sa ibang panig ng
mundo.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education, Kontemporaryong Isyu – Modyul pasa sa mga Mag-aaral
Baitang 10, pp. 257-283.
“K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.”
DepEd Commons. https://commons.deped.gov.ph/melc
“Kababaihan sa Panahon ng Espanyol.” Learning Resource Portal. Published
February 6. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/1050?fbclid
“Prevalence of Female Genital Mutilation.” World Health Organization.
https://www.who.int/teams/sexual-and-reproductive-health-andresearch/areas-of-work/female-genital-mutilation/prevalence-of-femalegenital-mutilation
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region III - Learning Resources Management
Section (DepEd Region III - LRMS)
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph
* blr.lrpd@deped.gov.ph
24
Download