Uploaded by Karen Perreras

Basino, Jonathan S. (Taya)

advertisement
DALUMAT NG/SA FILIPINO
GAWAIN 1
JONATHAN S. BASINO
1-CMA
Ang mga kasiyahang normal nating
nararamdaman
ay
taliwas
sa
katotohanan dala ng mapang-aping
lipunan. Ang larong pangkatuwaan ay
mayroong
natatanging
karimlan.
Patintero, ang pinakakilalang laro ng
mga Pilipino, ito ay isang gawaing
sumasalamin sa mga taong patuloy na
pumipigil at humaharang sa mga kawani
ng illegal na demolisyon sa gitna ng
krisis. Isang pamamaraan pagprotekta
sa
kanilang
mga
ari-arian
at
pakikipagsapalaran sa mga nagbabalak
na sirain ang kanilang lugar na
kinagisnan.
Bangsak, langit-lupa, patintero,
taya-tayaan at marami pang mga
laro na naging dahilan ng ating
mga halakhak, mga laro na bumuo
at nagpasaya ng ating kabataan.
Ngunit sino ang mag-aakala na
ang dati nating kasiyahan ay
magiging mapait na reyalidad sa
ating pagtanda.
Ang mga nabanggit na laro ay isa lamang
metapora sa mga pangunahing kaganapan na
umiiral sa realidad, at isyung panlipunan.
Bagamat kung ating bibigyang pansin, ang
mga mahihirap ay kadalasang nakakaranas
ng
kapighatian.Naghuhumiyaw,
nag-uumapaw ito ang galit ng sambayanan
sa sukdulang pang-aapi ng kataas-taasan.
Ang kasamaan sa lipunan ay bahid lang din
ng kahirapan. Ngunit sino ba ang dapat
nating
pakinggan?
sino
ang
ating
matatakbuhan? Sa larong karimlan, matira
ang siyang matibay.
Download