Uploaded by Jon Graniada

7 - ESP 8 Q1 W1

advertisement
8
1
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
1
Ang modyul na ito ay
magkatuwang na inihanda at
sinuri ng mga edukador mula
sa pampublikong paaralan
ng Sangay ng Laoag.
Hinikikayat namin ang
mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na
tulungan kami para lalong
mapaganda at mapuno ng
kaalaman ang modyul na ito
para sa ating mga mag-aaral.
Mahalaga po sa amin
ang inyong mga puna
at mungkahi.
Maraming Salamat.
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
2
MODYUL SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
KWARTER 1
LINGGO 1
ARAW 1 & 2
YUNIT I
ANG PAMILYA BILANG UGAT
NG PAKIKIPAGKAPWA
DEVELOPMENT TEAMS
WRITERS
ROSALIE O. LINGALING
ANIDA F. PATOC
CASSANDRA JUAN SUBASTE-ANSAGAY
TRICIA CLARYSSE GUERRERO SAVADOR
BABY RODEL SABINO R. DAQUIOAG
EDITOR
REVIEWER
ILLUSTRATOR
LAY-OUT ARTIST
MANAGEMENT TEAMS
WBLS-OBE
MELC-Aligned
BABY RODEL SABINO R. DAQUIOAG
____
____
BABY RODEL SABINO R. DAQUIOAG
VILMA D. EDA
JOYE D. MADALIPAY / DOMINGO L. LAUD
LOURDES R. ARUCAN
JUANITO S. LABAO
JO EULIE MAE T. DOMINGO
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
3
YUNIT I
ANG PAMILYA BILANG UGAT NG
PAKIKIPAGKAPWA
GOOGLE IMAGES
ARALIN
1-1
ANG PAMILYA BILANG
NATURAL NA
INSTITUSYON
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na
institusyon.
Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
Mga Kasanayang Pampagkatuto
1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nakapupulutan
ng aral o may positibong impluwensya sa sarili (EsP8PB-Ia-1.1).
2. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya
sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood (EsP8PB-Ia-1.2).
3. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na insttusyn ng
pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili
tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa (EsP8PB-Ib-1.3).
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagpapatatag ng pagmamahalan
at pagtutulungan sa sariling pamilya (EsP8PB-Ib-1.4).
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
4
ALAMIN
U
sapang pamilya naman tayo! Alam ko na kapag pinag-uusapan ang
pamilya, samu’t sari ang emosyon na nararamdaman mo, dagdag
pa ang iba-ibang kaisipan na sasagi sa isipan mo.
Ang kinagisnan mong pamilya – kumpleto man o hindi ay alam mong ang iyong
pamilya ang alam mong karaniwang nagbibigay sa iyo ng pundasyon ng aral at mga
magagandang asal at pag-uugali.
Samantala, naiiba naman ang pamilya sa iba’t ibang institusyon na maaaring
kinabibilangan mo sa labas ng iyong tahanan tulad ng sa paaralan, pamahalaan at
iba pa, sa pagpapatibay ng iyong pagkatao bilang isang unaasahang bahagi ng iyong
pamilya.
Bilang isang Pilipino, alam kong may malaking puwang sa iyong isip at puso
ang iyong pamilya at tutulungan ka ng modyul na ito upang sapat ang pagkakakilala
at pag-unawa mo sa tunay na saysay ng pamilya sa iyong sarili at sa lipunan.
Pagkatapos ng iyong paglalakbay sa modyul na ito ay inaasahang masasagot
mo ang mahahalagang tanong na:
1. Anu-ano ang magagawa ng pamilyang makatao at mapagmahal na
lipunan?
2. Bakit at panno matuturuan ng pamilya ang mga kasapi nito na taos-pusong
gampanan ang panlipunan at pampolitikal na tungkulin nito?
3. Paano paiiralin ng isang pamilya bilang orihinal na paaralan ng
pagmamahal?
4. Kailan naisasagawa ang mga mahahalagang gampanin na dapat
isakatuparan ng mga magulang bilang unang guro sa tahanan? Ipaliwanag.
SUBUKIN
M
ay nakapagtanong na ba sa iyo kung ano ang iyong pananaw
tungkol sa pamilya? Marahil sasang-ayon ka na magkakaiba ang
pananaw ng mga tao tungkol dito. Sa pagkakataong ito, magandang
maisalarawan moa ng iyong pamilya.
Mga Panuto:
1. Gamitin ang pagkamalikhain sa paglalarawan ng iyong pananaw tungkol sa
pamilya. Maaaring gawin ang sumusunod:
a. Gumuhit o di kaya ay gumupit ng mga larawan na maaaring magamit
sa paglalarawan.
b. Pumili ng isang awit na tutugma sa sariling paglalarawan.
c. Sumulat ng tula.
d. Lumikha ng isang slideshow, atbp.
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
5
2. Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na tanong sa pagsasagawa ng
gawain:
a. Paano mo ilalarawan ang isang pamilya?
b. Ano ang kahulugan o kabuluhan ng pamilya para sa iyo?
3. Maaaring lakipan ng maikling paliwanag ang ginawang paglalarawan.
4. Matapos ang gawain ay ibahagi ang ginawa sa isang kaibigan o kapamilya.
Maaari din itong i-share sa facebook.
5. Gumawa ng ulat mula sa ginawang pagbabahagi sa sariling kuwaderno.
6. Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno:
a. Anong isang salita ang maaari mong gamiting paglalarawan sa
pamilya? Bakit mo napili ang salitang ito?
b. Anong karanasan sa pamilya ang nagbunsod sa iyo upang
magkaroon ng ganitong pananaw tungkol sa pamilya?
c. Anong mahalagang mensahe ang nais mong ipaabot sa iyong sariling
pamilya?
BALIKAN
a pagpapatuloy ng ating aralin, balikan natin ang iyong kaalaman
patungkol sa ating usaping pampamilya. Alam kong batid mo ang
mga pananagutang pansarili at kung paano ka nagiging mabuting
kasapi ng pamilya.
S
Halina at suriin ang iyong sarili kung ikaw ay nagiging mapagmahal at
matulungin, at nagiging huwaran at inspirasyon ng mga nakababata mong kapatid o
ng mga tanong nakakasalamuha mo sa iyong lipunan. Tandaan mo, ang pamilya ay
isang natural na institusyon ng lipunan at malaki ang iyong responsibilidad dito.
Sa pagkakataong ito, gawin ang mga panuto sa ibaba para sa isang pagsusuri
ng iyong sarili:
1. Kumuha ng iyong larawan at idikit ito sa gitna ng isang pahina ng
iyong papel.
2. Sa kaliwa nito ay isulat ang mga katangian mo bilang ikaw (at
miyembrong iyong pamilya.
3. Sa kanan naman, itala ang mga alam mong ginagampanan mo at
nagampanan bilang bahagi ng iyong pamilya
4. Sa ibaba, magsulat ng isang repleksiyon kung paano mo
nagampanan ang iyong tungkulin bilang ikaw ay bahagi ng iyong
pamilya at ng lipunan.
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
6
Narito ang halimbawa ng iyong gawain. Maaaring dagdagan ang mga kahon
kung nanaisin.
matulungin
GOOGLE IMAGE
Nagliligpit at naghugugas
ng mga pinagkaina
naming lahat .
SINO AKO?
Simula’t sapul, alam kong isa akong napakabuting anak.
Masasabi ko ito dahil isa akong matulungin na mag-aaral. Nakita
ko na ako’y matulungin sapagkat, nararamdaman ko ang aking
sarili bilang isang matulungin na tao. Pinalaki ako ng aking mga
magulang na may dalisay na puso.
Dahil sa aking katangian, marami ang nagkakaroon ng
inspirasyon at nakagagawa ng isang magandang halimbawa
katulad ko.
TUKLASIN
H
WBLS-OBE
alina at tuklasin ang mga bagay na kadalasan ay hindi natin alam
tungkol sa ating sarili. Alamin kung sino ka; kung ano ang pwede
mong gawin sa iyong sarili para mapagyaman ang iyong samahan
bilang bahagi ng inyong lipunan.
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
7
SINO AKO?
Mga Panuto:
GOOGLE IMAGES
1. Panoorin ang video clip na matatagpuan sa URL na ito at pagnilayan ang bawat
liriko nito.
https://www.youtube.com/watch?v=cDktncQuQrU
2. Sagutin ang ilang mga katanungan na nasa ibaba sa iyong kwaderno:
a. Ano ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa ng gawaing ito?
b. Ano ang mahalagang reyalisasyon na iyong nakuha mula sa gawaing
ito?
c. Paano ngayon makakatulong ang iyong reyalisasyon sa iyong sarili at
sa iyong pagkakaintindi ng iyong katungkulan sa iyong pamilya?
Ipaliwanag.
3. Kumuha ng mga larawan na isinasagawa mo ang iyong mga reyalisasyon at
subukang gumawa ng slideshow na pwedeng ibahagi sa mga kaklase.
4. Narito ang mga ilang halimbawa ng mga larawan ng maari mong isama at
lagyan ng deskrpsyon.
SURIIN
B
asahin ang sanaysay sa ibaba. Ito ay naglalaman ng mga
impormasyon na nagpapaliwanag kung paanong ang pamilya ay
nagiging likas na institusyon.
PAGTUTULUNGAN NG PAMILYA:
SUSI NG MABUTING PAKIKIPAGKAPWA
Ang tao ay ginawa ng Diyos na Obra Maestra. Dahil dito, dumadaloy ang
kabutihan sa ating pagkatao. Samakatuwid, ang pagtutulungan ay natural ding
dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang nasa
mabuting kalagayan ang buong pamilya. Kilala ang Pamilyang Pilipino sa pagkalinga
sa kanilang mga anak. Palaging nakahandang tumulong ang mga miyembro sa oras
ng pangangailangan ng bawat isa.
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
8
Sa ating bansa, likas ang pag-aaruga sa nakakatanda. Hindi hinahayaan ang
ina o amang tumatanda na maiwan sa nursing home katulad ng mga dayuhan; bagkus
sila ay aalagaan hanggang sa huling yugto ng kanilang buhay. Hind man maalagaan
ng lahat ng mga anak ay patuloy ang pagtulong pinansiyal ng ilan.
Katulad
ng
ibang
mga
pagpapahalaga, ito rin ay itinanim ng mga
magulang sa kanilang mga anak. Mula pa
nang sila ay maliliit sinasanay na sa
pagahahati-hati ng mga gawaing bahay,
binibigyan ng tungkulin ang mga mas
nakatatandang kapatid sa kanilang
nakababatang kapatid, at nagtutulungan
ang bawat isa sa kanilang mga takdangaralin
GOOGLE IMAGES
ANO BA ANG KAHULUGAN NG PAKIKIPAGKAPWA?
Ang pakikipagkapwa ay isang mahalagang bagay na kailangang gawin ng
bawat tao. Ang kahulugan ng pakikipagkapwa ay ang pagkakaroon ng maganda at
maayos na pakikipag-ugnayan sa ibang mga kapwa tao. Ang isang taong may
pakikipagkapwa ay marunong makilahok sa isang samahan, marunong makiisa, hindi
makasarili, at ang kabutihan ng nakararami ang iniisip. Iyan ang kahulugan ng
pakikipagkapwa. (https://brainly.ph)
Upang mas mainitindihan mo ang konsepto ng pakikipagkapwa, narito ang iba
pang mga kahulugan nito:
1. Ang pakikipagkapwa ay ang pagkakaroon ng
maganda at maayos na pakikipag-ugnayan sa
ibang mga kapwa tao.
2. Ang isang taong may pakikipagkapwa ay
marunong makilahok sa isang samahan.
3. Siya rin ay marunong makiisa.
4. Siya ay hindi makasarili. Ang kabutihan ng
nakararami ang iniisip.
5. Siya ay may malasakit sa kapwa.
6. Ang taong may pakikipagkapwa ay umiiwas na
makasakit ng ibang tao.
7. Siya rin ay naglilingkod sa kapwa tao.
8. Ang taong may pakikipagkapwa ay sumusunod sa
GOOGLE IMAGES
"Golden Rule" o "Gintong Aral" na "Huwag mong
gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo."
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
9
PAGYAMANIN
S
HALINA AT TAYO AY MATUTO
a susunod na mga gawain, panoorin ang mga iba’t ibang palabas
na matutunghayan sa Youtube at isagawa ang mga iba’t ibang
gawain na napapaloob dito, o maaring gumawa ng ibang gawaing
angkop sa pag-aaral ng mga sumusunod na leksiyon.
https://www.youtube.com/watch?v=wzn8_GzyeR0
https://www.youtube.com/watch?v=JWYZVm5Urj4
https://www.youtube.com/watch?v=52-fyj0KTGU
ISAISIP
A
ng mga sumusunod na tanong ay suhestyon na maaring
gamitin sa pagpapalawak ng pag-unawa sa araling ito.
Sagutin ang mga ito. Maaaring gumawa ng ibang katanungan
kung kinakailangan na angkop sa pinag-aaralan.
1. Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Paanong paraan isinasagawa ang pakikipagkapwa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa kapwa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Paano napagtitibay ang pakikipagkapwa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
ISAGAWA
PAGHINUHA NG BATAYANG KONSEPTO
Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, buuin ang mahalagang
konsepto na nahinuha base sa mga larawan na nasa ibaba.
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
10
GOOGLE IMAGES
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
TAYAHIN
PAGPAPAKITA SA AKING PAGKATUTO
Panuto: Basahing at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik
ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang tao ay tinagurian ng Dios na?
a. Obra Maestra
c. Tao
b. Hayop
d. Kapwa
2. Ito ay batayan ng tao kung ano ang tama at mali.
a. batas moral
b. konsensya
b. birtud
c. pagpapahalaga
3. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin
sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng
pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak,
gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos
na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang
tahanan na gagabay sa mga bata.
4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng panlipunang
gampanin ng pamilya?
a. Pagtulong sa kapitbahay
b. Pagbabantay sa mga bata
c. Pagtatapos ng pag-aaral
d. Paghuhugas ng pinggan
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
11
5. Ang panlipunang papel ng pamilya ay nagagampanan kung ito ay
nagpapamalas ng gawaing _______.
a. makakalikasan
c. makatao
b. makasisiya
d. makadiyos
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gamit ang bond paper, isulat ang mga mahalagang repleksyon
na nakuha mula sa aralin Maaari mong gawin sa pamamagitan ng isang
tula, sanaysay o paglikha ng awitin o di kaya’y poster at slogan. (15
puntos)
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
12
SANGGUNIAN
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
WBLS-OBE
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Modyul para sa Mag-aaral), pp.1-28
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Patnubay ng Guro), pp.1-14
https://brainly.ph
Google images
https://www.youtube.com/watch?v=wzn8_GzyeR0
https://www.youtube.com/watch?v=JWYZVm5Urj4
https://www.youtube.com/watch?v=52-fyj0KTGU
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
13
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education- Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)-771-3678
Email Address: laoag.city@deped.gov.ph
WBLS-OBE
MELC-Aligned
Self-Learning Module
Edukasyon sa Pagpapakatao
14
Download