CHRISTALYNE JHOEY OSORIO TAN FIL 1 BSBA I-A G. MOTAS Gawain1: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong sariling pananaw. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang. 1. Ano ang impormasyon? Ang impormasyon ay pagbabahagi ng bagong kaalamanan sa ibang tao, maaring tungkol sa tao, pangyayari, sitwasyon, bagay o lugar. 2. Bakit mahalaga ang pagkalap ng impormasyon? Mahalaga ang pagkalap ng TAMANG impormasyon sapagkat ito ay ating lubos na inaasahan lalo na sa kalagayan natin ngayon. kailangan mayroon tayong kamalayan sa kasalukuyang nangyayari sapagkat ligtas ang may alam. 3. May pagkakataon ba na dapat hindi natin pinaniniwalaan lahat ng mga balitang lumalabas sa TV, Radyo at internet? Oo, sapagkat sa panahon ngayon nagkalat na ang nagbibigay ng mga maling impormasyon (fake news) na para lamang sa kanilang pansariling kapakanan o sa kagustuhang makapanira ng kapwa. 4. Nakapagbahagi ka na ba ng maling impormasyon sa iyong kapwa? Ano ito? Oo, nagkaroon ng pagkakataon nuon na sinabi ko sa nakatatanda kong kapatid na kasama ang aming barangay sa mga itinalagang barangay na LOCKDOWN ngunit hindi pala ito totoo, ito ay haka haka lamang pala ng kapwa naming residente sa barangay. 5. Paano mo sinisigurong tama ang mga nakalap mong impormasyon? Sinisiguro ko na ang impormasyon na nakalap ko ay nang galing mismo sa taong nagsabi bago ko ipamalita sa iba. Gawain 2: Panuto: Kumalap ng mga kakatwang impormasyon, Lakipan ng mga batayan at ebidensya at ilagay sa malinis na papel. Ang mga batayan o ebidensya ay maaaring LINK, LARAWAN o DOKUMENTO. “Pagkamatay ng mga High Profile inmates sa Bilibid pinagtatakhan, Nais imbestigahan” Patay na at na-cremate na si Jaybee Sebastian ang Drug convict na tetestigo laban kay Leila De Lima nuong Hulyo 18 2020 ayon sa Death Certificate galing sa punenaryang pinagdalhan sa kanya na ang cause of death nito ay atake sa puso pero nakasaad din dito na ang Covid 19 ay isa sa contributing condition nito. Itinangging magsalita ni Derector General of Bureau of correction, Gerald Bantag ang usapin tungkol dito dahil sa Privacy Act. Naglaon mismong Department of Justice na ang nagkumpirma na ito ay patay na. Nagkaron ng mga espekulasyon na totoo nga bang namatay ang mga ito? kabilang na ang walong high profile inmates na pare-parehong drug dealers, bwelta ni Bantag na mag bigay ng ebidensiya na kunwari lang na namatay ang mga ito para sila ay mapatakas. Ipinaubaya ng Malacañang ng imbestigasyon sa DOJ lalo na at may agad namang tugon ang mga ito sa kaso. -TV PATROL ABS CBN NEWS HULYO 20 2020 https://www.youtube.com/results?search_query=abs+cbn+news+jaybee+sebastian