Uploaded by Melody Dacuya

Peñafrancia Traslacion Procession 2018

advertisement
Peñafrancia Traslacion Procession 2018: Ika-7 ng Setyembre nang magtipon-tipon ang mga
deboto ni Inang Birheng Maria at Divino Rostro upang sumama sa paghatid sa Naga Cathedral.
Lahat ng deboto na nakilahok ay may mga panalangin na gustong maiparating sa mga patron
at ang iba naman ay humihingi ng awa sa birhen.
Scout Parade and Inter-School DBC/DLC Competition: Ika-12 ng Setyembre 2018 nang
ipakita nang mga boys at girls scount kung gaano sila kadisiplinado at kung paano nila
isinasapuso ang kanilang tungkulin. Ipinamalas naman ng drums and lyre corps at majorettes
ang kanilang aking talent sa pagtugtog ng mga istrumento at cheerdance.
Float Competition: Ika- 13 Setyembre 2018 ginanap ang Float Parade kabilang dito ang
mga nanalo sa iba’t- ibang patimpalak at ang mga kilalang kompanya sa kabikolan.
Ginaganap ang Float Parade upang ipakita ang kanilang pasasalamat ki Inang Birheng
Maria.
Annual Bicol Regional Military Parade Competition: Ika- 14 ng Setyembre 2018 nang
ginanap ang Military Parade kung saan nagsama-sama o nakilahok ang mga estudyante ng
bawat paaralan sa bikol upang ipakita na sila ay disiplinado sa pagkilos. Kahit masungit ang
panahon ay kanilang tiniis ito upang ipakita ang kanilang disiplina at pakikiisa sa kapistahan
ni Inang Birheng Maria.
Peñafrancia Fluvial Procession 2018: Ika-15 ng Setyembre nang ganapin ang fluvial
procession kung saan idadaan ang imahe ni Inang Birheng Maria at Divino Rostro sa Naga
River upang ihatid sa Peñafrancia Basilica. Ang imahe Inang Birheng Maria at Divino Rostro
ay nakasakay sa pagoda kasama ang mga pari at bishop. Ang mga debotong lalaki ay siyang
nagsasagwan upang umandar ang pagoda. Ang mga deboto ay nakasuot nang iba’t- ibang kulay
nang damit.
Selebrasyon ng Kapistahan ni Inang Birheng Maria
Tuwing Setyembre ipinagdiriwang ng buong kabikolan ang kapistahan ni Inang
Birheng Maria. Ang Kapistahan ni Inang Birheng Maria ang nagbubuklod sa lahat na Bikolano
upang magkaisa. Sa pagdiriwang nito ay pinapakita ang pinagsamang relihiyon, kultura at
tradisyon ng bawat bikolano. Upang maipakita ang kagalakan at pakikiisa ng mga bikolano sa
araw na ito naghahanda sila ng mga parada, iba’t- ibang isport, trade fairs at pagtatanghal,
timpalak pangkagandahan at iba pang nakakasiglang kumpetisyon. Ang araw din ito ang oras
upang makapaglibang o mamasyal ang magkakapamilya sapagkat maraming magandang
panoorin, murang bilihin at maari pa nilang ipakilala sa kanilang mga anak ang kultura ng mga
Bikolano.
Camarines Sur National High School
Lungsod ng Naga
Taong Panuruan 2018-2019
Larawang
Sanaysay
Ipinasa ni:
Margilyn C. Dacuya
12-ABM-3
Ipinasa kay:
Gng. Mary Grace A. Joven
Guro sa Filipino Larang
Download