Uploaded by Karen Perreras

Domingo, Beatrice Ella A. (Taya)

advertisement
Ipinapasa ni:
Domingo, Beatrice ela a.
i-cma
Ipinapasa ni:
PRo.f. olivia guttan
Gawain
Paano nagkakahalintulad ang mga
larong pambata sa mga kasalukuyang
nangyayari sa ating bansa?
Ang Taya ay isang maikling pelikula na isinagawa nina Adi Bontuyan
at Francis Beltejar para sa Cinemalaya noong nakalipas na taon. Ang
pamagat na Taya ay inilalarawan ang seryosong ideolohiya at pati na
rin ang pangkaraniwang laru-laruan na kabilang sa ating kultura. Kung
ating napanood sa pelikula, isang squatter area ang tagpuan at ang
tauhan ay ang mga bata nagpapakita ng iba’t ibang laro na may
kaugnayan sa mga ginagawa ng mga nakakatanda o mga sitwasyon
sa realidad. Sa paggamit ng ideya ng paglalaro, binubuo ang
pagkakaintindi or pagtatanggap na sa kasalukuyan, laging may
mananalo at matatalo, laging may taya at may hahabulin. Ang mga
larong ipinakita ay mahahanlintulad sa mga karahasan na ating
nararanasan sa ating lipunan.
Ang unang laro ay ang Bangsak na kung saan ang ibig
sabihin ay bang nagrerepresenta ng tunog ng baril at ang sak ay
saksak. Ang larong ito ay ipinapakita na sa totoo buhay ang mga
pulis ang taya at hinihintay lamang nila ang pagpapakita ng
mga biktima o criminal na nagtatago upang mapabagsak sa
pamamagitan ng pagputok ng baril o saksak. Kalimitan itong
nangyayari sa kasalukuyan sapagkat laganap sa ating bansa ang
mga krimen. Pangalawang laro ay ang target kung saan
palakasan kung sino ang mahusay sa pagpatumba ng mga lata.
Sa realidad, ang mga tao at gobyerno hindi maiiwasan ang
kaguluhan o di pagkaunawaan lalo na kung ang administrasyon
na namumuno ay hindi mahusay kung kaya’t nagre-resulta ng
mga protesta sa daan na hinaharangan ng pulis, tayo o ang mga
taong may pinaglalaban ang mga taya na patuloy binabato ng
bato ang pulis upang marinig ang mga hinaing ng bawat tao ng
gobyerno. Ang mga larong tagu-taguan, langit-lupa, mataya-taya,
agawan base at patintero ay ay nagpapakita ng mga karahasan
kung paano tratuhin ng taya o gobyerno ang mga biktima.
Kung kaya’t sa mga larong ito ipinapakita na kung gaano
bayolente ang mga taya para lang mahuli at mapatumba ang
mga biktima at makuha ang dapat nilang makuha. Sa mga
biktima naman, tila bang sila’y naglalaro sa pagitan ng buhay at
kamatayan para lang maipagtanggol ang mga pag-aari nila.
Ang mga laro ay pinapakita ang kultura natin na kung saan
ay atin nang nakasanayan katulad nalamang ng karahasan,
krimen at gawain ng mga gobyerno na tila bang wala ng
katapusang pangloloko sa taong bayan.
Download