Uploaded by Mary Tilar

Aswang Diary

advertisement
Aswang
Diary
B
akasyon na naman! Salamat at matapos ang sobrang pagod buhat ng pagsusunog
ng kilay sa paaralan ay ito na ang pinakahihintay ko. Ngayon kasi ay nasa bahay ako
ng aking Lola, nagbabakasyon at nagre-relax. Bukas pala pupunta kami sa puntod ng lolo ko dahil Todos Lo Santos na, panahon sa
pagalala natin sa mga yumaong nating mga minamahal sa buhay.
Kasabay nito ang mga samut-saring katakot-takot na kwentong kababalaghan. Sa aming
bayan laganap ang mga kwen- tong nakakatakot. Ngayon nga lang balitang-balita sa aming baryo
ang isang lalaking nakitang nakahandusay sa kanto. Nakita ang sinasabing lalaki na naliligo sa
sarili niyang dugo. Hindi alam kung sino ang may kakagawan. Sabi-sabi ng mga matatanda dito,
gawa daw yun ng Aswang.
Isang gabi may kaluskos na nanggagaling mula sa aming bintanang hinanayan ng mga
patpat. Sa isang iglap, may kalab- og sa aming pintuang sinaraduhan ng mga kawayan. Tila
pinaglalaruan ako ng oras – kaluskos doon, kalabog dito, at paulit-ulit.
Sa bawat pagpasok ng matinis na tunog sa’king mga tainga, nabibigyan ako ng hudyat na lumipas
na ang isang minutong
pagyakap ng pangangamba sa akin. Lilipat muli ang kamay ng orasan pakanan at kakabog sa’king
dibdib ang pusong dama ang paghihirap ng baga.
Pagsapit ng araw, inalmusal ko ang isang balita na may isang 17-anyos na binata daw ang
natagpuang nakahandusay.
Nakakapanlumo daw ang sinapit ng batang ‘yon. Sabi ng isang saksi gabi daw nung nangyare ang
pagpatay, may narinig daw siyang yabag na bumabaon sa kalupaan at ang katahimikan ay bigla
daw nabasag at napalitan ng ingay ng pagmamakaawa ng binata. Dagdag pa ng saksi na malaki ,
maitim at matangkad daw ang gumawa noon. Patunay na aswang nga ang pumatay sa binata.
Nakakaawa ang nangyare sa kaniya. Walang kalaban-laban tapos biglang mawawalan agad
ng buhay.
Nakakatakot at nakakapanghina ang mga nangyayari sa aming baryo. Dumadanak ang dugo
gawa ng mga pinaniniwa- laang Aswang. Di ko alam baka bukas ‘eh ako na ang susunod na
maging biktima o baka ang pamilya ko na.
Madilim ang paligid, nagbabantang bumagsak ang ulan at napakalamig ng simoy ng hangin.
Lumabas ako ng bahay
upang bumili nang makakain. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasaksihan ko na ang sinasabing
“Aswang” . Aswang na puma- tay sa napakaraming buhay. Nasaksihan ko ang kakampi ni Hudas na
siyang kinatatakutan ng napakaraming mamamayan sa
aming baryo. Nagdurugo ang puso ko nang minsang mabanaagan ko ang senaryo ng paag-atake
ng Aswang habang wala si- yang awa sa pagpatay sa aming kapit-bahay.
“H’wag po,
huwag po.
Inosente po
ako. ”
“Bang…
bang …
bang …”
Kasabay ng pagputok ng mga baril, ang siyang pagpatak ng aking mga luha. Ang aswang
na inakala ko, ang aswang na pinaniwalaan ko simula nung ako ay paslit pa, at ang aswang na
kinatatakutan ko ay biglang nagbago. Ang aswang na may matutulis na kuko, may mga
malalaking pangil, may mga pulang mata, may mga mabalahibong balat at kayang magpalit ng
anyo, ay napalitan ng makabagong anyo. Ang tinaguriang “ASWANG NG MAKABAGONG
PANAHON” ay walang-iba kundi ang mga dapat na kakampi ng mga naapi at protektor ng batas,
ngayon ay alagad na ng demonyo, sila ang hanay ng mga kapulisan.
Sa kawalan, matuling naghahabulan ang iba’t ibang mga tinig na umaalingawngaw sa’king
mga tainga. Titingala sa
pinagtagpi-tagping yero at magtatago ako sa kailaliman. Nakapanlulumo. Nakapanghihina.
Babalutin ng panginginig ang aking mga buto’t kalamnan.Nababago ang pag-inog ng Mundo.
Sa pagdaan ng panahon, ang dating nakakatakot na aswang ay pinalitan ng imahe ng
totoong aswang. Libo-libo na ang kanilang mga nabibiktima at patuloy na lumulobo ang bilang ng
kanilang mga napapatay. Silang mga dapat na tumatayo at lumalaban sa kasamaan ay tila
bumabaliktad na sa sinumpaang tungkulin. Wala na silang sinasanto, bata man o matanda, inosente man o hindi.
Dati pinapayuhan ako ng aking mga magulang na huwag akong lalabas dahil madilim at
baka ako ay kainin ng mga mul- to. Pero ngayon iba na ang payo nila, “Anak, huwag kang
papagabi dahil baka mapagkamalan ka d’yan sa tabi.
Sa paglipas ng araw at sa bawat pagkagalaw nito ay ramdam ko ang hinagpis sa bawat
mamamayang humihingi ng kata- rungan at hustisya sa mga maling gawi na lumalaganap sa ating
bansa. Mga maling gawi na unti unti na nating kinasasanayan, na kahit alam nating mali ay
ginagawa natin at patuloy na pinaniniwalaan. Kailan tayo magigising sa katotohanan? Katotohanang nagmimistulan na lamang palaisipan lalong lalo na sa mga biktimang inabuso, inaalipusta,
sinasaktan, pinapatay at ha- los hindi tratuhing tao. Kailan? Kailan makikita ang tunay na
pagbabago sa mundong punong puno ng gulo?
Iba na nga talaga ang panahon ngayon, ang aakalain mong sa telibisyon mo lamang mapapanood pero ngayon,
totoo nga ang mga aswang, iba man ang kanilang wangis ngunit kasing bagsik naman nila kung kumitil at
bumiktima ng buhay. Ikaw?
Download